アプリをダウンロード
50% Beautifully Broken (Filipino Version) / Chapter 13: Matibay na hindi napipigtas

章 13: Matibay na hindi napipigtas

Pagkatapos ng tanghalian ay sinabihan ko si Igo na pupunta kami sa palengke mamaya upang bumili ng panghapunan at para na rin sa mga susunod na araw. Sinabihan ko din ito na huwag na ako dalhan ng pagkain dahil magluluto na ako ulit. Balik kusina na ako na lagi ko namang ginagawa dati noong nandoon pa ako siyudad.

"Carly gusto ko ng sinigang na baboy para sa hapunan" hiling ni Igo habang nakahiga ito sa sofa kung saa'y nakalagpas ang mga paa nito dahil sa kanyang katangkaran. Ang ulo nito ay nakaunan naman sa braso ng sofa.

"Okay sige" habang abala ako sa paglilista sa may lamesa ng mga kakailanganin ko sa mga susunod na araw. Tatanungin ko sana si Igo kung anong mga sahog ang gusto niya para sa kanyang sinigang nang makita ko itong tulog na sa sofa. Nakapatong ang dalawang kamay nito sa kanyang tiyan na tumataas at bumaba dahil sa paghinga nito. Pinagmasdan ko ito. Ilang araw na lang mula ngayon ay aalis na ito. May ilang araw pa kami para gumawa ng masayang alaala. Parang ako ang nangangalay sa posisyon ng leeg nito kaya tumayo ako sa aking kinauupuan at nagpunta sa aking kwarto upang kumuha ng unan.

Pagpasok ko sa aking silid ay dumeretso na ako sa aking higaan na mayroon apat na unan. Kumuha ako ng isa at sa aking pag-ikot ay nakita ko ang maletang dala dala ko nung nagpunta ako dito. Ah naalala ko bitbit ko pala ang aking phone. Binalik ko muna sa kama ang unan at kinuha ang aking bag at ipinatong sa aking higaan. Kinalkal ko ang loob ng aking bag pero wala naman ang cellphone ko doon. Napatindig ako ng tuwid at nag-isip ng maigi kung saan ko ba ito huling nilagay. Pero alam ko sa bag ko lang ito nakalagay. Hinalungkat kong muli ang aking bag at sa kailaliman ay nakapa ko din ang aking phone. Pinindot ko agad power nito upang malaman kung may baterya pa. Pagkabukas nito ay tumambad sa akin ang wallpaper naming dalawa ni Harris. Tinitigan ko ito sandali at pinindot ang photos para maghanap ng ipapalit na wallpaper. Pagdating sa photos ay bumuha ng mga litrato namin ni Harris. Tiningnan ko ang mga ito. Mga alaala na lang mga ito. Itinuloy ko ang paghahanap ng solo ko na picture hanggang sa makita ko kuha ko na nakasideview at medyo closeup. Kinulot ang buhok ko dito kaya medyo wavy pano kasi aattend kami ng christmas ball sa company. Kita din ang balikat ko dito dahil sa offshoulder ko na gown. Ginawa ko itong profile dati noong meron pa akong social media accounts. Pagkatapos kong magpalit ng wallpaper ay kinuha kong muli ang unan at pinuntahan ang natutulog na si Igo.

Mukhang mahimbing ang tulog nito dahil di man lang napapansin nito ang aking paglapit. Siniguro ko muna na nakasilent ang aking phone para tumunog ang shutter sound nito at mabuking pa ako. Itinapat ko ang phone ko sa natutulog na mukha ni Igo at kinunan ito ng litrato. Bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko na may hawak na phone at hinatak ako papalapit sa kanya.

"Carly burahin mo yan..." utos na tila ba'y naalimpungatan sa pagkakatulog. Naka camera mode pa din ako at naclose up na ang mukha ni Igo na nakasideview kaya kinunan ko ito ulit.

"Carly..." nagmamaktol nito na boses at hinigit na ako ng malakas kaya naman halos masubsob na ako sa kanya pero buti na lang ay may unan ako na hawak na nagsilbing harang naming dalawa.

"Oo na... oo na..." pagsuko ko sa kanya at binitiwan na nito ang aking pulsuhan at napaupo naman ako ng tuwid. Kunwari lang binura ko pero ang totoo ay hindi. Pinatay kong muli ang aking phone at nilapag sa lamesita na nasa harap ko. Pinaangat ko si Igo para ilagay ang unan sa kanyang batok.

"Gisingin mo ako ha. Mga 4pm punta tayo sa palengke." Nagulat ako nang magsalita ito dahil akala ko'y nakatulog na ito ulit. Nakaupo pa rin ako sa tabi nito at pinagmasdan ang kanyang mukha. Humaba na din pala ng kaunti ang buhok nito dahil natatakpan na ang kanyang mata. Iniabot ko ang aking maya sa buhok nito dahan dahan itong hinawi.

Pitong araw... Pitong araw na lang...

•••

Sa pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si Carly sa harap ko at mga kamay nito ay nasa braso ko na tila ba'y tinatapik tapik ako.

"Igo... alas kwatro na gising na..." nang makita nito na dilat na ako ay tumayo na nito mula sa pagkakayuko at nagpunta sa kitchen counter at dinampot ang papel at ballpen na nakapatong dito at isinilid sa kanyang kulay itim na body bag na yari sa tela ng pantalon. Bumangon na ako at napayuko nang ako'y nakaupo na sofa. Medyo nangalay ang mga paa ko na nakasabit kaya naman ilang beses ko itong ipinadyak sa sahig upang bumalik ang pangramdam nito. Nang maramdam ko na ulit ang mga paa ko ay tumayo na ako at nag-unat unat. Ang sarap ng tulog ko ah.

"Igo tara na" yaya ni Carly na handa nang mamalengke at may bitbit na ecobag. Lumapit ako sa kanya at nikuha ito na agad naman nitong ipinaubaya sa akin. Sa aming paglabas ay sinigurado ko na nakalock ang pinto maging ang gate nang makalampas na kami dito. Naglakad na kami papunta sa bangkerohan para mamili.

"Igo ano pa lang gusto mong halo na gulay sa sinigang mo?" Tanong nito .

"Hmmm" napaisip ako. Hindi naman ako mapili sa pagkain pero hindi ako nakain ng labanos. "Basta hindi ako nakain ng labanos" sagot ko sa kanya.

"Maglalagay ako pero wag mo na lang kainin." Saad nito habang kinukuha ang listahan loob ng kanyang body bag.

Nang makarating na kami sa bangkerohan ay hinanap nito agad ang baboy at bumili ng mga isang kilo nito dahil doon daw kami maghahapunan kina Tita Celia. Pagkatapos sa mga karne ay bumili din ito ng mga manok at pati baka para na din sa mga susunod na araw. Naglakad kaming muli upang pumunta sa mga gulay napatigil ako nang makakita ako ng madaming tindang duyan. Tila hindi naman ako napansin ni Carly dahil derederetso lang ito sa pamimili ng gulay mga tatlong tindahan ang pagitan mula sa akin.

Pinagmasdan ko ang mga kulay ng duyan ni Kuya at pumasok agad sa isip ko ang dalawang malalaking puno sa may hardin nila Carly. Bagay na bagay ito doon lalo na at mahangin doon banda.

"Kuya" tawag ko sa nagtitinda. "Meron ka bang duyan dyan na kasya ang dalawang tao?" Tanong ko sa kanya.

"Dalawa? Hmmm..." habang isa isa nitong ginagalugad ang mga paninda.

"Yung matibay kuya at hindi basta basta napipigtas." Saad ko sa nagtitinda.

Tumingin sa akin si kuya at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Nang makalapit ako ay mahina nitong sabi ay "Duyan ba ang tinutukoy mo o yung relasyon ninyo ng" nakita kong lumingon ito sa namimili na sa Carly at nang ibinalik nito ang tingin sa akin ay sinabing "gerlpren mo?" Hala si Kuya malisosyo na may sapi pa. Alam kong hindi ko siya girlfriend pero hindi ko na din naman pinigilan si kuya sa kanyang iniisip tungkol sa aming dalawa.

"Hala siya." Napatingin tuloy ako kay Carly na abala sa pamimili at nang nakuha na nito ang supot mula sa ale ay lumingon agad ito at hinanap ako. Nang makita ako nito sa di kalayuan ay sinenyasan na ako nito na lumapit na sa kanya.

"Huwag mong titigan baka matunaw..." pang-aasar pa ni Kuya. "Dahil inlababo ka bibigyan kita ng discount. Tatlong daan para sa dalawang tao na may matibay na samahan at hindi basta basta mapipigtas" at isinupot nito ang duyan na may kulay asul at puti at iniabot sa akin.

Ang kulit ni kuya ang lakas ng trip. Sana magdilang anghel ka at nawa'y balang araw ay magkatotoo ang

"Para sa dalawang tao na may matibay na samahan at hindi basta basta mapipigtas."

Itutuloy...

04-06-2018


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C13
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン