"Bon! Gising na! Mag-aalas otso na! Magrereview ka pa!"
Panggigising sakin ni mama galing sa baba. Ano oras na ba? Hindi ako naniniwala na mag-aalas otso na. Napaka advance naman kase ng oras na sinasabi sakin ni mama, eh. Ung 7:30 nagiging alas otso na kaagad. Advance masyado.
"Opo!"
Sabi ko kay mama pagka upo ko sa double bed namin ng kapatid ko habang nagtatanggal na ako ng muta. Ewan ko ba pero sa tuwing nakahiga ako, lagi akong naluluha kahit wala namang nakaka iyak sa mga tinitignan ko. May saltik ata ako, eh. Ewan.
Tinutupi ko na ung kumot ko habang inaalala ung mga subject na itetake namin ngayong last day na ng pre-finals. Buti isang subject na lang ung gagawan ko ng reviewer ngayon!
Onti na lang makakaraos na din ngayong pre-finals! Nang matapos ko nang tupiin ung kumot ko ay ipinatong ko na un sa unan, bumangon na sa kama, naglakad na papunta sa study table ko at saka kinuha na ung phone ko dun.
"Bon! Nasan ka na?!"
Tanong sakin ni mama galing sa baba. Hindi makapag-antay? Wait lang po, bababa na rin po ako. Konting antay lang po.
"Pababa na po!"
Sagot ko kay mama habang bumababa na ako sa hagdan. So… fast forward na po tayo galing dito kasi sure po ako na maboboringan lang kayo. Ako kase na boboringan, eh. Pag bigyan niyo na.
Makalipas ng 4 hours ay nakarating na rin ako sa school at late po ulit ako. Yes po. 12 na ng tanghali ung pasok namin ngayong pre-finals nalelate pa rin po ako. Layo kasi ng bahay, eh. Saktong umuulan pa ampotek. Giniginaw tuloy ako nung tine take ko na ung first subject namin sa exam.
Pero shempre, bago ako magsulat sa test paper… hinanap ko muna inspirasyon ko. Kaso late din ata, eh. Wala pa siya sa upuan niya. Di bale, mamaya ko na lang siya tignan pag nakarating na siya hehehe~
Sinulat ko na ung name, grade, section at date sa taas ng test paper at sinimulan ko nang sagutan un. Inaantok ako~ Bakit ngayon pa ako inatake ng antok kung kelan nagsasagot na ako ng exam? Wrong timing naman 'tong antok ko na 'to!
Ilang minutes na ang nagdaan ay dumating na rin sa wakas ang inspirasyon ko hehehe~ at dahil dun, nagising na ako at nakapag sagot na ng maayos sa exam namin. Well, after ko sagutan lahat ng questions sa test paper… natulog ulit ako. Eh, sa inaantok ako, eh. May magagawa ba ko dun?
Edi un… after ng ilang minutes ay pinapasa na ng adviser namin ung mga test papers.
"Ma'am! Pwede mag review muna kami bago itake ung pangalawang exam?"
Tanong ng isa sa mga kaklase naming babae. Di ko alam kung san siya nakapuwesto pero gusto ko idea niya. Ay, hindi na pala. Tinatamad na ako mag review, eh.
"Hindi pwede. Kailangan sa oras na 'to nagsasagot na kayo sa test papers ninyo."
Sagot ng adviser namin sa kaklase naming babae sabay tayo na niya sa kinauupuan niya at saka naglakad na papunta sa linya namin para ibigay na ung test papers sa kaklase naming nakaupo sa pinaka una ng linya namin.
"Si ma'am naman, eh!"
"Bahala ka dyan! Nabigay ko na ung test papers."
Sagot ng adviser namin sa kaklase naming nangungulit pa rin sakaniya para bigyan kami ng oras mag review. Kung ako sayo sumuko ka na lang. Aasa na lang ako sa stock knowledge ko… kung meron mang stock. Sana meron kasi ayokong mastuck.
Pinanuod ko na lang ung adviser namin na magbigay ng mga test papers hanggang sa binigay na niya ung huling batch ng test paper kay Jervien. And after nun… opo… sakaniya na lang po naka focus ang atensyon ko.
"Pass the papers."
Sabi ng adviser namin sabay upo na niya sa teacher's table na naka patong sa platform. Agad na pinasa ng mga nasa unahan ung mga test papers papunta sa likod at saka nagsimula na kaming magsagot dun.
What the… seryoso ba? Pisting Entrep 'to. Wala naman akong natutunan dito, eh! Bahala na! Di naman ako magaling dito, eh. Pero kasi naman! Ba't ganun pa ung teacher namin sa Entrep? Nakaka iyak naman. Bahala na nga! Nakakairita! Hindi na ako magtataka kung makakakuha ako ng mababang score dito sa exam, basta wag lang aabot ung grade ko sa subject na 'to ng flat 70.
Tamang hula rito, basa roon, hula ulit dito tas basa ulit doon. Iini mini minni mo ko na lang kaya ung mga ABC dito? Kasi naman bat onti lang ung pumasok sa kokote ko nung gumawa ako ng reviewer dito!? Nakakairita talaga! Sobra!
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko rito sa exam na 'to pero heto ako ngayon… nakatingin kay Jervien na nagsasagot sa test paper niya. Makatulog na nga lang ulit, baka pag nakita ako ng adviser namin akalaing nagchicheat ako sa exam, eh.
"Ten minutes remaining."
Narinig kong sabi ng adviser namin habang nagtutulug-tulugan pa rin ako. Yes po. Nagtutulug-tulugan lang ako. Pero minsan, ewan ko kung pano pero nakakatulog pa ako sa lagay na 'to, eh, hindi nga ako komportable sa puwesto ng pag patong ko ng ulo ko sa arm chair.
"Five minutes."
Sabi ng adviser namin, dahilan para maupo na ako ng maayos at saka inikot na ung paningin ko sa loob ng classroom namin. At alam niyo ba kung kanino nag stay ung paningin ko? Opo. Kay Jervien. Yes po. Jervien Antipuesto po.
"One-minute na lang."
"Hala!"
"Ma'am naman, eh."
"Bakit mo pa sinasabi, ma'am?!"
"Natataranta na tuloy ako!"
"Kasi naman si ma'am, eh!"
"Ako pa sinisisi ninyo! Kung magsagot na lang kayo dyan, diba!"
Sagot ng adviser namin sa mga kaklase naming nagrereklamo habang nagsasagot pa rin sila sa mga test papers nila at nandyan si 'Kida' na kakagising pa lang sa pagtulog niya at tamang hula lang sa lahat ng mga tanong sa test paper niya.
"Okay! Pass the papers forward!"
Sabi ng adviser namin sabay tayo na niya sa teacher's table. Pinasa na namin ung mga test papers namin habang ung iba ay naghahabol pa ng mga sagot.
~Stock Knowledge. Used as an excuse to avoid reviewing in a certain or few subjects.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!