Hindi ko lang maintindihan.
Gusto ba o ayaw?
Magtatago, lilitaw.
Aasa o bibitaw?
Maghihintay o pipiliting gumalaw?
Hindi lang kita maintindihan,
Luha ba 'yan o ulan?
Hahayaan o pupunasan?
Lalapitan o tatakbuhan?
Ako ba yung may kasalanan?
Hindi ko na maintindihan.
Nasanay na sa bulalakaw,
Wala ng hiling at sigaw.
Nalunod ata nung umapaw.
Ikaw. Ikaw? Oo, ikaw.
Hindi. Ako.
Hindi, ikaw.
Hindi maintindihan.
Hindi na lang.
Hinding-hindi.