アプリをダウンロード
70% LOVERS IN FICTION [TAGALOG] / Chapter 7: KABANATA 6

章 7: KABANATA 6

Kapag tumibok ang puso

Maaga akong pumasok sa Rosehill kinabukasan. Dinaanan ko kanina si Jean kaso ay tulog pa sabi ng kanyang nanay. Sa may soccer field ako dumaan sa kadahilanang may construction na ginagawa sa gate 3, kung saan ako dumadaan papasok. Sumakay pa tuloy akong jeep papunta sa gate 1 ng Rosehill.

Daanan din naman 'yon ng estudyante, mas napalayo lang ako.

Malayo pa naman din ang college building namin dito. May libreng eco-jeep naman na maaring masakyan na paikot-ikot sa campus. Nga lang, masyado talaga akong maaga kaya wala pa sila. May nakakasalubong din akong iilang estudyanteng sa loob ng campus nagdo-dorm na nagjo-jogging sa sidewalk, meron din sa loob mismo ng field.

Naupo muna ako sa unahang row ng bleachers; nagpapahinga at nagaabang sa eco-jeep. Inunat ko ang braso ko bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng bag.

Nag-text ako kay kuya kung gising na siya. Maya-maya lang ay tumunog na ang cellphone ko sa tawag niya.

"Good morning!" Bati ko.

"Maganda yata ang gising ng maganda kong kapatid. Nasa school ka na ba?"

Napangiti ako, "Oo, Kuya! Maaga rin ang uwi ko mamaya, e. Hmm, pauwi na po ba kayo rito?"

Napakagat akong labi. Kinabahan na ako, uuwi na rin si Sir Shaun at malalaman na niya ang kasalanan ko.

"Hindi pa, e. Magtatagal pa raw kasi 'yung amo ko."

I guess he won't be here this sunday? Miss ko na si Kuya pero maganda na ring ganito. Mahirap na't baka mabuko niya ako. Hindi rin nagtagal ang usapan namin, naririnig ko na rin sa background na tinatawag siya ng kanyang amo. Nagpaalam na ako kay Kuya sabay patay ng tawag. Ibinulsa ko na lang sa PE uniform kong suot ang cellphone. 

Huminga akong malalim habang tinignan ang varsity team ng soccer na nagwa-warm up exercise sa gitna ng field. Sa likod no'n, nakita ko ang pagdaan ng eco-jeep. Nagmadali akong tumayo at naglakad patungo roon nang tumama sa paa ko ang soccer ball.

"Yo! Miss!" Someone in the soccer team holler at me.

Napatingin ako sa kanila, winawagayway nung pinaka matangkad na lalaki ang dalawa niyang kamay sa ere. Siya marahil ang tumawag sa akin.

"Can you kick it for us, miss? Magsisimula na kami, e," anito.

Tinanguan ko siya. Kukunin ko sana ang bola nang maisip kong sipain na lang. Umatras ako para makabwelo, nang maayos na ang tindig ko ay buong lakas kong sinipa ang bola. Hindi ko na sana sila pagtutuonan pang pansin nang marinig ko ang malakas nilang hiyawan. Hinanap ko agad kung saan napunta ang bola, napanganga ako nang makita iyon sa goal!

Napailing ako sa sarili habang nagmadaling tumakbo para maabutan ang eco-jeep. May pahabol pang thank you akong narinig mula sa varsity team.

I wake up early, came to school early para lang mapalabas ng prof. Nice one, Emery Joule! Major subjects pa man din! Bawal daw kasi magsuot ng PE uniform kung 'di naman PE class ang klase, I understand her point. Nakalimutan ko kasing labhan kagabi 'yung uniporme ko sa daming iniisip.

Pati ang sunod kong prof 'di rin ako pinapasok. Mabuti na lang talaga kaklase ko si Jean, magpapaturo na lang ako sa kanya mamaya. Nakaupo ako sa student study area sa tapat ng college building namin, nakayukyok ako sa kahoy na lamesa, nagku-kwenta ng perang maiipon ko sa loob ng apat na taon para ipambayad kay Sir Shaun. Sana pumayag na lang siya kahit installment na lang muna, buwan-buwan kong huhulugan.

Kung hindi, magmamakaawa ako na 'wag nilang alisan ng scholarship. Nakaisip na nga ako ng maganda at kapani-paniwalaan offer kung sakaling 'di umubra pakikiusap ko.

Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang may tumuktok sa lamesa. Wala namang ibang estudyante maliban sa akin doon kaya baka guni-guni ko lang. Nang may tumuktok muli ay tinignan ko na kung sino ang salarin.

"Hi!" Anang lalaki na 'di ko kilala, flashing his perfect set of white teeth.

Umayos akong upo. Sinusundan ko siya ng tingin habang pangiti-ngiting paupo sa tapat ko. I eyed him intently, then I realized who he is! Siya 'yung soccer player kanina, 'yung matangkad! Tama, nagbago na ang top niya pero ang get-up niya ay pang soccer player pa rin.

Nang maayos na siyang nakaupo ay nilahad niya agad ang kanyang kamay sa akin. Walang pangaatubiling tinanggap ko iyon.

"Kristoff. You look so cool kanina!" Pagpapakilala niya.

Nginitian ko siya at kumalas na sa kamay niya. This guy is the perfect definition of tall, dark and handsome. Medyo kulot ang kanyang buhok at lumalabas ang malalim niyang dimple nung nagsalita.

"Emery," tipid kong sagot.

"Hindi ka pinapasok 'no?" tanong niya sa mapangasar na tono. Ngiti lang ang isinagot ko.

Nagset akong alarm sa sunod kong klase, PE class 'yon. Panay ang tingin ko sa cellphone sa ibabaw ng notebook ko, naghihintay sa pagtunog no'n.

"Three late is equivalent to one absent. Three absent... your prof will gonna drop you in class."

"Ah," I said and nodded awkwardly.

Palihim akong nakahingang maluwag nang tumunog na ang alarm ko. Dinampot ko na 'yung mga gamit ko at ipinasok sa bag.

"Kung palabasin ka ulit ng prof mo on your next class, sabihin mo na lang natapunan ka ng juice," suhestiyon niya pagtayo ko.

I glanced at him, "Thank you, Kristoff," I mouthed and then left.

Doon na kami sa grandstand nagkita ni Jean. 'Di pa nga nagsisimula ang PE class, hapong-hapo na. Sumakay kasi ako sa eco-jeep, siya naman naglakad.

"Kailangan mo na bumili o di kaya'y magpagawa ng extra na uniform. 'Pag pagod ka, 'di ka na makakapaglaba pa. Ngayon pa na full-time singer ka na sa resto bar!" Mariing sermon ni Jean.

Nasa likod kami ng pila ng girls dahil kaming dalawa ang pinaka matangkad sa lahat. Akala ko basic dance steps ang unang idi-discuss ni Sir, pero bakit naisipan niyang patakbuhin kami ng tatlong ulit sa field? Sa ilalim ng mapanakit na araw?!

"Uy, naka-contact lens ka, MJ. Bawal 'yan 'di ba? Delikeyds!"

"Okay lang 'yan, di naman ako makikipag titigan sa araw, e."

Nagkibit balikat si Jean at humarap na sa unahan. Napalunok ako nang makita ang heat waves sa gitna ng field. Seryoso ba talaga si Sir?! Nagsimula na tumakbo ang mga nasa unahan, by pair kasi 'yon. Sinulyapan ko ang partner ko sa boys na nakasimangot.

Itinali ko na ang buhok ko paitaas. Nakayuko akong tumakbo para iiwas ang mata ko sa init ng araw. Pagod na pagod ako na halos gumapang na ako matapos lang ang tatlong round. Nagkumpulan kami sa drinking water fountain. Pagkatapos naming makainom ni Jean ay umakyat na kami patungong grandstand para makapagpahinga.

Magkaka-kwentuhan kami ni Scarlett at Jayzza nang biglang may humatak patalikod sa buhok ko. Sa pwerso no'n ay napigtas ang gomang tali ko sa buhok at bumagsak ako sa kinauupuan, tinulungan ako nila Jean. Pag tingin ko ay 'yung mga naghahagikgikan kong kaklase 'yon.

"You hair's so pretty! Is it natural, Emery?" nakangising tanong ni Grash.

Kinunutan ko siya ng noo habang pinapagpagan ang pwetan ko. Pinagpalit ni Jean ang aming pwesto, nagpamaywang siya kila Grash.

"Anong gusto mo sampal o sabunot?" singhal nito sa kanila.

Grash shook her head, mocking Jean's face. Nakatingin lang ang iba naming kaklase sa amin, nagaabang.

"Hey, fatty, we're not talking to you," panguuyam nung nasa likod ni Grash, si Alodia.

"Kaya nga! Papansin, palibhasa 'di naman kapansin-pansin." sabat ni Chaizen.

Nakakuyom na ang kamao ni Jean, nagtitimpi. Mapanguyam ang tawa nung tatlo kay Jean na lalong dumagdag sa masasama nilang sinabi. Huminga akong malalim, hinawakan ko sa kamay si Jean.

Wala akong balak pumatol sa kanila sa kabila nung ginawa nila sa akin, kaya kong palampasin pero ang bastusin ang nagiisa kong kaibigan? Nope! I won't let them.

"Tignan mo 'tong si taba, she thi--" tumigil sa pagsasalita at pangmamata si Grash nang pagpalitin ko ang pwesto namin ni Jean.

Nginitian ko silang ubod ng tamis. Humalukipkip si Grash, nakataas ang isang kilay. Same as the two girls behind her.

"Alam mo, Grash, ang ganda ganda mo talaga sa paningin ko. Kayong tatlo," sinserong sabi ko at ine-emphasize ang salitang maganda. Sinulyapan ako ni Jean, naguguluhan.

Grash wrinkled her nose while nodding her head, paniwalang-paniwala ang gaga.

"Kayo... pinanganak kayong maganda. Ako naman, pinanganak akong sinungaling." I said.

Scarlett immediately snorted. Hinatak ko na paalis si Jean. Nagtawanan ang iba pa naming kaklase, mapa-babae, mapa-lalake, pumapalakpak pa habang ichini-cheer ang pangalan ko.

"You fucking bitch!"

Nakababa na kaming dalawa ni Jean nang marinig ko ang mariing sigaw ni Grash. So, late niya na-gets, huh? Halos mautas na ako kakatawa habang pasakay sa eco-jeep. Tawa rin nang tawa si Jean na nagkukulay na namumula na.

"Marunong ka naman palang lumaban!" Bilib na bilib niyang sambit.

"Syempre! I have my own ways," pataas-taas pa ang kilay ko.

Nakahawak na si Jean sa kanyang sikmura, pagod na kakatawa, "Kayo pinanganak kayong magaganda. Ako naman, pinanganak na sinungaling! Iba ka na, Mj!" Ginagaya niya ang boses at mukha ko kanina habang sinisiko ako.

Hindi pumasok ang prof namin sa last subject kaya maaga ang uwian. Pamatay naman ang mga titig na binabato ng grupo ni Grash sa akin kanina, ramdam na ramdam ko 'yon. Kung nakakamatay lang talaga ang titig, baka nailibing na ako.

Umuwi na agad ako sa bahay kasama si Jean na makikitambay lang naman. Hindi kasi siya makakapunta sa resto bar dahil sasamahan niya mamaya ang kanyang nanay na makikilamay. Sayang unang performance ko pa naman mamayang gabi, sa buong buhay ko actually.

I hated attention, inaatake ako ng kaba tuwing mararamdaman ang mga tingin nila sa akin.  Para akong malulusaw. I prefer being in the background, 'yung walang makakakita o makakapansin sa akin.

At least kapag ako lang mag-isa, walang manghuhusga o mangingialam sa mga gagawin ko. Mas tahimik. Pero heto ako ngayon, kakanta sa harap ng maraming tao. Iniisip ko pa lang mga posibleng mangyari mamaya, kabado na ako. 'Wag sana akong pumiyok o mabulol, baka ora mismo paalisin ako sa trabaho.

Hi-nalf braid ni Jean ang buhok ko sa likod, wala naman akong make-up kaya nag face powder lang ako. Sinuot ko na rin 'yung biniling dark blue pants at grey t-shirt ni Kuya sa akin last time. Kabado man ay umalis na kami sa bahay, hinatid niya ako sa sakayan ng jeep.

Malapit na ako sa resto bar nang tumunog ang cellphone ko sa suot kong body bag.

Jean:

Kwentuhan mo ako mamaya ha? Bawi ako next time! Goodluck! :*

Ako:

Sige, tatawagan kita mamaya!

Kuya Elias:

Next week pa ako uuwi, Emery. Anong pasalubong gusto mo?

Ako:

Wala. Basta umuwi ka lang, Kuya. Ingat ka!

Thirty minutes akong maaga sa time-in ko. Dumaan ako saglit sa opisina ni Boss Wong para ipaalam na nandito na ako, tinanguan niya ako habang may chinese na kausap sa telepono. Pinakain naman akong libreng pork sisig ni Kuya Joey. Habang kumakain ay parami nang parami ang pumapasok sa resto bar. Kung tutuusin ay tila papuno na nga, e. Sabik na yata dahil naka-paskil sa labas na merong bagong singer ang resto bar na ito. At ako 'yun!

Grupo-grupo ang mga nandito, may ibang mukhang galing sa opisina, mga magbabarkadang nagawi rito at mga magkasintahan. Pagkatapos kong kumain ay nilapitan ko si Ate Chandra sa bar counter na kanina ay tinawag ako.

Naupo na ako roon at hinintay na lang siyang matapos sa paghahalo ng alak. Naka-bun ang kanyang mahabang buhok. Ang gwapo-gwapo niyang tignan kahit naka suot ng lipstick at winged eyeliner. Pagkalapag niya no'n sa isang costumer ay lumapit siya agad sa akin.

"Ba't ganyan mukha mo? Putla mo, girl! 'Wag kang pipikit mamaya baka mapagkamalan kang patay!" Nakangiwi niyang sambit.

"Hindi naman! Grabe ka sa akin," giit ko, kunwari'y nagtatampo.

Bumuntong hininga si Ate Chandra, "Pumunta ka sa likod, now na! May ibibigay ako," utos niya.

Sumunod naman ako. May kapalitan naman si Ate Chandra kaya mabilis siyang nakaalis doon. Naupo ako sa isang stool habang hinihintay siyang lumabas sa men's locker room. Pagkalabas ay inabot niya agad ang hawak na puting paper bag sa akin.

Kunot noo ko iyon tinanggap.

"Ano 'to?"

"Tignan mo," agap niyang sagot na may ngisi sa labi.

Sinilip ko ang laman. Nilabas ko pa 'yung mahabang box para kilatising maiigi. Make-up kit pala 'yon. Tinignan ko pa ang ibang laman, puro make-up pala talaga lahat. Nasa box pa 'yung limang shade ng lipstick kaya 'di ko makita ang loob. May malaking eyeshadow palette, powder at liquid foundation, liptint, lipbalm at lipstick ang naroon.

"Thank you, Ate Chandra! Kaso 'di naman ako maalam gumamit ng mga ganito, e. Lipbalm lang," sabi ko.

Ngayon nga lang din ako nakahawak at nakakita ng mga ganitong klaseng make-up sa personal, bale ignorante ako sa mga ganito.

"Kay Cielo galing 'yan. Miss na miss ka na nung bruha na 'yon!" aniya.

"Nakausap ko na nga siya tungkol sa bago niyang boyfriend..." kinikilatis ko pa rin ang make-up.

"Akin na nga! Gamitin mo na para naman magkakulay ka," inis niyang sabi sabay kuha ng pink na tiptint na hawak ko.

Hinayaan ko siyang ayusan ako. Nilagyan niya ng liptint ang pisngi ko dahil lip and cheek tint naman daw 'yon, ibang kulay nga lang ang nilagay niya sa labi ko.

"Kaloka kayo ni Elvira! Ang gaganda niyo pero 'di naman kayo marurunong mag-ayos! Ang unfair talaga ni Lord," bulong-bulong niya.

Napapangiti ako habang naglalakad na papunta sa stage. Siguro nami-miss na niya ang ate. Kung buhay pa kaya si Ate, sila pa rin kaya?

Pagakyat ko ng stage ay sumasakit ang tiyan ko at pinagpawisang malamig, parang umiikot at 'di ko maintindihan. Marahil ay dala ng kaba 'to. Napapikit ako sandali nang mas lumakas pa ang ilaw direkta sa akin, humina naman iyon kalaunan at nakita ko na ang mga taong nag-aabang na kantahin ko ang kanilang requests.

Medyo late na nga kami nagsimula dahil late dumating 'yung guitarista, 'di na siya nasermonan ni Boss sa kakamadali. Huminga akong malalim at lumapit sa mikropono. Tila tumigil ang mundo ng mga tao sa resto bar, lahat sila ay nakatitig sa akin. I pursed my lips and swallowed hard, hinanap ng mata ko si Ate Chandra.

Naka balik na rin siya sa bar counter, nakatingin din sa akin pati na rin ang kasama niyang bartender na si Kuya Stephen. Ate Chandra gave me a smile of encouragement. Nginitian ko siya at binalik na ang tingin sa music stand sa gilid ko kung saan nakalagay ang lyrics ng kanta.

Nanuyot ang lalamunan ko nang malaman ang unang kanta. Kapag tumibog ang puso ni Donna Cruz. Kabisado ko 'to. Paborito 'to ni Nanay! Masaya ang kantang 'to kaya nahihirapan ako lalo. How can I give justice to this sing kung nahihiya at natuod na ako sa kinatatayuan ko?

Easy lang 'to sa'yo, Emery! Isipin mo na lang nasa recitation ka!

Nagsimula na magstrum ang guitaristang si Kuya Benjo. Sa drums si Kuya Tonton. Sa bass naman ay si Kuya Luke at si Kuya Jerrick naman sa keyboard.

"Ma-maganda... gabi po. Uh... I'm Emery. Bago lang po ako kaya... sana magustuhan ninyo," nauutal at nahihiya kong sabi.

Pumalakpak naman ang mga naroon. Nagsimula na akong umawit, hindi ko mabigkas ng tama ang mga salita kaya bakas sa mga tao ang pagkadismaya. Chi-neer ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. I closed my eyes and feel the music.

In-imagine ko na lang na kasama ko sila Nanay sa mga oras na 'to. Na linggo ng umaga ngayon, bagong gising ako at nakikita ko sila sa salas na nagsasayawan sa saliw ng kantang 'to. Slowly, I'm starting to feel okay, more confident. Binigyan kong buhay ang pagkanta ko, nagsimula na ring matuwa ang mga tao sa bigay todo kong kanta kasama ng kaonting sayaw.

Saktong pagmulat ko ng mata ko ay nadako ang paningin ko sa pintuan kung saan kakapasok lang ng isang pamilyar na lalaki... 'yung crush ko! Lumipad ang kamay ko patungo sa kumakalabog kong puso. Napakurap-kurap ako, tila isang pelikula na bumagal ang takbo ng aming paligid at tanging siya lang ang nakikita ko.

Sobrang laid back at chill niyang tignan sa suot niyang white t-shirt, brown trucker jacket na bagay na bagay sa itim niyang pantalon at sapatos. And his hair was pushed over to one side, making him more dreamlike.

"Mukhang tinamaan yata ako,

Kapag tumibok ang puso,

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito," magkatitigan kami habang inaawit 'yon.

Nagbawi agad akong tingin. Naaninag ko ang pagkilos niya, naupo siya sa bandang unahan ko. Hindi ako makapag-focus dahil alam kong nakatitig siya. I just know it! Naalala kaya niya ako? Saka sa daming resto bar sa Manila ay dito pa talaga siya napadpad?

Nag-init ang pisngi ko sa mga naiisip. Are we meant to be? It's a bit funny when the lyrics of the song matches my feelings for him. Siya ang unang crush ko kaya kinikilig ako sa tuwing naalala siya.

It was a short meeting pero tumatak siya sa puso ko. I like him, alright! I'm attracted to him sa hindi ko malamang dahilan, na para bang merong tali na naguugnay sa aming dalawa. I'm mystified and it felt nice.

Tapos na ang shift ko. Pagbaba ko sa stage ay inabutan agad ako ni Ate Chandra (na hindi ko napansin na nandoon) ng maligamgam na tubig sa baso. Niyakap niya kong mahigpit, tinapik ang likod ko habang kino-congrats ako. Sinulyapan ko 'yung crush ko na may kausap sa cellphone, nakangiti.

Pagkakalas ko sa yakap ni Ate Chandra ay tumungo na ako sa likod. Mabilis kong dinukot ang cellphone ko sa bag at di-nial ang numero ni Jean. Nakadungaw ako sa pader, lihim na tinitignan 'yung crush ko habang hinihintay ang pagsagot ng kaibigan ko.

"Ano na 'te? Kamust--"

"Jean!" Patili kong putol.

"Aray ko naman! May galit ka ba sa akin? Makasigaw wagas?" Reklamo ni Jean.

Napahagikgik ako, kinikilig sa tinititigan. Ang gwapo talaga niya. Mukha talaga siyang prince charming sa libro. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya.

"Hoy MJ? Ano na? Trip mo lang tumawag?"

"Andito siya!"

"Huh? Sinong nanjan?" Naguguluhan niyang tanong.

"Yung crush ko nandito!" Sabi ko sabay tili.

Tumili rin si Jean, "Weh? Totoo?! 'Yung dream guy mo?"

"Oo! Nandito nga, tinititigan ko pa!"

"Sampalin mo nga sarili mo baka nananaginip ka lang!"

Wala sa sariling sinampal ko nga ang aking sarili. Napalakas pa pero patunay 'yon na hindi ako nananaginip!

"Totoo nga, nandito nga talaga siya! Totoo siya, Jean!"

Napatayo akong tuwid nang makitang naglapag na siya ng pera sa lamesa, naghahanda ng umalis. May sinasabi pa si Jean pero pinatay ko na ang tawag. Nagwawala ang puso ko at nataranta nang palabas na siya sa resto bar. Inilagay ko na ang cellphone ko pabalik sa bag at tumakbo palabas.

Wala naman akong plano sa isip ko, kusang kumilos ang mga paa ko. It seems like the invisible string between us pulled me closer to him. Napatigil ako nang may dalawang lalaking costumer ang humarang sa daanan ko.

"Emery? 'Di ba? Ang galing mo kanina sa stage. Uh, ako nga pala si Kalel," pakilala nung lalaki pero sa likuran niya ako nakatingin.

I sighed in dismay ng tuluyan na ngang makalabas 'yung crush ko. I looked at the guy infront of me, parehas silang matangkad at sa hula ko'y kaidaran ko lang.

"P-pasensya na ha? Nagmamadali kasi ako, e," sabi ko at nilagpasan sila.

Dire-diretso ako palabas ng pinto. Nagpalinga-linga ako pero wala na talaga siya. Hindi ko na naabutan. I breathed in heavily as I closed my eyes. Tulad ng isang panaginip, mabilis din siyang nawala.

At tulad nga ng isang panaginip, mananatili lang siyang panaginip.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C7
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン