アプリをダウンロード
1.21% Ang Bahay sa Burol / Chapter 1: Chapter 1 Amihan
Ang Bahay sa Burol Ang Bahay sa Burol original

Ang Bahay sa Burol

作者: Cancer_0711

© WebNovel

章 1: Chapter 1 Amihan

Nakapalibot sa kama ng ospital si Leo at Ditas at lolo at lola ng batang babaeng mahimbing na natutulog. Maraming medical equipment ang katabi ng kama niya at may plastic na tubong nakakabit sa kanyang bibig. Hindi rin maikakailang may dalawang bote ng gamot na nakasabit sa metal stand. Ang mga tubo nito ay nakasaksak sa dalawang kamay ng bata.

Maganda at maamong mukha ang nakatambad sa kanila na ilang araw nang natutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising simula ng dalhin siya sa emergency room ng Mount Carmel Hospital.

Bigla na lamang itong nahilo habang papauwi sa bahay mula sa St. Vincent High School at biglang bumagsak sa daan. mabuti na lamang at may mga kasama siyang mga kaklase kaya naisugod siya sa pinakamalapit na hospital.

Kaagad na tinawagan mula sa cellphone ng kanyang matalik na kaibigan na si Odette ang ina ng bata.

"Tita..." nanginginig na sabi ni Odette.

"Si Amihan.... dinala po namin dito sa ospital..."

"Anong nangyari?!?" alalang sagot ni Ditas. Parang biglang may bumuhos na malamig na tubig sa kanyang likod. Kaninang umaga pa siya di mapakali. Dumating na yata ang kinatatakutan niya.

"Bigla na lang po na bumagsak si Amihan sa kalsada. Nahihilo daw siya." Napakagat si Odette sa kanyang mga daliri sa nerbiyos habang sinasalaysay ang mga pangyayari.

Wala pang beinte minutos ay nakarating na agad si Ditas sa ospital. Mabilis niyang nahanap si Amihan na nakahiga sa isang stretcher sa emergency room.

May lumapit na isang intern sa kanya at mahinahon siyang kinausap.

"Misis, huwag po kayong mag-alala. Naipa-xray na namin siya at wala kaming nakitang abnormal sa kanyang ulo. Susundan natin ng MRI para mas masiguro ang kanyang kondisyon," paliwanag ng intern na mukhang pagod na sa magdamag na pagdu-duty.

"Salamat." ang mahinang naisagot lamang ng ina ni Amihan. Saka umalis ang intern.

Napatingin lamang siya kay Odette at dalawa pang kaklase nito. Matipid na ngiting hinawakan niya ang kamay ni Odette ay nagsabi ng kanyang pasasalamat.

Binalingan niya ng tingin si Amihan. Naaawa siya sa kanyang kaisa-isang anak. ilang beses na ba itong nangyari sa kanya na hinihimatay na lamang siyang bigla. Walang pinipiling lugar. Basta mahihilo na lamang at saka babagsak.

Ilang beses na rin nila pinatingnan si Amihan sa mga espesyalista pero wala naman daw siyang diperensya. Kahit ilang beses siyang bumagsak at ulo ang unang tumatama sa kanyang pagbagsak, wala siyang bukol o anumang pagbubuo ng dugo sa utak.

Walang masabing sakit ang mga tumingin sa kanya. Tuwing bumabagsak siya, madali siyang nagigising sa emergency room matapos ang tatlumpung minuto. Baka anemia lang o sobrang pagod sabi ng mga duktor. 'Saan ba siya napapagod?' isip ni Ditas.

Marangya ang buhay nila. Marami silang katulong at hindi gumagawa ng gawaing bahay si Amihan. Tanging pagliligpit lang ng kanyang hinigaan, matapos ang mahimbing na pagtulog sa gabi, ang kanyang pinakamabigat na gawaing bahay.

May mga sasakyan sila ngunit nais pa rin ni Amihan na maglakad pauwi ng bahay kasama ang mga kaklase niya.

Bago kasi umuwi, dumadaan muna sila sa isang bookstore malapit sa paaralan nila. Sa loob ng bookstore ay may cafe. Doon sila nagmemeryenda. Sila nila Odette, Amy at Lyn.

Pero di pa sila nakakalayo sa gate ng paaralan nangyari na nga ito.

Ang kakaiba lamang ay hanggang ngayon tulog pa siya. Kaya alala at takot ang nababatid sa mga mukha ng mga nakapaligid sa kama ni Amihan.

Maya-maya pa may pumasok na duktor sa private room ni Amihan. May puting buhok ito at bakas ang mahabang panahon ng karanasan sa medisina sa kanyang mga mata. Marahil higit sa singkwenta na ang edad nito pero matikas pa rin ang kanyang tindig. Binuka nito ang mga talukap ng mata ni Amihan at pinadaanan ng ilaw ng maliit na flashlight na hawak nito.

"Aktibo ang mga mata niya kahit nasa comatose state siya," sabi ng duktor. Napakunot ang noo nito. Napatingin sa mga magulang ni Amihan.

"Mukhang nananaginip siya." Kalmadong sabi niya ngunit may kasamang malalim na pag-iisip.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C1
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン