×××
Papasok na sana ako sa room ng biglang may humila sa kamay ko.
Tumakbo naman siya agad kaya napatakbo na rin ako. Magkahawak ang mga kamay naming dalawa. Nang tignan ko ang taong may-ari ng kamay na iyon. Si Xian pala.
Pakiramdam ko biglang nag slow motion ang paligid namin habang tumatakbo kami. Nasilayan ko iyong ngiti niya habang sa daan ito nakatingin.
Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang nakita ang totoong ngiti niya, iyon bang masaya siya.
Ilang buwan na rin ng matapos ang school festival namin. At ilang buwan na rin na masaya kaming magkasama ni Xian. Halos araw-araw pagpasok ko ng school siya na lage ang kasama ko at naisama ko na nga siya sa secret place ko. Tuwang-tuwa siya sa lugar na iyon dahil maganda raw at sariwa ang hangin 'tsaka tahimik.
Natawa nga ako ng sinabi niya na masarap daw matulog doon kaya pag pumupunta kami doon kain at tulog ang ginagawa ni Xian sa secret place ko. Simula kasi ng magkasama kami hindi na siya kumakain sa canteen. Pati mga fans niya iniiwasan na niya. Hindi na ito nakikipag pretend sa iba at naging totoo na rin siya sa sarili niya na sobrang kinasaya ko naman para sa kan'ya.
Marami ng nagbago sa kan'ya pero nando'n parin naman iyong pagiging masungit niya. Hindi na ata magbabago iyon. Pero masaya akong kasama siya.
Isinakay niya ako sa besekleta niya. Kumapit naman din ako sa biwang niya at pinaandar na ito.
Habang nagpepedal si Xian kung saan man kami patungo na hindi ko pa na tanong sa kan'ya. Umihip nalang ang simoy ng hangin kaya nagsitatanggalan ang mga cherry blossoms sa paligid. Umuulan ng petals. Inilahad ko iyong palad ko at sinusubukan na saluhin iyong mga petals na nahuhulog.
Kahit na malabo kasi nakasakay ako sa besekleta ni Xian at nasa likod niya ako s'yempre. Lumilipad lang palayo iyong mga petals sa akin dahil sa hangin na sinasalubong namin ni Xian.
Napa cutting class tuloy ako dahil sa kan'ya pero pakiramdam ko wala naman din akong pinagsisihan dahil masaya akong kasama siya.
"Xian, saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko sa kan'ya habang nakakapit sa kan'yang biwang.
"Basta! Kapit ka lang"
Sagot niya at binilisan na ang pag pidal ng besekleta. Tumahimik na rin lamang ako hanggang sa dumating kami sa may tabing dagat.
"Anong ginagawa natin dito?"
Tanong ko sa kan'ya. Inalalayan niya akong bumaba sa besekleta at sumunod na rin siya na itinabi ito sa may puno ng niyog.
Ang ganda ng simoy ng hangin. Rinig na rinig din ang ingay sa dagat na humahampas sa dalampasigan. May mga ibon din na nagsisiliparan sa langit na animoy musika sa pandinig ang mga tinig ng ibon.
"Gusto ko lang sulitin ang panahon na magkasama tayo. Uhm... Tika, d'yan ka lang ah"
Sabi niya at may kinuha sa bag niya. Nang tignan ko isa itong piraso ng tela. Medyo makapal ito na inilapag niya sa buhangin.
Tapos may mga pagkain din. Hindi ko mapigilang ngumiti na umupo rin sa tabi niya na agad siyang niyakap sa kan'yang likuran.
"Thank you"
Bulong ko sa kan'ya. Na kinatigil niya sandali. Napalingon siya sa akin at humarap kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya.
"Para saan? Sa pagmamahal ko ba"
Naka ngising sabi niya sa akin tumawa naman din ako at tumango sa kan'ya. Siya naman ay ngumiti na lamang.
Tinulungan ko siyang ilabas ang mga pagkain sa bag niya. Hindi ko alam na may pa ganito si Xian at ngayon ko lang napansin na nagkalaman ang bag niya na dati ay walang kalaman-laman.
"May paganito ang prinsepe~"
Tukso ko sa kan'ya habang umiinom ng softdrinks. Tumingin naman agad siya sa akin at kinunutan ako ng noo.
"Ang mga badboy pag nagmahal sweet. At ang prinsepe pag nagmahal gagawin ang lahat para sa kanilang prinsesa"
Nakasimangot na niyang sabi sa akin. Kaysa matawa ako eh pinamulahan ako bigla ng pisngi at umiwas sa kan'ya.
"Sabi mo eh"
Sagot ko at hindi na umiimik. Baka kung ano na naman ang sabihin nito. Lage nalang akong pinapa kilig ng prinsepeng ito.
Ilang minuto rin kaming tahimik habang naka tingin sa mga alon sa dagat. Nang bigla siyang magsalita na kinalingon ko sa kan'ya.
"Sa susunod na buwan graduation na pala natin"
Sabi niya habang nasa dagat parin ang atensyon. Umiwas ako ng tingin at napayuko ng ulo.
"Sa araw na iyon, magkakalayo na naman tayo at matagal na namang magkikita"
Pansin ko ang isang kamay niya na napakamao.
"Sana tumagal pa ang araw ng graduation natin para mas matagal pa kitang makasama"
Sabay yuko niya ng ulo na umub-ob sa kamay niya.
Gusto ko nga siyang hawakan sa balikat para damayan siya pero binawi ko rin ang kamay ko.
"Xian, I'm sorry kung nangyayari man sa'tin 'to. Pero pangako ko naman sa'yo na babalik ako, 'di ba?"
Pag papagaan ko sa loob niya. Hindi siya umiimik at nanatili lang na tahimik.
Mahirap din namang umalis kasi may maiiwan ako at siya iyon. Alam ko ring mahirap din sa kan'ya. Pariho kami pero wala naman din kaming magagawa, ka gustuhan iyon ng pamilya ko at iyon lang naman ang nakakabuti para sa akin at sa pamilya ko rin. Hindi ko p'wedeng sabihin na magpaiwan nalang dahil hindi ko pa din naman kayang mag-isa at maging independent.
At alam kong naiintindihan iyon ni Xian.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kung maari lang sana na 'wag nalang kami umalis ng magulang ko. Sana... Sana makakasama ko ng mas matagal pa si Xian edi sana marami kaming memories na magkasama ngayon.
Na sana magkasabay kaming mag-aaral ng first year collage sa susunod na taon.
Kasi pag-uwi ko dito sa amin hindi ko alam kung anong year na ako nun sa collage. Hindi pa sinasabi iyon ng Dad ko sa akin, depende raw iyon sa trabaho niya sa Canada.
Kung kailan gusto na namin iyong isa't-isa iyong tadhana pang maglalayo sa aming dalawa ni Xian. Walang kasiguraduhan kung kailan na naman ako babalik.
Hindi ko mapigilang isipin na kung sa panahon na iyon na aalis ako at makakabalik ng ilang years may babalikan pa ba ako o wala na.
Ayokong mangyari iyong mga panahon na iyon at nangako naman din siya sa akin na ako lang ang gusto niya at maghihintay siya sa pagbabalik ko. Iyon ang pinanghahawakan ko pag umalis na kami ng magulang ko.
Nabalik na lamang ako sa sarili ng dahil sa malalim na pag-iisip ko.
Nung magsalita siya sa tabi ko ay napalingon na lamang din ako sa kan'ya.
"Ayokong umalis ka... Alice, hindi ko kaya"
Sabi niya sa akin habang naka ob-ob parin ang ulo sa braso nito. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit at may ibinulong sa tenga niya.
"Xian, hintayin mo lang ako... Pangako kong, babalik din ako"