アプリをダウンロード
52.94% Breaking the wall between us / Chapter 9: CHAPTER 8

章 9: CHAPTER 8

MAINE'S POV

Ilang beses pa akong napa-paypay sa sarili gamit ang mga palad ko dahil sa sobra-sobrang init na nararamdaman ko sa aking buong katawan. Feeling ko ay para akong nakakulong ngayon dito sa isang bartolina kung saan walang ilaw, walang hangin, walang ka-space-space para sa isang malikot na babae like me at nasa sangkalan habang gini-grill sa nagbabagang apoy. At dahil hindi pa rin talaga ako nakuntento sa pagiging resourceful ko sa pagpaypay ng sarili ay hinila-hila ko pa ang damit kong naka-off shoulder paibaba dahilan para mas maibaba ko ito at mas lumitaw ang makikinis kong mga balikat.

"Hoooo!"

Muli pa akong bumuntong-hininga at humigop-higop ng hangin. Hindi na ako halos makahinga dito sa loob. Napapasok na ng kung anong negative vibes ang utak ko at nafi-feel ko na ang paglakas ng negative force at energy sa paligid ko.

Contaminated na ang cubicle mga bes! Polluted na ang hangin kaya pati utak ng lola niyo mahangin na rin.. este polluted na rin pala. Haays!

Napansin ko naman ang biglang pagtahimik nung dalawang baklang nang-eechos sa akin kanina kaya napagpasyahan kong lumabas na at bumalik kay Kaykay.

Ngunit nang hinawakan ko na ang door knob at hilahin na sana yun ay napansin ko ang biglang pagtigas at pagbigat nito.

Hindi ko mabuksan! Ginalaw-galaw ko ng hard yung door knob at pinu-push at pull ko pa yun para magbakasakaling mabuksan ko yun. Pero hindi.. Hindi pa rin.

Ano bang problema nito? Ayos naman to kanina nang pumasok ako ah!

Nagsimula na akong kabahan at biglang pumintig ng sobrang lakas at bilis ang puso ko dahilan para mag-panic na ako.

Ginalaw ko pa yung door knob. Kung may hard, harder tsaka hardest mas pinaka-hardest pa talaga ang ginagawa ko para lang mabuksan yun. Dalawang kamay na rin talaga ang hinawak ko dun sa door knob para full force ko talagang hilahin yun pero bigo pa rin ako. Mas lumakas pa ng lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Paano kung hindi na ako makakalabas pa dito? Paano kung gabihin na lang ako dito at may ghost o di kaya ay white lady na may mahabang buhok na nakaharang sa face niya hanggang sa sahig na bigla na lang sumulpot dito sa cubicle ko at.. at.. at lapitan ako? Waaaah!

Napalingon-lingon pa ako at napatingala *baka nalambitin sa ibabaw eh mahirap na*.

Paano naman kung tulad ng mga nasa movies na aakalain ng taga-linis dito na wala ng tao kaya papatayin na niya ang mga ilaw at aksidenteng ma-lock ako dito sa loob.. ng magdamag? No! No!

Hoo! Hoo! Kaya mo yan.. Tiwala lang.

Pagpapakalma ko pa sa sarili ko pero hindi ko talaga mapigilang kabahan at mag-panic.

Paano naman kung may pumasok na mga lalaki dito sa CR *siyempre kasi nga shunga ang lola niyo kaya napadpad sa male CR* at timing naman na nakalabas na ako dito saka.. saka... pagsamantalahan nila ako? ENOUGH! ERASE! ERASE! ERASE!

Napayakap na lang ako sa sarili ko at napalingon-lingon pa ako sa likod. Hindi ko alam kung bakit feeling ko may nakatayo sa likod ko at diretsong nakatingin sa akin gamit ang mga mata niyang pulang-pula na gusto na akong kagatin sa leeg.

"AAAAAAH!"

Bigla at malakas kong sigaw dahil sa kilabot na naramdaman ko sabay tumindig lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

Nagpatuloy pa ako sa pagyugyog ng super duper hard sa door knob. Napapapukpok pa ako sa pinto habang niyuyugyog ito.

Lord buksan niyo na po please...

"Pleaseee! Tama na to.."

Hinihingal ko pang sabi. Habol na ako ng habol ngayon sa hininga ko dahil sa biglaang pagkakaba ko kanina.

"Ay mameey! Mukhang hindi talaga pinagpahinga si ate! Grabe kung makasigaw eh."

"Eeeeeh! Nakakasukaaaaa! Help!"

Dahil sa narinig kong yun ay mas nainis ako kaya patuloy ko pa ring pinupukpok ang pinto. Ngunit napahinto ako at naipit ko pa ang kaliwang kamay ko sa mga hita ko sa sakit nang may mapalo akong kung anong solid at matigas na bagay.

"Ouch! Anshakeet! Grabe. Hu! Hu!"

Napapabuga pa ako ng hangin habang iniipit ko ang aking kamay sa mga hita ko. Namumula ito. Malakas masyado ang pagkakapalo ko nun.

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan ko aksidenteng napukpok ang aking palad at nanlaki ang mga mata ko ng sobra-sobra nang makita ang isang Lever handle lock. Yun! Yun pala yung lock na kanina ko pa niyugyog. At kaya naman pala hindi yun mabuksan-buksan dahil naka-lock yun at maa-unlock ko lang yun kung paiikutin ko pa-reverse yung pang-lock.

Shems! Hanggang sa lock-lock thing na to ba naman shunga pa rin ako? Aakalain niyo yun?!

Kaya naman parang nabunutan ako ng isang mahabang tinik sa dibdib at mabilis ko iyong inikot kaya na-unlock ko na din yun..

At Last!! Hoooo!

Pero kahit pa nabuksan ko na yun ay hindi pa rin nawala sa loob-loob ko ang kaba at pagpa-panic. Pinull ko na yung door knob at dahil atat na atat na ang lola niyong makalabas ay pilit ko talagang inilusot ang sarili ko kahit pa medyo maliit pa lang ang space ng pagkakabukas ko.

Hindi ko na lang namalayan na sumabit pala ang laylayan ng top ko sa may left side sa handle ng door knob dahilan para mahila ako pabalik sa loob at tumama ang siko ko sa pinto.

Atwsu! Anshaket number two!! Kotang-kota na ako ngayon dito ah!

"Aray! Ano ba to?"

Inis kong inalis ang nasabit kong damit at padabog na napalingon sa salamin saka salubong ang kilay na tinitigan ang aking sarili.

"OMG!! Jumet out at um-exit na pala si ateng mamshie mula sa pagkakakulong sa mga biceps ni mayor!"

Nawala agad ang pagsalubong ng kilay ko at napalitan iyon ng pakunot ng aking noo nang lingunin ko yung pinagmulan ng boses. Nandito pa pala yung dalawang echoserang palaka na kanina pa umaalingawngaw ang pollution ng mabi-berdeng utak nila.

Kaya naman pala naging mas contaminated tong lugar dahil sa kanilang dalawa!

"Opps. Narinig ka yata mamshie! Tingnan mo oh parang lalamunin ka na ng mga mata niya. Halos lumuwa na oh! Haha!"

Sabay pa silang tumawa habang nakatingin sa akin.

"Owmay.. *takip ng bibig at nanlaki ang mga mata* Ang sabihin mo mamshie hapong-hapo yan for sure. Tingnan mo nga siya oh, parang extreme na extreme talaga ang peg ng journey niya to heaven. Pawis na pawis ang lola mo teh!"

Sabi naman nung isang mukhang butil ng bigas na bakla dahil sa haba ng mukha. Kulang na lang pakuluan tapos kanin na!

"At talagang halos umabot na sa siko niya ang sleeve ng damit niya oh. Partida off shoulder pa yan mamshie ah! Hahahahaha!"

Dagdag pa nung isa pang baklang kasama niya na mukha namang kwekwek sa sobrang kapal ng orange na orange niyang blush on.

Naka-contour pa yung isang yun ah, sa bilogan ba naman niyang pagmumukhang yun. Sawsawan na lang talaga ang kulang sa kaniya. Kaya naman pala nagkakasundo tong dalawa eh.. bagay i-pares! Haha!

Hindi pa sila natigil sa pagtawa na napa-apir pa habang ako ay para namang estatwang butiki na malapit nang malagutan ng hininga dahil ni paglunok ay di ko magawa-gawa at nanatiling nakatutok sa mga kilos nila.

Mga fairy godmothers.. Evil nga lang! Ang itim.. este ang luntian pala ng mga budhi!

Napansin siguro nilang gusto ko na silang hilahin at ipag-uuntog sa isa't isa. O di kaya nama'y tadtarin ko sila ng tingin at gawing giniling na plaman ng lumpia samahan lang ng kunting carrots at repolyo. Kaya naman nakita ko ang mabilis nilang pag-aayos ng mga sarili at muli pang napatingin sa salamin for the last time saka nag-uunahang lumabas habang tumatawa. Yung creepy na tawa...

Hasssh! Mga abnoy! Kaka-stress! Hay.

Napabuntong-hininga pa ako at lumapit sa lababo saka ipinatong sa ibabaw nito ang magkabilang palad ko.

Muling nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang kabuuan ng itsura ko habang nakatingin ng diretso sa salamin.

Kaya naman pala eh! Kaya ka napagkakamalang may ginawang milagro dahil sa itsura mo Menggay.

Basang-basa ng pawis ang buong mukha ko pati ang leeg ko na dahan-dahan pang dumadausdos sa mga balikat ko. Idagdag mo pa yung gulo-gulo kong buhok. Tapos para na pala akong carrots na apple na ewan. Pinkish at rosy pa yung cheek ko sa right side habang burado na pala ang blush on sa kabilang side.

Naibaba ko naman ang paningin ko sa aking katawan. Hindi na pantay ang garter ng off shoulder ko. Yung kabilang dulo ay medyo nasa itaas pa samantalang yung kabilang isa naman ay nasa ibaba na *as in sobrang baba na* halos makita na ang kili-kili ko *oh di ba, na-iimagine mo?*.

Goshh! Mukha akong na-rape sa itsura ko. Muntikan pang sumilip ang strapless na bra ng lola niyo mga bes! Paano na lang kaya kung nakasilip to kanina! Naku.. Naku.. Baka maniwala na talaga yung dalawang palaka na yun na may kasama akong lalaki sa loob!

Kaya naman mabilis akong lumingon-lingon sa paligid at nang mahagip ng mga mata ko ang shoulder bag ko sa may gilid ay agad ko yun hinablot at binuksan.

Kinuha ko yung panyo na nasa loob at mabilis ko nang pinunasan ang mukha at leeg ko kaya nabura na lahat ng koloreteng inilagay ko sa mukha. Tinitigan ko pa ang sarili sa salamin.

Hay! Ano bang nagawa mo ngayon sa sarili mo Menggay?

Bigla naman akong napakilos nang may anino akong naaaninag sa sahig at may marinig akong mga lalaking nag-uusap-usap sa labas malapit sa pintuan.

Since polbo lang ang dala ko kapag nasa mga ganitong byahe ay yun na lang ang ipinang-retouch ko sa mukha at naglagay lang din ng kaunting lipstick.

Inayos ko na rin ang damit ko at mabilis na ibinalik yun sa shoulder bag ko.

Napatingin pa ulit ako sa may sahig sa labas at nandun pa rin yung mga anino.

Naku! Baka pumasok sila, paano na?! Help pleaseeeee!!!

Nang marinig kong mas lumalakas ang mga boses nila ay napatakbo na ako sa may gilid ng pintuan para kung sakali mang bumukas ito ay sa likuran lang ako nito magtatago saka tatakbo papalabas nang hindi nila ako napapansin.

Ilang sandali pa akong nasa ganung posisyon nang mapansing tumahimik na sa labas at nawala naman na yung mga boses. Kaya naman mabilis kong hinawakan ang door knob at binuksan iyon. Agad akong napatalikod ng pinto pagkalabas ko at inayos ang sarili sabay mabilis na naglakad papalayo ng CR.

Medyo marami-rami pa ang mga tao rito pero pansin kong bahagya itong nabawasan. Hindi na tulad kanina na halos hindi ka na makadaan sa dami ng taong nagkukumpulan.

Napalingon-lingon ako sa iba't ibang direksyon upang hanapin si Kaykay. Napa-stretch pa ang leeg ko upang mas makita yung nasa malayo ngunit hindi ko pa rin siya mahagilap.

Nagulat na lang ako nang may tumulak sa akin ng mahina sa balikat ko mula sa likuran.

"Woy ate Menggay!"

"Ay bituka ng butiki!"

Wala sa sariling sigaw ko dahil sa gulat.

Salubong ang mga kilay at kunot ang noo kong hinarap ang tumulak sa akin sa likod. Ngunit napabuntong-hininga na lang din ako nang ma-realize kung sino ang nasa likod ko ngayon.

"Ano?!"

Pasigaw at inis na tanong ko. Si Kaykay pala na nakangiting nakatingin sa akin.

"Saan ka ba nagpupupunta ha ate? Kanina pa kita hinahanap."

Nakangiti pa ring tanong niya.

"Aah.. D..diyan lang sa.. sa tabi-tabi. Naiihi na talaga ako kanina pa eh."

Palusot ko na lang habang binibigyan siya ng pekeng ngiti. Yung ngiti lang na parang natatae.

"Sayang! Lumalakwatsa ka kasi eh hindi mo tuloy nakita si Alden."

Mas lumawak pa ang ngiti niya. Yung ngiting nang-iinggit sa akin na hindi ko nakita yung pinagmamayabang niyang si Alden Richards.

"Bakit asan na ba siya nang masuntok ko na ng mala-PacMan na uppercut?"

Um-action pa akong sumuntok-suntok sa ere.

"Aish! Aish!"

Awat naman niya sa akin.

"It's too late apologize ate. Wala na! Wala na!"

Napapailing pa niyang sabi habang iwinawagayway pa ang mga kamay.

Napalapit naman ang mukha ko sa kaniya.

"Wala na? Wala na siya? Bakit? Papaano? Kelan?"

Sunod-sunod na tanong ko pa.

"Paanong na-deads na yun? Di ko man lang naipamalas ang pang-world boxing champion na suntok ko."

"Wahahahahaha! Ate Menggay ang OA niyo po ah? Wala na siya. As in nakaalis na! Natapos na yung meet and greet niya. Hindi yung natodas na. Ang sama mo naman diyan!"

Bigla namang napalitan ang mga ngiti niya ng pagsimangot. Napaatras naman ako ng bahagya at umayos ng tayo.

"Eh sa yun ang pinapalabas mong kahulugan sa tono ng pagkakasabi mo, masisisi mo ba ako?"

"Magiging asawa ko pa nga kasi yung tao ate. Magpapalitan pa kami ng I do naminsa simbahan okey? Tara na nga! Gusto ko nang mai-post itong pictures namin para magsi-comment at pm na naman sa inggit yung mga ka-batchmates ko. Yiieeee!! Sa wakaaas! Waaaaaah! Eeeeeeh…"

At ayun na naman ang nakakabingi niyang tili. Hinila ko na lang siya at napatigil naman siya sa pag-nganga ng bunganga niya.

"Teka.. Nasaan na pala yung bago mong ate? Yung kasama mo kanina.. Close na close nga kayo nun di ba?"

Inis ko pang tanong sa kaniya. Nakita ko na naman ang nanunukso niyang tingin at ngiti.

Kumulo na naman kasi bigla ang dugo ko nang maalala yung ina-ate-ate niya kanina.

"Si ate Ronna po yun. Nakapagpaalam naman na po ako sa kaniya kanina bago ko pa man halughugin ang buong hall para lang hanapin ko ang fairy godsister ko!"

Aniya kaya dire-diretso ko na siyang hinila papunta sa pintuan ng room na yun.

Hindi naman kami nagtagal sa pakikipagbuno dun sa mga nagsisilabasan ding mga tao. Sinuong talaga namin yung nagsisiksikang mga tao na papalabas na rin habang mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kamay ni Kaykay.

Pagkalabas namin ay sobrang dami na rin ng mga taong nasa gilid ng kalsada habang naghahanap ng masasakyang taxi.

Marami naman kasing taxi ang dumadaan sadyang mas marami lang talagang tao rito kaya hindi ka makakasakay agad.

"Dito ka lang Kaykay. Maghahanap lang ako ng masasakyan natin."

"Pero ate masyadong marami ang mga nag-aabang.. Paniguradong mahihirapan ka niyan."

Paalala niya pa ngunit mabilis kong binitawan ang kamay niya at agad nang naglakad papunta sa gilid ng kalsada.

"Ate Menggay!"

Rinig ko pang sigaw niya pero hindi ko na yun pinansin pa at nagtuloy na lang sa pagsuksok sa nagsisiksikang mga tao.

Kaniya-kaniya sila ng para at wagayway sa mga paparating na taxi. Masyadong matao rito kaya matatagalan pa talaga kung dito ka papara.

Hmmm...

Ting!

Mabilis akong humiwalay sa nagkukumpulang mga taong yun at kumaripas ng takbo papunta sa mas malayo. Takbo lang ako ng takbo habang tinitingnan kung may maraming tao pa rin ba sa mga lugar na nadadaanan ko at yun nga.. occupied pa rin lahat. Hanggang sa mapadpad ako sa tahimik na lugar sa gilid pa rin ng kalsada. Wala masyadong mga taong nag-aabang kaya doon na ako napatayo at lilingon-lingon kung may paparating bang taxi.

Hindi naman nagtagal nang may makita akong sasakyang paparating sa posisyon ko. Napawagayway ako ng kamay at napahinto naman ito sa tapat ko. Walang anumang lingon akong ginawa at binuksan na ang back seat nito saka mabilis na naupo sa malambot na upuan nito.

"Sa Buenavista, Carcar City po ako Manong pero nandiyan lang sa gilid yung kapatid ko, pakihinto na lang din. Salamat."

Sabi ko na sa kaniya.

Napayuko naman ako ng bahagya nang mapansin ang pag-vibrate ng shoulder bag ko na nasa lap ko ngayon. Binuksan ko ang bag at kinuha yung cell phone ko.

1 Message received

From: 09751234567

"Just wanna remind you about the offer. Alam na ng lola mo na hindi na magbabago pa ang pagtanggap mo sa offer. Just a piece of reminder lang. K byezzz! Mwah!"

-Mama Tey

Si Mama Tey na naman. Napansin ko namang hindi pa umaandar yung taxi na sinasakyan ko kaya napatapik pa ako kay manong driver habang nasa phone pa rin ang paningin.

"Manong! Tara na po!"

Napatingala naman ako nang hindi man lang siya umimik at hindi pa rin kami umaandar kahit kunti. Napatingin ako sa rear mirror niya.

"Manong may problema po ba tayo? Kailangan na namin umuwi ngayon.. As in ngayon na!"

Hindi ko naman nakita kung ano ang reaksyon niya dahil naka-shades siya. Napalingon naman siya sa akin.

Maputi ang balat, makinis at... yun lang. Naka-shades naman kasi siya eh kaya di ko kita kung mapupungay at bilugan ba ang mga mata niya o di kaya nama'y medyo singkit.

Taxi driver ba talaga tong kasama ko sa loob? Kung oo, edi ang gwapo naman nito at ang swerte-swerte ko namang pasahero!

"Miss, kung sino ka man, hindi ako taxi driver at mas lalong hindi pa ako manong. Hindi taxi itong napasok mo dahil private car ito. Private car 'ko' ito."

Dire-diretsong aniya habang nakalingon sa akin.

Hindi ko naman namalayang napa-nganga na pala ako habang titig na titig sa mukha niya. Natauhan na lang ako dahil sa litanya niyang yun.

"Ha? Pa..private? Aba naman... Manong driver, masyado na pong traffic dito at marami ang pasakay pa lang tsaka pagod na pagod pa kami ng kapatid ko galing sa event nung.. nung isang pasikat na yun kaya sana wag na tayong maglokohan pa dito. Babayaran kita kahit pa magkano ang gusto mo okey? Basta ihatid mo na lang kami dun sa Buenavista."

Napasandal pa ako sa likod ng upuan.

"Miss.. Wala ka nga sa loob ng taxi. Ngayon kung nagmamadali ka mas lalong nagmamadali ako dahil may hahabulin pa akong flight. Kung gusto mo nang umuwi sa inyo at atat na atat ka nang mayakap ang bahay niyo.. Mas mabuti pang bumaba ka na at maghanap ka ng 'taxi' na mababayaran mo kahit magkano pa ang gusto ng driver okey? Pasensya na dahil may appointment pa akong kailangang abutan kaya kailangan mo nang bumaba."

Mahinahon ngunit maawtoridad na utos pa niya sa akin.

Aba eh nanghahamon pala to eh! Pinapababa niya ako kung kelan nakasakay na ako dito at ang sarap na ng pagkakaupo ko dito. Ang lamig pa naman ng aircon.. ang sarap sa balat.. at sa baga!

"Ay ang yabang neto ah! Akala mo naman kung sinong sobrang yaman kung makapagpalabas ng tao. Ano yun pinasakay tapos basta-basta na lang papababain saka iiwan sa ere? Tsh!"

"Ano na miss?"

Dagdag pa niya habang seryoso pa ring nakalingon sa akin sa likuran.

"Papababain mo ako di ba?"

"Hmm..."

Tatango-tango pa niyang sagot.

"Edi bababa! Sus andali lang naman nun. Tse! Isaksak mo sa basa mo itong taxi mo! Yabang!"

Sigaw ko pa at agad na binuksan ang pinto saka padabog na bumaba. Parang niyugyog naman yung kotse niya dahil sa lakas ng pagkakasara ko ng pinto.

Ha! Buti nga sa kaniya nang maalog ang utak niya at gumana naman yung mga brain cells niya para matauhan na siya!!

"Lamunin mo yang taxi mo, yabang! Akala mo naman Ferrari ang sasakyan para magyabang ng kung anong flight at appointment! Akala mo ah!"

Sigaw ko pa habang nakatayo sa harap mismo ng pintuang binabaan ko kanina. Kahit pa hindi ko na siya nakikita alam ko namang nakikita niya pa rin ako at naririnig.

Huh! Akala niya siguro hindi ako lalaban. Sabihin ba naman niyang atat na akong yakapin ang bahay namin. Anong akala niya sa amin, poor? Para maging ganun kaliit ang bahay para mayakap ng isang tao lang? Hmp! Kainiiiiiiis sobra!

Makapakuha nga ng blood pressure paminsan-minsan! Naii-stress ako sa mga tao ngayon eh. Kaloka mga beh!

Nakita ko naman ang pag-andar ng sasakyan niya kaya pinanood ko na lang yun na lumayo ng lumayo at naiwan akong nakapamewang sa gilid ng kalsada.

Hmmm! Nakakabawas ng ganda! Kay Venus nga pinaglihi ang pagmumukha pero kay Loki naman nagmana ang ugali!

Inis na inis at badtrip na badtrip akong nagdabog na kinakaway ang mga kamay sa mga dumadaan na taxi. Inabot pa ako ng mga 5 minutes kakawagayway ng dalawang kamay ko na halos magmukha na akong commercial model dito ng Rexona nang may nahintong taxi sa tapat ko at agad akong sumakay. Tinawagan ko naman si Kaykay na hintayin kami kaya dinaanan na rin namin siya.

"Sakay na bilis! Baka magbago pa ang isip ni manong at maalalang may flight pa pala siyang hahabulin at pababain pa tayo!"

Sigaw ko pa kay Kaykay na agad namang naupo sa tabi ko sabay sara ng pinto.

"Anong drama na naman yan ate?"

Kunot ang noo naman niyang tanong sa akin.

"Wala! Wala! Never mind. Joke-joke ko lang yun. Mabait si manong eh.. Di ba po?"

Tanong ko sa kaniya na nginitian pa siya sa rear mirror. Nag-thumbs up naman siya at ginantihan rin ako ng ngiti. At umandar na ulit kami.

Hayy salamat Diyos ko at makakauwi na rin kami ng mapayapa! Totoong taxi na talaga to sa wakas.

Napasandal pa ang ulo ko sa likuran ng upuan at napapikit ng bahagya habang lumalanghap ng malamig ng hangin.

Good vibes in... Human attitude pollution out!

Hindi naman masyadong traffic kay nakaabot rin kami ng bahay sa tamang oras. Feel ko ay hapong-hapo ako at parang hinampas ako ng ilang beses dahil sa sakit ng katawan ko. Dumiretso na ako sa kusina at ininit yung natitirang fried rice sa oven. Kumain lang ako ng kunti at nagpaalam na kay Kyline na nasa sofa pa rin habang tutok na tutok sa cell phone niya saka pumasok na sa kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at napatitig sa kisame. Hindi ko na namalayang napapikit na pala ako at nakatulog sa sobrang pagod.

Dzzzzz... Dzzzzz..


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン