アプリをダウンロード
27.27% HELL.O / Chapter 3: Chapter 3

章 3: Chapter 3

Chapter Three

Sa kalagitnaan ng 2nd mass, magkatabi sina Joeceline, Yuri, Roxanne at Carlo sa upuan ng chorale. Nagtataka ang magkakaibigan bakit wala si Zenaida. Panay ang misa ni Father de Vina at napapansin din nito na wala nga si Zen sa grupo ng mga singers ng kanyang choir. "Kaya mga anak, sinasabi ko sa inyo palang, 'wag na 'wag niyong pag-iisipan ng masama ang Panginoon. Huwag niyong isipin na di niya kayo iniisip o minamahal kung kayo man ay nasa kalagitnaan ng problema. Huwag niyo rin isipin na di Siya umiiral, dahil nakasulat sa John 1:1 ang linyang, 'In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.'"...

...Nang matapos na ang 2nd mass, nagsiuwian na ang mga dumalo sa misa, at naiwan sa loob ng simbahan, ang pari, ang kapatid ng pari na si Roxanne, si Joeceline, si Yuri, at si Carlo. Ang grupo ng chorale at ang pari ay nagtitigan at mukhang alam na nila sa isa't isa kung sino ang pag-uusapan nila. "Si Zenaida ba ang nasa loob ng mga isip niyo?" tanong ng pari sa mga singers nito. Nagsitanguan at napa-oo ang lahat ng mga mang-aawit. "Ano kayang nangyari do'n? May idea ka ba kung nasaan siya ngayon Roxie?" tanong ni Joeceline kay Roxanne. "Ay, kahit ako din nagtataka bakit wala siya ngayon. Supposedly after the 2nd mass, magtatrabaho na 'yon sa kompanya ko as call center agent, di ba?." Sagot ni Roxanne. "Baka tulog pa. Dreaming?" sabi ni Carlo. "I don't think so. Gumigising 'yon ng maaga basta magkakaroon ng misa." Sabi ulit ni Joecel. "Love, Tawagan mo nga si Zen. Baka puyat lang at pinahaba niya ang pagtulog. Call her, love , hurry." Sabi ni Joecel sa nobyong pulis. Agad namang tinawagan ng deputy si Zen gamit ang cellphone nito ngunit disconnected agad ang linya. "Disconnected. Out of reach." Gulat na pagsabi ni Yuri sa nobya. "Putol ang linya. That's impossible. Loaded palagi ang cellphone ni Zen dahil ako mismo ang nagpapa-load sa kanya palagi." Gulat na sabi ni Roxanne. "Asan kayang loka-lokang 'yon?" dugtong pa ng dalaga. Napatalikod itong si Roxanne, at napasigaw ang dilag nang makita nito si Zenaida sa kanyang likuran! Habang nag-uusap pala sila ay sekreto itong si Zen na pumasok ng simbahan! "Jeez... you scared me." Sabi ni Roxanne sa kaibigang call center agent. Gulat na gulat ang lahat. Nakangiti ang kanilang kaibigan at namumula ang mga mata at mukhang puyat ngunit masaya ang tindig at galaw. "Zen! We're have you been? Di ka umatend ng mass? Sa'n ka galing?" tanong ni Joeceline. "Sorry guys, I have a good news to tell you. I am not a Roxcell Mobile Copany call center agent anymore!" masayang pagsabi ni Zenaida sa mga kasamahan nito. Gulat na gulat ang lahat sa sinabi ng dilag lalong lalo na si Roxanne at napasigaw itong si Roxie ng, "What!?!" Lahat ay napatitig kay Roxanne. "Sorry, pero that's what my reaction should be! Magugulat ka naman talaga kung ganyan ang statement na lumabas sa bibig ng kaibigan mo!" sabi ni Roxanne sa kapatid na pari at sa mga kasamahan niya sa chorale. "Paano? Why? Bakit ka lumipat ng trabaho? at sa kalaban ko pa na phone company ka talaga lumipat ha! Ang bait mo!" sabi ni Roxanne kay Zenaida. Huminga ng malalim itong si Zen at napasagot lang ng nakangiti ng, "Sorry Roxie, pero, tinawagan ako mismo ni president Fercilu Tanza, at sabi niya, lumipat nalang daw ako sa komapanya niya dahil napakagaling kong call center agent at di raw ako bagay sa kompanya mo." Sabi nito. Aawayin sana ni Roxanne si Zen, physically, dahil sa sagot nito, ngunit pinigilan lang siya ng kuya niyang pari at ni Joeceline. "Pasensiya kana Rox, ang laki kasi ng suweldo. 25,000 kasi ang salary a week! Kasiyang kasiya sa budget ko, sa chemotherapy ko, at araw-araw na pamumuhay ko. And isang bagay lang ang susundin ko para maging officiall call center agent ako sa company niya. Huwag na raw akong maniwala at manalig sa Diyos, siya nalang daw ang susundin ko, oh! Easy lang di ba?" pangiti-ngiting sagot ni Zenaida. "What!?!" sabay-sabay na reaksiyon ng mga kaibigan ng dilag. "Zenaida, anak, anong nangyari sa'yo? Kasasabi ko lang sayo kagabi, 'wag kang mawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos!" gulat na gulat na sabi ni father de Vina kay Zen. Panay sa pag-ngiti itong si Zenaida at sumagot lang ito ng, "Sorry father, but I change my mind. I triple click of number six on your phone, you will be an instant member of Hell.O. I don't believe in God anymore. And I offer already my heart and soul, my Roxcell mobile sim and phone to president Fercilu Tanza." Sagot ni Zenaida, sabay talikod at lumakad papalabas ng simbahan. Nagalit lalo at uupakan naman sana ni Roxanne si Zen dahil ibinigay pa pala nito ang cellphone niya sa presidente ng kabilang kompanya. Pinigilan lang siya ng mga kasamahan niya sa chorale at ng kanyang kuya. "Walang hiyang 'yon! After all these years! Ako ang bumigay ng trabaho sa kanya! At tayo ang nagpapa-utang sa kanya para sa chemotherapy niya, tapos ito pa ang igaganti niya!?!" galit na galit na reaksiyon ni Roxanne. Pinapakalma lang siya ni Joecel at Yuri. Nagtataka ang lahat dahil may umiiba sa galaw at mukha ni Zenaida at iyon ang nasa loob mismo ng isip nila. "Father, I know what's inside your head." Sabi ni Carlo sa pari. "Oo. There's something wrong with Zen." Sagot ni father de Vina. "Mukha siyang maitim na pulubi, na pumuti dahil pagpapa-init sa kalsada." Sabi pa ni Carlo. "Mukha siyang si Medusa! Ahas na umaapoy ang mga mata!" galit na sabi ni Roxanne. "She looks... hot." Sabi ni Yuri. Napatitig si Joecel sa nobyo dahil sa sinabi niya at dinugtungan agad ng pulis ang sinabi nito ng, "I mean not sexy hot,... terribly hot." Sabi ni deputy Hanzo. Huminga ng malalim si Joeceline at tinanong agad si father de Vina. "Father, ano kaya ang nangyari kay Zen? Namumula ang kanyang mga eyeballs! at bakit nawalan ito agad ng faith and trust with God?" tanong ni Joecel sa pari. Seryoso ang mukha ng town priest at sumagot lang ito ng, "Only the devil can tempt a human being to do a sin." Sabi ng pari. At nagtitigan ang magkakaibigan at gusto nilang malaman ang dahilan ng biglaang pagbabago ni Zenaida...

Galit at stressful na pumasok si Roxanne sa loob ng kompanya nito. Agad siyang inabangan ng kanyang maganda at normal lang ang tindig na assistant coordinator na si Stella, pagpasok pa lang niya niya ng pintuan. "Roxie! Bad news. Together with Zen, five call center agents naman ang nagsi-alisan sa kompanya mo!" sabi ni Stella. "Ano?! Ba't ba nangyayari ito? Galit ba sila sa suweldo na binibigay ko sa kanila? Ayaw ba nila ng 15,000 a week salary?! Magpapatawag ako ng meeting, right now! Call all the members of my company! Gusto kong malaman bakit nangyayari ito!" sabi ng nag-uumapaw sa galit na si Roxanne.

Sa loob na ng meeting room ang lahat ng miyembro ng Roxcell Mobile Company, mula sa presidente na si Roxanne hanggang sa board of directors. Hindi kumikibo ang mga kasamahan ni Roxie dahil alam nilang galit ang presidente ng kanilang kompanya. Kahit ang tatlong vice presidents ng Roxcell Mobile Comp. na sina Harvey, mataba at maputi na lalaki, si Linda, payat at tsinita, at si Portia, sexy at cute, ay hindi manlang nagsasalita dahil ayaw nilang mapagalitan ng kanilang Chief Executive Officer na si Roxanne de Vina. "So is there anyone here who wants to tell me, why many call center agents are leaving the company?" Nakangiting tanong ni Roxanne. Ngunit pitong segundo ang lumipas, wala manlang ni isa sa miyebro ng management team ng kompanya ang kumibo o nagsalita. Nagalit si Roxanne ay napasigaw ito ng, "Please!!! Can anyone tell me why is these happening!?!" sigaw ng presidente. Nagulat lahat at iba ay nahulog pa sa sahig mula sa kanilang kinauupuan dahil sa sigaw ng dilag. At may lumakas ang loob na magsalita ay isa sa bise presidente na si Harvey ang nagsalita. "Roxie, please... even I, Linda and Portia, have know idea why this tragedy is happening, kaya please, lower your anger with a mild tune of voice with us." Sagot ni Harvey. Dinugtungan agad ng isa pang vice president ang sinabi ni Harvey ng, "Ginagawa din naman namin ang mga trabaho namin, kaya, huwag ka namang magalit." Sagot ni Linda. Napasigaw ulit ang presidente ng, "Eh, paano ako hindi magagalit kung ganito ang palagi ang nagyayari sa kompanya ko!? Araw-araw!" sagot ni Roxanne. Napasagot ang sexy vice president na si Portia ng, "Well, maybe it's because it is how it goes..." sagot ng maalindog na dilag. Nagalit si Roxanne sa sagot ng kanyang mga bise presidente kaya napatayo siya at galit nag alit na napasabi ng, "It is just how it goes?... 12 years kung inalagaan ang kompanyang 'to at mawawala lang dahil sa tatlong bise presidente at kawad ng koponan ko?" sabi ni Roxanne, "Harvey, try mong mag-exercise at tulungan ako. Linda, parang-awa muna, magpa-healthy ka naman kahit once a week lang and help me too. At ikaw Portia, please make an effort naman na magpa ganda ng kompanya natin, hindi lang sa sarili mo..." dugtong pa ng dalagang presidente. Nagulat man ang mga bise presidente ay wala silang magawa kundi sundin ang sinasabi ng kanilang C.E.O.. "...at lahat kayo, tandaan niyo, kapag may call center agent pa na umalis sa kompanya ko dahil sa kawalan ng pawis at hirap niyo,... I will fire, all of you..." sabi pa ni Roxie sabay labas ng kuwarto kasama si Stella. Nang lumabas na ang presidente ng kompanya nag-usap-usap lahat ng miyebro ng koponan. "We're doing our jobs din naman di ba? ang yabang! Akala mo kung sino! Namamawis din naman tayo sa puyat at pawis, di lang naman siya!" sabi ni Linda. "Oo nga, ang taba-taba ko na nga dahil computer sabay kain ng Sky Flakes every night dahil sa kaka-isip kung ano pa ang makakapaganda at makakapa-angat ng kompanya." Sabi naman ni Harvey. "Speaking of 'magpaganda' excuse me, ako ang nagbigay ng idea sa kanya kung ano ang better name ng mobile company niya at hindi siya. We are doing our duties responsibly, kaya wala siyang karapatang husgahan tayo. Duh..." sabi naman ni Portia. At ipinagpatuloy pa nila ang kanilang diskasiyon... Hindi nila alam, sa labas ng meeting room ay lumuluha lang pala si Roxanne sa pakikinig ng mga sinasabi nila. Panay lang ang titig ni Stella sa presidente nito at naisipan nitong ibigay ang sariling panyo sa amo nito. Kinuha naman agad ni Roxanne ang pink hankerchief ni Stella, sabay umalis palabas ng kompanya habang pinahiran ang mga luha...

Sa bahay naman ni Carlo, panay ang panunood nito ng breaking news sa T.V. dahil ang lumalabas na balita ay ang 29 years old, athletic, wholesome and rumored gay na town mayor na si alkalde Ryan Guadalupe. Nagpatawag ng presscon ang mayor dahil sa lumalabas na balita na siya raw ay bading. Panay lang sa pakikinig at panunood ng balita itong si Carlo...

"Totoo po ba na bading daw kayo? Dahil nahuli daw kayo ng pinaalis niyo ang dating yaya niyo na may kausap daw kayo sa cellphone na lalaki at ang lalaki daw ay tinawag niyo na 'babe'?" tanong ng isang dilag na newscaster. "Hindi totoo 'yan. Lalaki ako. A bit girly but still has a boyish soul, heart and body." Sagot ng alkalde. "Pero, may haka-haka ding kumakalat na isa daw sa choir members sa town church ang nobyo ninyo? Totoo po ba ito?" tanong ng lalaking broadcaster. Napatunganga ang mayor sa gulat dahil sa tanong...

Nanginginig naman sa kaba si Carlo habang nakikita ang mayor sa T.V....

Huminga ng malalim ang alkalde at sumagot lang ng "No comment." At agad siyang lumakad ng mabilisan palabas ng symposium room at at iniwanan ang press.

Nag-aalala naman si Carlo kung anong nangyari sa mayor at natataranta ito. At ilang segundo lang tumunog ang cellphone ng binata at may paparating na tawag galing sa alkalde! Agad na sinagot ni Carlo ang c.p. nito at napasabi ito ng, "Hello?" agad namang sumagot sa kabilang linya ang mayor na nasa loob ng banyo ng town hall ng, "Hello? Babe? Sorry ha, di ko talaga kayang saktan ka at ang grupo mo sa simbahan kaya umiwas na lang ako sa gulo." Sabi ni mayor Ryan. "Oo, okay na 'yan, kaysa sa malaman ni father de Vina na may kasintahan na pala ako na kapareho ko ang kasarian." Sagot ni Carlo. "Oh, sige babe, iiwas din ako dito sa media, baka may makarinig pa sa pag-uusap natin, sige bye, love you." Sagot ng alkalde. "Sige, love you too." Sagot ni Carlo. Nang matapos ang pag-uusap nila ni Ryan, huminga ng malallim itong binata at itinago ang cellphone sa bulsa. "Sir, kain po muna kayo, luto na po 'yong almusal niyo." Sabi ng napakagandang mistisang maid ni Carlo na si Fe. "Ilagay mo lang diyan sa dining table. Andiyan na 'ko." Sagot ni Carlo na panay nuod lang ng balita sa T.V. Napansin siya ng yaya nito at napangiti lang si Fe at bumalik sa kusina. Hindi alam ni Carlo na may isa pa palang nanunood at nakikinig sa kanyang pag-uusap sa mayor. Si Fercilu Tanza ay nakasilip sa labas ng bintana ng bahay ni Carlo at nakangiti sabay take ng picture sa sarili gamit ang sariling cellphone. "Pa selfie-selfie lang pag may time..." sabi pa nito sa sarili.

Sa bahay naman ni Joeceline at deputy Yuri, umiiwan ng paalala ang pulis sa nobya. "Babe, night duty ako ngayon ha, kung may problemang darating just call me at the station right away. Okay?" sabi ni Yuri sa kasintahan. "Okay." Sambit ni Joeceline. Hinalikan ni Yuri ang nobya sa pisngi, binuksan ang pintuan para lumabas at bummiyahe na pabalik sa pulisiya. Ngunit kinakabahan ang dilag dahil sa isang bagay at iyon ay ang nangyari kay Zenaida. "Wait, love." Sabi ni Joeceline. Hinarap ulit ni Yuri si Joecel. "Ano kaya sa tingin mo ang nagyari kay Zen?" tanong ng babae. Huminga ng malalim si Yuri at sinagot ang nobya ng, "I have no idea. Don't worry. If ever may free time ako. You and I, we'll do a research kay Zenaida together at malalaman din natin kung ano man ang nangyari sa kanya." Sagot ng binata. Nagngitian ang dalawa at hinalikan siya ng nobya sa pisngi. "Sa flower vase, sa center table sa living room, may sobre diyan, sulat 'ata yan, para sa'yo." Sabi ni Yuri sabay papasok ng police car nito. "Kanino galing?" tanong ng nobya. Napangiti lang ang binata at sumagot ng, "Di ko rin alam eh. Sige love, bye-bye labyu!!", at umalis na rin ang pulis at bumiyahe papunta sa police station. Napatitig si Joecel sa sobre na nasa flower vase sa may center table sa salas. Kulay pula ang envelope at may color gray na heart na nakaukit sa gitna. Hindi niya ito inintindi at lumakad na lang sa katabing bahay. "I'll read you later..." sabi ni Joeceline sabay ngiti. "Malamang sa kanya lang naman 'yan galing..." dugtong pa nito na kinikilig... sabay labas ng bahay niya...

Napalakad ang dilag papunta sa tabi ng bahay nito... isang two storey building ang kanyang pinuntahan. Katabi lang pala ng bahay nila ng nobyo niya ay isang charity groundwork building na may pangalang "Joecel Foundation" na may tatlong charity establishment programs na pinapapatakbo... 'Silang' isang charity corporation para sa mga inaapi na mga babae, 'Anak' kooperatiba para sa mga kabataan, at 'Pulubi', kooperatiba para sa mga mahihirap at mga pulubi sa lansangan. Pumasok sa loob ang charity foundation president na si Joeceline at binati siya lahat ng mga nagtatrabaho loob na mga babae at lalaki ng, "Good morning Ma'am Joecel." Napangiti itong si Joeceline at sumagot lang ng, "Good morning din sa inyong lahat." Sa loob ng charity building ay panay ang pananahi ng mga babae ng mga damit, kurtina, at iba pa habang ang mga lalaki ay nanahi rin ngunit hindi damit kundi mga iba't ibang klasi ng walis, nagluluto ng kanin at ulam at nagkre-create ng mga figurine, flower pot at nagpe-painting. "Kamusta ang trabaho natin? Okay lang ba?" tanong ni Joeceline sa lahat. "Opo ma'am!" masayang sagot ng mga nagtatrabaho. Lumapit si Lenni kay Joecel at kinausap ito. "Joecel! Ang textmate ko! Ang sweet niya! Guwapo pa naman niya! Dagdag pogi points talaga! Joecel! Parang siya na 'ata ang next love partner ko!" kinikilig na pag sabi ni Lenni. Napasagot bigla si Joecel ng, "Hoy! Huwag kang assuming! Ano? Kahapon mo lang 'yan naging textmate? Na-touch kana agad? Intindihin mo muna ang buhay mo, at i-relax mo muna ang sarili mo. Gusto mo na bang mabugbog ulit?" sagot ni Joeceline. "Hindi." Sabi ni Lenni. "Puwes, magtrabaho ka muna at mag-isip ng ibang mga bagay, 'wag lang textmate at nobyo." Sagot ni president Vargo. "Okay, fine, whatever. Ine-entertain ko lang naman ang sarili ko." Sabi ni Lenni sabay lakad pabalik sa tinatahi nitong damit sa may korner, nag bigla itong napasigaw bigla ng, "Ay! Napa-textback naman siya!" kinikilig na sigaw ng dalaga. Hindi makapaniwala ang persidente ng charity sa kaibigan nitong si Lenni.

Habang ang lahat ay nag-e-enjoy sa trabaho, isang tao ang nakatayo sa labas ng building at tinititigan ang presidente ng charity, at iyon ay si Fercilu Tanza, may hawak na cellphone at may suot pa rin na sombrero. Napangiti ito at napalakad papunta sa may puno ng nara na nasa harapan lang ng foundation building. Nang dumaan na ito sa nasabing puno, nawala bigla itong si Fercilu at ang lumabas bigla ay isang itim na pusa at umakyat ito sa puno at humiga.

Alas 9:30 na ng gabi, at nasisiuwian na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa charity foundation ni Joeceline. Sina Lenni na lamang at Joecel ang naiwan sa building. Habang si Joeceline ay puyat na sa paglilinis at pag-aayos ng mga kalat at gamit, si Lenni naman ay panay ang text sa textmate nito, at patuloy sa pag-ngiti na para bang kinikiliti. Nainis na si Joecel at sinigawan nito ang kasama. "Hoy!! Tutulungan mo ba ko o ipagpapatuloy mo lang 'yang kalandian sa cellphone mo?!" inis na sigaw ng dalaga. Napatayo si Lenni at sumagot sabay pakita ng walis, dust pan at mini garbage can na hawak nito kay Joeceline. "Ma'am, tapos na po ako sa paglilinis, ito nga po oh, nasa loob na ng garbage can. Dapat nga po nakauwi na dapat ako kasi kanina pa ko dito mula alas 4:30 ng umaga." Magalang ngunit nakakabuwiset na sagot ni Lenni. "Sige, umuwi kana at ako na lang mag-isa ang magtatapos ng ibang kalat at gamit dito." Sagot ni Joecel. "Okay!" masayang sagot ni Lenni sabay takbo palabas ng building at iniwanan nito si Joecel ng mag-isa. Gulat man ay hinayaan na lamang ni Joeceline si Lenni at ipinagpatuloy ang pag-aayos at paglilinis. Hindi manlang alam ng dilag na sa labas ng building ay nandoon parin sa puno ng nara ang itim na pusa at panay ang titig sa kanya. Naiisipan ng bumaba ng puno itong itim na pusa, lumakad papasok ng building. Dumaan ito sa maliit na butas sa dingding katabi ng front door, at nagtago sa anino ng pader at mga gamit. Hindi alam ng dilag, may nakapasok na palang pusa sa loob ng building ng hindi nito namamalayan. Inaantok na si Joecel at naisipan nitong matulog nalang sa purple sofa sa sala ng charity house nito. At doon na napapikit ng kanyang mga mata si Joeceline at nanaginip...

Alas 3:00 impunto sa umaga, tumunog ang cellphone ni Joecel. May paparating na tawag ang dilag. Kahit inantok ay kinaya nitong gumising at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Nang makita nito sa cellphone screen nito hindi naka-save sa phonebook ang number ng taong tumatawag sa kanya ngayon. '05020065010060200?' sabi ni Joeceline sa sarili. Sinagot nito ang tumatawag sa kanya. "Hello?" sambit ni Joecel. "Hello, miss Joeceline Vargo? Ikaw ba ito?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. "Yes. Sino po ito?" tanong ng dalaga. "Sorry for the inconvenience pero ako 'to, si Fercilu Tanza!" sagot ng binata. Napatayo si Joecel mula sa sofa dahil sa gulat. Isang presidente ng isang mobile company ang tumatawag ngayon sa kanya sa kalagitnaan ng umaga! "Oh my-sir, ba't napatawag po kayo?" gulat na tanong ni Joeceline. "Kasama mo ba ngayon si deputy Hanzo?" tanong ng lalaki. "Hindi po eh, night shift siya ngayon mamayang umaga pa ang balik niya, bakit po siya po ba ang gusto niyong makausap? You can call him naman po sa pulisiya." Sagot ni Joecel. Ngunit napasagot lang itong si Fercilu ng, "Actually, hindi siya ang gusto kong makausap. Ikaw talaga." Nagulat ulit ang dilag sa sinabi ni Fercilu. "Ako po? Bakit ano pong kailangan niyo?" tanong ng dalaga. "I really want you in Hell.O. I really want you be my vice president ng mobile company ko." Sagot ng lalaki. Gulat na gulat si Joecel sa sinabi ni Tanza, at napasigaw ng "Po?!!" itong dalaga. Nagugulat, nagtataka at natatawa itong si Joecel bakit sa dami ng puwedeng maging vice president ng kompanya niya, siya pa ang naisipan nitong maging bise presidente. "Bakit? Bakit ako? Ang dami naman po diyang negosyante, ba't ako pa?" tanong ni Joeceline. "Bakit? Hindi ka ba negosyante tulad ko? Nagpapatakbo ka ng charity funds, hindi ba business na rin 'yon?" sagot ni Fersilu. Napatahimik si Joecel ng ilang segundo dahil sa sagot ng mobile company president. Parang mali yata ng natawagang business partner itong si Fercilu. "Sorry, sir Tanza. Nagkamali yata kayo ng natawagang tao." Seryosong sagot ni Joeceline. "Wait? May mali ba 'kong nasabi? Pareho lang din naman ang business sa charity works ah! Nage-gain ng money at dumadami ang nalilikom na pera! More of the same lang naman ah!" sabi ng lalaki. Naiinis na si Joeceline sa kausap nito. "Please po, tumigil na po kayo sa pag-uusap sa kin." Sabi ni Joecel, strikto at mukhang galit na. "Teka, ayaw mo ba ng offer ko?! Iba nga nababaliw na magkaroon lang ng trabaho, tapos ikaw ayaw mong maging vice president ng kompanya ko?!" galit na sagot ni Fercilu. Itinigil ni Joecel ang pakikipag-usap kay Tanza sa cellphone at naisipan nitong tawagan ang nobyo sa pulisya.

Panay ang ring ng telepono sa police station. Sinagot ni Yuri ang paparating na tawag. "Hello?" sambit ng binatang pulis. "Hello, love?" sagot ni Joecel sa kabilang linya. Nagulat si deputy Hanzo. Nobya niya ang nasa kabilang linya. "Love?! Gising ka pa?" tanong ni Yuri. "Hindi, tulog na ko, ginising lang ako ng buwiset na caller! Ang tumawag kay Zenaida at inakit na lumipat sa kabilang mobile company, Si Fercilu Tanza!" sagot ni Joeceline. Nagulat ang pulis sa narinig. "Presidente ng Hell.O? Ba't ka niya tinatawagan?" tanong ni Yuri. "Believe it or not, gusto niya kong maging vice president ng kompanya niya! Eh ayoko, kinokompara niya ang business sa charity works, eh magkaiba ang dalawang salitang 'yan para sa akin, ginagawa niyang synonym ang two words! Nakakabuwiset na!" sagot ni Joecel. "Okay, okay, ang layo ng pulisya sa bahay natin 15 to 25 minutes bago makabalik ulit diyan sa house, so, kung tumawag man ang gagong presidenteng 'yan ulit sa'yo, just keep on talking to him, para mate-trace siya ng station through his phone, meron 'yang some sort of GPS system? May Facebook page siya and Twitter acount for sure, ita- tap lang namin ang site image, and we will tell you where he is, by using google map so, malo-locate lang namin kung nasaan man siya. May kumakalat na balita kasi na 3:00 ng umaga wala siya sa bahay o sa mobile company nito. Ume-explore yan sa umaga na parang akyat-bahay gang member!" sagot ni Yuri, "kaya kung tumawag man 'yan ulit, kausapin mo lang siya, at tatawagan lang kita ulit kung nasaan man ngayon ang gagong 'yan. I'll drive home while tracing the call. Okay?" dugtong pa ng pulis. "Okay." Sagot ng nobya. "Be careful." Sabi ng nobyo sa kabilang linya at naputol na ang natawagan ng dalawa. Kinabahan ang dilag sa mga sinabi ng kasintahan.

Tumakbo si Joeceline sa main door ng foundation building nito at ni-lock ang pinto. Isinara ang mga bintana at tiningnan mula sa glass windows kung may tao sa labas... kung si Fercilu ay nasa labas. Kinakabahan na si Joeceline. Nasaan kaya ngayon itong si Fercilu. Nang biglang tumunog ulit ang cellphone nito, ang number na ni president Tanza ang nakalagay sa phonescreen. Natatakot man ay sinagot pa rin ni Joecel ang tumatawag sa kanya. "What?" tanong ng dilag sa presidente. "Ayaw mo pa rin ba? Lalaki lalo ang kikitain ng charity works mo kung makikisanib puwersa ka sa tumatawag ngayon sa'yo." Sabi ni Fercilu. Huminga ng malalim si Joeceline at sinagot lalaki sa kabilang linya ng, "Sorry, but I'm not interested with your negosyo. Puwede ka nang tumigil sa pagtawag sir." Sabi ni Joecel. "Bakit, ano ba ang tingin mo sa negosyo ko? Hindi nakakatulong? Bakit? 'yang nobyo mo lang ba na pulis na tinatawagan mo ang nakakatulong sa'yo?! Eh pulis lang 'yan! C.E.O. ako! Isang lang sana ang hihilingin ko sa'yo! 'wag ka ng sumunod sa Diyos mo! Ako na lang ang sundin mo! At magiging bise presidente ka na ng kompanya ko! Pero isang batas na gusto ko, ayaw mo pa ring maging vice president kompanya ko!!" Sagot ni Fercilu na napapasigaw na sa galit. Nagalit na rin si Joeceline sa mga sinasabi ni president Tanza. Sinasama na nito ang Panginoon sa pag-uusap nila. "Wag mong isali ang nobyo ko at ang Diyos sa usapan natin dahil di ka diyos!" galit na banat ni Joecel. "Bakit?! Negosyante ba 'yang diyos mo?!" sigaw agad ng lalaki, "Nakaka-earn ba ng money 'yang panginoon mo!, every single day?! Di naman ah!!" sigaw pa ng C.E.O. sa kabilang linya. Tumaas na ang tono ni Joecel, napasigaw na ito sa galit at sinagot ang tumatawag sa kanya ng, "Ang Diyos hindi negosyante! Ang Diyos mabait! Mapagbigay! Mapag-kawanggawa! Parang charity establisments ko, na kahit walang pera, nakakatulong sa kanyang kapwa! Hindi buwiset na caller na basta-basta lang tumatawag sa ibang tao ng alas tres ng umaga at mang-engganyong maging satanista!!!" sabi ng galit na dalaga. Ipinutol na ni Joecel ang pagtawag sa kausap sa cellphone. Halu-halo na ang nararamdaman ng dalaga, naiirita, kinakabahan, nagagalit at natatakot na kay Fercilu Tanza. Panay ang pag-kabog ng dibdib nito at namamawis na. Nang biglang pumasok sa isip nito na, "Pa'no niya nalaman na tinawagan ko si Yuri?..." sabi ni Joeceline sa sarili. Natatakot na ang dalaga at hinawakan ang suot-sout na silver rosary. Nang biglang tumunog ulit ang cellphone ni Joecel, ng hindi manlang nito tiningnan kung sino ang tumatawag at sa galit ay sinagot ni Joeceline ang tumatawag sa kanya ng may mataas na tono, "Buwiset ka!! Tumigil ka na sa pag--" sigaw ng dalaga. Ngunit ibang tao ang nasa kabilang linya, nobyo niya pala ang tumatawag at biglang napasagot ng kinakabahan itong si Yuri sa nobya ng, "Joecel!?! Joeceline!! It's me!! Na-trace ko na kung nasaan si Fercilu!! Nasa loob siya mismo ng charity foundation building mo!! Do you hear me!?! Nasa loob siya ng building mo!!" takot na pagsabi ng deputy. Nanlaki ang mga mata ng dilag at bumilis lalo ang tibok ng puso nito dahil sa sinabi ng kasintahan niya, nabitawan nito ang hawak na cellphone at nabasag ang toucscreen mobile phone ng dalaga sa sahig... Ang pusang itim na nagtatago sa dilim ay lumapit kay Joeceline ng hindi namamalayan ng babae. Sa takot ni Joecel, kumabog lalo ang dibdib nito at napalunok ng laway, sabay atras ng hinay-hinay papalayo sa basag na cellphone. Nang biglang tumunog ulit ang cellphone ni Joecel kahit nabasag na ito at may paparating na tawag, at ang incoming call ay galing na kay Fercilu Tanza! Bumilis ang pag-atras ni Joeceline papalayo sa basag na cellphone, napalingon na ito sa kanyang dinadaan papunta sa front door. Nang biglang ma may nabangga itong lalaki sa kanyang harapan! Napasigaw ito sa gulat at takot. Si Fercilu Tanza ang taong kanyang naka-bangga! Sinampal bigla ni Tanza si Joecel ng malakasan sa kanang pisngi at napatapon ang dilag sa sa pader sabay bagsak sa maliit na mesa na lalagyan ng mga figurine na nasa gilid, at humagalpak ito sa sahig! Halos di makagalaw ng maayos ang babae sa naranasan. Kinaya nitong umatras papalayo lalaking sumampal sa kanya. Lumalakad si Fercilu papalapit sa kanya. "Ba't ba ayaw mo 'kong sundin?!! Mahirap ba'ng inuutos ko!?!" sigaw ng galit na C.E.O. sabay lakad papunta sa dilag. Sa kakaatras ni Joeceline may na hawakan itong dust pan na yari sa lata, at hinihampas niya ito sa mukha ni Fercilu, at napatapon ang suot na sombrero ng binata! Napalihis ng mukha si Tanza dahil sa hampas ng dust pan sa kanyang mukha. Napatigil sa pag-gapang paatras ni Joecel at tinitigan ang presidente ng Hell.O. Nang napatitig ulit ng diretso kay Joeceline itong si Fercilu, nagulat at natakot ang dilag sa kanyang nakita. May nakita ang babae na dalawang maliit na sungay si Joecel sa ulo ni Fercilu at namumula ang mga mata nito na parang apoy! Nabitawan ni Joecel ang hawak na dust pan at hiningal sa takot! Ngumiti ang mobile company president sa charity foundation leader, at napasabi sa dalaga ng, "Run..." At napatayo nga itong si Joeceline sabay takbo papunta sa back door para doon na lamang dumaan para makalabas ng gusali. Takbo ng takbo papunta sa likurang pintuan ng building si Joecel sabay lingon kay Fercilu sa kanyang likuran. Habang si president Tanza ay mabilisan itong lumakad papunta kay Joeceline. Nang marating na ng dalaga ang back door, biglag lumipad itong si Fercilu papunta sa dilag na parang bampira! Napasigaw sa takot si Joecel dahil lumilipad ang lalaking may sungay papunta sa kanya ng wala manlang pakpak at tumatawa ito na parang demonyo! Nang malapit na ang C.E.O. ng HELL.O kay Joeceline, binuksan agad ng dalaga ang back door at hinihampas ang pintuan sa lumilipad na tao. Nauntog ang ulo ng pinuno ng mobile company sa pinto, napatigil sa pagtawa at tumilapon. Tumakbo papalabas ng building si Joecel at umabot ito sa malawak na parking lot ng kanyang charity building. Takbo siya ng takbo papunta sa Volkswagen car nito. Nang siya ay malapit na sa sasakyan niya, isang hampas gamit ang dust pan sa kanyang mukha ang sumalubong sa dilag at humgalpak ito sa sahig. Si Fercilu pala ang taong naghampas ng dust pan kay Joecel. Hindi makagalaw ng maayos si Joecel dahil sa sakit ng hampas sa kanya. Sa front door pala dumaan ang binata at doon niya sinalubong si Joeceline ng dust pan. Pinulot ni Fercilu si Joecel at tinulungang makatayo at agad na sinakal. Nasasaktan na ang dilag pero kinausap pa rin siya ng lalaki, "Simple lang ng inaalok ko pero ayaw mo!!" sigaw ni Fercilu sa dilag. Itinapon ni Fercilu si Joecel ng walang kahirap-hirap sa windshield ng Volkswagen car ng dilag. Napapasigaw lang si Joeceline habang lumilipad ito sa hangin nang siya ay itinapon papunta sa sasakyan nito. Basag ang windshield ng Volkswagen at humagalpak itong kawawang babae sa sahig. Lumakad papunta ulit si Fercilu kay Joeceline. "None of this should've ever happened if you followed me, Joecel." Sabi ng mobile company president. Kinakayang makagapang papalayo ni Joeceline kay Fercilu, ngunit ang sakit pa rin ng katawan nito. Napaupo si Fercilu sa sahig sa tabi Joecel. "Ba't ba kasi ayaw mo ng offer ko?" tanong ni Fercilu. Hinihingal sa sakit, takot at kaba itong si Joeceline, habang tinititigan ang mga mata at mga sungay ng lalaki. "Dahil... isa kang demonyo..." takot at galit na sagot ni Joecel. Napangiti lang ang lalaki at napatawa. "Ako? Demonyo?" napapangiting tanong ng lalaki. "Mabuti't alam mo." Seryosong dugtong ni Fercilu. At bigla itong napangnga at ipinakita kay Joeceline ang kanyang mga pangil at kakagatin nito ang dilag na parang aswang! Napasigaw si Joeceline sa takot! Nang biglang may paparating na deputy, sakay ang police car nito. Si Yuri pala iyon at mabilisang lumabas ng sasakyan niya. "Hoy!!!" sigaw ng binata sabay na binaril si Fercilu sa kanang balikat. Tinamaan nga ang persidente ng mobile company pero di manlang ito nasaktan! Tumayo pa ito at humarap kay Yuri! Nagulat ang pulis na nakitang mga sungay, pangil, at namumulang mga mata ni Fercilu. Nakatutok lang ang hawak na baril ni Yuri kay president Tanza. Ipinakita bigla ni Fercilu ang pagkuha nito ng bala sa tinamaang balikat nito sa pulis! Wala manlang sugat o dugong lumalabas sa natamaang balikat nito. Bigla itong lumakad papaunta kay Yuri. Pinagbabaril ng pulis ang demopnyo pero di ito matinag at patuloy lang ito sa paglakad. Nanginginig sa pagbaril si Yuri kay Fercilu. Nang nasa harap na ni Yuri ang mobile company president, inagaw bigla ni Fercilu ang hawak na baril ni Yuri at sinuntok ang mukha ng pulis gamit ang kanang kamay ng pagkalakas-lakas! Tumilapon ang diputado sa windshield ng police car nito, gumulong at bumagsak sa sahig. Pinulot siya ni Fercilu at tinulungang makatayo. Dumudugo ang ilong ng pulis sa lakas ng suntok at di ito makatayo ng maayos. Inuntog bigla ng mobile company president si deputy Hanzo sa windshield ng deputy car ni Yuri ng anim beses sabay sigaw sa galit ng, "Hindi ako matitinag ng bwiset mong bala at hindi ako mapapatay ng putang ina mong baril!! Ilagay mo 'yan sa kukoti mo!!!" sigaw nito. Matapos mabasag ang windshield, sa galit itinapon nito ang kawawang pulis sa malaking truck na nasa gilid, napatumba ang pulis at bumagsak sa sahig. Hinarap ulit ni Fercilu si Joeceline. Nanlaki ang mga mata ni president Tanza dahil isang Volkswagen car ang paparating para banggain siya! Si Joecel pala ang nagda-drive ng nasabing sasakyan at binangga nga niya itong si Fercilu. Bangga ang baywang ng mobile company president at sumalpok ang likurang bahagi katawan nito sa police car ni deputy Hanzo. Naiwan ang katawan ng presidente sa sasakyan ni Yuri at bumagsak ito sa sahig. Umatras ang sasakyan ni Joecel para bumwelo para sagasain ulit ang demonyo. Galit na pinaandar ulit ni Joeceline ang sasakyan at pasigaw sa galit nitong sinagasaan ulit ang mukhang nahimatay na si Fercilu. Nabangga ulit ang presidente at mukha at harapang bahagi na mismo nito ang sinagasaan, dibdib mismo at tiyan. Umataras na naman ang sasakyan ni Joeceline para bumwelo ulit para banggain ang si Fercilu. Napapanganga lang sa gilid si Yuri sa kakatitig sa tapang ng nobya. Napabukas na ang mga mata ni president Tanza. Paparating na ang Vokswagen car ni Joecel at sasagasain na naman nito si Fercilu for the third time. Ngunit nangg malapit ng mabangga si Fercilu, nawala bigla ang mobile company president sa sahig at naiwan na lamang ang kanyang pantalon at damit. Ang lumitaw bigla ay isang pulang uwak at lumipad ito sa hangin papalayo sa magkasintahang pulis at charity manager. Nagulat ang dalawang magkasintahan sa kanilang nakita. Nagtitigan sina Joeceline at Yuri ng tatlong segundo dahil sa gulat. At agad napalabas ng Volkswagen car nito itong si Joecel at tumakbo sa nobyo. Tinulungan ni Joeceline na makatayo ang nobyo at itong magkasintahan ay hinabol ang paniki kung saan ito dumaan. Ngunnit di na nila naabutan ang uwak kung saan ito dumiretso sa paglipad. Nagtinginan ang pulis at charity manager, sabay na napatalkod ng mabagal at napatingin silang dalawa sa naiwang damit ni Fercilu sa sahig. "Love, I think we should contact father de Vina." Sabi ni deputy Hanzo sa nobya.

Matapos ang ilang segundo, lahat ng mga kaibigan nina Joeceline at Yuri ay napakatok na sa front door ng bahay ng magkasintahan na sina Roxanne, Carlo at father de Vina pati si Stella. Binuksan naman agad ng magsiyota ang pintuan. "Joeceline! What's wrong?!" tanong ni Roxanne. "Joecel, Yuri, anong nangyari? Anong problema?" tanong ni father de Vina. "Napakalaki." Sagot ni Yuri. "Nakakatakot." Dugtong pa ni Joeceline na may galit na mukha.

Ang damit ni Fercilu Tanza at ang basag na cellphone ni Joeceline ay nakapatong na sa center table at lahat ay nakatitig na sa nasabing mga bagay. Naihayag na ng magkasintahan kung ano ang nangyari kani-kanina lamang, kung bakit sila may mga pasa at sugat sa katawan. At dahil sa naisiwalat na ng magsiyota ang naganap kamakailan lamang sa mga kaibigan nila, hindi rin makapaniwala ang halos lahat ng mga nasabihan nila tungkol sa kanilang mga minor injuries sa katawan, mga basag na windshield na sasakyan at sa umatake sa kanila na si Fercilu. Napaupo lang din sina, Carlo, Roxanne, Stella at father de Vina. Naiirita na si Joecel dahil hindi manlang kumikibo ang mga kaibigan nito. Napatayo ito at nagsalita, "Hoy! Magsalita naman kayo diyan, kailangan din naman ng tulong dito!" sabi ni Joeceline. Napalunok ng laway si Roxanne at napasagot ng, "Eh, hindi naman kasi kapani-paniwala ang mga sinabi niyo." Sabi nito. "So, ano? Naglaro lang kami ni Yuri dito ng hide and seek at tumbang-preso at ito na ang nangyari sa katawan niya at katawan ko?!. Guys, maniwala naman kayo, just like FACEBOOk, we need your comments and suggestions! Demonyo ang umatake sa amin dito!" sabi ni Joeceline. "Believe us guys, a demon tried to kill us." Sabi pa ng pulis na si Yuri. "Eh paano naman namin mai-send lahat ng comments at suggestions namin? Eh super unbelievable naman kasi ang mga sinabi niyo, hard to believe, walang internet!." Sabi pa ni Carlo. Ang pari na panay titig sa damit at basag na cellphone sa center table ay biglang napatayo at napasabi ng, "Mga anak. Nagsasabi ng totoo sina Joeceline at Yuri." Sabi ni father de Vina sa mga kasama nito. "At anong mga pruweba mo father?" tanong ni Stella. "Dahil dito." Sabi ng pari sabay na kinuha ang damit ni Fercilu na nasa center table at itinuro ang nakasulat na 'HELL.O' sa damit ng mobile company president. "Hell.O. Mukhang may pitik na nagaganap diyan sa mga isip niyo?" sabi ni father de Vina. "I know kuya Hell ang English ng empeyerno pero, ang labo pa rin ng pruweba mo." Sabi ni Roxanne. "How about ang tumawag kay Joecel. Si Fercilu nga 'yon." Sabi ni father de Vina. "At anong pruweba mo?" tanong ni Roxanne. "Baliktarin niyo ang pangalan ni Fercilu." Sabi ng pari sa mga kasama nito. At agad na kumuha si Joeceline ng ballpen mula sa bookshelf na nasa gilid at isang notebook. Lumuhod ito, ipinatong ang notebook sa center table at isinulat agad ang pangalan ni Fercilu sa notebook. Ibinaliktad nito ang first name ng mobile company president, at ang lumabas ay 'Lucifer'. Nagulat lahat! At napatayo si Joeceline at nabitawan ang hawak na ballpen. Kinilabutan ang lahat ngunit napasabi si Roxanne ng nakangiti, "Baka... Nagkataon lang." sabi ng dilag. "First name pa lang ang nabaliktad natin. Baliktarin din natin ang apelyido ni Fercilu." Sabi ng pari. Si father de Vina na mismo ang kumuha ng ballpen na nabitawan ni Joeceline at isinulat ang surname ni Fercilu na Tanza at ang lumabas ay 'Zatan' na napapahiwatig lang na 'Satan' ang apelyido ni Fercilu. "Sa katunayan, screen name lang ni Fercilu ang Fercilu Tanza. Ang buong pangalan niya ay Fercilu Nastaza. Baliktarin niyo ang apelyido niya." Sabi ng pari. "Satanas." Takot na sambit ni Joeceline. Natatakot na ang lahat pero napapangiti pa rin si Roxanne. "Baka nagkataon lang din 'yan." Sabi ng dilag. "Puwede ba Roxanne! Maniwala ka naman! Hindi lang tao ang umatake sa amin dito! May mga pangil at mga sungay! isang Demonyo!" galit sa sabi ni Joeceline sa bestfriend. "Hindi 'yan totoo! Bahala kayo sa mga buhay niyo!" galit na banat ni Roxanne at humanda ng lumakad papalabas ng bahay nina Yuri at Joecel. Ngunit napasabi bigla ang kapatid na pari ni Roxanne at napatanong kay Joeceline. "Joecel, ano nga ulit ang cellphone number ni Fercilu?" tanong ni father de Vina. Agad na ikinuha ni Joecel ang basag nitong cellphone at ipinakita kay father de Vina ang number ni persident Tanza at agad namang isinulat ng pari ang phone number ni Fercilu sa notebook na nasa mesa. Biglang nagulat ang pari, kinilabutan at napatanong. "Mga anak. 50 plus 200?" tanong ni father de Vina ng nakayuko at nakaluhod pa rin sa sahig panay titig sa mga numero sa notebook. "250" sagot ni Joecel. "250 plus 6 plus 50?" tanong ng pari. "306." Sagot ng pulis. "306 plus 100?" tanong ni father de Vina. "406." Sagot ni Stella. "406 plus 60?" tanong pa ng pari. "466." Sagot ni Carlo. "Ngayon... 466 plus 200 equals?" tanong ni father de Vina sabay tayo at titig kay Roxanne. "666." Sagot ng kapatid nito na si Roxanne na napatigil sa paglakad at napatayo sa pintuan. Ipinakita ng pari ang cellphone number ni Fercilu na nakasulat sa notebook sa mga kasama nito. "05020065010060200. Ito ang cellphone number ni Fercilu. Numero ito ng tunay na demonyo. Ang dating anghel na gustong maging mas mataas pa ang trono sa Diyos, at 'yan ay si Fercilu... Lucifer." Sabi ng pari. Kinilabutan ang lahat. "Ano Roxanne? Six, six, six? Masasabi mo bang, nagkataon lang din 'yan?" tanong ni Joeceline sa kaibigan. Napaiba ang hitsura ni Roxanne at mukhang naniniwala na ito. "Kuya, talaga ba na... ang 666 ay nasa Bible rin ba?" takot na tanong ni Roxanne sa kapatid na pari. "Oo." Sagot ni father de Vina. Nagulat lahat at nangilabot. "Revelation 13:18. Here is wisdom. Let him who has understanding calculate the number of the beast, for the number is that of a man; and his number is six hundred and sixty-six." Sabi pa ng pari. Natatatakot ang mga mukha ngt mga kasama ni father de Vina. "Ano po ba ang ibig sabihin ng numerong 'yan?" tanong ni Joeceline. "It's the number of the beast. Numero ng antiKristo. Six hundred and sixty six indicates a man making and declaring himself as a 'god',

kaya kapag ang isang Kristyano ay may narinig ng isang tao, na sinasabi sa sarili nito na siya ay isang Diyos, malamang alam na nito kung ano siya at kung ano ito." Sabi ng pari. "So, ano siya father?" tanong ng pulis. Napataas ng noo si father de Vina at sumagot ng, "Demonyo.". Natatakot na ang lahat sa loob ng sala. "This can't be happening..." sabi ni Roxanne na hindi makapaniwala sa nangyayari. "Naalala niyo ang sinabi ni Zenaida?" tanong pari sa mga kasama. "Tatlong beses lang daw na pindot sa cellphone niya ng number six, instant member na raw siya agad ng Hell.O mobile comp. That doesn't sounds like 'nagkataon lang' to me." Sabi pa ni fater de Vina. At mukhang naniniwala na ang mga miyembro ng chorale sa pari. "Zenaida's eyes were like fire. Pulang pula na parang empeyerno. Mukhang siya ay naengganyo na at nadakip na ang isip, puso at kaluluwa nito na sumali sa kabilang tribu kasama si Fercilu." Sabi ni father de Vina. "At, Joecel, ano nga oras ulit napatawag sa'yo ang presidente ng Hell.O?" tanong ng pari sa charity fund manager. "Three a.m. father." Sagot ni Joeceline. Napalunok ng laway si father de Vina at napasagot ng, "Three a.m. is the demonic witching hour. Ito ay ang diabolical period of time ng demonyo. Nais ipahiwatig ng oras na ito na, baliktarin, dumihan at gibain ang alas tres sa hapon, ang oras kung kailan namatay ang ating Diyos-Anak na si Hesu Kristo." Sagot pa ng pari. Gulat na gulat lahat sa sinabi ni father de Vina. Iba ay napanganga at iba ay nanlaki ang mga mata. Nagkaroon ng mahabang katahimikan dahil sa gulat, takot at kaba. Isang sikat na demonyo pala namamahala ng isang sikat na mobile company. "Father... ano ang dapat nating gawin ngayon?" tanong ni Joeceline sa pari.

Lahat ay nasa dining room at nakatitig sa loptop ni Joeceline na nasa mesa. Nakaupo ang pari sa upuan sabay research itong si father de Vina sa internet, at ang kanyang isinasaliksik sa internet ay kung sino pa ang mga miyembro ng Hell.O Mobile Company upang sila ay makahanda sakali, sila ay atakihin ulit ni Fercilu. At ang lumabas sa internet ay, ang presidente ng nasabing kompaya ay si Fercilu Tanza, ang vice president ay si Lial Belle, ang chief of staff ay si Rone King, ang chief supervisor ay si Inn Kah, ang assistant manager ay si Gion Lee at ang manager ay si Dash Hugh. "Hindi uma-appear ang mga mukha ng mga kasama ni Fercilu sa internet." Sabi ni father sa mga kasama. Panay research lang ng mga pangalan sa GOOGLE.com itong pari ng mga miyembro ng Hell.O Mobile Company ngunit wala man lang may lumilitaw na mga mukha ng mga associates sa nasabing website at puro mukha lang ni Fercilu ang lumalabas. "Baka, mga peke lang ang mga pangalang 'yan at gawa-gawa lang ng demonyong 'yan." Sabi ni Yuri. "Exactly. Malamang father. Demon inherits and owns all bad manners so, probably its fake members." Sabi ni Stella. Ngunit seryoso ang mukha ng pari at napasabi ng, "I don't think so." Sabi ni father de Vina. "Katulad ni Fercilu who is really Lucifer. Baliktarin niyo ang mga pangalan ng mga kasama ng diyablo." Sabi ng pari sabay tayo mula sa kinauupuan. At nagsimula na namang magbaliktad ng mga pangalan ang grupo ng chorale. "Oh my... vice president ng Hell.O, si Belial... Lial Belle," gulat na sabi ni Joeceline, "ang demonyo sa bibliya na katulad din kay Lucifer." Dugtong pa ni Joecel. "Sa katunayan, si Belial ay nagmula sa isang mitolohiya sa bibliya na pagtatalik. Corinthians 6:15, si Belial ay isang diyablo,  Nagmula ang pangalan ni Belial sa dalawang salita, 'beli'meaning 'hindi' at 'yah-al' ibig sabihin ay 'kita'. This combination of words describes a worthless person who is good for nothing, kahit sa sarili nito at kahit sa ibang tao, at inaalay na nito ang sarili sa kasamaan. At siya ang pangalawang hari ng empyerno at pinaniniwalaang siya pa ang ang ama ni Lucifer. Siya ay isang dating anghel na nag-utos sa kanyang anak sa sahod  para sa rebelyon sa langit laban sa Panginoon. At siya ang unang anghel na pinatalsik sa langit." Sabi ng pari. Gulat lang ang lahat sa sinabi ni father de Vina at napasabi naman si Yuri ng, "Father, check me if I'm wrong... Rone King? Is it King Nero to be exact?" sabi ng pulis. "Tama ka Yuri," sagot ng pari, "si King Nero ang huling hari sa Julio-Claudian dynasty. Pinatay ng haring ito ang sariling ina at asawa. Kinumpiska nito lahat ng mga pag-aari ng mga senador nito, mahigpit na nagpabuwis sa kanyang mga tao para makapagpatayo ng yari sa gintong mansiyon. Whether he played his lyre while Rome burned or was involved behind the scenes in some other way, sinisi nito sa mga Kristiyano, at marami itong pinatay." Dugtong ni father de Vina. Napasabi bigla si Carlo ng, "So, Inn Kah father is baliktad for Cain? tama ba?" sabi ng binata. "Oh my... oo nga..." gulat na sambit ni Stella sabay titig sa pangalan ni 'Inn Kah' sa monitor ng laptop. "Oo. Siya 'yan. Wala ng iba. Ang panganay na anak nina Adan at Eba. Pinatay ang sariling kapatid na si Abel dahil sa matinding galit at inggit. Dahil sa maling pagsunod sa utos ng Panginoon at sa sobrang sama ng loob, pinatay nito ang sariling kapatid dahil tinanggap ng Diyos ang offering ni Abel kaysa sa kanyang inihandog." Sabi ng pari. "Bakit hindi tinanggap ng Diyos ang ini-offer ni Cain?" tanong ni deputy Yuri. Sinagot siya agad ng nobya ng, "Abel was purely good and God loving person at alam na ng Diyos 'yon. Hindi tinanggap ang gift, magagalit agad? Parang ikaw, kung hindi ko tatanggapin ang inaalok mong pagpapakasal, papatayin mo lang ba agad ako?" tanong ni Joeceline. Napatingin lahat kay Joecel at napatanngo ang lahat. "Tama ka diyan Joecel." Sabi ni father de Vina. "And father de Vina, Gion Lee? That must be... Legion?" tanong ni Stella. Napatango ang pari t sumagot ng "Oo," Sambit nito, "Legion ay hindi isang demonyo kundi grupo ng mga diyablo." Sabi ni father de Vina at kinilabutan ang lahat. "Nakalagay sa sa Mark 5:9 ang tungkol sa isang lalaki na na-possess sa country of the Gadarenes at tinanong siya ni Hesu Kristo kung ano ang pangalan niya at ang sinagot ng taong sinaniban ay, siya si Legion at kami ay marami. My name is Legion for we are many." Sagot pa ng pari. Hindi na alam ng mga tagasunod ng Diyos kung ano ang kanilang gagawin dahil sa nakakatakot at hindi kapanipaniwalang nangyayari ngayon. Napatanong agad si Roxanne sa kapatid na pari, "Kuya, Dash Hugh... malamang baliktad ng pangalang Hudas...?" tanong ni Roxanne. Tapatitig lahat sa pari at napasagot si father de Vina ng, "No doubt my dear. Siya na nga 'yan." Sagot ng kuya nitong pari. "Ipinagkanulo niya si Hesus sa pamamagitan ng pagtanggap ng tatlumpung pirasong salaping pilak mula sa mga makapangyarihang laban sa pangangaral ni Hesukristo. Nadakip si Hesus, ngunit matapos na hatulan ng parusang kamatayan si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagsisi ito at nagpasyang patayin ang sariling buhay sa paraan ng pagbibigti." Dugtong pa ni father. "And take note mga anak, they're six of them too. Same number of phone number para maging miyembro ng koponan, six, six, six..." Sabi pa ng pari. Dahil sa takot at kaba, nagtitigan ang isa't isa at nagkaroon ng mahabang katahimikan. "This can't be real. This is so not happening..." sabi ni Roxanne sabay lakad papunta sa salas. Sinundan siya ng mga kasama. Lumalakad itong si Roxanne ng pabalik balik na para bang natataranta. "Roxie? What's wrong?" tanong ni Joecelne. "Roxanne. Tell us, what is it." Tanong ni father de Vina. Napatigil ito sa kakalakad at tinitigan ang mga kasama. "Natawagan na rin kasi ako noon ni Fercilu." Sagot ni Roxie. Nagulat lahat at napa-react ng , "Ano?!" Ngunit napanggiti lang si Roxanne at napasagot ng, "Calm down guys. Hindi ko naman pinindot ng three times ang number six sa keypad ng phone ko and I didn't accept the offer of that shit." Sabi ng dilag. "So, ano? Kailan siya napatawag? Anong offer niya sa'yo?" tanong ng kuya nito. "It was last year... Christmas pa nga 'ata 'yon..." At isiniwalat ni Roxanne ang buong diskasiyon nila ng demonyo sa mga kasama nito...

...Nakaraang taon, December 25, nagpa-party si Roxanne at ang barkada nito sa kanyang kompanya kasama ang mga workers sa building. Masayang nag-iinuman, nagkakantahan, at nagsasayawan sa salas sina, Joeceline, Yuri, Carlo, Stella, Zenaida at father de Vina. Alas tres na ng umaga at patuloy pa rin ang kasiyahang nagaganap sa kompanya. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Roxanne sa loob ng opisina nito. Pinuntahan ni Roxie ang tumutunog na cellphone at iniwanan muna ang mga kasama sa salas. Kinuha ng dilag ang cellphone na nasa mesa at nakita na may upcoming call siya at unknown caller pa ang tumatawag. Sinagot niya ito agad ni Roxanne ng, "Hello?" at may nagsalita agad sa kabilang linya si Fercilu Tanza. "Hell.O! miss Roxanne de Vina?" tanong ng lalaki. Alam agad ng dalaga na ni Tanza ang nasa kabilang linya. Nagulat ito at napatitig sa kanyang mga kasama sa salas. Agad na isinara ni Roxie ang pintuan ng kanyang opisina. "Yes. Mr Fercilu Tanza? Is this you?" tanong ni Roxanne sa tao sa kabilang linya. "Certainly yes!" sagot ng lalaki, "I'm sorry for the inconvenience pero, napatawag lang ako dahil my offer sana ako sa'yo." Dugtong pa ni Fercilu. "And what is it?" tanong ng dalaga. "Business partnership sana with my company, para wala ng away between our mobile corporation. It's a great Christmas gift to you and father de Vina. No more fight, friends na ang HELL.O at Roxcell mobile company. Isn't that amazing? I will make you my vice president pa if you will accept my offer!" sabi ni Fercilu. Ngunit mukhang walang ganang tanggapin ni Roxanne ang alok na sosyohan kay Tanza. "Sorry, but I made a promise to my parents na aalagaan ko ang kompanya namin. Palalaguin at iingatan until the day I die." Sagot ni Roxie. Nagkaroon ng limang segundong katahimikan at napasabi si Fercilu sa kabilang linya. "Follow me and forget your latest God business mate na sana tayo at tatlong pindot lang sana ng number six sa phone mo, partner na sana agad tayo, well if that is what you like, you can call me or I will call you if you change you're mind. Bye." Sagot ng binata. At naputol bigla ang linya. Nagulat ni Roxanne at nagtataka bakit siya tinawagan ng personal opponent niya sa business sa kalagitnaan ng umaga at para mag-offer lang ng partnership. Hinayaan na lamang iyon si Roxanne at bumalik sa salas kasama ang mga kaibigan at kuya...

...Napanganga ang at iba ay hindi na halos gumagalaw nang isinilaysay ni Roxanne ang buong istorya nang mag-offer si Fercilu sa kanya. "At least, hindi ka sumunod sa offer niya at andito ka pa at buhay pa. Malamang kung sinunod mo ang gusto niya, inatake ka na din niya tulad naming ni Yuri." Sabi ni Joeceline kay Roxanne. "Mabuti nga at hindi ka nagpatalo sa temtasiyon at maling sosyohan." Sabi ng kuya nitong pari. "Duh! What a stupid Christmas offer or a gift! Wala talaga akong planong ipamigay ang negosyo ko at makipaguugnayan sa loko-lokong 'yon! Siya ang partner ko tapos iiwanan ko na ang Diyos ko? Di mangyayari 'yon!" tapang na sagot ni Roxanne. "Basta tandaan niyo, kapag may nakita kayong mga tao na namumutla, pero nakangiti at namumula ang mga eyeballs, ibig sabihin nahagip at sumanib-puwersa na ang mga 'yan sa ibang koponan at iba na ang Diyos ng mga 'yan... tulad kay Zenaida." Sabi ni father de Vina. Naggkaroon na naman ng katahimikan at nagtitigan ang isa't isa nang biglang tumunog ang cellphone ni Roxanne at nagkamalay ulit ang lahat. Sinagot ni Roxanne ang cellphone na tumutunog at may coming call ito mula sa isa sa mga manggagawa nito at pinapapunta na naman siya sa kompanya nito. "Okay. I'll be right there." Sabi nito sabay lagay ng cellphone sa bulsa nito. "Guys, kuya, I have to go. Marami na namang mga call center agents ang gustong umalis ng kompanya ko." Nagmamadaling lumakad palabas ng bahay ni Joeceline si Roxanne. "Teka, sa tingin mo, may panahon ka pa para isipin ang mga 'yan na... ganito na ang nangyayari ngayon?" tanong ng pari sa kapatid. "Ay, kuya, I have to manage this muna, baka maubusan pa ko ng trabaho at pera... bye guys, see you again later ha..." Sabi ni Roxanne sabay labas ng salas, napatakbo papasok sa sasakyan nito at bumyahe papunta sa kompanya nito. Natulala lahat sa inasal ni Roxanne. "She can still handle herself while having this kind of atmosphere." Sabi ni Yuri. "Yeah..." sambit pa ni Carlo na walang masabing English words. "Hayaan niyo na siya, basta God is in you. Everything will be okay." Sabi ni father de Vina. "Father, sa tingin mo, susundan ko si Roxanne, sasamahan? Baka kailangan niya pa ng tulong ko do'n sa kompanya." Tanong ni Stella sa pari. "'Wag na, dito ka nalang, at baka tumunog ang cellphone mo din at matawagan ka din ng HELL.O mobile president." Sagot ni father. Napaupo si Stella sa sofa at mukhang nag-aalala. "Bakit? Tinawagan ka na rin ba?" tanong ng pari. "Ano ba father, wala, worried lang ako kay Roxanne, parang ate ko na rin kasi 'yan eh. Kung di dahil sa kanya malamang nagtitinda pa rin ako ng mga kakanin sa palengke." Sabi ni Stella. "Ako rin nga eh, halos mawalan na rin ng pag-asa nang magsimula na 'yang magsugal, uminom ng alak, humithit ng damu, at mag-droga noong grumwadweyt 'yan sa Law, pero ang Diyos, napakabait talaga. Di ba father?" sabi ni Joeceline sa pari. "Tama. Loosing faith na 'yan talaga noon dahil di pa rin siya makapasa sa bar exam for three times, at doon na siya napaliko ng landas. Nagalit ang ama't ina namin sa kanya. At nang mamatay ang mga magulang namin dahil sa car accident, at nang malaman niyang sa kanya ipinamana lahat ng yaman nina nanay at tatay, doon na siya nagbago at bumalik sa pagiging tunay na tagasunod ni Hesu Kristo." Sabi ni father de Vina. Napatunganga sina Carlo at Yuri sa makikinig. "Wow. Girl power. Naitayo at naitaguyod niya until now ang Roxcell mobile company." Sabi ni Carlo. "With a 'Roxcell' name for a company." Dugtong pa ni Yuri. "So father, sasama na lang ako sa'yo," sabi ni Stella sa pari, "ayoko namang mag-isa sa bahay ng walang kasama lalo na sa ganitong sitwasyion." Dugtong pa nito. "Okay lang sa'yo, sumama sa akin sa simabahan?" tanong ni father de Vina. "Much better." Sagot ng dilag. "How about niyo Carlo?" tanong ng pari sa binata. "I'm okay. Kasama ko naman si Fe sa bahay. Kung may upcoming call man ako mula sa demonyong 'yon, ite-turn-off ko lang agad cellphone ko." pangiting sagot ni Carlo. "Okay then," sabi ni father de Vina sabay lumingon ito sa magkasintahan na sina Yuri at Joeceline, "bantayan mo ang nobya," sabi pa nito sa pulis, "at mag-ingat kayo. Off niyo na lang cellphone niyo para sa kaligtasan niyo, much better, both of you, pray to Him, at 'wag mawalan ng pag-asa, God is good all the way and God is with us... all the time..." sabi ni father de Vina. Kinabahan man ang magkasintahan ngunit dahil sa sinabi ng pari ay nalinawagan sila at tumapang. "Pa'no ba 'yan, aalis na kami. Be brave lang. With Him, nothing is impossible." Sabi pa father kay Joecel at Yuri. Napangiti ang magsiyota. "Okay father... ingat kayo." Sabi ni Joeceline. "Bye father... bye guys..." sambit ng pulis. "Take care girl, bye." Sabi ni Carlo kay Joecel. "Bye... ingat." Sambit pa ni Stella sa dalawa. Lumakad na sina Stella, Carlo at father de Vina palabas ng bahay, pumasok sa kani-kanilang mga sasakyan at bumyahe na pauwi. At naiwan na lamang ang mgkasintahan sa bahay. "Close the door. love." Sabi ni Joeceline sa nobyo. "Huh?" tanong ng diputado. "Close the door! Hurry!" takot na sagot ng nobya. "Right." Sambit ng pulis sabay panic sa pagsara ng pintuan... Hindi alam ng magkakaibigan na may nanunood pala sa kanila at iyon ay si Fercilu. Nakaupo lang ang nasabing diyablo sa opisina nito habang nakatingin sa computer at pinapanuod ang usapan ng magtropa. May closed-circuit television o CCTV sa labas ng bahay, sa may parking lot pati sa loob ng bahay mismo sa may pinaka-korner na bahagi ng salas ni nina Joeceline at Yuri at nata-transmit lahat ng mga nangyayari sa lugar ng dilag at pulis sa computer ni Fercilu sa loob ng opisina nito. "Hindi pa tayo tapos..." sabi ng demonyo sabay na minamasahe at ginagamot ang katawan nito dahil sa sagasa kanya ng sasakyan ni Joeceline.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン