アプリをダウンロード
72.55% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 706: Scandal (3)

章 706: Scandal (3)

編集者: LiberReverieGroup

Anong ibig sabihin ni Lin Shiyi sa sinabi nitong 'mga babaeng kusang

naglalatag ng sarili'?

Habang binabasa ni Qiao Anhao ang laman ng screenshot, pakiramdam niya

ay parang susuka na siya ng dugo sa sobrang galit.

Bukod kay Lin Shiyi, may ilang mga member din sa group chat ang hindi

nagpahuli…

[Sa tingin niyo… Mukhang nakuha yan ni Qiao Anhao kakanuod niya ng mga

drama no? Sa tingin niya ba prinsesa siya sa mga fairytale?], [Delusyon na ang

tawag dito. Mukhang kailangan niyang magpatingin sa doktor at uminom ng

gamot.], [Akala ko pa naman mahinhin siya, may tinatago pala siyang

kalandian!], [Sa mga oras na to, lahat ng tao tinatawag na siyang desperada sa

lalaki. tsk-tsk-tsk… Ako ang nahihiya para sakanya eh.]

Sa ilalim ng mga replies, may isa pang sinend si Lin Shiyi, [Ganito talaga

siguro ang mga babaeng pinanganak ng mayaman. Sinasabi nilang maganda

ang pagpapalaki sakanila pero sa totoo lang, grabe pala talaga ang mga ugali

nila. Hindi siguro nila alam kung anong ibig sabihin ng self-love!]

At dito na nagtatapos ang screenshot.

Sinabi ni Lin Shiyi na hindi niya mahal ang sarili niya? So ibig sabihin,

'pagmamahal sa sarili' ang tawag noong nakikabit ito sa may asawa at

nakipag'sex kung kani-kaninong lalaki para sa pera?

Sobrang sama ng loob ni Qiao Anhao habang nakatitig sa mga screenshots na

sinend sakanya ni Zhao Meng at dala ng matinding galit, hindi siya

makapagsalita at nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak sakanyang

phone.

Desperada sa lalaki, walang hiya, delusyunal, babaeng kusang naglalatag ng

sarili, babaeng walang pagmamahal sa sarili….

Paano nangyari na sa loob lang ng pitong oras, napakarami ng masasakit na

tawag sakanya ng mga tao?

"Qiao Qiao, tignan mo may isa pa. Malinaw na gusto ka talagang sirain nito!"

Pagalit na sabi ni Zhao Meng kay Qiao Anhao habang nginungudngod niya ang

kanyang phone sa harap ng kaibigan. "Walang hiya talaga yang Lin Shiyi nay

an! Halata namang tinitira ka ng grupo niya."

Tinignan ni Qiao Anhao ang group ni Lin Shiyi. Sa ilalim ng scandal niya, may

tatlong topics itong shinare.

Ang una ay isang blog galing sa isang sikat na manunulat ng isang emotional-

intelligence group na nagsasabi sa mga kababaihan kung gaano kahalaga ang

pagmamahal sa sarili. Sa ilalim nito, naglagay si Lin Shiyi ng comment na

walang halaga ang mga babaeng naghahabol sa mga lalaki!

Ang pangalawa naman ay litratro ng isang lalaki na nakatalikod sa salamin,

habang nakaluhod sa harap ni Lin Shiyi at sinusuotan ito ng singsing. Sobrang

saya ng pagkakangiti nito na para bang gusto nitong ipalandakan sa buong

mundo kung gaano ito kasaya.

Ang pangatlo post ay isa nanamang litrato pero sa pagkakataong ito, nasa

labas naman si Lin Shiyi ng ACR. May dala itong maraming shopping bags at

may caption na 'My boyfriend says that if you love a woman, you give her the

world's best. ACR only sells luxury items for classiest of people like me'.

Malinaw naman kay Qiao Anhao ang lahat. Alam niya na sinadya ni Lin Shiyi

ang magkakasunod nitong post, para ipamukha sakanya kung gaano ito

kasaya habang namomroblema siya.

Galit na galit na nagpatuloy si Zhao Meng, "Marami talagang tao sa mundong

ito na hindi kayang makitang masaya ang iba. Sa panahong ito…kahit aso kaya

ng manira ng iba para lang tumaas ang tingin sa sarili."

Sa group ni Lin Shiyi, may ilang mga kaibigan si Zhao Meng na nakikisawsaw

din. Nakita ni Qiao Anhao na kundi gumagatong ay nakikilike pa ang mga ito sa

mga paninira sakanya.

Tama nga ang sinabi ni Zhao Meng na malupit talaga ang mundo….ngayon,

ginawa na siyang katatawanan ng mga tao.

Pero ang pinaka masakit sa lahat, ang lalaking may kagagawan kung bakit

maraming galit sakanya ngayon ay binabaan siya ng dalawang beses at

hanggang sa mga oras na 'to ay hindi man lang siya pinadadalhan nito ng kahit

voice o text message manlang.

Kanina, sobrang nasaktan siya noong nakita niya kung gaano kagalit ang mga

tao sa kanya kaya niyaya niyang kumain si Zhao Meng para mabawasan ang

bigat na nararamdaman niya, pero sa mga oras na 'to….hindi niya na talaga

kayang magpaka positibo dahil tuluyan na siyang nilamon ng lungkot.


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C706
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン