アプリをダウンロード
36.36% Away from My Smile (Book 1: The Nolmians) / Chapter 4: Chapter 3:"SILISTINE?"

章 4: Chapter 3:"SILISTINE?"

15/01/2089

Kinaumagahan, habang ang mga tandang ay nagsisitilaok, kasabay ng pamumukadkad ng mga bulaklak sa hardin, isang araw muli ang ating pupunuin.

"Ittadakimasu," means 'time to eat'

(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)+-+-+

{[ROUGE's POV]}

Ano naman kaya ulam ko? Palagi na lang iyan ang problem ko. Pa-deliver na lang ako.

Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ng higaan.

Ano bang masarap kainin sa umaga?

Nag-scroll ako sa isang app upang maghanap.

Nahanap din kita, pancakes. In-order ko na ito.

Pagkatapos kong kumain ay ihinanda ko na ang aking brown suit. Naligo na 'ko.

Pagkatapos ko maligo ay pumunta na 'ko sa opisina.

•••

Nang makarating sa opisina ay agad kong binati si Liane.

"Magandang umaga-"

"Kung maupo ka na lang kaya," pamumutol ni Liane sa isisigaw ko.

'Palagi na lang 'tong seryoso, kaya walang girlfriend.'

"Seryoso mo kasi palagi kaya wala kang girlfriend eh!" pang-aasar ko.

"At nagsalita ang may gf...May gf ka?" Ngumiti ulit ito nang nakakatakot.

"Sabi ko nga wala, ano ba kasi iyon? hehe,"

'Wala lang talaga tayo dito sa loob papatulan na kita eh! Gigil mo ako.'

Huminga nang malalim si Liane. Pinatong niya ang siko niya sa lamesa na siyang pinagpatungan ng baba niya.

"Ano ang mga nakita mo kahapon?" tanong niya sa akin.

Binaba ko ang paa ko sa pagkakapatong sa lamesa. Sineryoso ko na rin ang aking mukha para magsimula na ang aming tanungan.

"Kinunan ko ng litrato ang mga posibleng ebidensya. Narito, tingnan mo."

Ipinakita ko sa kaniya ang kuha ko.

"Iyan ang mga bakas na maaaring naiwan ng babaeng iyon. Natanggalan ito ng mga niyebe. May napansin din ako doon. Parang may mga naiwang kumikislap na bagay sa lahat ng mga tinatalunan niya. Ito, tingnan mo."

Zinoom ko pa para makitang maigi ang mga butil na ito.

"Maaring sa mga tinalunan niyang sasakyan nanggaling ang mga bagay na iyan. Maaaring sa tinatalunan niya ay may nalalagay sa mga kuko nito." dagdag ni Liane sa sagot ko."

Kalahating pursiyentong tama si Liane, kalahati ring mali. Walang nakakaalam, gumawa lamang kami ng sarili naming konklusyon.

Hindi namin pinagsabi sa kahit na sinuman. Noong tinanong nila kami tungkol sa mga clues na nakita namin na naging sanhi ng aksidenteng iyon, sinabi lang namin na dahil sa makapal na niyebe kaya naging madulas ang daan at nawalan ito ng kontrol at dahil na rin sa bigat nito.

Ito ang ginamit naming pantakip sa ginawa naming imbestigasyon. Buti na lang talaga.

"Nagtataka rin ako tungkol sa drayber. No'ng nasa truck pa lang siya, mulat ang mga mata at bibig niya. Ewan ko kung bakit. Pwedeng tinakot ng babae o ano..." sinabi ko sa kanya ang matagal ko nang kutob.

Napatingin sa taas si Liane na parang nag-iisip. Nakaupo siya sa isang office chair at tinulak ang lamesa at napaatras, obviously.

Nakaupo naman ako sa isa ring office chair at ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabila kong hita. Nag-isip pa ako ng mga itatanong ko sa kaniya.

...

"Maaari nga. Tumakas siya sa krimeng nagawa niya, pero parang imposible talaga eh,"

"Tama ka, yung pagtalon-talon niya ay parang lumilipad na siya dahil sa layo ng distansya ng mga marka." dagdag ko sa sagot niya.

"Ikaw, wala ka bang nakita bukod sa nakita ko?" tanong ko sa kaniya. Natahimik lamang ito.

*KRIINGG*

Narinig kong tumunog ang bell namin.

"Alis muna tayo, huwag nating pag-usapan iyan dito baka maraming makarinig." bulong ni Liane sa tenga ko.

Lumabas na kami at pumunta sa kotse ko. Pasensiya, wala pang kotse si Liane eh. Sa makalawa pa raw siya bibili, iyon ang sabi niya.

Huminto muna kami sa may store para bumili ng meryenda na kakainin namin sa daan.

"Ang boring na!" reklamo ni Liane. Dalawang minuto pa lang ng byahe ay nagrereklamo na ito.

"Buksan mo iyang radyo," utos ko naman na parang natatawa.

"Anong kanta na naman? Wag na lang." pagtanggi niya sa alok ko.

"Napalitan ko na iyan. Don't worry my friend. HAHA!"

Tumingin siya sa akin habang nakalukot ang mukha.

"Luh, totoo nga. Promise," tinaas ko ang kamay at binitawan ang manibela.

"Ay! g*go 'to!" taranta niyang sigaw kaya tumawa lang ako at hinawakang muli ang manibela.

Takot ka rin pala mamatay eh 'no. Hahaha 'di ka mamamatay pag kasama mo ako.

Pinihit ko ang radyo at balak niya sanang pigilaan ako nang... ayon kumanta na ang hindi nursery rhymes.

"Take my hand, take my whole life too~"

"Ganyan dapat. Makaluma ka pala. Buti nakikinig ka rin kahit ilang dekada na ang mga kantang 'yan,"

"Falling in love with you~"

..

Dalawang minutong byahe pa ang nakalipas.

Nakarating na kami sa huling markang nakita ko na siyang naging hudyat ng pagtigil namin kagabi.

Isang mahabang tulay na ginagamit na tawiran mula sa Voulude papunta sa bulubunduking bahagi. Sa ibaba ng tulay ay ang malawak at mahabang ilog na nakakonekta na mismo sa dagat.

Sa baba ng kalsada na nakakabit sa tulay ay ang labasan ng mga tubig na galing sa lungsod ng Voulude.

Sinamahan ko si Liane para makita ang maaaring ebidenya na meron nga ang babaeng yun.

Tinanong ko si Liane kung pumunta ba siya sa ilalim ng tulay.

"No'ng pumunta ka sa ilalim ng tulay kagabi, may nakita ka?"

"Oo, meron. Isang ilaw na mula sa kagubatang bahagi."

"Ano iyon?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko naaninag ng maayos eh. Madilim at mahamog sa lugar na iyon."

"Puntahan kaya natin?" alok ko sa kaniya.

"Sige, bilisan mo. Medyo nilalamig na ako eh." ani ni Liane.

Pumunta na kami sa dulo ng tulay at do'n ko na rin iniwan ang sasakyan ko.

"Like a river flows, surely to the sea.

Darling so it goes, somethings are meant to be.

Taka my hand, take my whole life too~"

•••

Bumaba na kami sa kotse.

"Meron din akong nakitang kakaiba. Halos kasing liwanag siya ng bumbilyang may 10 wats ngunit ito ay gumagalaw at lumilipat-lipat ng pwesto."

"Baka naman namalikmata ka lang? Pa'nong gagalaw ang isang ilaw?"

Napagod yata siya nang sobra ah.

"Baka pagod mo lang yan." dagdag ko.

"Hindi eh. Inaninag ko ito pero wala talaga. Masyadong malayo."

"Yung babae kaya iyon?" tanong ko.

"Teka lang," sinignal niya ang kamay niya na tumigil ako.

Tahimik siyang naglakad sa mga madudulas na niyebe.

Sa posisyon namin ay kitang-kita ang isang bahay na malapit sa mga kakahuyan sa gilid ng ilog. Nag-iisa ang bahay na iyon. Wala kaming alam kung merong nakatira rito.

Bawat hakbang ng mga paa ay napakatahimik.

"WOHH!" sigaw ni Liane nang bumukas ang pinto ng bahay.

"Sino po kayo?" nanginginig na tanong ko.

...

+-+-+(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+)

"Ako na nga kaya?"


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C4
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン