Naiinis na ibinagsak ni Beatriz ang kanyang cellphone sa kama. Papaano ba kasi ay panay ang tawag nang tawag sa kanya ng nagngangalang Gabriel Ferrer. Gusto nitong makipagkita sa kanya dahil nga iilang kilometro lang ang layo ng barracks nito sa loob ng kampo mula sa boarding house na kinauukupahan niya. Ang ayaw pa niya ay dahil isa itong sundalo. Kahapon lang ay text ito nang text dahil nga binigay ng kaibigan niyang sundalo na nanliligaw kay Claire ang number niya sa kung sino mang Gabriel na iyon. Tila kasi nakatatak na sa kanyang isipan kung ano'ng klase makipag-relasyon ang mga sundalo. Sabi nga ng iba, bawat dinidistinohan ng mga ito ay may mga jowa sila. But she is not the type na madaling magtiwala at mag-entertain. She have had enough experiences of so many kinds of men. She experienced being in love, she experienced being hurt. She experienced the feeling of unimportant and she had experienced of begging for time. Sa dalawampo't-apat na taon ba niyang ikinapanatili sa earth ay imposibleng wala siyang natutunan sa lahat ng mga pinagdaanan niya.
"Triz, bakit ayaw mong sagutin?" Nagising ang kasama niya sa kwarto na si Claire dahil sa ingay ng kanyang cellphone nang buksan na sana niya ang pinto upang lumabas. Gusto niyang humingi ng pasensya ngunit nanaig ang inis niya. Si Claire kasi ang isa sa dahilan kung bakit napunta ang numero niya sa Gabriel na iyon. Nang pumunta siya ng Capiz, ay wala man lang siyang masyadong kaibigan kundi si Jomar lamang na nakilala niya sa facebook at katulad niya ring aplikante na nakasama niya sa byahe papunta ng kampo. Sabay silang naghanap ng boarding house. At dahil sa dami ng aplikante at halos lahat ng bahay ay puno na, kailangan nilang mag-share ng kwarto sa iba at dito niya nakilala si Claire. Isang taon ang agwat nila. Isa itong Criminology Graduate, mataas at tuwid ang hanggang puwet na buhok at sa tuwing nag-uusap sila nito dahil minsan ay kuwela siya ay lagi itong natatawa sa kanya dahilan nang ikinagaanan nila ng loob sa isa't-isa. Si Jomar naman ay kasama rin ng tatlo pang lalaking aplikante na nasa kabilang kwarto. May pinsang sundalo si Jomar, at iyon ay si Mark na naging manliligaw ni Claire. Naging kaibigan na rin niya ito. Gusto niyang pagpaluin ang dalawa dahil panay ang pang-rereto nito sa kanya kay Gabriel. And she hated it.
"May gagawin kasi ako sa kusina. Maghuhugas ako ng pinagkainan natin. Hayaan mo na, titigil din 'yan mamaya." Tugon niya at lumabas ng kwarto. Nagmamaktol na dumiretso siya ng kusina upang maghugas ng pinggan.
"Triz, 20 missed calls na. Sinagot ko na. Andito siya sa kabilang linya. Gusto ka raw niyang makausap." Sigaw ni Claire sa kanya sa namamalat na boses nang puntahan siya nito sa kusina. Ni hindi pa nga ito nakapagsuklay ng buhok. Nilingon niya ito at sinenyasan nang tumahimik.
"Sabihin mo sa kanyang naghuhugas ako ng pinggan. Busy ako, pakisabi." Bulong at tanggi niya. Nakita niya ang pagngiti ni Claire.
"Sorry, naghuhugas pa kasi ng pinggan si Beatriz. Mamaya ka nalang daw tumawag." Rinig niyang wika ni Claire. Nilingon niya ito at nginitian bilang pagpapasalamat.
"Triz, maghihintay raw siya. Ayaw niya kasing patayin ang tawag. Bilisan mo dyan." Nagmamaktol na kinuha niya ang cellphone mula sa kaibigan at pinatay iyon.
"Ba't mo ginawa iyon?" Wika nito sa kanya. Kahit nagmumukha siyang bastos sa ginawa niya ay wala siyang pakialam.
"Ayaw ko nga siyang kausapin. Nakukulitan ako sa kanya. Saka ayoko makipag-usap sa isang sundalo except kung kaibigan ko siya." Ipinasok niya sa bulsa ang cellphone. Kahit panay pa rin ang ring niyon ay hindi na niya pinapansin. Bahala na nga. Pumunta siya ng Capiz, Camp Macario Peralta, Jamindan para mag-apply hindi para makipagkulitan nang tawag sa kung sino mang sundalo roon. Wala siyang balak mag-entertain ng kahit ano. Alam naman niya kasing may iba itong intensyon sa kanya kasi nga sa tuwing tumatawag itong kaibigan niyang si Mark kay Claire ay naririnig niyang nagsasalita ito na paki-kumusta sa kasama ni Claire. Eh, alam naman niyang siya ang pinaparinggan niyon dahil sila lang namang dalawa sa kwarto, alangan namang sa mga lalaking kasamahan niya?
Napabuntong-hininga si Beatriz habang nilalagay sa mesa ang cellphone. Ilang missed calls ulit iyon galing kay Gabriel. Buong araw yata itong tawag nang tawag sa kanya at wala siyang planong sagutin iyon. Dalawang araw na niya itong hindi sinasagot at sa text lamang siya nagrereply rito. Hangga't kaya niya ay iiwasan niya ang mga ganoong bagay dahil pumunta siya ng Capiz upang tuparin ang kanyang pangarap. Pangarap na maging sundalo. Hindi naman siya sigurado kung makakapasok siya ngunit gagawin niya ang lahat upang matupad ang hinahangad. Magta-tatlong linggo na siya roon. Pinuntahan niya ang isang malayong lugar kung saan ay wala siyang kakilala. Nakikisama lamang siya sa mga kapwa aplikante na naka-chat niya upang may kasama siyang pumunta sa lugar na iyon. At least, kung mawawala man sila sa daan ay marami sila at hindi siya nag-iisa. Nakapag-register na siya at kompleto na rin ang requirements niya. Sa susunod na buwan ay mag-uumpisa na ang Physical Fitness Test at iba pang pasulit upang makapasok.
"Triz, kanina pa nag-iingay ang cellphone mo. Pakisagot naman po." Untag sa kanya ni Claire habang nagbabasa siya ng libro at nakasandal sa headboard ng kanilang kama. Hindi niya pinansin iyon. Naka-vibrate lang naman ang cellphone niya. Ayaw niya kasing e-silent iyon dahil baka tumawag ang mama niya o may itatanong ang mga kasamahan niya dati sa trabaho.
"Bud, ayaw talagang sagutin ni Triz ang cellphone niya." Rinig niyang sumbong nito kay Mark na alam niyang nanliligaw kay Claire dahil oras-oras yata at tuwing break time ay magka-usap ang dalawa. Simula pa kaninang umaga pagkagising hanggang ngayong mag-aalas-singko na ay walang sawang nag-uusap ang dalawa.
"Triz, mabait naman itong kaibigan ko. Gusto lang naman niyang makipagkaibigan sa iyo, eh. Bakit ba ang damot mo?" Rinig niyang wika ni Mark sa kabilang linya nang naka-loud speaker ito. Pinaikot niya ang dalawang mga mata at itinuon pabalik sa librong binabasa.
"Triz, makikipagkaibigan lang nga raw si Gabriel." Sinipa siya ni Claire.
"Mamaya ko na pagdedesiyunan iyan. Nagbabasa pa ako." Nakangusong wika niya habang nakatuon ang mga mata sa aklat.
"Sagutin mo na. Sige ka kapag hindi mo sinagot iyan malalagot ka talaga kapag nakapasok ka na. Syempre magiging Senior natin siya. Baka mamasi-masihin tayo niyan, kuu lagot na. Pati ako damay. Damay-damay na this!" Mabilis na nailipat niya ang mga mata kay Claire. Syempre mas marami itong alam kaysa sa kanya dahil isa itong Criminology student at pangalawang beses na itong nag-apply. Bumagsak nga lang no'ng una.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noo na wika niya sa kaibigan na agad namang ngumisi.
"Ibig kong sabihin na kailangan maging mabait tayo sa kanila kasi Seniors natin sila. Saka gusto lang namang makipagkilala no'ng tao. If you'll find him na hindi mabait 'edi you will have reasons na para iwasan siya. Ang kaso nga hindi mo pa kilala iyong tao nanghuhusga ka na kaagad. Mahirap kasing ma-endorse." Kumunot ang noo niya.
"Ma-endorse?" namayani sa kanya ang koryusidad. Naisantabi niya ang aklat na hawak.
"Ma-endrose. Halimbawa kapag sinungitan mo ang senior mo na wala naman siyang ginagawang masama, syempre sasabihin no'n na masungit ka. Kapag makakarating sa mga opisyal iyon 'edi magiging bad record ka na sa kanila." Biglang namuo ang kaba sa kanyang dibdib. Wala siyang ka ide-ideya na ganoon ang mangyayari. Sandaling natitigan niya ang cellphone nang mag-vibrate ulit iyon. Agad na dinampot niya ang cellphone at binasa ang text. Galing iyon kay Gabriel.
"Sorry po, nagbabasa kasi ako kaya hindi ko nasagot." Kaagad na reply niya rito. Nakita naman niya ang marahang pagtawa ni Claire. Inirapan tuloy niya ito na nagpatuloy na sa pakikipagtsikahan kay Mark.
Nabigla pa siya nang makitang tumatawag na naman si Gabriel. Isang malalim na hininga nag kanyang pinakawalan bago sagutin iyon.
"Hello?" Wika niya sa kabilang linya. Kumabog ang kanyang dibdib.
"Sa wakas. Thank you, Lord at sinagot mo na ang tawag ko." Kumunot ang noo niya. Eh, ano ngayon? Gusto niyang sabihin rito ngunit dapat niyang pakakatandaan ang sinabi ni Claire sa kanya.
Nilingon siya ni Claire.
"Huwag mong sungitan. Alam kong mabait ka." Kindat pa nito sa kanya.
"Ah, eh…pasensya ka na po, sir. Talagang ang dami ko talagang ginagawa saka hindi talaga ako ma-isturbo sa tuwing nagbabasa ako o may ginagawa ako." Nag-aalangang wika niya rito. Narinig niya ang marahang pagtawa nito.
"Baka iniiwasan mo lang talaga ako."
"Ma…mahiyain kasi ako." Rason ni Beatriz.
"Kuu, hindi mo pa nga ako nakikita ay nahihiya ka na kaagad sa akin? Dapat makita mo muna ako bago mo sabihin iyan. Baka ako pa nga ang mahiya sa 'yo, eh." Natawa siya. Ang hinhin kasi ng boses nito. Tila hindi makabasag ng pinggan.
"Kaya nga hindi ko sinasagot ang tawag mo kasi alam kong makikipagkita ka sa 'kin. Nahihiya nga ako. Kaya nga minsan lang akong lumalabas ng boarding house." Nakagat niya ang mga labi. Kailangan niyang maging pormal sa pakikipag-usap dito.
"Okay, as of now I'll respect your decision. Pero sana kapag hindi ka na mahihiya ay mami-meet kita. Saka dapat tanggalin mo ang hiya mo kasi kapag nag-apply ka ng sundalo bawal ang mahiyain." Napangiwi pa siya sa payo nito sa kanya. Alam niya iyon. Pero hindi niya talaga maiwasan ang mahiya. Kakambal na niya iyon.
"Hindi kasi ako katulad mo na walang hiya." Mahinang bulong niya. Narinig nalang niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Ouch!" Sinundan niyon ng tawa.
"Sorry, joke lang. Oh siya sige, sir. Kailangan ko na munang ibaba ang cellphone. Maliligo pa kasi ako." Wika ni Beatriz. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Wait lang. Pwede ba'ng humingi ng pabor sa iyo?"
"Yes, po?" Wika niya.
"Pwedeng huwag mo nalang akong tawaging sir? Napakapormal mo kasi. Pareho lang naman tayo."
"Baka gusto ni'yo ng ma'am?" Magkasabay na natawa silang dalawa.
"Akala ko ba mahiyain ka? Joker ka rin pala. Sige na. Bud nalang ang itawag mo sa 'kin." Pakiusap nito sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag na bago siya nagpaalam dito.
"Triz, pauwi ka na ba?" Tawag ni Claire sa kanya sa kabilang linya habang bumababa siya ng tricyle at papauwi na galing nagsimba. Pati si Gabriel ay panay rin ang tawag sa kanya ngunit hindi niya sinasagot. Nasa simbahan kasi siya kanina saka maingay rin ang hangin sa tricycle kaya ayaw niyang sagutin ito.
"Oo, nasa kanto na ako." Sagot niya habang papasok na sa loob papunta sa boarding house nila.
"Nakita ka raw ni Mark kanina sa kanto." Nakangiting salubong ni Claire sa kanya nang buksan niya ang pinto ng kwarto nila. Ibinagsak niya ang sarili sa kama saka hinubad ang suot na sapatos.
"Okay, bakit hindi niya ako tinawag?" Wika niya habang nakahiga at pinaypay ang sarili.
"Samahan mo naman ako, Triz." Yaya nito sa kanya. Agad na napalingon siya sa kaibigan. Bagong ligo ito at ang bango-bango pa kahit nasa loob lang naman ito. Niyayaya niya kasi itong magsimba ngunit tumatanggi.
"Teka, huwag mong sabihing…" turo niya rito habang nakangisi ito at gumagawa ng beautiful eyes.
"Makikipagkita kasi sa akin ang kaibigan mo. Syempre nag-ayos ako. First meet kaya namin ito." Dinampot nito sa mesa ang suklay at sinuklay ang mahabang buhok nito.
"Kuu, ikaw nalang. Baka ma-endorse pa tayo." Tanggi niya. Ngunit nilapitan siya ng kaibigan at hinila.
"Magkaibigan naman kayo, eh. Saka ilang araw na rin kasi kaming nagtatawagan tapos ni hindi ko man lang siya nakita. Siya nakita na niya ako, ako, hindi ko pa siya nakikita. Napaka-unfair naman niyon." Nakabusangot na wika nito sa kanya. Parang gusto niya itong paluin ng envelope na nasa mesa na may lamang mga requirements nila.
"Unfair o gusto mo lang talagang makipagkita sa kanya?" Ngumisi naman ito bilang tugon. "Pagod ako. Saka ang init sa labas." Pinagkrus niya ang dalawang braso saka kinuha ang tsinelas niya.
"Tara na." Wala na siyang nagawa pa nang hilahin nito ang braso niya. Dahil mas malaki naman ito sa kanya at mas malakas ay natangay na siya nito hanggang sa kanto. Alam naman niyang kaya niyang magpumiglas ngunit dahil pagod siya ay hinayaan nalang niya itong ikawit ang braso sa kanya upang matangay siya.
Naka-krus ang dalawang braso niya nang makitang nasa kabilang daan lang naghihintay si Mark. Parang gusto pa niyang sapakin ang kaibigan gayong may pahiya-hiya effect pa itong nalalaman.
"Hi, Triz. Hello, Claire." Lapit ni Mark sa kanila.
"Wow, ako ba talaga ang gusto mong batiin o si Claire?" Biro niya rito na agad namang ngumisi at nilipat ang mga tingin sa kaibigang ngisi nang ngisi.
"Syempre pareho kayong dalawa. Tara, lunch tayo dyan lang sa kabila." Turo nito sa kainan na nasa kabilang daan lang.
"Naku, kayong dalawa nalang kaya. Babalik nalang ako sa boarding house. Busog pa naman ako. Enjoy your first meeting and date." Nakangiting tanggi ni Beatriz. Nakita niya ang pagkadismaya ng dalawa nang hahakbang na sana siya pabalik ng boarding house.
"Triz, andyan nga pala si Gabriel sa tindahan, oh." Nanlaki ang mga mata niya. She don't care kung biro lang iyon ni Mark o hindi. Pero hindi niya kayang humarap sa kung sino mang Gabriel na iyon. No way!
"Huwag mong tawagin, nahihiya ako. Susuntukin talaga kita." Babala niya rito. Naka-black pants lang siya at pink na damit saka tsinelas, kasi nga hindi pa siya nakakapagpalit dahil kinaladkad lang siya ng kaibigan palabas.
"Gabriel…Gabriel…" at hindi talaga nagpa-awat si Mark. Parang gusto niyang tumakbo pabalik ng boarding house dahil sa ginawa nito. Lalo pa'ng nang-init ang mukha niya nang mamataan ang isang binatang tumayo mula sa upuan ng tindahan at nakatingin sa direksyon nila. Mataas ito, 6 footer, tanned skin, at hindi naman masyadong malaki ang pangangatawan. Naka-gray jacket ito, black jersey short at sapatos. At nang tingnan niya ito sa mukha ay nakangiti pa ito habang titig na titig na papalapit sa kanya. Alam na alam nito na siya si Beatriz.
Halos gusto na niyang magpakain sa semento. Sobrang nakakahiya ang ginawa ng kaibigan niyang ngisi nang ngisi pa dahil sa pamumula niya.
"Hi, ma'am." Pormal na inilahad pa nito ang kamay sa kanya. Nag-aalangan pa siya kung aabutin ba niya iyon o tatakbo nalang siya pabalik ng boarding house. Huwag kang magsungit kung ayaw mong ma-endorse tayo. Naalala pa niyang wika ni Claire sa kanya. Lihim na kinagat nalang niya ang dila at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang abutin ang mga kamay nito. Pilit ang mga ngiting isinukli niya sa binata na tila tuwang-tuwa nang makita siya. Naramdaman pa niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya.
"Lunch na tayo." Untag ni Mark sa kanila. Natauhan tuloy siya. Nabitawan na pala ni Gabriel ang kamay niya. Hindi man lang niya namalayan.
"K…kayo na nga lang. Uuwi nalang ako." Tanggi niya ulit.
"Triz, " magkasabay pang wika nina Claire at Mark.
"Miss Beatriz. Please, join ka na sa 'min kahit lunch lang." Pakiusap ni Gabriel sa kanya. Napataas siya ng mga tingin.
Damn! Parang gusto niyang magmura. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang tinititigan siya nang ganoon. Kaagad na umiwas siya ng tingin rito.
"Please, " nandilat nalang ang mga mata niya nang ilahad nito ang kanang kamay na tila niyayaya siyang sumayaw. Sinalubong niya ang mga tingin nito. She really wanted to punch him at that moment. Naiinis na hinila niya si Claire at mabilis na tumawid sa kalsada.