アプリをダウンロード
7.14% Blinded By Yellow Lights / Chapter 1: Chapter 1 - Sending Yellow Hearts To Someone I Love
Blinded By Yellow Lights Blinded By Yellow Lights original

Blinded By Yellow Lights

作者: FrustratedAngel18

© WebNovel

章 1: Chapter 1 - Sending Yellow Hearts To Someone I Love

Novel Description:

"Sending yellow hearts to someone I love"

-Treyton Servantes posted a new status

[9:45 P.M.]

After reading that facebook status ay halos lumundag ang puso ni Adalyn ng makatanggap siya ng mensahe mula sa isang unknownymous Line user and it was a bunch of Yellow Hearts.

Noong una ay natuwa siya sa isiping baka ang nagpadala ng mensaheng iyon ay walang iba kundi si Treyton.

Ang lalakeng matagal nang mayroong espesyal na lugar sa puso niya.

But for once someone told her that yellow hearts means no other than LOVE FOR A FRIEND.

Will she be able to turn that yellow hearts into red kung ang taong nagbigay niyon ay isa sa mga taong mahirap abotin at ni hindi manlang siya kayang bigyan ng kaukulang pansin?.

Will she be able to accept the painful truth behind that message containing yellow hearts?.

[Status: On-Going]

ALSO PUBLISHED ON WATTPAD:

https://my.w.tt/QKJB6YFUq6

Chapter 1

Sending Yellow Hearts To Someone I Love

Kagat-kagat ni Adalyn ang kanyang kuko sa daliri habang hinihintay na ma-trace ni Tristan , ang kaibigan niyang isang Engineer in Computer Science and Technology Major ang IP Address ng unknownymous message na natanggap niya mula sa kanyang Line Account.

Wala naman kase siyang napagbigyan ng kanyang Line Account bukod sa mga kaibigan niya.

Kaya napaka-imposible naman na makatanggap siya ng unknownymous message nang nakalipas na gabi na iyon.

Looking back to what happened, ang rason kung bakit aligaga si Adalyn.

Simula ng mabasa niya ang facebook status ni Treyton noong nakaraan ay hindi na siya mapakali pa.

"Sending Yellow Hearts To Someone I Love" - Treyton

Status: Public

[Posted: 9:45PM]

Umani agad ito ng napakaraming likes at comments galing sa mga estudyante ng Northern Valley University.

Nariyang kanya-kanyang nagpost sa comment section ng screenshot ng mensahe na may lamang yellow hearts ang mga babae sa University na humaling na humaling sa binata.

Nang gabi ding iyon ay nakatanggap si Adalyn ng Line Message mula sa di kilalang user na mayroong Profile icon na yellow hearts at ang mas ikinagulat niya ay ang laman ng mensahe, walang iba kundi ang tatlong pirasong tumitibok na yellow hearts emoji.

Hindi malaman ni Adalyn ang gagawin.

Ayaw niyang mag-assume dahil dalawang taon na niyang kilala si Treyton, well the fact na siya lang ang nakakakilala dito and the fact na ni minsan sa buhay niya ay ni hindi manlang siya nito nakadaupang palad and worst baka hindi pa nga siya nito kilala.

Matalino si Adalyn, palagi siyang nagi-excel sa academics, miyembro din siya ng cheerleading at ibang-ibang university clubs but one thing is that she is not like a pleasing meat on the table.

Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong, may manipis at mapupulang labi pero To simply say? hindi siya head turner gaya ng ibang babae sa University na pawang pang modelo at may ilalaban ang mukha at pangangatawan.

In short, walang concrete reason kung bakit siya ang dapat makatanggap ng mensahe na iyon mula sa isang Treyton Servantes.

Kinaumagahan ay bangang siyang pumasok sa kanyang University.

At kung sinuswerte pa, ay makakasalubong pala niya si Treyton sa di kalayuan. As always, Treyton is dashing wearing its navy blue uniform. Black hair, Red Lips, Tall having Rosy skin, yung tipong mahihiya kang dumikit sa kanya dahil sa angkin nitong kutis ng katawan, perfect jawline, lean and portioned muscles and lastly ay ang main asset nito ang dahilan kung bakit humaling na humaling ang sangka-babaehan sa buong University kung saan nag-aaral si Adalyn walang iba kundi ang tempting gaze nito na dulot ng taglay nitong chocolate brown eyes.

Iyon bang kapag tinignan ka niya ay parang tinitignan niya ang buong puri mo, ang kaluluwa mo, mapapakagat labi ka na lamang.

He is a living god.

As usuall ay napahinto na naman si Adalyn at tulalang nakatitig kay Treyton.

Halos lumuwa ang kanyang mata noong tumingin ito sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinapunan siya ng tingin ni Treyton Servantes ang maituturing na dream guy ng sangka-babaehan.

Oo, nakatingin parin sa kanya si Treyton kumpirmado iyon ni Adalyn.

Inayos pa niya ang kanyang buhok na hinihihip ng hangin. Babatiin niya sana ito noong malapit na ito sa harap niya pero bigla ay nawala ang confidence niya.

"Hi Treyton! Goodmorning!" that's Trisha, ang maituturing na perfect match ni Treyton.

Yumuko na lamang si Adalyn at ipinagpatuloy ang paglalakad sa patungong lobby ng Unibersidad.

Lupaypay ang balikat niya.

"Kunti na lang sana eh? magkaka-usap na kami ni Treyton! kung wala lang sanang umeksenang Trisha hmp!" inis na maktol niya sa kanyang isip.

She is nothing to compare with Trisha.

From traits to wealth. Talagang wala.

Kaya bakit pa nga aaksayahin ni Adalyn ang oras para makipagkompetensya dito?. Kung una pa lamang alam na niyang dehado na siya.

Pero di bale na determinado parin si Adalyn.

Hindi siya susuko, kung nagawa nga niyang mag-excel sa University para lamang mapansin ni Treyton? bakit siya susuko?.

Kinuha niya ang kanyang phone at pinadalhan ng mensahe ang kaibigang si Tristan.

Eto yata ang isa sa mga kaibigan niya ang hindi siya matatanggihan isang text at tawag niya lamang dito ay agad itong nagrereply at sumusulpot para tulungan siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin.

"HI ADALYN!"

"AYYY KABAYO MO!" bulalas ni Adalyn ng gulatin siya ni Tristan mula sa kanyang likuran.

Pinaghahampas tuloy siya ni Adalyn sa balikat sa ginawa nitong panggugulat.

"AW! AW! ARAY KO habang tumatagal mas lalo yatang lumalakas ang hampas mo ah!?" Turan ni Tristan habang tumatawa.

"Ikaw kase,Alam mo para kang multo kaka-chat ko palang sa'yo eh" Adalyn.

"Haha ano ka ba hindi mo ko napansin nandon ako sa second floor nakita agad kita kaya naisip kong puntahan ka" dagdag pa nito.

"Oh siya, di ba magaling ka naman magtrace ng mga messages?" tanong ni Adalyn kay Tristan.

"Oo naman expert ako diyan" Tristan.

"May natanggap kase ako Tris, pwede mo bang i-trace ang user ng message?" Adalyn.

"Wait. wait. wait! don't tell me its about Trey--" tinakpan ni Adalyn ng kanyang palad ang bibig ni Tristan at hinila it paupo sa round table sa may lobby.

"Yes! I mean no! ewan ko Tris" ani ni Adalyn.

Kitang kita naman ang pagkadismaya sa mukha ni Tristan sa mga narinig mula kay Adalyn. Pero agad siyang nagbiro dito.

"Anong malay natin Ad, this is your chance? asan na! asan yung message?" Tristan.

"Eto oh" iniabot ni adalyn ang kanyang cellphone sa kay Tristan.

Inilabas ni Tristan ang kanyang laptop at may iti-nype doon na mga codes na siyang hindi naman maitindihan ni Adalyn kung ano ang ibig sabihin.

Back to the current situation

Kagat-kagat ni Adalyn ang kanyang kuko sa daliri habang hinihintay na ma-trace ni Tristan , ang kaibigan niyang isang Engineer in Computer Science and Technology Major ang IP Address ng unknownymous message na natanggap niya mula sa kanyang Line Account.

Wala naman kase siyang napagbigyan ng kanyang Line Account bukod sa mga kaibigan niya.

Kaya napaka-imposible naman na makatanggap siya ng unknownymous message nang nakalipas na gabi na iyon.

"Ilang minuto pa Tris?" tanonh ni Adalyn.

"Five minutes I guess" sagot naman ng kaibigan niyang si Tristan.

"Okay malapit na" Tristan.

Napahawak siya sa balikat ng kaibigan habang nakatingin sa monitor ng laptop nito.

**[Decoding Complete]**

May lumabas na mga detalye pero hindi iyon ma-gets ni Adalyn

"Tris anong sabi?" Adalyn.

"Uhh..bale na trace nito ang origin ng message Ad mula sa Line App at ang gamit na log information dito ay nakalink sa social media account ni..." pinindot ni Tristan ang show button sa last page ng decoded data at iniluwa niyon ang pangalan ni Treyton Servantes. Ang facebook account na nakalink sa unknownymous user na nagpadala sa kanya ng tatlong pirasong yellow hearts emoji.

Itutuloy...

🌹(Update will be every Saturday and Sunday)🌹


クリエイターの想い
FrustratedAngel18 FrustratedAngel18

This is my self published story here in webnovel, I'm a wattpad writer as well. But unluckily my account was deleted so I planned to shift on different platform to share with you my talent in writing novel. Thanks? Happy 12k reads thank you so much.

next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C1
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン