WALANG tiyak na hugis ang usok, walang tiyak na timbang. It's a collection of tiny solid, liquid and gas particles. Some smokes were harmless; some were dangerous enough to kill you.
Kabilang doon ang usok na ngayon ay gumagapang na parang mga ahas sa sahig ng magandang bahay. An oak door stood at the end of the hallway like some valiant and arrogant guard. Ngunit wala iyong nagawa nang magsimulang sumuot ang usok sa bawat siwang, bitak at kaliit-liitang butas ng pinto. Sa likod ng pinto ay isang silid, at sa gitna ng silid, sa sahig na nakatatakpan ng mamahaling kulay asul na carpet, nakadapa ang isang lalaki.
The man saw the smoke and gasped in alarm. Horror filled his eyes. Sinubukan nitong tumayo, sinubukang gumapang, sinubukang sumigaw.
I'm just a smoke. I'm harmless. Hindi ang usok ang dapat na katakutan ng lalaki kundi ang halimaw na nakasunod dito.
"H-Help...help...my head..." Umubo uli ang kawawang lalaki, nakaunat ang braso, kinakalmot ang carpet, bakas ang labis na paghihirap sa anyo. "Please...help...my jar...my mom's jar." Nagambala ang makapal na usok nang bumangon ang lalaki upang muling bumagsak. May inaabot ito-isang babasaging garapon. The smoke swirled around the jar and saw its contents. Makukulay na mumunting eroplanong papel. Ano ang ginagawa niyon sa loob ng garapon?
Bumukas ang oak door at pumasok ang mas makapal na usok. Sa gitna no'n ay nakatayo ang isang bulto, sa labas ng silid ay matatanaw ang kulay dalandang liwanag-ang anino ng halimaw. Pumasok ang bulto sa silid, dinampot ang garapon. The man on the floor choked and whizzed and threw up.
"Help...I-I can't breathe...please."
"Go to sleep. Close your eyes and get some rest, little rascal."
"M-Mom?"
Mapaklang tumawa ang bulto. "All right then, I'll pretend I'm your mom. Would you like to go with me, sweetie?"
"W-Where?"
"To hell." As he said those words, the silhouette hit the fallen man's head using the glass jar. Humandusay ito sa sahig, umikot ang bola ng mga mata. Ibinagsak ng bulto ang garapon sa tiyan ng lalaki at mabilis na lumabas ng silid.
Naiwan sa piling ng usok ang lalaki. Kung may damdamin ang usok, maaawa ito rito. Kung may bibig ang usok, sisigaw ito at hihingi ng tulong. Kung may katawan ang usok, bubuhatin niya ang lalaki palabas ng bahay, palayo sa halimaw na ngayon ay nasa bukana na ng pinto.
Ngunit usok lamang siya, walang lakas, walang katawan, walang tinig. Madalas ay harmless siya ngunit may mga pagkakataon na kaya niyang pumatay. Isa ang gabing iyon sa mga pagkakataong iyon. Siya ay lason na unti-unting hihigop sa buhay ng lalaki.
The smoke licked the tears on the man's face, then at the blood seeping out of his wound. Pumasok ang usok sa ilong nito, naglakbay pababa sa lalamunan, binalot ang baga at nilunod ang natitirang oxygen sa katawan. Pumasok ang halimaw sa silid, bawat madaanan ng katawan ay lumiliyab at nagiging abo. Dumantay ang mga kamay nito sa nakahandusay na lalaki, humaplos sa balat. Each touch burned the man's skin, seared the tender flesh. Masakit, ngunit hindi na iyon naramdaman ng lalaki.
He clutched the jar tight as he succumbed to cold and darkness and hope it will take him to the place where his mother was waiting for him.