Nagising ako ng hindi pa nagpapakita ang araw. Hindi ko rin alam kong bakit maaga akong nagising ngayon siguro sinapian ako ng mabait na spirito.
Nang matapos akong mag ayos ay pumunta ako agad sa parking lot ng condong ito at mabilis na umalis papuntang school.
Pagkarating ko doon ay kunti palang ang tao kaya naman pumunta muna ako ng library.
Habang naglilibot upang maghanap ng mababasa ay nahagip ng mata ko si Zyriel na tahimik na nagbabasa. His hot with his eye glasses. Shit.
Like hot and spicy!
I stare at him and see how he flip the other pages after reading it. Nakadikwatro pa itong nakaupo.
And because it's friday right now we all have the privilege to wear what we want basta wag lang super revealing. And now his wearing a plain white polo and partner with jeans.
Siguro may lahi 'tong lalaking ito. Kakaiba awra niya. He has thick eyebrows, natural red lips daig pa 'yong akin and also a perfect jaw line.
Natigil ang pagpapantasya ko sa kaniya ng mahulog ang librong hawak ko dahilan ng munting ingay.
Dali-dali ko itong pinulot at napatingin sa gawi niya nakita ko itong nangunot ang noo habang madilim na nakatingin sa akin.
Shit! Hot and spicy! Omayguy!
Nagpeace sign nalang ako rito at tumalikod na.
Grabe nakakahiya iyon ha!
Sensitive pa naman sa ingay 'yon.
Bago pa man ako makalayo ay may narinig akong nagsalita sa aking likuran
"What are you wearing?" Malamig na boses ang narinig ko dito kaya kahit gulat man ay dahan dahan akong lumingon dito at alangan namang ngumiti ng makita kung sino ito.
"Hehe Ano po 'yon?" Tanong ko dito mamaya may rules na naman siyang sasabihin. Alam kong bawal mag ingay dito pero hindi ko naman sadya iyon no!
Kasalanan niya 'yon!
Bakit kasi ang gwapo niya este ang seryoso niya lagi. Nakakadistract.
"I repeat, what are you wearing?" Ulit nito sa kaniyang tanong habang umiigting pa ang panga na pinasadahan ulit ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ehem! Baka mainlove ka niyan Vice hehe charot.
Tiningnan ko naman ang sarili ko at wala namang mali sa suot ko. I am wearing a puffed crop top partnered with ripped jeans and a three inches heels.
Ano namang problema niya don? Ang ganda ko kaya lalo.
"Uhh damit ba- este Vice bakit?" Muntik ko na masabi iyong 'baby' na word hayufff lupa pwede mo na akong lamunin. Omayguy!
"Really? Naghihirap ka na ba at butas butas iyang pantalon na suot mo? And your revealing your boobs," sunod sunod na lintanya nito. Napatakip nalang ako sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.
"Style kasi 'yan Vice. Palibhasa wala kang alam doon. Staka bakit ka ba nangingialam?" Anas ko dito sa mahinang boses lang dahil baka marinig kami ng librarian.
"Because your at school not in a party tssk." Sabi nito at tumalikod sa akin bigla. Aba't!
Ang kapal ng mukha niya! Hindi porke't gwapo gaganyanan niya na ako. Hmp!
Kainis siya ha!
Palibhasa gurang na siya tss.
Sa kalagitnaan ng mahihina kong salita dito laban kay vice dahil sa inis ay may biglang lumapit sa akin na babae at sinabing may meeting daw lahat ng classroom president.
****
Kaya naman pumunta na ako sa field dahil doon daw gaganapin. Bali nasa maga 20 plus kami at nagpili sila ng gagawing head sa grupo. Hindi ko alam kong bakit ako ang napili nila na head e first year college pa lang naman ako.
Dahil wala na akong nagawa ay hindi ko na ipinagpilitan. Kaniya kaniyang suggest na sila ng theme na gagawin para sa science month at kong anong props ang gagawin.
"Hmm what if i base natin sa color ng galaxy iyong theme natin? Tapos magc-costume tayo ng related sa science. What do you think?" I suggest to them. Napaisip naman sila bigla kaya naman naisip ko din kung panget ba iyong suggestions ko.
Although maganda iyong iba nilang sinadgest kaso old style na kasi. I want knew naman.
"Pwede naman but how can we do the props?" Saad naman ni Joyce isa sa mga fourth year collage
"Yeah mahirap iyon. Kung sa costume madali lang naman madami namang pwedeng piliin. Pero iyong theme paano?" Dagdag ni Ashly
"Well ang gagawin is lahat ng gagamiting kurtains is black and diba iyong galaxy may mga iba't ibang color mostly violet, green and red meron kasing pang disco light na ganoon ang kulay. Bali kulob iyong venue natin," explain ko naman sa kanila
Nagustuhan naman nila ang suggest ko at iyon nalang daw ang gagawin namin.
Naglista na rin kami ng mga classroom na magp-present ng kanilang mga experimento.
At dahil sa science month naisip din namin na magkaroon ng contest.
At tatawagin namin itong 'Clear as Water'
May prize sa mananalo. Sinabi din kasi ng SSG officer na magprovide kami ng isang contest dahil kulang daw. So bale kailangan ng mga room na maging malinis lagi at ang pinakamalinis at maayos ang pag aayos ng basura ang mananalo.
At iyon nga napagdesisyon na na iyon nalang ang irerepresent namin. Although kailangan pa din aprobahan ng SSG dahil baka may suggestions sila.
Nakabalik na ako ng room at sakto rin dahil may teacher pala na dadating. Balak ko kasi na maglibrary nalang dahil akala ko walang teacher.
At sa haba ng oras na ginugol namin sa klase ay ang last subject pa namin ay nagpa-overtime pa. Minsan lang din naman ito nangyari kaya okay lang sa akin.
****
Padilim na ng matapos ang klase namin, pumunta muna ako saglit sa library upang maghanap ng isang biology book ngunit wala akong nakita. Siguro marami na ang humiram.
Hindi rin kasi kami sabay ni Mikaela umuwi dahil tinawag siya ng papa niya upang pumunta sa isang dinner meeting.
Dahil maaga pa din naman ay pumunta muna akong national bookstore upang maghanap.
Nang makahanap na ako ay nag Jollibee muna ako.
"Uhh is this table taken?" Someone suddenly said on my front kaya naman napaangat ako ng tingin.
Nagulat ako ng may nakita akong pogi. Shit!
"Sure no problem." I answered with a smile.
"Ganda mo," bigla niyang salita kaya naman nasamid ako. Inabutan naman ako nito ng coke niya na hindi pa niya naiinuman.
"Grabe naman nabilaukan ka talaga?" Natatawa pa nitong sabi at sinamaan ko naman ng tingin.
"Nakakabigla ka kasi. Bwesit." Sabi ko naman dito
"Totoo naman ah ang ganda mo, pwede papicture?" Pabiro nitong sabi
Natatatawa pa akong kumain dahil sa kaniya.
Shuta siya. Hindi ko kilala 'to ngunit magaan ang loob ko sa kaniya.
"Sure. What's your name pala? Anyway I'm Cristy." Sabi ko naman dito
"I'm Cevastian. Cevastian Alkalde." Pagpapakilala nito at nag abot ng kamay.
Madami pa kaming pinag usapan at masasabi kong palabiro talaga at masaya kausap. Sa super daldal niya katulad ko ay naabutan kami ng gabi.
Nalaman ko din na isa siyang varsity player Collegio De Montessori. Nagulat pa nga ako na doon pala siya nag aaral. Fourth year na din pala siya at engineering ang course niya.
Hindi ko din kasi siya nakikita masyado.
Nalaman ko din na isa pala siyang kasapi ng SSG officer. Bale siya ang Peace Officer.
Kaya naman natuwa talaga ako sa kaniya.
Gabi na nang makauwi ako sa condo unit ko dahil naglakad lakad pa kami. Inabot kami nag hating gabi sa daanan sa sobrang daming topic na bigla bigla nalang naming maiisip.
Bago ako matulog ay naligo muna ako at nagkape. Ewan ko bakit hindi ako nagsasawa sa kape. Pang ilan ko na ito. Kanina habang naglalakad kami ni Basti ay nagkape din kami.
Ang weird pa ng spell ng name niya. Well ang unique din naman.
Bago ako matulog ay nagf-facebook muna ako. Nagpop up naman ang isang message request at gc pala iyon.
Nag friend request din pala si Basti sa akin kanina kaya naman inaccept ko. Napag alam ko din na may meeting pala ulit sa lunes tungkol sa Science month with SSG officer kaya for sure makikita ko siya.
Bago pa man ako makalog out ay may nakita ako sa nf ko na isang profile ng page at iyon ay si Zyriel na may akbay na babae habang nakangiti.
Kaya naman kakaisip ko kung sino iyon ay nakatulugan ko nalang ito.
~FlirtySperm