Pumasok kami sa restaurant na pinuntahan ko kanina kung saan ay may reservation na ako. Pagupo namin ay dinala na sa table ang mga pagkain na sinabi ko din kanina na ihahain.
"Nagpareserve ka ba riot?'
"Yap why??"
"Bakit ka pa t??"
"I told you i wanna surprise you babe.!" Then she smiled.
Lahat ng alam kong paborito nya na meron dito ang tanging pinahanda ko. Kaya alam kong magugustuhan nya at tama naman ako dahil habang kumakain sya ay hindi na mawala ang ngiti nya at lagi syang nagpapasalamat dahil lahat dae yun ay paborito nya.
Matagal bago namin naubos ang pagkain namin pero nang maubos na namin ang pagkain ay nagpunas muna ako ng bibig saka may lumapit na isang waiter na may dalang bouquet ng bulaklak.
Bakit ???
Ant pagpunas ko sa aking bibig ang senyas ng lahat at tunay kong sorpresa para sa kanya.
Nagulat syang lalo ng may isang batang babae na lumapit at tumugtog ng violin at ang music??? Yung kantang "i owe you"
Sya ang nagpabago sakin at dapat ko lang syang pasalamatan. Nakatingin lang sya sa bata habang tumutugtog ito. Habang nakikinig sya at nakatingin sa bata ay dahandahan kong inilabas ang pinakaregalo ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at tumingin sya sakin. Itong babaeng ito ang nagiisa kong minahal. Sya lang ang nagpabago sakin. At ayoko na syang mawala sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag ang babaeng ito ang mawala sa buhay ko. I am old enough tho I'm a student. I'm 22 and she's 21. Ilang buwan na lang ay graduate na kami. I'm matured? I can say yes i am now. And she's the reason for my maturity. At ang matured na tao ay alam at kayang panindigan ang lahat ng desisyon na gagawin. At ako, nagdesisyon akong sya ang piliing mahalin habang buhay.
"Celine, I know it's too early but I really wanna know now. Will you marry me??"
Nakatingin lang sya sakin. Nagtataka, nagulat pero hindi ko makita ang ngiti. Nakaramdam ako bigla ng takot at kaba. Paano kung ayaw nya. Paano kung sabihin nyang hindi. Paano kung sabihin nyang hindi ako ang gusto nyang makasama. Anong gagawin ko?
"Xander---"
"Celine I love you. If you're not ready, it's ok. I can wait. I can wait til you say yes!" Oo, kaya kong maghintay. Ganon naman pag mahal mo ang isang tao. Kahit gaano katagal ay mahihintay mo. At sya, kahit gano katagal ay kaya kong maghintay. Dahil ganoon ko sya kamahal. Pero aaminin kong nakaramdam ako ng konting dismaya. Marahan kong kinuha ang kahon na may singsing pero pinigilan nya ako.
"Bakit mo itatago yan?? Hindi mo ba isusuot sakin??" tanong nya sakin. Anong ibig nyang sabihin?? Nakatingin lang ako sa kanya.
"Xander I'm willing. Yes. Yes i will marry you." At ngumiti sya sakin. Tama ba ang narinig ko? Pumapayag syang magpakasal sakin?? Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi nya. Agad kong isinuot ang singsing sa kamay nya at tumayo ako para lapitan sya at halikan sa labi. Hindi ko akalain na magiging perpekto ang gabing ito para sa lahat ng plano ko. Hindi ko inaasahan na papayag syang pakasalan ako. Masaya? Oo, kulang na lang ay ang magtatalon at sumigaw ako sa sobrang tuwa. Lumapit sakin ang manager ng restaurant at yung mga nakausap ko kanina tungkol sa plano ko at binati nila akong lahat. Kailangan kong magpasalamat sa dad ko at sa dad nya dahil kung hindi nila kami pinapunta dito ay hindi ko maiisip gawin ang bagay na ito.
Napakaswerte ko talaga. Maswerte ako dahil ngayon ay engaged na ako sa babaeng pinakamamahal ko. Ngayon ang tangi ko na lang iisipin ay ang pagpapanatiling matatag ang relasyon namin at ang kasal namin na plano kong gawin pagkatapo namin ng college. Excited? Oo naman. Bakit hindi eh kung makakasama ko na ang babaeng nagbigay sakin ng bagong ako. Hindi ko alam kung paano ko ieexpress ang saya ko. Sobra ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sobra na para bang ayoko ng matapos ang gabi na to.