Enrollment day.
Middle school. Two years. Seventh grade and eighth grade. Habang tumatagal padami na ng padami ang responsibilidad ni Charl bilang estudyante pero alam nya sa sarili nya na kaya nya ang mga responsibilidad na ito. At kung mahihirapan man sya alam nyang madami syang makakapitan. Erica. Chris. Jeane. Parte na sila sa buhay ng isa't-isa, paikot-ikot lang. Walang makakatibag. Bata man sila, pero alam nila sa sarili nila na sila ay magkakaibigan habangbuhay. They treat each other as brothers and sisters. Magkaroon man sila ng tampuhan but then they knew how to get back with each other.
"Saan na ba kayo?" Kausap nya sa phone si Chris. Kanina pa nya ito hinahanap sa loob ng campus.
"Magkita na lang tayo sa cafeteria." Sabi ng nasa kabilang linya.
"Cafeteria? Hindi ka ba nag-agahan Chris? O iyong bulate dyan sa tiyan mo ang gutom? Hahah.." Panloloko nito sa kaibigan nya.
"Kasama namin si Jeane." Boses ng isang babae, alam nyang boses iyon ni Erica.
"Oh my gosh! Really?" Nangi-ngiting tugon nito.
"Yeah, you should come now." Si Chris naman ang nagsalita.
"Pero hindi pa ako tapos dito?"
"I'll accompany you later?!" Boluntaryo nito.
"Okay, fine. I'll be there." Hindi na sya nag-isip pa. At least may kasama na sya mamaya.
"Hurry up!" Boses ni Erica.
Binaba na nya agad ang tawag kahit mukhang may karugtong pa ang sasabihin nito at mabilis nyang tinungo cafeteria.
"Oh my gosh, it's Jeane!" Tumakbo syang lumapit sa table kung saan nakapwesto ang kanyang mga kaibigan. Mabilis nyang niyakap ang namimiss nyang kaibigan. "It seems like, ang tagal kitang hindi nakita at nakausap. How are you?!"
Nagyakapan silang magkaibigan, ng mahigpit na parang ayaw ng humiwalay. Ang dalawa pang kaibigan naman ay napapangiti lang.
"I missed you too, Charl." Ngiting tugon nito matapos kumalas sa yakap para harapin ito. "At ano iyong naririnig ko sa dalawang ito na may boyfriend ka na?"
"Ano bang pinagsasabi nyo dito kay Jeane?" Lumingon ito kay Chris at tinaasan ng kilay. "Naku, wag ka nga makinig sa chismis ng dalawang iyan! Hindi tototo iyon!"
"Sus!!!" Sabay pang sabi ng dalawa. Napangiti ng malaki si Jeane sa pang-aasar kay Charl
"Tseh!" Sabay ulit, humagalpak naman sa tawa ang dalawa. "Nakita mo na, Jeane? Puro kalokohan ang dalawang iyan."
"Anyway, halika ka nga." Inakbayan sya ni Jeane." I have something for you, Charl." Pag-iiba ng topic. "Here." Inabot nito kay Charl ang paper bag na kulay asul. Habang naka-akbay parin kay Charl bumulong naman ito sa kanya. "Pero ikwe-kwento mo sa akin kung sino iyong Thirdy na iyon, ha! "
"Eh," Tinignan naman nya si Jeane kung seryoso ba ito. Tumango-tango ito sa kanya, na ibig sabihin gusto nya talaga malaman kung sino itong si Thirdy. "Okay, fine. I'll tell you later." Sinara nito ang dalawang kamay na parang nagdadasal at natutuwa sa sinabi ni Charl.
"Ano ba ang pinagbubulong-bulungan nyong dalawa dyan." Eksena ni Chris. "Maupo nga kayo."
"Hoy Chris, sasamahan mo pa ako mamaya ah." Paalala ni Charl.
"Oo na. Don't worry, wala naman akong balak na takasan ka.
"Dapat lang."
"Nga pala Charl, mauuna na kami ni Erica umuwi, magkita nalang tayo sa susunod na araw. May salo-salo sa bahay sa susunod na weekend."
"Teka, ibig mong sabihin sa mga susunod na araw hindi tayo magbobonding magkaibigan man lang?"
"Oo nga?" Pagtaka naman ni Erica. Nakikinig lang si Chris.
"Sorry, hindi ko nasabi, babalik kami sa Manila after this enrollment. As usual family business." She said it in a apologetic look.
"Oh well." Sabi na lang ni Chris.
"Okay." Ngumiti lang si Charl.
"Ano ba kayo! Bigla nyo naman pinalungkot ang atmosphere. Tara na nga kayo!" Pero imbes na umalis ay niyakap nya ng mahigpit ang mga kaibigan. "Namiss ko ang bonding natin."
"Pwede ba akong makisali sa inyo?" Sabat ni Chris.
"Halika ka nga, syempre." Masungit na tugon ni Erica. And dalawa naman ay natawa lang. Sumingit naman si Chris sa pagitan nina Jeane at Charl.
"Na-miss ko rin ang barkada natin." Sabi pa ni Chris at sabay inakbayan ang dalawang kaibigan.
Matapos ang tagpo nila kanina ay si Chris na lamang at Charl ang magkasama ngayon. Naupo pa rin sila dito sa cafeteria at halos katatapos lang magtanghalian.
"How are you?!" Hindi alam ni Charl ang biglang tanong ni Chris sa kanya na mukha ba syang may problema kaya ganoon na lamang ang tanong nito sa kanya.
"Pretty good. I'm happy.." Hindi na natapos ang sasabihin nito, Chris interrupted her with his statement.
"Of course, I am not talking about Jeane and you know that." Deretsang sabi nito kay Charl. Kilala na nga sya nito, kahit sa katiting na galaw nya ay alam nyang may ibang iniisip sya.
Yumuko naman si Charl at hinarap ang mga titig ni Chris. "What? Aren't you gonna talk with me?"
"Chris."
"What? No news from him?"
"Chris."
"Charl, talk! Talk." Asar nitong tugon.
"I don't know. He didn't call or message me. Is that what you want me to know?" Madamdaming bulalaa nito sa kaibigan. Bigla ay naging emosyonal sya.
"Ah..." May gusto syang sabihin pero tinikom nya nalang saglit ang bibig nya saka sinabing, "I'm sorry." Hinila nya si Charl at niyakap. Yumakap naman pabalik si Charl at tila naiiyak na. "Sshhh. Don't cry. Shhh."
Matapos syang sinamahan ni Chris sa huling proseso ng enrollment agad naman silang umuwi. Tahimik lang silang dalawa habang sya ay nakasakay sa likod ng bisekleta ni Chris, may upuan ito na bakal kung saan pwede syang umupo. Patuloy lang sa pagpadyak si Chris, kuha na nya kung tahimik ang matalik na kaibigan at wala syang balak na kulitin ito hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng gate ng Hacienda Casteel saka nito binasag ang katahimikan.
"Here we are." Agad naman tumayo mula sa bakal na upuan si Charl.
"Thank for bringing me home, Chris." She faked her smile at alam iyon ni Chris dahil hindi sya ngumiti pabalik.
"Talk to me if you need me. I'll just listen. I'm not gonna say something negative. I'll just listen. You know that, right."
"Of course. Thank you."
"Pasok ka na. And rest, especially your mind."
"I will.." Tuluyan na syang pumasok sa loob, pagkasara ng gate saka sya nagpakawala ng malalim na paghinga na tila nahirapan syang huminga saka nagsimulang maglakad papasok ng bahay.
To be continued..
📝 Jannmr
— 次の章はもうすぐ掲載する — レビューを書く