Ash POV
@Natasha's Unit
Nagising ako sa mahimbing kong pag kakatulog nang makarinig ng sunod-sunod na pag hampas ng doorknob ng aking silid.
Napasabunot ako sa aking ulo at isinuksok ang sarili sa sulok ng aking kama sa labis na takot.
Natataranta akong gumapang para abutin ang aking telepono upang tawagan si Spencer nang biglang- Nahulog ko iyon. Umiiyak na ako sa labis na pagka taranta. Sana ay panaginip lamang ito! Gusto ko nang magising.
"Natasha!" Bulyaw ng isang tinig mula sa likod ng pinto.
Patuloy lamang ang ingay na aking naririnig. Higit pa sa isa ang tao sa likod ng pinto. Bawat pilit na pag kalas sa doorknob ay siya namang dagundong ng aking dibdib.
Nag dasal ako at pumikit. Sana ay mag laho ako sa paningin ng kung sinuman ang kawatan o masamang tao ang nanloob sa aking unit.
Nag-mulat ako nang malaglag ang doorknob. Kasunod nito ang pag bukas ng pinto na natumba na sa labis na pagka wasak.
"Putang---ina!" Gigil na himig ng isang pamilyar na boses. Ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
"S--pe-pe-ncer?" Utal kong sambit.
Unti-unting naibsan ang takot na aking naramdaman.
Binitiwan nito ang hawak na fire distinguisher saka mabilis na yumakap sa akin.
"Oh God! I thought something bad happened! You made me worried!" Saad niya saka napa buntong hininga.
Ramdam ko ang nanginginig niyang braso na naka yakap sa akin. Dinig ko rin ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib.
"A-akala ko--" di pa man ako tapos mag salita nang muli siyang nag salita.
"Almost one hour kitang tinatawagan! Hindi mo ako sinasagot! Kaya naisip ko na puntahan ka sa unit mo--" hinihingal niyang saad.
"Sir, mukhang ayos naman ang kasama niyo--" ani ng guard.
"Ayos naman ako Sir. Salamat po pala." Mahina kong sambit saka hinarap si Spencer na ngayon ay namamawis at mugto ang mata.
"Sige po ma'am. Alis na ho kami." Magalang na sabi ng dalawang guard.
"Spencer- ikaw lang pala! Akala ko kawatan ka! Tinakot mo kaya ako!" Maluha-luha kong sabi habang yakap siya.
"Ako ang tinakot mo Ash! Akala ko-- Iniwan mo na ako." Mahina niyang sambit habang sapo-sapo ng mga kamay niya ang aking kabilaang panga.
Hindi na ako nakapag salita pa. Niyakap ko na lamang siya nang maibsan ang takot na aking naramdaman. Siya naman ay tila ba walang balak na kumalas sa pag yakap sa akin.
"Nakakainis ka! Pinag-alala mo 'ko ng husto! Kahit kailan talaga napaka kupad mo! Turtle!" Biro niya.
"Ikaw din! Tinakot mo ako. Akala ko, katapusan ko na. Parang eksena sa pelikula." Pag-patol ko sa biro niya.
"Anyway, sinadya talaga kita. May family gathering kasi sa Mansion. Pinapatanong ni Dad kung makakasama ka?" Salubong ang kilay niya nang mag tanong.
Napangiti naman ako dahil sa ideya na si Mr. Generoso pa ang nag tanong kung makakasama ako. Sana lang ay matanggap niya ako.
"Please?" Sambit ni Spencer at diretsyong naka titig sa aking mga mata.
"What if I say NO?" Tanong ko.
"I'll fuck a prostitute then." Sagot niya tulad ng dati niyang sagot.
"Fuck me now, I can be your prostitute." I Spoke then bit my lower lips.
"You're not a prostitute. Natasha." Usal niya at matamlay na tumitig sa akin.
"So, you can't fuck anybody you wanted to fuck. Just whenever I say NO!" Usal ko na para bang rapper.
"Okaaaaaay!" Sagot niya saka ako tinalikuran.
Tinapakan niya lang ang pinto na kumalas.
Ako naman ay bumangon na at nag ayos ng aking sarili. Simpleng floral sleeveless dress lang aking isinuot.
"Wala bang iba?" Kunot noo na tanong ni Spencer na naka titig sa aking dress.
Mahaba naman ang aking suot. Natatakpan din nito ng husto ang aking dibdib. May kaluwagan pa nga ito at di ganon kasagwa kung susumahin.
"Hindi mo ba gusto?" Tanong ko habang nag bo-blower.
"Mas maiksi sana." Usal niya habang nakikipag titigan sa akin sa salamin.
Sunod ay inagaw niya sa akin ang blower at suklay. Hinayaan ko na lamang siya habang ako naman ay abala sa pag me make up.
"Mas fit. Mas reveal. Iyon ang gusto ko." Seryoso niyang sabi na ipinag taka ko.
Sa lahat ng lalaki, siya lang ang bukod tangi kong nakilala na gusto niyang pag suotin ng masagwa ang girlfriend niya. Wait, girlfriend niya na ba ako?
"Sure!" Tipid kong sagot na ikinatuwa niya.
"Spencer, tayo na ba?" Tanong ko matapos siya sa pag blow dry ng aking buhok.
Napakunot ang kaniyang noo. Binitiwan ang suklay at blower. Naupo siya sa sidr ng aking bed at ako naman ay hinila niya saka napakandong sa kaniyang hita.
"Natasha. Hindi mo pa rin ba alam?" Tanong niya na pinagtaka ko.
"Ang alin ang hindi ko pa alam na dapat ay alam ko?" Tanong ko.
"Na--na tayo na!" Nag aalangan niyang sagot.
"Paano? Sinagot na ba kita?"
"Ikaw ang nanligaw. Sinagot na kita ten years ag---" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang mag-ring ang kaniyang mobile phone.
Mabilis niyang sinagot ang tawag. Nang marinig ko ang boses ni Mr. Generoso ay agad na akong nag palit. Mas maiksi. Mas fit. Mas reveal.
"What do you think?" Tanong ko matapos mag palit habang isinusuksok ang pakaw ng aking hikaw.
Napataas ang kaniyang dalawang kilay. Lawit ang dila at malagkit ang titig sa aking hita.
"Shit!" Sambit ko ng malaglag ang pakaw.
Yumuko ako upang abutin iyon. Kulay puti ang tiles kaya hirap akong mahagilap ang pakaw. Kakahanap ko ay napansin ko ang kulay brown leather shoes ni Spencer malapit sa aking ulo.
Nang mag-angat ako ng paningin, nahuli ko ang pamimilog ng kaniyang mata na naka titig sa labas kaluluwa kong dibdib. Hindi kalakihan ang aking hinaharap. Ewan ko ba kung bakit ganon na lang siya mag laway.
"Mabuti pa wag na lang ako mag hikaw. Hindi ko mahanap yung pakaw." Naka nguso kong sabi habang naka cross ang aking mga braso sa aking dibdib.
"Ah?" Sambit niya nang mag mistulang bingi dahil sa nakikita. Hindi pa rin maalis ang tingin sa aking dibdib.
Pinipigilan kong matawa. Mukha kasi siyang tanga. Bakit namumungay ang kaniyang mata kapag nakikita ang aking kaluluwa? Boys damn so cute for being an innocent angel seeing a naked woman.
Pabagsak kong hinahakbang ang aking paa palapit sa kaniya. Dahilan upang umalog ng bahagya ang aking dibdib. At ang talagang papatay sa akin sa tuwa ay ang pag sabay ng kaniyang mata na taas baba rin habang minamasdan ang pag alog ng aking suso.
"I'm sexy and I know it." Naka ngiti kong sabi dahilan para bumalik ang kaniyang wisyu sa sarili.
Linya ni Spencer 'yon noong unang araw ko siyang nakasama sa kaniyang bahay. Hindi ko makakalimutan na pinag pantasyahan ko ang katawan niya na ngayon ay talagang mapapasa akin na.
"Daldal mo." Mahina niyang sambit saka ako hinagip palabas.
Naganap ang family gathering sa mismong labas ng Mansion. Naroon sina Fourth Damien Watts na naging matalik na kaibigan ni Spencer sa U.K. Si Marco na piloto, ang parents ni Spencer at ang dalawa niya pang pinsan na makikilala ko na rin sa wakas.
Agad akong nag mano sa kaniyang parents. Mas komportable na ako ngayon dahil sa malapad na ngiti sa akin ng kaniyang Ama. At batid ko na masaya si Spencer dahil don.
"Hi Manager Amorine." Magiliw na bati ni Fourth.
Oo nga pala. Judge nga pala siya sa Competition na sinalihan ko noon. Naka upo ito at naka taas ang paa sa mahabang mesa.
"Tipid akong ngumiti sa binata bago maupo sa kaniyang tapat."
Katabi ni Fourth ang parents ni Spencer. Nasa kanan ko si Spencer at nasa kaliwa si Marco. Ang dalawang pinsan ni Spencer ay naka upo sa tabi ni Fourth. Parehas lalaki. Mukhang teen ager pa lang.
"Ikaw lang? Where is Liam?" Tanong ni Spencer.
"Busy eh. You know? Maraming magandang opportunity sa abroad." Kibit balikat na sagot ni fourth na naka titig sa akin.
"Oops! Sorry." Saad ni Spencer nang matapunan ng isang basong tubig si Fourth sa pantalon.
Alam kong sadya iyon. Obvious naman.
"Are you okay sweetheart?" Tanong ni Spencer na humigpit ang kapit sa aking bewang.
I nodded.
Napamura si Fourth nang ilang beses. Tinawanan lang siya ni Marco na ngayon ay lumalantak ng maja blanca.
"Natasha?" Pag-tawag ni Mr. Generoso dahilan para mag angat ako ng tingin.
"Yes Mr. Generoso?" Naka ngiti kong sambit.
"Ano raw?" Natatawang tanong ng Ginoo.
Lahat sila ay natatawa maging si Spencer. Habang ako naman ay nag tataka. May mali ba sa akin? Sa sinabi ko?
"Honey, nahihiya tuloy si Natasha!" Nataawang saad ni madam mervie habang takip ang bibig ng palad.
"Hija, ang pormal mo masyado. Dad na lang ang itawag mo." Saad ng ginoo na para bang hirap na hirap pigilin ang pag-tawa.
"Sweetheart? Imagined, Lolo at Lola ang itatawag ng mga anak natin sa parents ko tapos ikaw Mr. Generoso?" Kutya ni Spencer dahilan para muling matawa ang Ginoo.
"Nakakahiya--"
"Hindi ah! Sabihin mo Daddy Generoso." Utos ni Spencer na para bang tinuturuan ang paslit ng tamang pag babasa.
Ngumiti ako sa kanila saka pasimpleng tinapakan si Spencer.
"Daddy--Generoso! Come on!" Pag pupumilit nito.
"Natasha, simula ngayon, Dad o Papá o tatay na lang ang itawag mo. Para na rin kasi kitang anak. Dahil anak ka ng matalik kong kababata. Si Belinda." Seryosong saad ng Ginoo saka mapait na ngumiti.
Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Napakaliit pala ng mundo. Sadyang mapag laro ang pag bibiro nito upang mag landas ang mga tao na itinakdang mag kawalay.
"At sa totoo lang, napaka gaan ng loob ko sa iyo noong una pa lang tayong mag kita sa Demetrix Resort. Sabi na nga ba! 'di ako puwedeng mag kamali! Nakita ko na minsan ang mga mata mo! Kamukhang kamukha ni Beatrixie si Arturo pero kamukhang-kamukha mo si Belinda." Pag papatuloy nito.
Naka yuko lamang si Spencer at si Madam Mervie naman ay nakangiti sa akin.
Malihim ang Mamá. Ni minsan ay hindi niya ito nagawang banggitin sa akin. Sino kaya si Ginoong Generoso sa buhay niya? Batid ko ang malalim na kahulugan ng mga mata ng Ginoo. Siguro ay dapat si Mamá ang usisain ko sa ganitong bagay.
"Small world ah!" Sabat ni Fourth.
Napasulyap ako sa pinsan ni Spencer na ngayon ay abala sa pag lalaro sa phone.
"Yup. Actually Amazed din ako!" Usal ni Spencer na ngumiti pa sa magulang.
"Hindi ho kayo nabanggit sa akin ni Mamá- Siguro ay dahil, matagal na panahon na?"
Magalang kong sabi.
"Oo. Nagulat na lang ako ng mabalitaan ko na ikinasal na siya? Ang bata niya pa masyado. Eight or seven years yata ang age gap nila ni Arturo?"
"Twenty lang po si Mamá noong isilang ako. Biglaan din daw ang kasalan." Sagot ko.
"Natasha, if you don't mind may I asked kung ano ang result ng sampung pregnancy test na binili ni Spencer?" Sabat ni fourth.
Nag katitigan kami ni Spencer. Parehas kaming gulat sa narinig.
"Bakit? Mag kaka apo na ba kami?" Nakangiting tanong ni Madam Mervie. Kita ko sa kanilang mata ang excitement habang hinihintay ang aking sagot.
"Actually--we're planning to get married before having a baby mom. Dad." Naka ngiting sagot ni Spencer saka sinamaan ng tingin si Fourth.
"So you mean--negative?" Tanong ni Fourth.
"Yes." Sagot ko sa binata.
"Hindi naman sa minamadali ko kayo pero siguro ay dapat mag pakasal na kayo--alam niyo naman, tumatanda na rin kami." Biro ng Ginoo.
"Oo nga. Para naman may maturuan si Generoso sa pag lalaro ng Golf. Hindi na kasi masamahan ni Spencer ang dad niya." Malambing na sabi ni Madam Mervie.
"Well, let's see." Sagot ni Spencer na hawak ang aking nanlalamig at namamawis na kamay.
"Kailan naman kaya?" Pilyong usisa ni Marco.
"Basta for sure, mauunahan ko si Fourth." Sagot ni Spencer na tinawanan lang namin.
"Ikaw Fourth? Wala ka pa rin ipinapakilala sa amin. Mukhang mauunahan ka pa ni Architect Liam Alferez." Saad ng ginang bago ubusin ang kapiraso ng minatamis na saging saba.
"Tita, No offense pero, para na rin akong nag bigti kapag nag pakasal ako." Sagot ng binata saka humalakhak.
"Fourth, tatanda ka na lang ba nang hindi mag kaka apo?" Tanong ni Marco.
"Well, actually I realized na sayang ang gandang lahi ko kapag hindi ako nag ka anak. Pero ang ikasal? Never!" Sagot nito.
"Parang pamilyar? Parang sinabi ko na rin iyan dati." Saad ni Spencer bago lumagok ng iced-tea.
"Ibahin mo 'ko Spencer. Masaya na ako sa mga magiging pamangkin ko." Naka ngiting saad ni Fourth.
"Kanino? Kay Regina?" Kunot noong usisa ng Ginang.
"Yes. Twins nga eh! Ang galing!" Manghang sabi ni fourth.
"Oh! Alam na ba ito ni Mr. Albert Vegas?" Nag aalalang tanong ni Madam.
"Hindi pa po. Ayaw ni Yaofa- I mean Regina na ipaalam sa ngayon."
"Malapit na sila!" Usal ni Ginoong Generoso saka isinuksok ang phone sa bulsa.
"Yes! Finally! Mami-meet mo na ang relatives namin." Nakangiting sabi ni Spencer na humalik pa sa aking noo.
"Am I late?" Mataas na himig ng isang hindi imbitadong panauhin.
Sabay-sabay namin itong nilingon. Nanlilisik ang mata nang humakbang palapit sa aking kinauupuan.
"Kasandra?" Sambit ko.
"Kasandra?" Tawag ni Ginoo saka napa tayo.
"Generoso, bakit mo nagawa sa akin ito? Para na tayong mag kapatid di ba? At para mo na rin anak si Beatrixie.--"
"Makaka alis ka na." Tipid at naka yuko na sabi ng Ginoo.
"Spencer mag-usap tayo!" Matigas na sabi ni Beatrixie na halos kakarating lang.
"Para saan pa?" Mahinang sambit ni Spencer.
"Trixie, mag usap tayo sa loob." Mahinahon na paanyaya ni Madam Mervie.
"Hindi Tita! Si Spencer ang gusto kong maka usap! Siya lang!" Sigaw ni Beatrixie.
Agad akong pumagitan kay Spencer at Beatrixie. Dahilan para saluhin ko ang kaniyang malakas na pag sampal.
"Trixie!" Matigas na tawg ni spencer habang spisil ang aking braso.
"Bakit Natasha? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito?" Mahinang saad ni Beatrixie habang lumuluha.
"Pinagkaisahan niyo ako! Tita! Galit sa akin si Natasha kaya niya ito ginagawa! Gusto niya akong masaktan!" Hiyaw ni Beatrixie habang patuloy sa pag tangis.
"Beatrixie, para ka na rin naming anak. Mahirap din sa amin ang makita kang nasasaktan." Giit ni Madam.
"That's not true! Si Natasha talaga ang gusto niyo para kay Spencer! Pero ako, ako na lahat ginawa para maipag malaki niyo rin ako? Hindi niyo ako makita! Hindi niyo ko marinig! Samantalang iyang babae na 'yan! Gusto niya lang naman talaga akong gantihan eh!"
"Hindi ko sinasadyang mahalin ang lalaking gusto mo. Tingin mo ba masaya ako na iisa ang lalaking mahal natin?" Kalmado kong saad.
"Hindi ka ba masaya Ash? Matagal mong nakasama ang Papá mo. Ako, uhaw at nanlilimos sa pag mamahal! Si Spencer lang ang pumuno ng pag kukulang sa akin ni Dad!" Bulyaw niya saka ako hinila. Sinabunutan at sinampal.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Umawat sina Fourth at Marco. Si Kasandra naman ay hinihila ang anak palayo sa akin.
"Trixie! Tama!" Pakiusap ng Ginoo.
"Lumayas ka Ngayon na!" Hiyaw ni Spencer.
Umikot ang aking paningin. Nag dilim. Hanggang sa unti-unti akong natumba at nawalan ng malay.
Naramdaman ko ang pag halik ng malamig na hangin sa aking balat. Kulay puti ang kisame na aking nakikita. Marahan kong inangat ang aking kamay na naka suwero.
"Ospital?" Sambit ko.
"Iginala ko ang aking tingin. Maliban kay Spencer na mahimbing na natutulog sa aking kama ay wala ng iba pang tao ang narito.
Maingat kong inaalis ang aking kamay na kaniyang hawak upang gisingin siya nang bigla niyang higpitan ang hawak saka ako mabilis na tiningala.
"Natasha!" Sambit niya saka ako niyakap.
"Ayos lang ako. Sadyang puyat at pagod ako these days.." sambit ko.
"Pinauwi ko na si mom at dad. Sinabihan ko na rin ang Mamá mo...--"
"Si Beatrixie? Kumusta siya?" Nag aalala kong tanong.
Sumama ang kaniyang mukha nang marinig ang pangalan ni Beatrixie. Mariing kinagat ang labi at tinikom ang kamao.
"Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya! Sinaktan ka niya! Muntik ko na makalimutan na babae siya!" Galit na saad ni Spencer.
"Naaawa ako sa kaniya--"
"Natasha? Matatanggap niya rin." Saad ni Spencer.
"Nagi-guilt ako. Ikaw?" Tanong ko na nag pakunot noo sa kaniya.
"Guilt? Nag mamahalan tayong dalawa ano ka ba? Mahal mo ba ako?" Tanong ni spencer habang hawak ang aking baba.
"Oo. Sobra Spencer. Mahal na mahal. Pero kilala ko si Beatrixie eh! Hindi siya titigil--"
Hindi pa man ako tapos mag salita ng biglang bumukas ang pinto.
"Good afternoon." Naka ngiting bati ng Doktora.
"Yes Doc, how's my girlfriend?" Tanong ni Spencer na diretsyong tumindig saka umakbay sa akin.
"Um, actually I went here para sana kausapin siya. May ilang tanong lang ako para sana ma confirmed. And-- kailangan niya rin magpa ultrasound." Tanong ng Doktora.
Nagka titigan kami ni Spencer matapos ang sinabi ng Doctor.
"A-ano po ba ang gaawin?" Pag tataka ko.
"May pipirmahan lang kayo tapos, if ready ka na proceed na tayo sa OB na susuri sa iyo." Paliwang ng Doktora saka inabot sa akin ang papel. Matapos ko pirmahan iyon, si Spencer naman ang pumirma katunayan na tumatayong guardian ko.
"Babalikan kita Ms. Amorine." Paalam ng doktora.
"Ash, tell me? Buntis ka ba?" Tanong ni Spencer.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pananabik. Nag liliwanag na tila ba nais niyang patotohanan ko ang kaniyang konklusyon.
"Hindi?" Sagot ko na parang patanong dahil hindi ako sigurado.
"Well, I am sure! Palpak talaga yung PT na binili ko! Imposible kasi! Alam ko na buntis ka." Natutuwang saad nito.
"Yessss! Matutuwa ang dad! May makakalaro na siya sa paglalaro ng golf!" Hiyaw ni Spencer.
Natutuwa akong makita siya na napakasaya. Sa ideyang buntis nga siguro ako. Pero paano kung hindi? Baka masaktan na naman siya at umasa sa wala.
"What if--"
"Pag girl I will named her next to mom and Nanay Belinda."
"Pero kung--"
"Pag boy Gusto ko Junior! O di kaya Hendrix? Eros? Or Helterbrand? Genaro? What do you think?" Naka ngiti niyang tanong.
"Uhm... Baka kasi--"
"Baka ano?" Tanong niya habang pisil ang aking kamay.
"What if negative?" Tanong ko habang naka yuko.
"Try and try 'til mag positive! God's plan is always be the best than ours!" Sagot niya dahilan para ngumiti ako. Ilang saglit pa, bumukas na ang pinto ng aking silid.
Lumipas ang higit isang oras naming pag hihintay. Isang balita na nag paguho sa aking mundo ang natanggap. Tila kampana iyon na umalingawngaw sa aking tainga. Paulit ulit kong naririnig.
"It's okay. Maybe, hindi pa panahon." Malambing na sabi ni Spencer habang pisil ang aking kamay.
Na discharge na ako at kasalukuyang pauwi sa aking unit. Hind ko magawang kibuin si Spencer. Hindi ko man lang siya matignan sa mata.
"I'm sorry." Sambit ko habang naka dungaw sa bintana ng sasakyan.
"Don't be sorry. Everything will be alright." Sagot ni Spencer saka inangat ang aking kamay at hinalikan.
"I failed. Baog ako--"
"Don't say that! Sabi ng O.B makukuha pa naman sa pag take ng medication yan."
"Ayokong umasa ka. Ayokong biguin ang dad mo."
"It's not too late. Kahit five years pa tayo mag ka baby--o ten years? Kahit ikasal na tayo agad." Naka ngiting sabi ni Spencer.
Yung saya kanina sa labi niya, yung kinang sa mga mata niya ng maisip na buntis nga ako, lahat ng iyon ay naka tatak sa isip ko. Ang sakit.
Rewind:
OB: Polycystic Ovarian Syndrome. Kaya minsan nakaka ranas ka ng abdominal pain, cramps, and irregular menstrarion period ay dahil sa PCOS...
Spencer: Ano po ang dapat naming gawin? Mag kaka baby pa po ba kami?
OB: Twenty percent, Yes! So far kasing size nito ang five cents. Kapag nag take ka ng inireseta ko, baka sakaling magkaroon ng improvement, hindi mo na kakailanganin mag undergo sa operation.
----
"Yes hello?" Sagot ko mula sa tawag ni Papá."
"Bakit Ash?" Tanong ni Spencer.
Agad din pinatay ni Papá ang linya matapos ipaalam ang sinapit ni Beatrixie.
"Si Beatrixie! Inatake sa puso." Sagot ko.
"Saang hospital?" Mataas na himig ni Spencer na halatang nag-aalala.
"Sa St. Lukes." Sagot ko.
Wala ng tanong pa. Pinaharurot ni Spencer ang sasakyan. Batid ko na kailangan ko ng mag handa. Dahil malamang sa malamang, sa akin na naman ibubunton ni Papá ang kinahantungan ng mahal niyang anak.