Hanggang sa kinagabihan ay halos walang imikan ang apat ,lalo na ang sina Wei at Yde.Nabigla pa rin sila sa nasaksihan bagaman alam nila na ganito ang mundo ng mga adventurer ay unang pagkakataon nila itong makakita ng ganoong pangyayari.Samantalang si ran naman ay hindi mapalagay gawa ng wala siyang naitulong sa labanan.
"Skyler pasensya na ako ang nakakatanda pero wala akong naitulong lagi akong nauunahan ng takot."nahihiyang sambit nito.
Marami pa sana siyang katanungan kay Skyler tungkol sa lakas nito at kung papaanong nakakagamit ito ng battle qi gayung nasa foundation rank pa ito,kaya lang hindi niya na itinanong dahil lahat naman ay may sekretong itinatago.Ang dalawa naman ay nakatingin din kay skyler marami din silang katanungan dito,hindi nila mapigilang mapahanga sa galing at lakas nito.Kasabay nito ay nakaramdam din sila ng takot sa tuwing naaalala nila kung papaano ito makipaglaban para itong isang diyos ng kamatayan na bumaba sa mundo nila.Wala ito pag-aalinlangan sa mga atake nito.
Nang mapansin ito ni Skyler ay nakuha agad nito ang mga nasa isip ng tatlo kaya nagsalita ito.
"Ito ang mundong pinili natin bilang mga adventurer,kailangan nating maging marahas sa pagkikipaglaban."saad nito.
"Batas ng kagubatan ang sinusunod dito,kailangan nating maging malakas para manatiling buhay."dagdag pa nito.Pagkatapos nito ay nagpaalam siya na mag mi-meditate para patatagin ang kanyang pundasyon dahil kakatapak niya lang sa Warrior rank.
Nang marinig ito ng tatlo ay mas lalo silang namangha sapagkat hindi na normal ang talento ng kanilang kaibigan masyadong mabilis ang pagtaas nito.Kaya ginanahan silang lalong magsikap upang hindi sila mapag-iwanan nito.Lumipas ang buong gabi ay walang ibang ginawa ang tatlo kundi mag meditate at subukang makatapak sa susunod na ranggo,samantalang si Skyler naman ay pinapakalma ang kanyang aura.
Kinabukasan,matagumpay na napatibay ni Skyler ang kanyang pundasyon sa Warrior rank at napaangat niya pa ito sa ika 2nd level ibig sabihin ay isang antas nalang ay maabot niya na ang middle realm nito.Samantalang si Wei at Yden naman ay napaangat din ang kanilang antas malapit na nilang maabot ang tuktok ng foundation rank,masasabing mataas din ang talento ng dalawa.Ngunit si ran ay nakakaranas ng BottleNeck sa kanyang cultivation kaya hindi niya ito mapaangat sa warrior rank.
Muling nagpatuloy ang grupo sa kanilang pagsasanay ngayon ay hindi na nila pinapansin ang mga magical beast na mababa sa warrior rank sapagkat hindi na ito nakakatulong sa kanila kahit pa ilan ang mapatay nila.Ilang araw ng paglalakbay nila ay umabot na sa 200 kilometro ang layo ng kanilang narating,mabagal ito kung tutuusin pero hindi naman sila nagmamadali kaya maya't maya ang tigil nila lalo na't may nakakalaban silang magical beast.
Habang sila ay nagpapahinga ay napag usapan nila ang kanilang mga plano pagkatapos ng pagsasanay.Ang sabi ng tatlo ay babalik na sila sa kaharian ng Harrian dahil matatapos na ang oras ibinigay sa kanila para sa kanilang pagsasanay.Samantalang si Skyler naman ay hindi alam kung saan pupunta dahil ang dahilan lang ng kanya pagsasanay ay para lumakas at makahanap ng lunas sa lason ng kanyang kuya..
"Bakit hindi ka nalang sumama sa amin at sumali ka sa Flying Sword Sect?"yaya ni ran.
"Tama sa talento mong yan siguradong matatanggap ka kaagad at baka maging master mo pa ang isa sa mga guro duon tiyak matutulungan ka nilang makahanap ng lunas para sa kuya mo."dagdag naman ni Yden
Natuwa naman sa narinig si Skyler.Tama nga si Yden siguradong may alam ang mga guro duon kung papaano pagalingin ang kuya niya.Kaya napagpasyahan niyang sumama sa mga ito.
"Ano ba ang Flying Sword sect?tanong nito sa tatlo.
"Tulad ba ito nung Poison Frog sect dito sa probinsya namin?dagdag pa nito.
"Poison frog sect?hindi ko pa naririnig ang sekta na iyun.Pero ang Flying Sword Sect ang isa sa pinakamalakas ng sect sa buong emperyo Skyler hindi mo ba alam yun?"Buong pagmamalaking sagot ni Yden.
Dahil sinabi nila ay napapayag ng tatlo si Skyler na sumama sa pagbalik nila sa kaharian ng Harrian.At napagkasunduan nilang gumayak na dahil aabutin pa ng 5 buwan ang paglalakbay nila papunta doon.Napag isip isip din ni Skyler na masmaganda kung mayroong nagtuturo sa kanya na mataas na ang karanasan,dahil.kahit may kapangyarihan siyang kaya siyang palakasin sa mabilis na paraan ay wala naman itong alam tungkol sa tamang pakikipaglaban.At paano ang tamang pagamit sa kapangyarihan nito.
Sa ilang oras nilang paglalakad ay may nakita silang isang maliit na nayon.
"Tingnan niyo may kabahayan doon oh?"si Yden
Nang makita ng grupo ang nayon ay agad nila itong pinuntahan.Ngunit ng papasok na sila dito ay hinarang sila ng isang malaking tao na nakasuot ng balahilo ng isang hayop.
"Tigil!sino kayo?"tanong ng lalaki.Nang makita ni Skyler ang lalaki ay nagpakilala siya dito.
"Ako po si Skyler ng Blue dragon clan."sabay pakita ng kanya insignia.
Nang makita ito ng bantay ay agad itong nataranta at halos madapa sa kakamadali at agad bumati.
"Magandang araw po young master,maligayang pagdating po sa Red Fang tribe."magalang na bati nito.Agad naman niyang pinatunog ang kanilang kampana bilang pagpapaalam sa kanyang katribo na may mahalaga silang panauhin.
"Skyler kilala mo ba ang mga tao dito?"nagtatakang tanong ni Ran...
"Nasa dulo na tayo ng nasasakupan ng probinsya ng Chu kaya ibig sabihin sakop pa rin ito ng aming angkan."paliwanag ni Skyler.At ipinaliwag niya rin kung saan siyang angkan galing.
"Skyler hijo mabuti at napadaan ka sa aming tribo?"biglang bati ng isang matandang bagong dating..
"Ginoong Tomo taga rito po kayo?"nabigla man pero lapad ngiting sagot ni Skyler sa matanda.
Hindi tinatawag na young master ni tomo si skyler dahil sobrang malapit nila sa isa't isa parang apo na rin ang turing niya sa batang ito.Nang matapos ang kanilang batian ay niyaya niya ang tatlo na pumasok sa bahay nito.
"Ginoong tomo kumusta na po ang bayan?"tanong ni skyler na tumutukoy sa bayan niya.Ngunit mapait na ngiti ang iginanti rito ng matanda
"Mag iisang buwan na akong hindi nakababa sa bayan skyler."pahayag nito.
"Bakit po?"
At ipinaliwanag ng matanda ang nangyari.Hindi sila makapangaso sa kadahilanang inaatake sila ng mga dire beast sa tuwing mangangaso sila.Ilang buwan na rin nila itong ginagawa.Hindi naman dati ganoon ang mga halimaw na ito,kaya lang mula nagkaroon ito ng bagong pinuno ay tila ba gusto ng mga halimaw na iyun na pagharian nila ang kagubatan.
"At nitong huli nga ay napatay nila ang anak ko."mapait na saad ng matanda.
Dati hindi naman sila inaatake ng mga ito dahil may kasunduan ang kaharian at mga dire beast na mamuhay ng payapa ngunit ng mamatay ang dating pinuno ng mga dire beast ay nagbago ang lahat.May ambisyon ang bagong namumuno nito na maging hari sa bahagi ng kgubatang ito.
"Ano po ang dire beast? Tsaka ipinaalam niyo na po ba ito sa aking ama?siguradong tutulungan kayo nun dahil ang teritoryong ito ay sakop pa rin ng aming angkan."sunod sunod na tanong nito.
"Ang dire beast hijo ay mga uri ng magical beast na nakakapagsalita at kumikilos ng tulad ng mga tao. At walang may gustong bumaba sa bayan dahil aabutin ng 5 araw ang layo nito baka hindi pa kami nakakalayo ay napaslang na kami ng mga halimaw na yun."halos mangiyak-ngiyak na paliwanag ng matanda.
"Hindi po ba may inatasan ang aking ama para bantayan ang lugar na to?"tanong uli ni skyler
"Ang gahamang iyun,hindi alam ni master arthur na tinatraydor siya ng taong inaasahan niyang bantayan ang lugar na ito."may halong galit na sagot ng matanda.
"Nang hindi kami makapagbigay sa gusto niya ay ibinenta niya ang tribu namin sa mga halimaw."dugtong nito
Sumiklab na naman ang galit ni skyler ng marinig niya ito.Hindi niya pwedeng pabayaan ang tribong ito dahil siya ang tagapagmana ng kanyang angkan,ibig sabihin siya ang susunod na mamumuno nito.At hindi niya rin hahayaang hindi mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng anak ng taong malapit sa kanya.
"Nasaan po ang mga halimaw na yun?"malamig na tanong ni skyler.
"Nasa misty swamp malapit sa lawa."sagot ng matanda habang nanginginig pa ang boses sa pagkabigla.Itinuro niya ang isang sapa may 10 kilometro ang layo mula sa nayon.
"Wag na hijo."may pag aalalang dagdag pa nito.
"Ran,Xue,Yden dito lang kayo,pakiusap bantayan niyo ang nayon."
Tanging tango nalang ang naitugon nila sa kaibigan.Hindi sila nag aalala para kay skyler dahil alam nilang espisyal ang kaibigan nilang ito.Mas inaalala pa ng tatlo kung ano ang magiging reaksyon ng taga nayon kapag nasaksihan nila ang gagawin nito sa mga halimaw na kanilang tinutukoy.Mabilis na tumakbo si skyler sa pinagkukutaan ng mga dire beast isang minuto lang ay marating niya na agad ang kuta ng mga halimaw.
Nang nasa bukana na siya ng latian ay agad siyang sinalubong ng mga bantay duon.
"Sandal-"hindi na natapos ng mga bantay na hitsurang butiki ang kanilang sasabihin ng bigla sila inatake ni skyler.Mga foundation rank lang ang mga ito kaya para lang silang langgam para sa kanya.
Mas lalo pang dumami ang kalaban ni skyler ng tuluyan na siyang makapasok sa teritoryo ng mga ito.
Pero kahit marami ang mga ito ay lahat naman ay mga foundation at warrior rank lamang kaya madali lang silang napapatay ni skyler.Nahindik ang mga dire beast sa nakikita nila,para lamang silang mga damo pinagtatabas nito.Hindi na bata ang tingin nila sa kanilang kalaban kundi isang diyos ng kamatayan na bumaba sa lugar nila.
Marami sa kanila ang napatay ni skyler pero may iilan din naman ang piniling tumakas nalang.
Ding....
Ding..
Ding...
Ding! You leveled up
Ding you leveled up...
Dahil sa dami ng napapatay ni skyler ay sunod sunod ang notipikasyon na naririnig ni skyler sa kanyang isipan.Pero hindi niya ito pinapansin dahil naka sentro ang kanyang atensyon sa mga kalaban.
Habang ang mga tao naman sa Red Fang tribe ay halos pigil hininga sa napapanood nila.Kahit malayo ay kitang kita nila ang mga pangyayari dahil hindi naman sila mga ordinaryong tao lamang.
Kahit ang tatlong kaibigan ni skyler ay nakaramdam ng kilabot habang pinapanuod ang kaibigan nilang para lamang nagtatabas ng damo.
--------
"Sinong pangahas ang umataki sa aking teritoryo?"nakakabinging sigaw ng isang malaking nilalang.Mataba ito na mukhang palaka ngunit nakatayo na parang tao at may mga kamay na tulad din ng tao,ang kaibahan nga lang ay berde ang kulang ng balat nito.Ito ang kumandante ng mga dire beast sa lugar na ito - si Gilgar.
"Magbabayad ka sa ginawa mo sa tribo ng pulang pangil."may poot na sambit ni skyler.
"Hahahaha isang bata?"halakhak na reaksyon nito sa pagbabanta ni skyler.Pero naging alerto din ito,dahil alam niyang hindi basta basta ang batang kanyang kaharap may kakaiba dito at nakakaramdam siya ng matinding panganib.
Nasa ganitong estado pa si gilgar ng biglang siyang atakihin ni skyler.
"Yama"s wrath." Dumagundong ang buong paligid ng tumama kay gilgar ang ataking ito.Ng makita ito ng taga nayon ay halos magsigawan sila sa tuwa maliban sa tatlo.Akala ng mga taga nayon na tapos na ang laban.
"Hahahaha yun lang ba ang kaya mo bata?"Hindi man lang nagalusan ang katawan ni gilgar sa atakeng yun.Gumanti naman ng atake ang halimaw at bumuga ito ng asido,pero nailagan ito ni skyler.Ginamit niya ang isa sa mga skill ng pamilya nila ang Thunder steps kaya nadagdagan ang bilis nito.
Pero hindi naman papatalo sa bilis si gilgar isa siyang 7th level (high realm) earth rank kaya hindi rin matatawaran ang bilis nito kahit malaki ito.Nagpapalitan sila ng atake pero kahit ilang ulit ng tamaan ni skyler si gilgar ay hindi ito tinatablan,para lamang siyang sumusuntok sa isang malambot na unan.Ngunit sa tuwing gaganti naman si gilgar ng atake ay mabilis naman itong naiiwasan ni skyler.
Halos dalawang oras na nagpapalitan ng atake ang dalawang magkatunggali at walang may gustong magpatalo.
"Underworld."sambit ni gilgar.At biglang nagkaroon ng malamig na usok at bumalot ito sa buong paligid,nagyelo rin ang lahat ng abutan ng usok.
"Wala kanang matatakbuhan bubwit."mayabang na sabi ng gilgar.
Si skyler naman ay nahihirapan man sa pagkilos dahil naging madulas ang paligid ay patuloy pa rin sa pag atake.Hanggang tinamaan nito ag mukha ng kalaban ng malakas na sipa,napaatras si gilgar ng limang hakbang at may tumulong dugo sa bibig nito.
Muling sumugod si skyler bibigyan niya sana ng isa pang suntok ang kalaban ngunit bigla itong nasalag ni gilgar at-
"Underworld - Hades' breath." Isang itim na usok ang lumabas sa bibig ng halimaw at tumama sa buong katawan ni skyler.Nabalot ng yelo ang buong katawan ni skyler at para na siyang rebulto na hindi gumagalaw.
Isang napakalakas na halakhak ang binitawan ng halimaw na halos dinig na ito sa nayon ng red fang tribe..Ang mga tao naman sa nayon ay napasinghap nalang sa kanilang nakita.Gumuho ang kanilang pag asa ng makita nilang naging yelo si skyler.Kahit si Xue ay napaiyak sa nakita niya..
"Tapos na."mapait na sambit ng isa sa taga tribo.
Lalapit na sana si gilgar upang tapusin si skyler ng-
"Yan lang ba ang kaya mo palaka?"biglang nagliwanag ang katawan ni skyler,natunaw ang yelo na bumabalot dito at may lumalabas ng nakakatakot na aura mula sa katawan nito.Para itong korteng usok na umaangat sa langit.
Nabigla naman si gilgar sa nakikita nito at matinding takot ang naramdaman niya.Hindi tao ang nakalaban niya kundi isang diablo sa isip nito.Sumisigaw ang kanyang animal instinct na tumakbo siya at lumayo ngunit hindi niya maiangat ang kanyang mga paa sa takot.
"Dao of Sword."biglang may enerhiyang hugis ispada ang lumabas sa kamay ni skyler
Napaatras si gilgar sa nakita ng biglang-
"Aaaaaahhhhh"isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito.Habang ang kanang kamay nito ay nasa lupa na at sumisirit ang napakarami ngunit maitim na dugo..
"Sandali,pakiusap wag mo akong patayin.Marami akong kayamanan kung gusto mo ibibigay ko sa iyo lahat pakawalan mo lang ako."sunod sunod na pakiusap ni gilgar.
"AAaahhhhhhhh"muling sigaw ni gilgar sa sakit.Tinabas ni skyler ang kaliwang kamay nito, hindi nakita ni gilgar kung papaano ito nangyari sa sobrang bilis ng atake ng kaharap.Naghalo na ang sipon at luha ng palaka sa sobra pagdurusang nararamdaman.
Muli na namang nakaramdam ng kilabot ang mga tao sa red fang tribe at tila ba nakaramdam sila ng awa para kay gilgar.Masyadong malakas at higit sa lahat brutal sa kalaban ang kanilang young master kahit sa napakabatang edad nito.Hilakbot ngunit may pagmamalaki,ito ang magkahalong nararamdaman ng mga nakakasaksi sa nangyayari.
"Pakiusap handa akong magpaalipin sayo habang buhay wag mo lang akong patayin."pagmamakaawa nito ky skyler.Ngunit walang emosyong tinabas ni skyler ang ulo ni gilgal at bumagsak itong wala ng buhay at punong puno ng pagsisi.Kung hindi lang sana siya naging gahaman.
Nang mapatay na ang pinuno ng dire beast sa lugar na iyun ay nagbalik na rin sa normal na anyo si skyler.
Ding! You killed a high realm earth rank dire beast.
Skyler(Tian)
High realm warrior rank
Sarira Body level 1
Natuwa si Skyler sa narinig mula sa system niya at sa wakas ay makakaapak na siya sa earth rank.Pero hindi niya inaasahan ang susunod na sasabihin nito.
Ding! The law of this world forbids you to level up.
Ding! Do you want to level up forcedly?
HIndi maintindihan ni skyler ang nangyayari bakit hindi siya pwedeng umangat.
Ding! Do you want to level up forcedly?
Muling tanong ng system sa kanya.Hindi man maintindihan ni skyler pero nagpatuloy pa rin siya.Yes.Sinabi niya sa kanyang isipan
Ding! The law of this world forbids you to level up.
Warning! Commencing Tribulation..
Nagitla si skyler sa narinig alam niya kung ano ang tribulation sapagkat nabasa niya ito sa libro pero bakit?ngunit wala ng panahon pa para mag isip si skyler alam niya ang mangyayari kaya mabilis siyang umupo ng lutos position at nagmeditate upang ihanda ang sarili sa sakunang parating.
--------
Nagdiriwang ang mga tao sa nayon dahil sa wakas ay wala na ang kanilang pinangangambahan at wala na ang panganib sa kanilang tribo.Walang mapaglagyan ang tuwa sa kanilang mga puso ng...
"Tingnan nyo ang langit?"sigaw ng isa sa taga nayon.
Nang tingnan nila ang kalangitan ay nagdidilim ito at parang galit na galit.Nangamba ang lahat sa maaring mangyari.Ngunit ng mapadako ang kanilang paningin sa kinaroroonan ni skyler ay nakikita nilang nakaupo ito ng lutos position habang nakapikit.
"Si skyler dadanas ng tribulation?"patanong na sabi ni Wei.
Nabigla ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Wei.Alam ng lahat ng cultivator kung ano ang tribulation pero alam din ng lahat na para lamang ito sa tatapak sa Heaven rank dahil itinuturing ng immortal ang sinumang makakaabot sa ranggong ito.Wala pa sa kasaysayan ng kontinente ng Azure ang dumanas ng tribulation kahit hindi pa nito naabot ang heaven rank.
"Ganun ba kataas ang potential ni skyler at kahit tatapak pa lang siya sa earth rank ay gusto na siyang supilin ng langit?"nasaisip ni Ran habang nagsitayuan na ang balahibo nito sa katawan..
"Boom"isang malakas na tunog ang nilikha ng kidlat ng tumama ito sa katawan ni skyler.Habang si skyler naman ay napasuka ng dugo sa sobrang lakas ng pwersa ang tumama dito.
"Boom"
"Boom"
"Boom"
"Boom"
Limang magkasunod na kidlat ang tumama sa maliit na katawan ni skyler.Hindi lang ito basta kidlat dahil ang kidlat na ito ay nagtataglay ng pwersa para sa isang highlevel sky rank.Kung ordinaryong cultivator na tatapak sa earth rank ang tatamaan nito siguradong kahit abo ay walang matitira sa kanya.
Habang tumatama ang kidlat sa katawan ni skyler ay hinihigop naman ito ng kanyang martial spirit kaya nakakayanan ng katawan niya ang parusa ng langit.Pagkatapos ng panlimang kidlat ay nawalan ng malay si skyler ang makita ito ng tatlo ay mabilis silang tumakbo sa sobrang pag aalala.
Ding! You leveled up.
Skyler(Tian)
Low realm Earth rank
Sarira Body level 2
Body skill activated : Auto-Heal
--------
— 次の章はもうすぐ掲載する — レビューを書く