Eksperimentong para lang sana sa dalawa,
Pero nag-imbita ka ng iba.
Sa huli, ang singit ay ako pa.
Ako ang nagsimula,
Aking ideya pero, wala.
Lugi.
Talo ako sa huli.
Huli.
Laging sayo ay huli.
Kaya ano pa ang resulta?
Hindi ko alam.
Hindi mo ipinialam.
Kase umpisa palang,
Maayos yung plano ko.
Pero wala ako sa plano mo.
Lugi ako.
Pero kasalanan ko?
Ako pa nga ang may kasalanan.
Oo.
Akala ko kase,
You're my apple to my pie.
You're my straw to my berry.
Yun pala,
You're the perfect two.
Si bebe mo and you.
Lugi.
Walang laban.
Ikaw ang judge,
Ni hindi nga ako contestant.
Lugi.
Wala to.
Lugi.