アプリをダウンロード
50.52% I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 48: Chapter 44: Unexpected visitors

章 48: Chapter 44: Unexpected visitors

 

 

Nasa living room kami ngayon ni mommy. Siesta time na pero hindi pa 'ko inaantok. Nanonood kami ng TV. Si mommy, mukhang inaantok na. Nakahiga na nga sya isang couch eh. Kaya magkaiba kami ng couch na kinalulugaran.

Mamaya pa yan matutulog kapag tapos na yung showtime. Favorite nya yun eh.

'Louise ko, nagtext ako..... Babasahin mo ba?'

 

Napatingin ako kay mommy.

Binigyan nya lang ako ng makahulugang ngiti at binalik na sa TV yung paningin nya.

Message alert ko kasi yun para kay Zoid. Sya nag-set nun eh =o=

From: Maboy/Louie ko

            Louise ko....

 

 

>//////<

Parang naririnig ko yung malambing nyang boses na nagsasabi ng 'Louise ko...'

 

 

To: Maboy/Louie ko

        Bakit, maboy? :)

 

 

Maboy/Louie ko: gawa mo?

Me: Nakaupo lang po. Kaw?

Maboy/Louie ko: Pinapantasya ka. Hehe :* labyu Louise ko :****

Me: Haha. Pinapantasya talaga? XDD. Baka kung anong iniisip mo tungkol sa'kin, ah! Hehe ^o^Mas mahal kita, maboy :**************

*Ding Dong*

 

 

"Louise, buksan mo nga yung gate / Mommy, kayo na po yung magbukas ng gate." Halos sabay naming sabi ni  mommy.

"Ikaw na. Hindi pa commercial eh." Mommy

"Ehh~ Ka-text ko po si Zoid. Kaw na po." ako >u<

Tinitigan ako ni mommy ng masama na may meaning na, 'Sino ba nanay sa'ting dalawa?'

 

 

No choice >,<

Tumayo ako at lumabas para buksan yung gate. Pagbukas ko...

"ZAILIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIE!!!!!!" Bigla nya kong niyakap ng mahigpit.

O____O

"Z-Zac?'

Almost 2 years na syang hindi umuwi ng Pinas.

Gaa~ I missed him so much.

 

 

"I MISSED YOU SO MUCH, ZAILIIIIIIIEEEE!!!!!!"

 

 

"I missed you too!!!"

 

Niyakap ko rin sya ng mahigpit.

"Kelan ka pa nakabalik?" Tanong ko sakanya habang magkayakap kami.

"Kagabi lang. Sorry kung hindi kita agad napuntahan. May jetlag pa kasi eh. I miss you talaga!"

 

 

"I missed you too, Zac."

 

 

Si Zac. Yung kuya ni Yat. Super close kami nito ^.^ I missed him so much talaga!

"Louise ko..."

 

 

O____O

Agad akong humiwalay ng yakap kay Zac. Baka kung anong isipin ni Zoid!

Teka nga! Kanina lang, ka-text ko 'to, ah?

"Here's my pasalubong for you, Zailie. Hope ya like it!" Naramdaman kong may inabot sa'kin si Zac, pinahawak nya sa'kin yung sa tingin ko ay maleta.

Nakatingin lang kasi ako kay Zoid.

Galit ba sya?

Hindi ko kasi mabasa yung face expression nya.

Napaka-seryoso >o<

"Mag-usap tayo." Sabi ni Zoid ng sobrang seryoso!

Kinakabahan ako.

Bakit nga ba 'ko kinakabahan?

Eh kasi... Baka isipin nya na may something sa'min ni Zac >____<

"Zailie, pasok muna ako sa loob ng house nyo, ah? Kakausapin ko lang ang iyong madir. Miss ko na rin sya eh! Later na tayo mag- bonding, ayt?"

 

 

Tumango nalang ako nang hindi malang sya tinitignan.

"Maboy, let me explain."

 

 

Si Zac kasi ang kuya ni Yat. Lalaking-lalaki ang itsura pero pusong babae. Pero kahit ganun yun, proud pa rin sila kay Zac. Matalino at kapaki-pakinabang na anak kasi. May clothing line business nga yun sa Paris eh.

2 years na rin syang di nakakauwi.

Hindi kami talo! Mas malandi pa nga yun sa'kin eh!

Kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano, maboy ah?

Ikaw lang naman ang mahal ko eh.

Ayan na. Ready na ko for my explanation.

"Maboy, yung nakita mo kanina... sya si Zac yung------"

 

 

"WE'RE HERE!!!!" Sigaw ni VJ kaya napatigil ako.

Naman eh! Di pa nga ako nakakapag-explain -.-

Bigla namang bumaba si Yat sa kotse nya.

Maya-maya, may isang kotse pa ang nag-stop sa harap namin at naunang bumaba si Dwayne at pinagbuksan nya ng pinto si Sophi.

After a couple of seconds, may isa na namang kotse ang dumating. Bumaba si CeeJay at (?)

Wala na. Dire-diretso syang naglakad palapit sa'min.

"Asan si Chloe?" Tanong ni Yat kay Ceejay.

 

Nag-shrug lang sya ng balikat.

Biglang bumukas yung pinto sa kotse ni Ceejay sa may front seat. Padabog pa nga yung pagkakabukas eh =___=

"HINDI TALAGA AKO PINAGBUKSAN NG DOOR, EH NOH! PERVERT KA NA NGA, HINDI KA PA GENTLEMAN!!" Sigaw ni Chloe na sobrang sama ng tingin kay CeeJay.

Si CeeJay naman, halatang nagpipigil ng tawa. Pulang-pula na kaya sa galit si Chloe!

"Teka, bakit kayo andito? Anong meron?"

 

 

"Basta." -Dwayne

"Di mo ba kami papapasukin?" Naka-cross arms na tanong ni Chloe.

"Bakit muna kayo nandito?" -ako

"Basta nga daw! Tara na nga. Pasok na tayo." Sabi ni Sophi at hinila nya si Dwayne papasok ng gate namin, nabunggo pa nga nila ako eh.

"T-teka----"

Wala na. Sunod-sunod na silang pumasok. NAKO NAMAN!

"Dun tayo sa garden." Sabi ni Yat, as if sya ang may-ari ng bahay =.=

Sabay kaming naglalakad ni Zoid pero hindi kami nagpapansinan.

Hindi nya ako kinakausap T^T

Galit ba sya?

"Wala bang ipapakain yung isa dyan? Mga bisita kami eh. Tsk. Tsk. Tsk." Alam kong ako yung pinaparinggan ni Ceejay.

Fine! Kukuha ako. Malay ko ba?

Hindi naman ako nag-invite ng visitors eh?

Sa july pa naman ang birthday ko. Ano bang meron?

"Tulungan na kita, Zai." -Yat

"Me rin! Tutulungan din kita, Zai!" Hyper na sabi ni Sophi.

Tumingin kaming lahat kay Chloe.

Napa-irap nalang sya sabay sabing, "Fine! I'll help you din. Tch."

 

Pumasok na kami sa bahay at iniwan muna yung mga boys sa garden. Naabutan namin sila mommy at Zac sa living room na nagtatawanan habang kumakain ng chocolate. Syempre, nagbatian yung magkapatid (Yat at Zac)

Si Chloe, naka-chin up lang habang naglalakad.

Nung pagpunta namin sa kitchen, binuksan ko yung fridge para maghanap kung anong pwedeng ipakain sa mga unexpected visitors ko.

May dalawang cake. Yung caramel, bawas na. Yung chocolate naman hindi pa, kaya ayun ang nilabas ko. Tamang-tama, favorite ni Zoid ang chocolates :D

Habang nagtitimpla ako ng juice, naghahanda naman ng mga platito at tinidor si Yat at Sophi. Si Chloe naman ang sa mga baso. Then, pinagsama-sama na nila yun sa tray.

Si Sophi na ang nagbitbit ng tray tapos ako naman ang sa cake. Then, binalikan na namin yung boys sa garden.

Nung nakita kami ni Dwayne, mabilis syang tumayo at kinuha yung hawak ni Sophi na tray at sya na yung  nagbitbit nun.

"Buti pa si Dwayne, gentleman. Di gaya ng isa dyan...." Parinig ni Chloe na halata namang para kay CeeJay yun.

Nung naayos na ang lahat, umupo ako sa tabi ni Zoid na kanina pa 'ko hindi pinapansin TT____TT

"Maboy, magpapaliwanag ko."

 

 

"Ha? Bakit ka magpapaliwanag?"

 

 

"Kasi nakita mo kaming magkayakap ni Zac eh. Baka kasi kung anong isipin mo."

 

 

"Haha. Ano namang iisipin ko? I trust you, Louise ko. Atsaka, alam ko namang hindi lalaki yung kayakap mo kanina eh. Ang lantik kaya nung kamay nun! Hahaha. Tapos parang si Chloe magsalita."

 

 

"Why na naman me nasali dyan?"

 

 

"Conyo ka daw kasi." -CeeJay

Dahil sa sinabi nya, pinaghahahampas sya ni Chloe.

"Eh, ano yung sinasabi mo kanina na mag-usap tayo?"

 

 

"VJ, ikaw na magpaliwanag. Kakain muna ako. Subuan mo nga ako, Louise ko."

 

Hmp. Okie ^____^

"Kasi ganito yun... blah blah blah blah blah blah..."

 

 

"Masarap?" Tanong ko kay Zoid. Tumango naman sya habang nakangiti.

Sinubuan ko ulit sya ng chocolate cake.

"Nakikinig ka ba, Zai?" Tanong ni VJ.

"Yup. Say ahh~" Sinubuan ko ulit si Zoid. Ang kyut~

"So, alam mo na kung bakit kami nandito?"

 

 

"Huh? Hindi ko narinig eh. Paki-ulit nga!"

 

 

"BUHAY NAMAN OH! HOOO~ Nagsayang lang pala ako ng laway. Ang haba-haba ng sinabi ko, di ka pala nakikinig!"

 

 

"Eh, sinusubuan ko si Zoid eh. Ulitin mo!"

 

 

"Ayoko nga. Labs, ikaw nalang magpaliwanag dyan sa bespren mo!"

 

 

"Okay. Payn. Subukan mong wag makinig, Zai! Babatukan kita!"

 

 

>___________<

Kelangan nananakot?

Eto na! Makikinig na.

Nagpaliwanag na sya.

Pumunta daw sila dito para sabihinsa'kin PERSONALLY yung summer plan nila.

3 days daw kami sa tagaytay sa private beach house nila Zoid. Si Yat na daw ang magpapaalam sa'kin mamaya kay mommy.

At kaya pala nasa loob si Zac at nakikipag-bonding kay mommy, inuuto daw yun ni Zac para kapag ipapaalam na ako ni Yat mamaya kay mommy, good vibes sya at para sure na papayagan ako.

Hindi kasi ako pinapayagan lalo na kapag hindi uuwi agad.

"Ano? Gets na?"

 

 

"Oo. Gets ko na. Kelan ba tayo aalis?"

 

 

"Bukas."

 

 

"Agad-agad?"

 

 

"Agad-agad!"

 

 

Biglang lumabas si Zac at sinabing pwede na akong ipaalam ni Yat kay mommy.

Nakipag-bonding din sa'min si Zac. Nakakatawa nga eh. Crush nya daw sila Dwayne, Ceejay, VJ at si Zoid. Natatawa nalang ako sakanila.

At dahil fashionista si Zac, for sure magagandang damit na naman ang pasulubong ko sakanya.

 

 

 

Sa'min din sila nag-dinner. Nung mga 8pm na, nagpasya silang umuwi. Ayoko pa ngang umuwi ni Zoid, pero sabi ko kailangan nyang magpahinga.

 

Kinalkal ko yung pasalubong sa'kin ni Zac na mg damit. More on pang-summer. May summer hat at summer dress pa. Tapos ang daming swim suit. Ang ga-ganda pa ng designs.

Hmp. Ano kayang reaction ni Zoid kapag nakita nya 'kong naka-swim suit?

Hihi. Excited na ko para bukas.


クリエイターの想い
envieve envieve

Hi!

I created an account on Instagram. If you have time, you may check it out : @girlinblackpink_stories

This is where I'm going to post anything about my stories.

Thanks!

next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C48
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン