NARIRITO kami ngayon sa hospital kasama ang Daddy ko. Dadalawin namin si Nakame. Ayaw ko sanang sumama kay Daddy dahil may lakad kami ng tropa, pero nag-insist si Daddy na kailangan raw muna naming dumalaw kay Nakame.
Dalawang linggo na siyang naroroon. Napilitan akong pumayag, pagbibigyan ko lang ito sa ngayon. Kotse ko na lang ang ginamit namin, tutal maiiwan naman si Daddy roon. Mag-uusap raw sila ng Lawyer ng mga Lacus.
Nakakainis lang! Kasalanan ba namin kung bakit nabugbog at nahospital 'yang Nakameng iyan?! Bagay lang sa kaniya iyan! Paimportante kasi.
"Son, mauuna na ako sa room ng kaibigan mo, sumunod ka na pagka-park sa kotse mo."
"Dad, puwede namang ikaw na ang pumunta roon. Hindi na siguro kailangan ang presensiya ko."
Napatigil ito sa pagkakalas ng seat belt sa upuan at may bakas ng pagkamanghang napatitig sa akin. "How many times do we have to argue about this, son? Diba matagal mo nang kaibigan si Nakame? And since the day he was confined in this hospital. . . never mo pa siyang dinalaw. What kind of friend are you, Brennan? Hindi ba, close kayo at. . ."
"We are not friends anymore, Daddy. Magmula nang ligawan niya si Lydhemay. . . "I cut him off. Puno ng pang-uuyam ang salita ko.
"That girl again? Itigil mo na ang paghahangad sa pagmamay-ari na ng iba!"
Napakuyom na lang ang mga kamay ko. Tila naunawaan naman ng aking ama ang pananahimik ko. Lumabas na ito ng kotse. Mayamaya napagpasiyahan ko nang sundan si Daddy.
Maluwag at malaki ang hospital room na kinaroroonan ni Nakame. Maiksi ko siyang binati na tinanguan niya lang. Nakaupo sa tabi niya ang girlfriend niya, habang sa kabilang kama ay naroon naman ang isa pa nitong kakambal na lalaki, si Toshiro. Tutok na tutok ang mga ito sa panunuod ng NBA TV Show.
Pumasok ako sa isang pintuan na katabi lang ng comfort room. Dirty kitchen iyon. Naroon si Daddy, ang family Lawyer namin, si Dexter at ang katabi naman nito na ang hula ko ay ang Lawyer nila.
Napansin kong naglagay naman sa gitna ng lamesa ang bunsong babaeng kakambal ng mga ito ng mamemeryenda.
Napaupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan at tahimik na nakinig sa usapan ng mga ito.
MATAMAN kong tinitigan ang halos kaedad naming lalaki na hindi man lang bumati sa amin pagkapasok nito. "Are you Brennan?"
Tumango lang ito bilang pagsagot.
"Oh. . . a man of few words. You are a friend of my brother pero kung kaibigan ka talaga ng kapatid ko ay bakit ngayon ka lang nagpakita rito, Mr. Brennan Sinco?"
Tila nainsulto ito sa aking binitiwang mga salita. Sinalubong ko lang ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit.
"Mr. Lacus, we apologize that Mr. Brennan didn't visit your brother. Hindi pa kasi nahuhuli ang sumaksak sa kapatid ninyo, kahapon lang naaresto ito. Alam mo naman, baka siya pa ang balikan ng suspect. Nag-iingat lamang sina Mr. Sinco." Natahimik ako at napatango. Nagpatuloy ito sa pag-sasalita.
"Ngayong nahuli na ang sumaksak sa kapatid mo, Mr. Lacus, pati na rin ang mga kasama nito ay ipinasa na sila sa DSWD dahil katulad ninyo ay minors pa sila. Siguro naman ay iuurong mo na ang kaso?"
Hindi ako umimik. Tinanguan ko ang aming abogado para ito na ang magsalita para sa akin.
"As for Mr. Lacus' concern. . . hindi pa sapat na rason iyon para iuurong ng client ko ang demanda dahil meron ding nalabag si Mr. Brennan sa karapatang pantao ni Mr. Nakame Lacus."
Napatayo ang ama nito tila natutumbok na nito ang kahahantungan ng pag-uusap namin.
"At ano naman ang nilabag ni Brennan? Inuna niya lang ang kaligtasan niya at hindi naman masama iyon!"
"According to Article Series Act #901, ang sino mang kasama ng biktima sa pinangyarihan ng krimen, kapamilya man, kamag-anak o kaibigan ay mananagot kung ito ay napatunayan na nagkaroon ng pagpapabaya sa nasabing biktima."
Matapos sabihin ng aking Lawyer ang panig namin ay tila umuusok na sa galit ang matandang Sinco. Pati si Brennan ay napapakuyom na rin ng kamao at dikit na dikit na ang mga kilay. Napatayo ang Daddy ni Brennan na medyo tumabi pa sa gilid. Pinayapa sila ng kanilang abogado. Habang si Brennan ay nag-uumpisa nang hindi mapakali.
"Kawawa ka, Brennan, kapag isinangguni ko pa ito sa Supreme Court at kapag napatunayan na may kapabayaan ngang nangyari sa side mo. Tiyak na makukulong ka pagdating mo ng 18 taong gulang," nakangising sabi ko.
Pinanlakihan naman niya ako ng mga mata. My Daddy will find a way to fix this, Dexter, tandaan mo iyan.
Dahan-dahang umupo ang Daddy ni Brennan at mga abugado nito. "In that case, Mr. Lacus, aaregluhin na lang ng client ko ang lahat. Magkano ba ang kailangan ninyo?"
Tila nagpanting ang tainga ko. "I do not need your goddamn money, Mr. Sinco! Ang gusto ko ay maparusahan sa tamang panahon at mabigyan ng sapat na hustisya si Nakame sa ginawang pang-iiwan at pagpapabaya ni Brennan. I will close this meeting for now. Please, you can leave now, Mr. Sinco!" I clenched my teeth because of too much anger. Akala ba nila ay ganoon na lang iyon?
"If I were you, Mr. Lacus, pinag-usapan na lang natin ito nang maayos. Sa magiging resulta ng kasong ito, the favor of the Supreme Court will surely be at our side," pahabol na sabi ni Mr. Sinco. Pagkasabi noon ay tuluyan nang lumabas ang mag-amang Sinco at ang mga abogado nito. Matalim ko tinitigan ang likod ng mga ito habang naglalakad papalayo.
"Maimpluwensiya ang pamilya nina Brennan, bro. At mapera din sila kaya paano kung iyon ang gamitin nila para matalo tayo sa kaso ni Nakame?" mayamaya ay sabi ni Toshiro na nasa gilid ko.
Iniiwas ko ang tingin rito at matamang tinitigan ang pintuang nilabasan ng mga Sinco.
"Subukan nila, Tosh. Magkakasubukan talaga kami".