アプリをダウンロード
52.41% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 510: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (11)

章 510: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (11)

編集者: LiberReverieGroup

Alas nuebe palang ng gabi noong makauwi sila sa Mian Xiu Garden.

Nasa security pa ang mga pinamili ni Qiao Anhao sa Shanghai kaya sinamahan muna siya ni Lu Jinnian na kunin ang mga ito bago siya ihatid nito sa mansyon ni Xu Jiamu.

Pagkadating nila sa bahay, tinulungan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao na ipasok ang mga gamit nito sa loob.

Alam ni Lu Jinnian na pagod na pagod si Qiao Anhao pagkatapos nilang magbyahe ng ilang araw kaya hindi na rin siya nagtagal.

Pero bago siya umalis, bigla siyang tinawag ni Qiao Anhao. "Lu Jinnian."

Napahinto siya sa paglalakad at nagtatakang lumingon.

Naglakad si Qiao Anhao papalapit sakanya at sinabi, "Pupunta ako sa bahay ng Xu family bukas."

Tumungo lang si Lu Jinnian bilang sagot.

Ngumiti si Qiao Anhaon at muling nagsalita, "bye."

"Bye." Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang umalis si Lu Jinnian.

Kahit na gusto ni Qiao Anhao na araw-araw makasama si Lu Jinnian, ayaw niya naman na siya ang dahilan para mapabayaan nito ang pagtatrabaho.

Isa pa, kahit na ang alam ng lahat ay kasal sila ni Xu Jiamu, malinaw sakanilang dalawa na hindi talaga nila mahal ang isa't-isa. 

Wala siyang nararamdamang anumang galit o lungkot kahit pagdating ng panahon ay siya ang kakaawaan ng lahat ng tao. Sa totoo nga lang, hindi na siya makapaghintay na matapos ang lahat dahil gusto niya na talagang mas maging malapit kay Lu Jinnian.

Kung alam niya lang na ipinagkasundo siya kay Xu Jiamu, hindi talaga siya papayag na magpakasal sa kaibigan niya, pero bigla nalang itong naaksidente bago pa man niya malaman ang tungkol sa kasunduan. Noong mga panahon na 'yun, wala siyang ibang gustong mangyari kundi mapalapit kay Lu Jinnian kaya hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok.

Walang ideya si Lu Jinnian sa mga ginawa niya noon. Handa siyang lumabas na asawa ng iba para lang mapalapit dito dahil natatakot siya na baka pag pinakawalan niya pa ang pagkakataong ito, hindi na talaga sila makapagusap ulit.

-

Kinabukasan, pumunta talaga si Qiao Anhao sa mansyon ng mga Xu.

Kinakabahan siya nab aka maging kumplikado lang ang lahat kapag nagdivorce sila.

Pero naihanda naman na niya ang sarili niya na hindi talaga magiging madali ang lahat. 

Pagsapit ng kinahapunan, nag'book si Xu Jiamu ng isang kwarto para magsama-sama ang parehong partida ng mga Xu at Qiao.

Namamaga pa rin ang labi niya dahil sa pagkakasuntok sakanya ni Lu Jinnian kahapon kaya nang makita ito ni Han Ruchu, hindi nito napigilang magalala ng sobra.

Habang nakaupo ang lahat, sinenyasan ni Xu Jiamu ang waiter na lagyan ng tsaa ang tasa ng isa.

Naguguluhan si Han Ruchu kung bakit nila kailangang magsama-sama kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya na magtanong, "Jiamu, bakit mo kami pinatawag?"

Kinuha ni Xu Jiamu ang huling tasa at naglakad pabalik sa upuan niya. Humigop muna siya ng mainit na tsaa at tinignan ang magkabilang pagtida bago siya magsalita, "Gusto ko ng makipagdivorce kay Qiao Qiao."

Pahigop na sana si Xu Wanli ng tsaa nang marinig nito ang sinabi ni Xu Jiamu. Noong mga sandaling iyon, biglang nanginig ang mga kamay nito kaya natapon ang tsaa.

Walang pagdadalawang isip na tumutol sina Han Ruchu at ang mga Qiao.

"Ano?"

"Bakit?"

"Jiamu, anong nangyari sainyo ni Qiao Qiao?"

Hindi nagsalita si Xu Jiamu ng ilang sandali bago niya ulitin, "Ipinatawag ko kayong lahat ngayon dito para sabihin sainyo na gusto ko ng makipagdivorce."


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C510
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン