アプリをダウンロード
82.38% MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 145: MAKING LOVE TO A VIRGIN WIFE (1)

章 145: MAKING LOVE TO A VIRGIN WIFE (1)

Ang mga barkada na ang umukupa sa bahay-kubong ginawa nina William habang sina Marble ay naghiwalay ng landas ni Vendrick, duon ang asawa sa mga barkada nito habang siya nama'y sa dating mga kaibigan nakipagtawanan ngunit napansin niyang wala na si Gab sa buong paligid. Baka nakaalis na ito. Nakaramdam siya ng awa sa binata, hindi man lang niya ito na-estima.

Tumayo siya at muling hinanap ang lalaki sa mga bisitang naruon, sa wakas ay nakita niya itong katabi ng kanyang mga magulang sa pagkakaupo, estimang-estima ito ng kanyang ama. Nabawasan kahit papaano ang kanyang guilt sa kabila ng ginawa nito kaninamg pagsisinungaling.

Sunod niyang natanaw si Ynalyn na nagmamartsang lumapit sa kanila, may bagong design na ang magkabilang manggas ng blouse na suot. Pero nang makalapit ay saka niya napansing di magkapantay ang pagkakabutas ng mga iyon, o sadyang pinunit ng kaibigan?

"O ano'ng nangyari? Ba't ang haba ng nguso mo?" natatawa niyang puna rito saka ito pinaupo sa katabi niyang silya habang nagpapasahan ng mic ang iba pang mga kaibigan kung sino ang sunod na kakanta.

"Hmp! Pagkamalas ko naman ngayon, besty. Akalain mo bang may makaaway akong walang modong lalaki sa may pinto ng bahay niyo. Nakakainis!" pahiyaw nitong kwento, tama lang upang marinig niya ang sinasabi nito sa lakas ng tunog ng videoke sa kanilang harapan habang siya'y nakatayong nakayukod dito.

Huh? Sino naman kaya? Umayos siya ng tayo at napatingin sa pinagmulan nito kanina, saka lang niya napansin si Livy na nakayuko habang naglalakad papalapit sa mga barkada nito.

"Livy, dude!" tawag ni Vendrick sa may bahay-kubo.

Nag-angat ng mukha ang binata saka alanganing ngumiti.

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa kaibigan at kay Livy, nang di makatiis ay lumapit na siya sa kinaruruonan ng asawsa, kunwari'y binabati si Livy.

Hinawakan siya agad ni Vendrick sa kamay at pinaupo sa tabi nito.

Si Paul nama'y agad na kumunot ang noo nang masulyapan ang tumabing si Livy sa kinauupuan nito.

"Dude, ano'ng nangyari sa mukha mo? Ba't may black-eye ka?" gulat na usisa nito.

Sabay-sabay na tumitig ang mga naruon sa binata, kasama na siya, ngunit iniyuko uli nito ang mukha saka umiwas ng tingin kay Paul pero nang mapansing dito nakatuon ang lahat ay inis na itong umayos ng upo sabay baling kay Paul.

"Dude, masamang pangitain 'to. Unang beses ko 'tong punta rito, nagkaganito na agad ang mukha ko," sumbong nito sa kaibigang humalagpos ng tawa nang matitigan ang mukha, tila kinagat ng isandosenang pukyutan lalo na sa ilalim ng mata.

"Hey, what happened to you?" takang tanong ni Maricor.

"Kawawa ka naman, dude. Wala ka na ngang partner, ganyan pa ang sumalubong sa'yo sa Cebu," palatak ni Nathan, pagkuwa'y humagalpak ng tawa.

Tumayo na ang inaasar saka iniunat ang kamay at binatukan ang nagsalita.

Pigil naman ang kanilang tawa ni Vendrick.

Pero di nakatiis si Paul at talagang tumawa na nang tumawa sa nakita sa kaibigan hanggang sa gumaya na ang lahat.

Pati siya'y natawa na rin, alam na niya kung sino'ng nakaaway ni Ynalyn, halata sa mukha ni Livy. Amasona na din pala ang dalaga, dati kasi'y masayahin lang itong tao ngunit hindi palaaway.

Saka lang siya natigil sa katatawa nang maramdaman ang kamay ni Vendrick sa kanyang likuran, pumisil sa kanyang beywang. Nang sulyapan niya ito'y nilalagok na nito ang isang basong Alfonso Light.

Nanindig agad ang kanyang balahibo lalo na nang maramdaman ang init ng balat nitong tila lumilipat sa kanya at nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan.

Napasandig siya sa balikat nito, nang di makatiis ay pasimpleng humalik sa leeg ng lalaking napasinghap bigla sa kanyang ginawa saka dahan-dahang bumaba ang palad sa kanyang balakang at pumisil duon.

Pakaswal na uli itong nagsalin ng alak sa baso at tinungga iyon habang ang mga kaharap ay walang tigil sa pagkantyaw kay Livy na pulang-pula na ang pisngi sa pagkapahiya ngunit di magawang mapikon sa mga kaibigan.

Napatingin siya kay Livy at nakisabay ring tumawa sa iba pero di niya kayang balewalain ang mga labi ni Vendrick na lumapat na sa likod ng kanyang tenga at humalik duon.

"Honey..." anas nito.

Lalo lang tila nagregudon ang knyang dibdib sa excitement na nararamdaman at di sinasadyang mapaungol nang bahagya nitong kagatin ang likod ng kanyang tenga, giving her that urge to caress him back.

Buti na lang malakas ang tunog ng videoke at patuloy ang kantyawan ng mga barkada ng asawa kay Livy.

Napahaplos siya sa hita ni Vendrick sabay pisil duon at agad nang tumayo saka bumaling rito.

"Teka lang, titingnan ko lang si Kaelo sa bahay," pagdadahilan niya, ganun din ang sinabi sa mga kaibigang naruon.

Pakaswal lang na tumango ang asawa. Tumayo na siya at sunod na nagpaalam sa kina William at Ynalyn, pagkuwa'y nagmamadli nang pumasok sa loob ng bahay.

Nasalubong niya si Eva na pababa ng hagdanan upang makasali sa kasiyahan sa labas.

"Marble!" tawag nito't binilisan na ang paghakbang palapit sa kanya.

"Alam mo, nagtataka talaga ako sa tyuhin ni Tatay Luis. Kapag kasi wala ako sa kwarto niya, panay hagikhik ni Kaelo sa loob tapos English ang sinasabi, ang haba-haba pa ng litanya eh na-stroke naman ata yung matanda, di gaanong makapagsalita at nakikipag-usap sa tao, makipag-usap man, di ko rin maunaawaan ang sinasabi kasi nakangiwi ang bibig," kwento ng dalaga.

Muntik na siyang matawa sa sinabi nito ngunit tinakpan niya agad ng kamay ang bibig. Pambihira talaga ang matandang 'yon.

"Ah ganun ba? Hayaan mo na lang, at least nagkakaintindihan sila ni Kaelo," sambit na lang niya.

"Heto pa, Marble. Kahit saang anggulo ko siya tingnan, naaalala ko talaga si Senyor Leo sa kanya kaya ayuko maglagi sa loob ng kanyang kwarto, natatakot ako. Heto nga nagpaalam akong makasali sa inyo sa labas," patuloy nito.

Tinapik niya ito sa braso saka ngumiti.

"Punta ka na dun, hanapin mo na lang sina nanay," utos niya saka nagmamadali nang umakyat sa hagdanan papasok sa kanyang kwarto, hinayaan niya iyong nakabukas upang makita ni Vendrick ngunit siya yata ang gusto nitong gulatin nang makita ang malaki nitong maleta sa loob at ang isang nighties sa ibabaw ng kama.

Namula agad ang kanyang pisngi pagkakita sa nighties na yun, lace iyon sa bandang dibdib, silk naman pababa hanggang sa laylayang itatago lang yata ang kanyang undies sa ikli.

Pero agad na sumilay sa kanyang mga labi ang isang pilyang ngiti saka bumalik sa pintuan at isinara iyon sabay dumiretso sa loob ng banyo, nagmadaling naligo.

Kumakanta pa siya habang nagbubuhos ng tubig sa katawan, excited sa mangyayari mamaya at kung saan-saan napunta ang wild niyang imahinasyon kaya di niya napansing bumukas ang pinto ng banyo at pumasok duon ang asawa, wala nang saplot sa katawan.

Bibirit na sana siya ng isa pang kanta nang maramdaman ang dahan-dahang paghagod ng isang palad sa kanyang balikat, napaharap siya agad sa pangahas na gumawa niyon.

"Vendrick?!" bulalas niya, awang ang mga labi at halos lumuwa ang mga mata sa pagkakita sa hubad nitong katawan.

"M--mal--maliligo muna ako," halos di niya mabigkas ang mg salitang 'yun, hiyang-hiya sa harapan nito at sadya pang pinagkrus ang mga braso para itakip sa kanyang dibdib ngunit ang pangahas niyang mga mata'y di maiwasang mapatitig sa naghuhumindig na pagkalalaki nito.

Yumukod ito't hinalikan ang kanyang basang balikat, tila walang narinig sa kanya. Pagkuwa'y umakyat ang mga labi nito sa kanyang tenga, bahagyang kumagat sa dulo niyon, halatang sinisindihan na naman ang malamig niyang pakiramdam.

Natigilan siya, napapikit at nabitawan ang tabong hawak-hawak.

Ito nama'y hinawakan na ang magkabila niyang balikat saka inilabas ang dila't pumasok sa loob ng kanyang tenga, naglaro duon, dinidilaan ang bawat nitong madaanan, nag-iiwan ng kakaibang init sa parteng 'yon ng kanyang katawan hanggang manalaytay ang init na 'yon sa buo niyang pagkatao at huminto sa kanyang puson dahilan upang magpakawala siya ng isang ungol.

"I want you, honey..." anas nito sa kanyang tenga nang ihinto ang ginagawa.

"Yes..." paanas din niyang sagot saka nagdilat ng mata at agad na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito.

Kinabig na siya nito't isinandig sa dingding ng banyo saka sinimulan siyang siilin ng halik sa mga labi, maalab, marubdob na tila ba nagmamadali at naghahabol ng oras kaya't wala siyang magawa kundi pagbigyan ito, ipagkaloob ang kanyang buong katawan sa asawa.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C145
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン