CHAPTER TEN
They're Friends
"RAIKO! Kailangan mong madala sa hospital, nagdudugo parin yung ulo mo." Usal ni Xiyue kay Raiko na naglalakad ng tuwid patawid sa tulay na dinaanan ni Xiyue kanina noong patungo pa lamang ito sa kinaroroonan nila ni Raiko at ni Aron.
Huminto si Raiko ngunit hindi parin nito nililingon ang direksyon ni Xiyue. Nagbuga naman ng hangin si Xiyue noong makita nyang huminto na si Raiko sa paglalakad palayo sa kanya. Iniisip ni Xiyue na buti na lamang ay huminto na si Raiko dahil medyo napagod na ito kakahabol kay Raiko na mabilis ang ginawang paglalakad kanina.
"I don't need to go to the hospital. Pumunta ka kung gusto mo," walang ganang sagot ni Raiko na ikinabagsak ng balikat ni Xiyue.
Nagpameywang ito kahit na hindi sya hinaharap at nakikita ni Raiko. Tumaas pa ang kilay nito bago muling nagsalita.
"Hindi ka ba talaga papayag na pumunta ng hospital? Malala yang sugat mo!" Hindi na naiwasan ni Xiyue na hindi mapasigaw dahil sa inis na nararamdaman nito, hindi man nya malaman kung anong dahilan kung bakit sya nakakaramdam ng inis at pag-aalala kay Raiko ay winaksi nya muna iyon.
Humarap si Raiko kay Xiyue at agad na nagtama ang malamig na mga mata ni Raiko sa puno ng emosyong mga mata ni Xiyue. Umayos si Xiyue ng pagkakatayo noong maalala nito na nakapameywang pa ito.
She fake a cough bago nakipaglaban ng tingin sa mga malalamig na mata ni Raiko. Pero hindi nito matagalan ang mga mata ni Raiko at kusang umiiwas ang kanyang mga mata. Nanlalambot din ang tuhod nito at tila may dumadagan sa dibdib ni Xiyue t'wing matitignan nya ang mga mata ni Raiko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tanong ni Xiyue sa kanyang sarili bago muling dahan dahang nag-angat ng tingin kay Raiko.
"Okay, in one condition." Nabuhayan si Xiyue dahil sa sinabing iyon ni Raiko. Agad na lumapit si Xiyue kay Raiko at masayang tinanong kung ano ang kundisyon na iyon.
"Kapag sumama ako sayo sa hospital, you'll stay away from me. Hindi ka na lalapit sa akin at lalong hindi ko na dapat makikita ang mukha mo. Deal?" Mahabang litanya ni Raiko habang diretso ang mga mata kay Xiyue na halatang natigilan.
You need to stay away from me, Xiyue. Mapapahamak ka lang kapag nasa paligid mo ako, at iyon ang hinding hindi ko kayang mangyari.
Napakurap si Xiyue ng ilang beses na tila hindi makapaniwala sa kundisyong ibinigay ni Raiko sa kanya. Napanguso ito at saka dahan dahang inangat ang hintuturo upang ituro ang sugat sa ulo ni Raiko na tumigil na sa pagdurugo.
"Gagaling ka naman kahit hindi kana pumunta sa Hospital, diba?" Inosenteng tanong ni Xiyue na ikinaas ng isang kilay ni Raiko.
Mahinang tumawa si Xiyue ng pilit bago binaba ang hintuturo na nakaturo parin sa ulo ni Raiko, napakamot ito sa batok nya bago nahihiyang tumingin kay Raiko.
"I mean, imortal ka. Hindi ka naman pala mamamatay ng basta basta, hindi mo na kailangang dalhin sa Hospital. A-Ah, sige na. Una na ako." Agad na yumuko si Xiyue at nagtatakbo papalabas sa Likod ng Field.
Nakasunod lamang ang mga mata ni Raiko sa kanya. Muling sumulyap si Xiyue sa kinaroroonan ni Raiko bago muling tumakbo. Nang mawala na sa paningin ni Raiko ay napailing na lamang si Raiko bago muling naglakad. Wala sa sariling napangiti ito.
Damn, Xiyue. You're really making me crazy. Pinilit ni Raiko na maging seryoso sa kabila ng kagustuhang mapangiti parin dahil sa inasta ni Xiyue sa kanya kanina.
Napapailing na lamang si Raiko.
-
SAMANTALA, patuloy parin na nagkakagulo sa lugar ng mga mortal na tao. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ng mga tao lalo pa't parami na ng parami ang mga nawawalang mortal na tao.
Sa kabila ng lahat ng ito ay may isang lalaking ubod saya na pinapanood lamang ang mga taong nagkakagulo dahil sa pagkawala bigla ng mga mortal na tao.
Mula sa matayog na gusali ay makikita ang isang rebulto ng lalaki na nakasalip at pinapanood lamang ang lahat ng ginagawa ng mga tao. Napangisi ito at tumingin sa kanyang orasan.
"168 hours to go, sigurado akong hihingi na kayo ng tulong sa mga tulad kong tao." Nakangiti nitong saad bago ibinalik ang mga mata sa kalsada.
-
"Masama syang tao, Xiyue. Dapat mo syang iwasan dahil baka pati ikaw, saktan nya."
Nagising si Xiyue sa sobrang sakit ng katawan nito. Nang nagdilat ito ng kanyang mga mata ay nasilaw sya sa sobrang liwanag. Napa-ungol na lamang si Xiyue sa sobrang kirot na nararamdaman nito sa kanyang ulo.
Pakiramda ni Xiyue ay mababasag ngayon ang ulo nito sa sobrang kirot. Muli nyang narinig ang isang hindi nya kilalang boses sa panaginig nya.
"Masama syang tao, Xiyue. Dapat mo syang iwasan dahil baka pati ikaw, saktan nya."
Bumangon na si Xiyue sa kanyang pagkakahiga at agad na tumingin sa orasan. Nakita nito na mag-aalas singko na pala sa hapon. Napahawak ito sa kanyang ulo bago napagdesisyunang maligo na muna para mahimasmasan ito ng kaunti.
"Panaginip lang ba lahat ng nakita ko? O aalala na hindi ko naman maalala?" Tanong ni Xiyue sa kanyang isipan sa kalagitnaan ng kanyang pagligo.
Nang matapos na itong maligo ay agad na nagluto ito ng kanyang kakainin. Kinuha nya ang cellphone bago tinawagan si Westley upang sana yayain sa pagkain.
"Hello?"
Tinakpan ni Xiyue ang Tupperware kung saan nya inilagay ang napasobra nyang luto bago nya sagutin si Westley.
"Hello, West? Asan ka ba ngayon?" Tanong ni Xiyue at lumabas na ng mini kitchen sa kanyang kwarto.
"I'm in my apartment, why?"
Nagbuga naman ng hangin si Xiyue bago nagtanong.
"Ah, okay. Ano nga ulit number ng unit mo?"
"Unit 134, why X---"
Binaba na agad ni Xiyue ang cellphone nya at nagmartya palabas ng unit nya. Tinignan nya ang number ng unit nya ay nakita na 127 iyon.
"Sa taas siguro." Hindi na nag-elevator si Xiyue dahil isang palapag lamang ag pagitan ng unit nya at ng unit ni Westley.
Nang makarating sa floor ay masayang tinitignan ni Xiyue ang ulam na napasobra ang pagluto nya. Hindi nya alam pero laging sumusobra ang pagluluto nito kahit na kanin lamang ang lutuin nito ay laging may sobra.
Kaya nakasanayan na nya simula noong magustuhan ni Westley ang luto nya ang pagdadala lagi ng pagkain kay Westley. Pero ito ang unang beses ni Xiyue na dalhin ang pagkain sa unit mismo ni Westley dahil madalas ay sa cafeteria silang lima kumakain.
Kumatok si Xiyue sa unit number ni Westley ngunit walang nagbubukas ng pintuan. Napanguso ito at nag-intay pa ng ilang minuto bago nakapag-desisyon na pihitin na ang seradura ny unit ni Westley na bukas naman at hindi naka-lock.
Pumasok na si Xiyue at pakanta nyang tinatawag ang pangalan ni Westley. Wala namang sumasagot kaya nanahimik na si Xiyue.
"Westley! Nagdala ako ng pagkain mo, napasobra nanaman kasi ang luto ko. Iiwan ko nalang dito sa---" napatigil si Xiyue sa pagsasalita noong makita nya ang isang lalaking hindi nya inaasahan na nakahiga sa kama.
Naka-bandage ang ulo nito habang may hawak na libro. Napaawang ang bibig ni Xiyue at nagunot ang noo na tinignan si Raiko. Ganoon din naman ang ginawa ni Raiko, kinunutan nya si Xiyue ng noo bago sinarado ang libro na binabasa nito.
"What the? What are you doing here?" Tanong ni Raiko sa kanya at umayos ng upo sa kama ni Westley.
Napalunok naman si Xiyue noong magtama nanaman ang mga mata nilang dalawa.
Ayan nanaman, nanghihina nanaman ang tuhod ko at parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko.
"Diba, dapat ako ang magtanong nyan sayo? Unit 'to ni Westley pero nandito ka. Wala ka bang unit?" Balik tanong ni Xiyue kay Raiko na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa kanya.
Nakipagtagisan ito ng tingin kay Raiko at kusang sumuko ang mga mata ni Xiyue. Bumuntong hininga si Xiyue bago binitbit muli ang Tupperware na may ulam.
"Mali siguro ako ng napasukang unit. Di bale, aalis na rin ako." Akmang aalis na sana si Xiyue noong pigilan sya ni Raiko. Nakaramdam ng tila kuryente si Xiyue noong sandaling mahawakan ni Raiko ang braso nya.
Napatingin sya dito at nakita na nakitingin si Raiko sa dala dala nyang Tupperware. Napalunok si Xiyue at napaiwas agad ng tingin.
"Gusto mo ba 'tong ulam na dala ko? Sayo na," binigay ni Xiyue ang dala dala nyang Tupperware. Tinignan iyon ni Raiko habang hindi parin binibitawan ang braso ni Xiyue.
"Raiko Mihada! May dala akong pagkain natin---Xiyue?!" Agad na nalipat ang mata ng dalawa sa nagbukas ng pintuan.
Napaawang ang bibig ni Xiyue noong makita ang gulat na gulat na mata ni Aron na ni Westley. Samantalang, dumako naman ang mga mata nina Aron at Westley sa kamay ni Raiko na nakahawak parin sa braso ni Xiyue.
Noong marealize iyon ni Raiko ay agad nyang binitawan ang braso ni Xiyue at pabagsak na humiga ulit, at binuksan ang kanina'y binabasa nyang libro.
Si Xiyue naman ay pilit na pinoproseso ang lahat sa isipan nya. Nakatitig lamang si Xiyue sa dalawang bagong dating lamang, lalong lalo na kay Westley na kaibigan nya.
Tinuro nya ang tatlo isa isa gamit ang kanyang hintuturo.
"M-Magkakakilala kayong tatlo?"
•