Napabalikwas sa tunog ng tren si Eddy. Araw-araw nalang ganito ang nangyayari, nagigising siya alas-kwatro ng madaling araw. Patuloy ang pagyanig ng paligid habang dumadaan ang tren kaya mapipilitan syang tumayo at maghilamos na. Salamat na din sa tren at maaga syang tatayo upang makapaghanap-buhay.
Madilim pa ang langit at nagsisimula palang mamulat ang mga tao pero si Eddy ay nagmamadali ng lumalakad papunta ng sakayan ng Jeep.
"Magandang umaga mang Ben!" Bati ni Eddy. "Kayo po ba ang una sa pila? " Patanong nya habang minamasdan si mang Ben na parang di pa mulat ang isip sa antok.
"Kailangan mauna para makarami ng byahe, kailangan maka-ipon at manganganak na si misis." Tugon ni mang Ben.
"O sya! Umpisan ko na ang pagtatawag para makaikot na kayo." Naghanda na si Eddy at kinatok ang bakal sa estribo ng jeep at inumpisahan ang pagtawag ng pasahero.
Eto ang gawain ni Eddy sa pagbubukas ng araw. Kailangan nyan makarami ng mapupunong jeep upang kumita ng kanyang pangbaon bago pumasok sa eskwela.
Bago ang pa ang ika-siyam ng umaga kailangan ng umalis ni Eddy sa pagtatawag ng pasahero. Makikisakay siya sa huling jeep na kanya seserbisyuhan. Sasabit sya sa estribo at baba sa Sta Mesa upang pumasok sa eskwelahan. Isang estudyante ng PUP – Polytechnic University of the Philippines siya kumukuha ng kursong Electrical Engineering. Sinusuportahan nya ang kanya sarili sa pag-aaral. Di na ito bago sa kanya. Mula palang pagkabata, nagsimula elementarya siya na ay nag-tratrabaho at nagpapakain sa kanyang sarili.
Namulat si Eddy na walang pamilya. Lumaki sa kalsada at nakikitira lang sa isang maliit na pamilya ng kanyang kaibigan at tinuring na kapatid na si Eric mula palang sa kanyang kamusmusan. Napulot siya ng ama ni Eric sa isang kakahuyan noon siya ay sangol pa lamang. Mahirap ang pamilya ni Eric pero mabubuting tao kaya lumaki sila ng may tamang pag-uugali.
Habang naglalakad si Eddy patungong eskwelahan, may naramdaman syang kakaiba. Di nya mawari kung bakit o ano ang kanyang nararamdaman. May para nakatitig sa kanya at nagmamasid ng bawat galaw niya. Sinubukan nyang ilibot ang kanyan paningin upang hanapin ang pinanggagalingan ng kanyang nararamdaman.
"Eddy kamusta assignment mo sa Physics at Thermo? Patulong naman!" May humawak sa kanyang kamay kaya biglang nawala ang kanyang nararamdaman.
"Hoy! Gising ka na ba?" Bulalalas na tanong ni Ester.
Si Ester, ang pinaka maganda sa College of Engineering, Kaisa-isang babae sa kanilang kurso Electrical Engineering, pantasya ng mga kalalakihan at tagapagsalubong ni Eddy bago pumasok. Marami ang nagtataka sa mga estuyante kung bakit laging nakaabang si Ester sa gate ng College. Nang mapagtanto nila na si Eddy ang dahilan kung bakit siya laging nag-aantay ay lalo silang nagtaka.
"Uy! Bobby yung pantasya mo inabangan na naman si Eddy!" Bulalas ng kaibigan ni Bobby.
"Ewan ko ba kung bakit ganyan yang si Ester! Hindi hamak naman na mas gwapo at matipuno ako kesya dyan kay Eddy pero di man lang ako pansinin!" Mapagmalaki at lungkot na tugon ni Bobby.
"Hi Ester! Ano time ng break mo? Yayain sana kita mag-miryenda mamaya sa break mo." Binati ni Bobby si Ester na parang di nya nakita si Eddy.
Napatingin si Ester at kumapit kay Eddy. "Pasensya na may kasabay na ko sa miryenda mamaya si Eddy next time nalang" sagot ni Ester habang hatak hatak si Eddy papalayo.
"Magmimiryenda ba tayo mamaya? Wala naman tayong napag-usapan ah at wala ako pera pati nga pamasahe wala ako kaya makikisabit lang ako mamaya sa mga kilala kong Jeep." Tanong ni Eddy.
"Wag kang mag-alala sagot ko na pambayad basta tulungan mo ko sa assignment natin ha" pa-cute na tugon ni Ester.
"O sya! Pasok na tayo sa klase tapos ay punta magpunta tayo sa canteen at dun na natin sagutan ang assignment mo sa Thermo." Sabi ni Eddy.
"Pwede bang pakopya nalang ng assignment para di na tayo magtagal?" Tanong ni Ester habang nakanguso at patuloy ang pa-cute.
"Hay naku! Sabi mo turuan kita at hindi kopya kaya payag ako. Pano ka matututo kung kokopyahin mo lang? Wag kang mag-alala madali lang matutunan yun kailangan mapaliwag ko sayo kung paano sya nasolusyunan" tugon nya sabay hawak sa ulo at hagod sa buhok para parating na siya bahala sa pagpapaliwanag.
Matapos ang unang klase ay nagtungo sina Eddy at Ester sa canteen upang kumain at mag-aral. Marami ang tao sa canteen halos lahat ng mesa ay okupado ng bilang may tumawag sa bandang gilid ng canteen.
"Ester! Dito may pwesto pa" sigaw ni bobby. Halatang inaantay talaga sila ni bobby sa canteen.
"Sa ibang lugar nalang tayo Edz. Nakakairita yan si Bobby laging sunod ng sunod." Aya ni Ester.
"Wag na konti lang oras ng break natin masasayang lang sa paghahanap ng pwesto." Pilit ni Eddy.
Pumunta sila at naupo sa lugar ni Bobby. Hinila ni Bobby ang upuan at pinaupo si Ester. Akmang uupo sana si Eddy sa tabi ni Ester ng bigla sya hinarangan ng kasama ni Bobby at si Bobby ang umupo sa tabi ni Ester.
"Bat ikaw ang umupo dyan? Kailangan ko si Edz sa Thermodynamics assignment ko. Kailangan ko magpaturo sa kanya." Galit na sambit ni Ester.
"Thermo ba ika mo? Wag kang mag-alala may sagot na ko dyan! Pakokopyahin nalang kita!" Sabi ni Bobby.
"Di ko kailangan ng kopya gusto matutunan ang assignment. Matuturo mo ba sakin?" Pagalit na tugon ni Ester.
Alam nyang mahina din si Bobby sa subject kaya paasar nyang tinanong ito. Di malaman ni Bobby kung paano sasagot dahil batid nya sa kanyang sarili na di nya din kayang paliwanag ang subject dahil binayaran nya lang ang kanyang kaibigan para gawin ang kanyang assignment ng bilang may tumawag kay Bobby na isang kaibigan nya.
"Bobby! Hinahanap ka ni Mr. Torres!" Pasigaw na sambit ng kaibigan.
Biglang nagkaroon ng pagkakataon at rason si Bobby para makatakas sa maaaring kahihiyan.
"Paumanhin Ester may kailangan yata sakin mahalaga si Mr. Torres. Alam mo naman pati mga guro natin ako inaasahan kaya paumanhin muli at hindi kita matuturuan ngayon" payabang na sabi ni Bobby sabay talikod at alis.
Habang papalayo, tinanong ni Bobby ang kanyang kaibigan kung bakit daw sya hinahanap ni Mr. Torres.
"Sabi ni Mr. Torres na halatang-hatala daw na galing Recto ang report mo sa History. Para patunayan mo daw na di galing Recto ang report mo tatanungin ka daw nya ng mga bagay na nakasulat sa report mo." Bulalalas ng kaibigan.
Napahinto ng lakad si Bobby at naiwan ng bahagya ng kanya mga kasama. Napahinto at napalingon ang kanya mga kasama sa kanya.
"Sabihin nyo kay Mr. torres na di nyo ko nakita. Sabihin nyo nalaman nyo lang sa iba na umuwi ako at masama pakiramdam. Kailangan ko bumili ng kopya ulit at kailangan ko basahin. Sige na alis na!" Pagmamadaling utos ni Bobby.
Sa canteen, dahan-dahan pinapaliwanag ni Eddy kung paano ang solusyon sa assigment. Sinusulat nya ang bawat step ng sulusyon upang mas madaling matanto.
"Ok, pano ulit nangyari ang materials nag react sa load nya?" Tanong ni Eddy.
Nakatingin si Ester sa kanya na para bang lumilipad ang isip sa lugar. Nangangarap sa bawat sandali na kasama nya si Eddy sa isang romantikong lugar. Magkahawak kamay at minamasdan ang paglubog ng araw ng…
"Hoy! Nakikinig ka ba?" Pagalit na tanong ni Eddy.
"Ah! Oo naman!" Sagot ni Ester.
" O! Pano nga nangyari?" Mahinahon na tanong ni Eddy.
"Nangyari ang ano?" Tanong ni Ester.
"Hays! Lutang? Ano ba iniisip mo? Pano ka matuto kung di ka naman nakikinig?" Yamot na sinabi ni Eddy.
"Hehe. Sorry lutang nga ako may iniisip lang ako. Pero wag kang mag-alala tapos na ko sa assignment gusto ko lang magmiryenda kasama ka." Pangiting tugon ni Ester sabay tayo at alis.
Iniwanan nya ng ngiti si Eddy at sabay yaya para pumasok na sa klase. Napailing nalang si Eddy at sumunod kay Ester.
Matapos ang maghapon sa eskwela, kailangan magmadali Eddy patungo sa Quiapo. Papasok pa sya sa trabaho sa isang fastfood chain bilang part-time crew. Sa loob ng 30 minuto kailangan nyang makarating kaya pagtapos ng klase agad syang tumayo at tumakbo. Alam ni Ester na di nya na mapipigil para makausap si Eddy kaya hinabol nya nalang ng tingin si Eddy. Di naman nakaligtas sa obserbasyon ni Bobby ang mga pangyayaring ito. Unti-unti nakakaradam si Bobby ng inis kay Eddy kaya naiisip nya kung pano kaya sya makakaganti kay Eddy.
Habang naglalakad ng patakbo si Eddy ay may naramdaman na naman syang parang mga tingin na di naaalis. Di nya alam kung ano ang pakiramdam nya takot, kaba, pangamba. Sinubukan nya muling hananipin ang pinanggagalingan ng mga tingin na ito pero di pa rin sya nagtagumpay. Hinayaan nya nalang at ang mabilis na lakad ang naging takbo hangang makarating sa sakayan. Nag-abang si Eddy ng mga kaibingan jeepney driver para makalibre.
Sa di kalayuan … "Lolo! Parang nararamdaman nya tayo?" Patanong na sinabi ni Aika.
"Maaaring lumalakas na ang kanyang pakiramdam. Nalalapit na ang araw…" Sagot ni lolo Erning sabay tinging sa direksyon ni Eddy.
"Pinuning Erning kinakailangan na nating bumalik sa Makiling. Kailangan pa nating maghanda pa sa nalalapit sa paligsahan. Ilang lingo nalang at kailangan na nating pakilala ang ating mapipiling alagad." Isang may kaidaran lalaki ang lumapit sa kanila at nagsabi.
"Ano ang iyong pinangangbahan Balyo? Nararamdaman ko na tama ang aking pakiramdam na mahihinog na ang aking inaantay. Ilang araw nalang at nalalaman na rin natin kung naging makatwiran ang ilang taong pagbabantay at pag-aalaga sa anak ni Maria" tugon ni Manong Erning.
Si Balyo ay ikalawang pinuno ng kanilang ankan. Pina-una niya ito makabalik sa Makiling upang ayusin ang mga paghahanda.
"Muntik ka na namang ma-late! Yari ka naman sana kay manager!" Paasar na sabi ni Justin kay Eddy.
"Hehehe! Muntik lang di naman late!" Pangiting sagot ni Eddy.
"Mag time-in ka na at medyo mainit si manager baka mapansin ka pa" payo ni Justin.
Nagmadali si Eddy mag time-in at natungo agad sa kusina.
"Eddy nag stay ka mamaya at ikaw ang mag-cleaning. Kailangan ko yung iba bukas ng umaga at may event tayo."
Pautos na sinabi ng manager kay Eddy.
"Sir baka pwede next time na ko mag-cleaning kasi kailangan ko pang magreview at may exam kami bukas" sinusubukan ni Eddy na makiusap dahil pag na-assign sya sa cleaning kailangan nya mag stay ng hangang matapos ang lahat at maubos customers. Kailangan nya tapusin lahat ng kailangan linisin at ang huling gawain ay ang pagtatapon ng basura na kadalasan natatapos ng madaling-araw.
"Wala ngang sasalo sa cleaning lahat ng kasama mo kailangan bukas ng umaga. Kung gusto ko ikaw ang duty bukas ng umaga na di naman pwede dahil may pasok ka sa eskwela. Kaya ikaw ngayon!" Medyo mataas na ang boses ni manager.
Napakamot nalang ng ulo si Eddy at agad natungo sa station nya. "Gandang pa Birthday noh?" Pabiro ni Justin.
"Di ko pa naman birthday napaaga naman yata!" Sagot ni Eddy.
"Pa-birthday na yan! Ano nga pala balak mo sa birthday mo? Debute mo na di ba?" Pabiro ni Justin.
"Ano ko babae debute sa 18 years old? Hehe! Wala naman ako balak wala kong pera para sa ganyan! Umabot na ko ng 18 di man lang ako nakatikim ng selebrasyon. Wala pa ring pagbabago…" Bigla lungkot na tugon ni Eddy.
"Malay mo ngayon mabago na ang taon mo. Malay mo biglang may dumating isang mayaman na na kamag-anak mo pala at bigyan ka ng regalo at paghanda ka ng grabo sa Birthday mo." Patukso ni Justin.
"Sige na magtrabaho ka na gutom lang yan!" Sagot ni Eddy.