アプリをダウンロード
30.21% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 294: Tignan mong maigi kung sino ako (4)

章 294: Tignan mong maigi kung sino ako (4)

編集者: LiberReverieGroup

Tinignan lang ni Lu Jinnian ang wine glass na hawak ni Song Xiangsi at umupo ng hindi nagsasalita sa pang-isahang taong couch.

Nakatingin lang si Song Xiangsi habang umuupo si Lu Jinnian. Alam niyang sasamahan siya nito kaya ibinigay niya rito ang wine glass na kanyang hawak. Kinuha niya ang wine at nilagyan ang kanyang baso. Itinaas niya ito pero agad ding ibinaba matapos niyang sadyaing tamaan ng bahagya ang baso ni Lu Jinnian.

Hinawakan ni Lu Jinnian ang wine glass at kalmadong uminom, mukhang wala siyang balak na makipagusap.

Sanay na si Song Xiangsi sa katahimikan ni Lu Jinnian kaya inaliw niya nalang ang sarili niya. Mataas ang kanyang alcohol tolerance kaya kahit nakailang sunod-sunod na baso na siya ng wine ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng kahit kaunting pagkalasing. Habang pinagmamasdan niya si Lu Jinnian, napansin niya na nakasuot ito ng isang formal suit at mukhang galing ito sa isang formal ball kaya bigla siyang nagtanong, "Galing ka ba sa ball?"

"Yea," mahinang sagot ni Lu Jinnian bago muling uminom.

Alam ni Song Xiangsi na pumunta si Lu Jinnian sa birthday dinner ni Xu Jiamu dahil magkapatid sila. Gusto niya sanang tanungin kung kamusta na si Xu Jiamu… pero noong handa na sana siyang magtanong ay bigla naman siyang natigilan kaya ngumiti nalang siya at kinuha nalang ang wine para muling lagyan ang baso niya. Pero bago pa man din niya ito ay nasaid niya na ang laman ng bote.

Medyo nainis si Song Xiangsi kaya ibinato niya ang bote sa sahig bago niya kunin ang wine glass at inumin ang natitirang laman nito. Pagewang gewang siyang tumayo at pasuray suray na naglakad papunta sa CR. Paglabas niya, wala na siyang makapal na make up kaya kitang kita na ang makinis at maputi niyang mukha.

Nahimasmasan na siya matapos niyang maghilamos ng malamig na tubig. Tumingin siya kay Lu Jinnian na nakaupo pa rin sa couch habang umiinom ng wine nito. Naglakad siya papalapit kay Lu Jinnian at inikutan niya ito ng isang beses bago siya yumuko para amuyin ang balikat nito.

Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at tumayo siya para itulak si Song Xiangsi papalayo.

Napaatras si Song Xiangsi kaya nalaglag siya sa sofa. Naginat siya at tinignan si Lu Jinnian mula ulo hanggang paa at unti-unting nagbago ang kanyang itsura na para bang nangaasar, "Mr. Lu, mukhang may ibig sabihin ang amoy na yan. Sino yan?"

Matapos niyang makatayo ng hirap na hirap, ngumiti siya na halatang nangaasar at nagtanong, "Si Qiao Anhao ba yan? You slept with her?"

Halata sa mukha ni Lu Jinnian na bigla siyang nainis. Itinikom niya ang kanyang bibig at naglakad palabas ng office ni Song Xiangsi.

Sumunod sakanya si Song Xiangsi. "Kahihiyan at galit ba ang nakikita ko? Or was it her who slept with you?" 

Lalo pang nainis si Lu Jinnian kaya bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin kay Song Xiansi para sigawan ito, "Shut up!"

Pagkatalikod niya, kumuha siya ng sigarilyo sa kanyang bulsa sa pagbabakasakaling mabawasan nito ang inis na nararamdaman niya. Nagsindi siya ng isang stick at humithit ng malalim at unt-unti siyang kumalma.

Tumigil si Song Xiangsi sa pangaasar noong nakita niyang kumuha si Lu Jinnian ng isang kaha ng sigarilyo at naglabas ito ng isang stick. Kumuha rin siya ng sarili niyang stick at sinindihan. Lalo pa siyang nagmukhang kaakit akit habang ininaangat ng kanyang maninipis na mga daliri ang sigarilyo papunta sa kanyang bibig. Naramdaman niya na kumalat kaagad ang nicotine sa katawan niya, unti unting kumalma ang maganda niyang mukha habang ninanamnam niya ang lasa nito. Habang nagsisigarilyo siya, inisip niya kung kailan siya huling nagsigarilyo at narealize niya na maraming taon na rin pala ang nakalipas…


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C294
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン