KAAGAD namang umalis sa harapan ko si Sheila. Para itong kinakagat ng langgam sa singit sa sobrang kilig. Napapailing na lamang ako.
"Daniel..."
Napalingon ako sa tumawag. Ang ganda ni Anne. Naka-shorts lamang siya at T-shirt. Ang sweet pa ng ngiti niya. Napatitig talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng mga babae, aside kay nanay Lea, ay si Anne lang talaga ang naa-appreciate kong maganda.
"Anne," nakangiti kong sabi. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko. Napapikit ako sa sobrang bango niya.
Umakbay siya sa 'kin at tinitigan ako sa mukha.
"Bakit medyo namamaga ang mga mata mo, Daniel? Umiiyak ka ba?" tanong niya.
"Huh? Ah... hindi," nagkandautal-utal kong tugon.
Alam kong hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko pero laking pasalamat ko kasi hindi rin naman niya iginiit iyon.
Napatingin ako kay Sheila. Nakatingin din pala ito sa amin at nasa mukha nito ang pagseselos. Natawa ako sa aking isipan.
"Samahan mo ako, Daniel."
"Saan?"
"Sa langit," natawa si Anne sa kanyang naging tugon. I also laughed. "Ano... tara na?" dagdag niyang sabi.
"Sure... cool ako diyan," natatawa ko pa ring sabi.
Nilisan nga namin ang naturang park at hindi ko alam kung saan nga ang destinasyon namin basta sumama lang ako sa kanya. Panay ang kuwento ni Anne ng kung anu-ano at tawa naman ako nang tawa. Sobrang saya ko talaga nang mga sandaling iyon at kahit papaano ay nakalimutan ko ang aking mga problema.
"Inom tayo ng pampainit, Daniel," sabi ni Anne. Mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko no'n. As in hawak-kamay talaga kami habang naglalakad.
Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Natawa siya at napatingin sa isang mini bar. Naintindihan ko naman agad siya. As usual, sapat lang ang dala kong pera kaya nag-hesitate na naman ako sa naisip niya.
"Treat ko, okay," sabi pa ni Anne.
Humugot ako nang malalim na hininga. "Makakabawi rin ako sa 'yo, Anne, balang araw. 'Pag nagkaroon na ako ng trabaho, ikaw talaga ang una kong ililibre sa first salary ko," nahihiya kong sabi sa kanya.
Napatitig si Anne sa akin. "Daniel, gaya nga ng sabi ko sa 'yo, sobrang masaya ako kapag kasama kita at sapat na 'yon sa 'kin," seryoso niyang sabi.
Napangiti ako sa kanya. Ngumiti rin siya sa 'kin. Pumasok nga kami sa naturang mini bar. Um-order agad siya ng Red Horse at sisig.
"Anne, hindi ako sanay uminom," I reminded her. "Kaya h'wag mong damihan, ha."
"I know," nakangiti niyang tugon.
Nag-umpisa nga kaming uminom. Panay pa rin ang kwento ni Anne ng kung anu-ano sa akin. That time, hindi ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Bakit sobrang gaan ng loob ko kay Anne? Why I had this feeling na isa si Anne sa mga taong importante na sa 'kin at ayokong mawala? Napuno ng mga katanungan ang isipan ko nang mga sandaling iyon.
Biglang sumagi sa isipan ko si Brad. Alam kong mahal ko talaga siya pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung gusto na niyang lumayo?
That's life, maybe I should start to accept the fact that people really come and go. Masakit, oo, pero makakaya ko rin ito. Ang dapat kong gawin ay pahalagahan ang mga taong nanatili sa buhay ko. And I realized that Anne was one of them.
"Thank you so much, Anne," seryoso kong sabi sa kanya.
Ininom muna niya ang Red Horse bago nagsalita, "Salamat din, Daniel," seryoso niya ring sabi.
"Seriously, ang saya ko talaga kapag kasama kita," I said.
Nangislap naman ang kanyang mga mata sa sinabi ko. Perhaps, she's thinking na maaaring nahuhulog na rin ang loob ko para sa kanya. Pero why not 'di ba? Bakit hindi ko subukan? Paano ko malalaman kung patuloy kong isasara ang aking puso para kay Anne?
"Daniel, open na open ako sa nararamdaman ko para sa 'yo noon pa. You know how much you mean to me. I could set fire through the rain maging akin ka lang. I just hope bibigyan mo ako ng dahilan para umasang magkatotoo nga ang pangarap kong maging tayo balang araw," madamdaming sabi ni Anne. Alam kong medyo naaapektuhan na siya sa ininom naming Red Horse no'n.
I hold her hands. Nakapatong ang mga iyon sa mesa. Medyo napaigtad siya. I looked at her very seriously. Sa isip ko nang mga sandaling iyon, It's now or never. May gusto rin akong i-prove sa sarili ko, e. Bukod sa kailangan ko ng taong makakatulong sa akin na tuluyang kalimutan si Brad, gusto ko ring i-test ang sarili sa possibility na maging straight nga ako. Being gay is not bad, not for gays na kayang lumabas sa closet nila. Pero sa sitwasyon ko, ang hirap talaga. Hanggang kailan ako magtatago 'di ba? Oo, alam kong bakla rin si tatay Rey pero ewan ko ba, takot pa rin talaga akong mabulgar ang totoo kong pagkatao.
"Anne, okay lang ba sa 'yo na maging tayo?" buo ang loob kong tanong sa kanya.
Napanganga si Anne sa aking katanungan. Kapagkuwa'y nangilid sa gilid ng mga mata ang matatabang luha. Alam kong hindi siya makapaniwala.
"Seriously?" Biglang nag-unahan sa pagbalong ang kanyang mga luha.
Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang mga kamay. "Very serious, Anne," nakangiti kong sabi sa kanya. "I want you to be my girl."
"Oh my, God! I love you so much, Daniel," malakas niyang sabi kaya may mga napalingon pa sa 'min. Ako naman tuloy ang nahihiya nang mga sandaling iyon. Lakas makateleserye ng sitwasyon namin, e. Halata pang kinilig ang iba.
So that's it! Naging kami nga ni Anne. So far masaya naman ako. Naging well-known din sa campus ang relationship namin at sobrang proud naman si Anne kasi ang daming naiinggit sa kanya. Mayabang na kung mayabang pero maraming babae talaga na naghahangad mapansin ko lang. Siguro kung straight ako, ang dami ko na sigurong navirginan na babae. Pero hindi, e. Kaya ayun, virgin pa rin ako sa mga babae.
Malaking tulong talaga si Anne sa 'kin dahil paminsan-minsan na lamang pumapasok sa isipan ko si Brad. Pakiramdam ko nga ay ganap na akong lalaki dahil sa kanya. We kissed and hugged pero never pa talaga naming nagagawa ang 'sex'.
Madalas siyang magpakita ng motibo lalo na kapag nagkakasarilinan kami kasi pinapasama niya ako sa kanyang tinitirhan pero hindi ko pa talaga kaya. I always explain to her that it's not yet the right time. At saka wala talaga e, I couldn't feel anything sa panglalandi niya sa akin.
It's embarrassing nga kasi may mga panahong kailangan ko pang isipin si Joseph Marco everytime maghahalikan kami para lang mapagbigyan ang kanyang kagustuhan. Noong una ay si Brad ang iniisip ko pero lagi kong pinapagalitan ang aking sarili kaya nang lumaon ay si Joseph Marco na ang ini-imagine ko while making out with Anne. Sa totoo lang ay medyo nahirapan na ako sa pinasok kong relasyon. Pero ayokong sumuko.
One day, umuwi ako galing sa school na umiiyak si nanay Lea. Nakayakap naman si tatay Rey sa kanya.
"Nay, tay, bakit?" tanong ko sa kanila.
Hindi agad sila nakasagot sa akin. Nakita ko ang isang sobre sa kamay ni nanay. Kinuha ko iyon mula sa kanya. Hindi naman nila ako pinigilan at binasa ko nga iyon. Nagdedemanda na pala ng kasong estafa si mang Rodel sa kanila.
Shit! Ano'ng kailangan kong gawin? May magagawa ako para makatulong sa kanila pero paano nga kung totoo ang nasa isipan ko? Kailangan bang may magbuwis ulit ng buhay?
Nang gabing iyon ay pinuntahan kami ni mang Rodel sa bahay. Wala si tatay Rey no'n at alam kong naghahanap na naman nang mauutangan. Galit si mang Rodel at kung anu-anong pang-iinsulto ang sinasabi. Naaawa talaga ako kay nanay nang mga sandaling iyon.
Naka-boxer lang ako nang lumabas sa kwarto. Nilapitan ko si nanay Lea at niyakap nang mahigpit. Si mang Rodel naman ay kakaiba ang mga titig sa akin. Naglalakbay ang mga mata niya sa aking kabuuan lalo na sa nakabukol kong harapan. Kumagat labi rin siya.
Putang ina! Ang landi talaga ng matandang ito. Sigaw ko sa isipan no'n. May nabuong poot at galit sa dibdib ko para kay mang Rodel at may isang hindi kaaya-ayang ideya ang pumasok sa aking isipan.