DAHIL sa malakas na kalampagan sa kusina ng Madrid White House, sumirit ng takbo ang grupo ng mga kabataan na balak mag-Trick or Treat sa naturang bahay. Habang tumatakbo ay nagsisigaw ang mga ito ng: "May multo! May multo!"
Pero hindi multo ang naroon kundi si Ember na nakasiksik ang kalahati ng katawan sa loob ng binubukbok na cupboard, hinahalungkat ang mga antigong kagamitang ilang taon nang nakaimbak doon para maghanap ng garapon na ipapalit sa nabasag na garapon ni Lantis Arcanghel.
Matapos ang halos kalahating oras na paghahalungkat ay bigo siya. Karamihan ng garapon ay gawa sa plastic, may mga banga na gawa sa clay at binahayan na ng gagamba. Baka ipukpok sa kaniya ni Lantis iyon kapag iyon ang ipinalit niya.
Nangalumbaba si Ember sa kitchen counter kung saan inilapag niya ang mga eroplanong papel. Dahil may pagkapakialamera siya, nangahas siya na buklatin at basahin ang ilan sa mga papel. Lahat ay tungkol kay Lantis. Magmula pa noong sanggol ito—no, magmula pa noong fetus pa lamang ito. There's an entry about Lantis's first kick, his first ultra sound hanggang sa isilang ito, his first cry, his first walk, first word at kung anu-ano pang firsts. May entries din tungkol sa pagkaka-ospital nito when he was four years old, sa pakikipagkaibigan nito sa ibang pasyente at mga nurse. It was like a unique kind of diary, written by Lantis' mother.
Hindi niya napigilan ang mapahanga sa kung gaano kalaki ang pagmamahal at pagpapahalaga ng ina ni Lantis dito. She suddenly wondered how she looks like. She's definitely beautiful dahil napaka-guwapo ng anak nito and she was sure was devastated when Lantis died. Ilang buwan pa lang nang pumanaw si Lantis kaya tiyak niyang nagluluksa pa rin ang ina nito hanggang sa mga sandaling iyon.
Ipinasya ni Ember na itabi na lang muna ang mga eroplanong papel. Bukas na lamang siya bibili ng bagong garapon sa bayan. Itinago niya ang mga iyon sa drawer ng desk niya, kinuha ang diary niya at dumapa sa kama. She then started writing.
November 1, 2015
Dear Diary,
Guess what? I met a handsome man at the cemetery. He got a shiny lustrous curly hair and a pair of beautiful eyes that was so mesmerizing I almost forgot my name! Grabe! Ang guwapo ni Lantis Arcanghel but the biggest but is...he's dead. Nakakapanghinayang. Oh, may nakita pa akong isang lalaki kanina. Weird ang isang 'yon.Naka-puti, titig na titig sa akin, hindi gumagalaw. Na-mesmerize yata sa beauty ko. (Ha-ha!) What if ghost pala 'yon, 'no? Yeah right. Ghosts don't exist. Maniniwala lang ako na may multo kung magigising ako bukas na may katabing isa...I don't mind kung ghost ni Lantis. ;)
Hindi na niya nadugtungan ang isinusulat dahil unti-unti na siyang napayukyok sa kama at nakatulog. Masakit ang buong katawan niya dahil sa maghapong paglilinis. Sa sobrang himbing ng tulog ni Ember, hindi na niya namalayan na nakapasok pala sa kuwarto si Fujiku, panay ang kahol at tinutugis ang puting paru-paro na kawangis ng paru-parong hinahabol rin nito kanina sa sementeryo.
******
EMBER stretched and yawned. Napangiti siya nang maramdaman ang sariwang hangin na dumadampi sa kaniyang pisngi. Isang ibong maya ang pumasok sa kuwarto niya na dumaan sa butas sa itaas ng bintana. Nginitian niya ang ibon.
"'Morning, Birdie," aniya sa paos na boses pagkatapos ay napatingin sa kisame kung saan may gumagapang na butiki. "Good morning, lizard." Hinablot niya ang isa sa makukulay niyang throw pillow. "Good morning, Pretty Pillow One." Tumagilid siya para batiin din si Pretty Pillow Two pero natilihan siya at nanlaki ang mga mata nang makitaa kung ano ang nasa tabi niya. "Eeek!!! Nanay ko!"
Kasunod ang makapugto-litid niyang tili ang malakas ding kalabog nang bumagsak ang katawan niya sa sahig. Unang tumama ang dibdib niya. Nalukot sa sakit ang mukha ni Ember pero nagawa pa rin niyang tumayo upang muli lang lumagapak sa sahig. Ang buwisit niyang kumot ay nakapulupot sa mga binti niya! It took her forever to remove the blanket off her legs and when she's done, the man from the bed sat up and gawked down at her in both shock and curiousity.
Mahabaging langit! May nanloob sa kaniya!
"S-Sino ka? P-Paano kang nakapasok sa kuwarto ko? Ano'ng ginagawa mo sa kama ko? Sa akin—ano ang ginawa mo sa akin?" Nagkukumahog na lumapit siya sa pinto pero ang pesteng knob niyon, na-stuck na naman! Lumipad ang tingin niya sa desk. Dali-dali siyang lumapit doon at dinampot ang paperweight bago humarap sa lalaki. "Huwag kang lalapit! Ibabato ko sa'yo ito! A-Akyat-bahay! Intruder!"
Napanganga ang lalaki, nagsalubong ang mga kilay, naguguluhang tumingin kay Ember. Tumayo ito sa kama kapagkuwan. Sinundan niya ito ng tingin. Si Ember na naman ang napanganga.
Dios mio! Sa lahat ng akyat-bahay, ito ang pinakaguwapo at yummy. Hunk na hunk ang dating kahit pa naka-simpleng T-shirt at jogging pants lamang. Bakat sa T-shirt ang matipunong dibdib, nakaluwa sa maiksing manggas ang mga biceps na halatang alaga sa work-out. Bakat din ang muscles sa tiyan. His shoulders were wide, his waist narrow. His skin was fair and glowing. At ang mukha—isa na iyon sa pinakaguwapong mukhang naKita niya. Maamo at masarap titigan. Kung sasabihin ng lalaki na anghel itong bumagsak mula sa langit, maniniwala agad si Ember. At kung nandoon si Antonia, kanina pa nito nilulon nang buo ang lalaki.
"Y-You can see me?" naguguluhang tanong ng lalaki. Patalon itong bumaba ng kama at walang ingay na lumapag sa sahig. Aba, inggliserong akyat-bahay ang unggoy.
"Yes, obviously I can see you!" she snapped at him. Muli niyang pinasadahan ang kabuuan ng lalaki. Why does he look familiar? "I can see you, okay? Now answer me, paano kang nakapasok dito? Saan ka dumaan at ano ang kailangan mo sa akin? Look, kung pera ang kailangan mo, wala kang mahihita sa akin. Kung katawan ko naman, mas lalong wala kang mahihita dahil...dahil...mabaho ako—"
"This is odd," usal ng lalaki. "You can see and hear me?"
Hello! Bulag lang at tatanga-tanga ang hindi makakaKita sa'yo! The man is a walking attraction; try lang nitong maglakad sa kalye nila, tiyak niyang dudukutin ito ng kulto ng mga bakla at matrona.
"Yes, I can see and hear you," pagkumpirma niya. Lumabas na siya mula sa pinagkukublian pero nanatiling hawak ang paperweight. In case na gumawa ng kalokohan ang lalaki ay may laban siya kahit paano.
"How?"
"Ha?"
Lumapit ito sa kaniya, napaatras naman siya. "Are you a...medium?"
"N-No. I'm small."
Ano ba ang pinagsasabi ng kaharap niya? Adik yata ang isang ito. Naningkit ang mga mata niya. Pinaglakbay uli niya ang mukha sa kaharap. NaKita na talaga niya ang lalaki. The curly hair, the almond shape eyes, the stubble around his jaws...
Then it dawned on her. Napasinghap siya. "K-Kamukha mo si Lantis Arcanghel!"
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng lalaki. Agad iyong napalitan ng tuwa. "Kilala mo ako?" Napansin niya na medyo slang itong managalog. Pero cute.
"A-Ano?"
Lumapit pa ito sa kaniya. Hindi na siya nakaiwas nang umangat ang mga kamay nito at hawakan siya sa mga braso. Ngunit may kakaibang nangyari. Hindi dumapo sa balat niya ang kamay nito. Tumagos iyon!
"A-Ano 'yon? Ano'ng ginawa mo?" nahihintakutan niyang tanong. Gumapang ang kakaibang lamig sa sistema niya. Tila nanuot iyon hanggang sa buto. Ilang beses na napaatras si Ember hanggang sa tumama siya sa desk. Gusto niyang sumigaw ulit pero hindi niya maapuhap ang sariling boses, sumisisikip na rin ang dibdib niya dala ng magkahalo-halong emosyon. Gusto niyang isipin na imahinasyon niya lang ang nasaksihan pero alam niya na totoong nangyari iyon. Napahawak siya sa dibdib, pinangangapusan na ng hininga.
"Are you okay, miss?" Lumapit sa kaniya ang lalaki, iniharap niya ang palad dito para patigilin ito.
"H-Huwag kang lalapit utang na loob," hirap niyang sabi. "S-Sino ka? Ano ka?"
Tila naman hindi alam ng lalaki ang gagawin, kung dadamayan ba siya o susundin ang gusto niya. Sa huli ay nanatili ito sa kinatatayuan, ipinamulsa ang mga kamay.
"I'm Lantis Arcanghel. I'm here to take back my jar."
A nervous laugh escaped Ember's throat. Si Lantis Arcanghel daw ang kaharap niya? Oo, kamukha nito ang Lantis na nasa picture—ang Lantis na anim na buwan nang yumao. Paanong nakakausap niya ito at nakiKita? Ano 'to? Multo?
Multo. Naghatid ng daan-daang kilabot sa sistema niya ang isang salitang iyon. Kung kaya ba tumagos lang sa balat niya ang mga kamay nito? Kung kaya ba nagtataka ito na nakiKita at naririnig niya ito?
Gamit ang nanginginig na kamay, sinundot niya ang dibdib nito. Inaasahan na niya ang mangyayari pero hindi pa rin niya napigilan ang magimbal at mapasinghap nang tumagos ulit ang daliri niya sa balat nito. Nanalaytay sa mga ugat niya ang kakaibang malamig na enerhiya. Tila ba inilublob niya ang kamay sa isang timbang nagyeyelong tubig. Hindi lang iyon. Lantis's body flickered like a holographic image.
"Diyos ko, Lord. Help me," nanghihina niyang sabi habang umaatras.
May tumabi sa aking yumao na! Sa huling naisip, nanlata ang mga tuhod ni Ember, umikot ang kaniyang paningin. Malakas na lumagabog ang katawan niya nang bumagsak siya sa sahig, tirik ang mga mata.
Ang mga kuko sa paa ni Lantis ang huli niyang nakita bago tuluyang lamunin ng dilim ang paligid niya.