アプリをダウンロード
52% Boy in Denim Jacket / Chapter 77: Christmas Party

章 77: Christmas Party

Lumipas ang mga araw at sa wakas ay dumating na rin ang christmas party namin~! Excited na ako~! Tamang porma lang~ Skinny jeans, gray colored wedge shoes, green crop top na may hood tapos black denim jacket na binili ko sa Lucky leaf Mall kasama si Raymond nung nakaraan. Well… impulsive buying.

Meron kasi siya nakitang henna tattoo sa pnshppe, eh kaya nagpa sama ako sakaniya para bumili nun. Uwian nun nung naglalakad na kaming dalawa ni Raymond papalabas ng school namin nung bigla niya nakita si Jervien tapos inayang sumama kaso… sabi raw sakaniya ni Jervien diretso uwi na raw siya, eh. Sayang.

So, eto na nga! Mabalik tayo sa present… andito na ako ngayon sa master's bedroom kung saan naroroon si mama kase magpapatirintas ako sakaniya ng buhok. Hehehe~ ung dalawang tirintas na gapang sa anit mo pero kalahati lang ng buhok mo ung titirintasin. Sana naintindihan niyo.

"Halat lang ngani! Susuklayan pa nga ung buhok mo!"

Sabi sakin ni mama matapos niyang tirintasin at itali ung buhok ko nung akma na akong tatayo sa pagkakaupo ko. Sorry po ma, excited lang po kasi.

"Ready na ung mga dadalhin mo sa christmas party?"

Tanong sakin ni mama habang sinusuklayan na niya ung buhok ko.

"Opo, andun na po sa baba."

Sagot ko sa tanong sakin ni mama habang nakatingin lang ako sa sarili ko dun sa vanity mirror dito sa master's bedroom. Hindi ako sigurado kung mukha akong astig dito sa suot ko na 'to pero ung confidence ko ay unti-unting tumataas dahil sa suot ko.

"Okay na."

Sabi ni mama sabay lapag na ng suklay sa may vanity at naglakad na papalabas ng kwarto habang ako naman ay tinitignan pa ung sarili ko sa vanity mirror ng may ngiti saking mga labi. Excited na talaga ako~! Tsaka ang astig nitong denim jacket kase may bulsa rin siya sa loob! Sorry po, ha. First time ko lang po kase magkaroon ng denim jacket, eh.

Nasa byahe na ako papunta sa school namin at chat na ng chat sakin si Violado tapos text naman ng text sakin si Christina, tinatanong kung nasaan na raw ako. Mga excited din 'tong mga 'to, eh. Pero… andun na kaya si Jervien? Hay…

"Ibon! Ang tagal mo naman!"

"Buti nakaabot ka pa!"

"Hinahanap ka nila Harold at Angelica!"

Sabi sakin nila Juliana, Christina at Violado pagka pasok na pagka pasok ko pa lang sa classroom namin. Agad na nila akong hinatak papasok habang ako naman ay iniikot lang ung paningin ko sa loob ng classroom namin at hinahanap na si Jervien.

Kaso ung mga nakikita ko lang ay ung mga balloons na nasa lapag tapos… wow… ang ganda ng mga pormahan nila Ceejay, Jasben at Angela! Para silang nanggaling sa isang 1990's american movie tapos silang tatlo ung mga bida! As in ang ganda talaga! Bagay sakanila ung mga porma nila…

see-through na long sleeve ung suot ni Ceejay tapos may suot pa siyang itim na sando sa ilalim ng see-through then ung pambaba niya ay dark denim flare pants tas naka itim siya na heels na two inches ata ung taas. Si Angela naman ay naka white colored fitted crop top tapos ung pambaba naman niya ay cargo camouflage pants tas black converse low cut shoes. Tapos si Jasben naman ay nakasuot ng dress! Hindi ko na masyado nakita kung anong klaseng dress or kung ano ung kulay pero grabe! Ang gaganda nilang tatlo! Yes! Go slay queens~!

"Hinahanap mo si Jervien, noh?"

Tanong sakin ni Juliana, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at taasan ko siya ng pareho kong kilay.

"Naku, Ibon, wag ka na umasa. Hindi pupunta un."

Sabi sakin ni Violado sabay kuha na niya ng string bag ko at saka nilapag na un sa upuan. Baka late lang ung tao.

"Andyan na sila Harold sa labas."

Sabi ni Juliana habang nakatingin na siya sa may pintuan ng classroom namin. Agad naman kaming napatingin na tatlo nila Christina at Violado sa pintuan at nakita na sila Angelica at Harold na naka abang sa may pintuan.

"Hoy! Bilisan niyo! Mag-uumpisa na kami sa christmas party namin!"

Sabi ni Harold saming apat nila Violado, Juliana at Christina, dahilan para magsi takbuhan na kaming apat papalapit kila Angelica.

"Yvon, eto regalo ko sayo."

Sabi sakin ni Angelica sabay bigay na niya sakin ng maliit na kahon na may ribbon. Hala! Ang cute naman neto!

"Ano laman neto Angelica?"

Tanong ko kay Angelica pagka kuha ko sakaniya ng kahon habang nakangiti na ako sakaniya.

"Sikret! Hahahaha! Tignan mo na lang!"

Sabi sakin ni Angelica habang tinitignan na namin ung isa't isa. At shempre dahil excited ako ay binuksan ko na un at… oh my god!

"Hala! Ang ganda!"

Sabi ko sabay labas na ng hikaw na nasa loob ng kahon na binigay sakin ni Angelica.

"Gusto mo na yan?"

"Oo."

"Ay, sayang. Makikipagpalit pa naman ako sayo Ibon."

Sabi sakin ni Juliana habang nakatingin na siya sakin at sa hikaw na hawak ko.

"Wala~ Akin na 'to~"

Pangangasar ko kay Juliana habang nakatingin na rin ako sakaniya. Ilang saglit pa ay bigla ng lumitaw si Chin sa likuran ko, dahilan para magulat kaming dalawa ni Violado kasi magkatabi kaming nakatayo sa may pintuan.

"Ano ba yan Chin! Aatakihin ako sa puso sayo, eh!"

Reklamo ni Violado kay Chin habang nakahawak na siya sa dibdib niya. Natawa na lang si Chin at saka inabutan na kami isa-isa ng mga facial masks. Woah…

"Hala! Ang dami naman ng facial mask mo Chin! Salamat~!"

Sabi ni Harold kay Chin nung binigyan na siya nito ng facial mask.

"Salamat, Chin~!"

"Thank you, Chin~!"

"May extra ka pa dyan Chin?"

Pasasalamat namin nila Angelica, Juliana, at Christina kay Chin, samantalang si Violado naman ay gusto pa mang hingi ng facial mask.

"Wala na! Sakto lang ung dinala kong facial mask!"

Natatawang sagot ni Chin sa tanong sakaniya ni Violado habang tinitignan na niya ito.

"Hoy, kita-kita na lang mamaya dun sa may elevator, ha. Mag-uumpisa na kami, eh."

Sabi ni Harold samin habang isa-isa na niya kaming tinitignan na lima. Tumango na lang kami kay Harold at naglakad na silang dalawa ni Angelica pabalik sa classroom kung saan gaganapin ung christmas party nila. Pagkatingin ko na sa loob ng classroom namin… wala pa rin si Jervien. Baka late lang siya.

Lumipas ang mga oras… natapos na rin ang christmas party namin at… ni anino ni Jervien… hindi ko nakita. Hindi siya pumunta.


クリエイターの想い
iboni007 iboni007

~Waiting is okay, but waiting for something/someone that you know won’t happen/come is a waste of time.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C77
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン