アプリをダウンロード
15.38% Dawn Of Human / Chapter 2: Kabanata 1

章 2: Kabanata 1

Michael's P.O.V

Magkasama kaming dalawa ni Carlo ngayon sa aking kwarto sa bahay para tumulong sa aming online class. Hindi ko nga alam sa lalaking ito, pwede naman sa chat nalang o kaya sa video chat nalang namin pag-usapan ang topic namin pero pumunta pa talaga dito saamin para lang sa online study kahit delikado ang sitwasiyon namin dahil sa pandemic na kinakaharap ng mundo sa ngayon.

"Nakakaantok naman ng ginagawa natin. Ang boring naman. Manood nalang tayo ng tv." Ang reklamo ni Carlo saakin.

"Hoy! Para sabihin ko sayo, kanina pa ako dito gupit ng gupit para sa brochure natin pero ikaw nakaupo lang habang walang ginagawa kundi ang panoorin akong nanghihirap sa paggawa nito tapos ikaw pa itong may gana na magreklamo." Sabat kong sagot sakanya habang nakaupo lang siya sa may kama ko.

"Heto na nga po tutulungan ka na. Daig mo pa teacher natin kung magsalita." Sagot niya pa saakin habang naglalakad siya papunta sa posisyon ko saka umupo siya sa may harapan ko.

"Nakikita mo naman siguro ang mga color papers, gunting, and Pentel pen sa harapan mo?" Paunang tanong ko sakanya saka tumango naman siya.

"Oo naman. Hindi pa malabo ang mata ko at mas lalong hindi pa ako bulag." Sagot niya saka ko kinuha ang gunting at pentel pen.

"Good! Ito ang gunting panggupit para sa design ng brochure at ito naman ang pentel pen para sa gagawin mong lettering design sa brochure natin. Simulan mo na, dali!" Utos ko sakanya saka ko ibinigay ang hawak ko na kinuha naman niya.

"Ako lang? As in ako lang talaga? Hindi mo ako tutulungan? ang daya mo naman." Ang reeklamong tanong niya saakin pero sinungitan ko lang siya saka tumayo ako.

"Nakakapagod kaya maupo habang pinapanood mo lang ako kanina kaya ikaw naman ngayon ang gumawa niyan. Kukuha lang ako ng makakain natin na meryenda." Sagot ko sakanya saka naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Pumunta na ako sa may kusina para kumuha ng makakain namin habang ginagawa ang project.

Kinukuha ko ang isang 1.5 liters na softdrink sa refrigerator habang hawak ko ang dalawang baso sa kamay ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Kuya Mike!" Biglang tawag ng kapatid ko sa aking pangalan. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong baso na ngayon ay nabasag na sa sahig.

"Geno naman! Bakit ka nanggugulat? Alam mo naman na nakatalikod ako saka hawak ko ang baso sa kamay ko. Kita mo tuloy nabasag." Ang gulat kong sabi sa kapatid ko habang nakatitig lang siya sa akin na parang sobrang seryoso siya na di ko maintindihan ang tingin niya saakin.

"Hoy, ayos ka lang?" Ang tanong ko sakanya saka lumapit ako at hinawakan siya sa balikat pero biglang tinapik niya ang kamay ko at pinulipot ang braso ko na parang gusto yata akong patayin sa sakit ng ginawa niya saakin.

"Aray-aray!" Ang pagsigaw ko sakanya. Mabuti nalang at naitulak ko siya ng isa kong kamay kaya natumba siya sa sahig na nakaupo.

"Ano ba ang ginagawa mo Geno? Ang sakit kaya no'n a. Isusumbong kita kina dad at mom mamaya para maparusahan ka. Tingnan lang natin kung anong gagawin nila sa paborito nilang anak na parang may sayad." Ang galit kong sigaw sakanya pero hindi siya sumasagot saakin. Tumakbo lang siya palayo saakin na parang ewan.

Kinuha ko nalang ang walis saka nilinis ang mga bubog ng nabasag na baso saka ako kumuha ulit ng bagong baso at bumalik na sa may kwarto ko dala ang pagkain at inumin.

"Ang tagal mo a. Natapos ko na ang lahat gupitin." Ang bungad saakin ni Carlo habang tumayo siya at kinuha ang mga dala kong pagkain namin. Inilapag niya ito sa sahig at naupo kami saka nagpatuloy sa paggawa ng aming brochure.

"Alam mo, nagtataka na talaga ako sa kapatid ko." Ang sabi ko sakanya habang ginugupit ko ang mga papel at kumakain naman siya.

"Sino, si Geno ba?" Ang tanong naman niya habang sumusubo ng pagkain.

"Sino pa ba? May alam ka pa ba na kapatid ko maliban sakanya? Hindi ba wala. Kami lang naman ang anak nina mom at dad di ba? Or else gusto mo magpa-ampon sa pamilya ko." sagot ko na may halong pang aasar sakanya. Ang tanga lang kasi, alam niya naman na kami lang ni Geno ang magkapatid tapos nagtatanong pa kung sino na kapatid ko.

"Huwag na lang kung ikaw man lang din ang magiging kadugo ko." Ang sagot niya na parang namimikon pa. Namimili pa yata. Sa gwapo at talino ko na ito tapos inaayawan niya lang na maging kapatid. Mas ayaw ko sakanya. Ang pangit niya kaya tapos bobo pa.

"Mas ayaw ko sayo. Pangit ka na nga, bobo ka pa." Ang pikon kong pasigaw na sagot sakanya pero tinawanan niya lang ako.

"Bagay kayong dalawa magsama ng kapatid ko. Parehas kayong baliw!" Ang pagsigaw ko sakanya saka tumayo ako at humakbang palabas ng pintuan ng kwarto.

"Saan ka na naman pupunta?" Natatawa na tanong niya saakin. Huminto naman muna ako pero nakatalikod pa rin ako sakanya.

"Sa lugar na wala ka at malayo sa baliw virus mo. At baka mahawa pa ako." Ang pilosopo na sagot ko sakanya saka nagpatuloy na ako sa paglalakad ko palabas ng kwarto ko.

Ang bilis ko lang din naman kasi mapikon kapag siya ang kausap ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン