Napangiti ako habang tanaw ko ang kambal na naglalaro sa garden at kalaro si Carla na parang bumalik sa pagkabata.
Ilang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang araw na iyon pero nandito pa rin ang sama-samang kaba, sakit at hindi ko maipaliwanag na damdamin.
Si tiya ay humingi na nang tawad sa akin at mahal niya lang daw ako at ayaw niya akong masaktan kaya nakapagsalita siya ng ganun.
Pero pinatawad ko na siya simula pa lang at ayos na kami, hindi naman na siya tutol kung mahal namin ni Gabriel ang isa't isa.
Medyo awkward nga lang pero unti-unti ay sinasanay ko na ang sarili ko pero hindi pa rin naman magbabago ang turing ko sa mga kasamahan ko.
Napakaswerte ko dahil ni isa kanila ay hindi man lang tumutol at walang problema sa kanila iyon, sabi nga nila ay masaya sila na unti-unti nang nagbabago ang amo nila.
Nagagawa na kasing ngumiti ni Gabriel at nakikipag-usap na siya ng maayos sa kmabal na hindi nagagalit at mas madalas na niyang ilagi ang oras niya dito sa mansyon kaysa sa opisina niya.
Wala pa rin nagbago at ako pa rin ang nag-aalaga sa kambal at tuwang-tuwa sila nang malaman nila na boyfriend ko na ang daddy nila at hindi na nga nila ako tinatawag na nanny.
Tita na at minsan ay tinatawag na nila ako na mommy kaya nakakataba ng puso, hindi pa rin nagbago ang trabaho ko dito sa mansyon at kahit sinabi ni Gabriel na hindi ko na kailangan na magtrabaho ay hindi ako pumayag.
Ayaw ko nang special treatment at may isa lang ako na hiniling sa kanya ito ay ang mag-aral akong muli at pumayag siya ng walang pag-atubili.
At ngayong araw ang unang klase ko kaya kinakabahan ako, hindi naman sikat na eskwelahan ang papasukan ko dahil ayokong makakuha ng atensyon sa ibang tao.
Kung saan ay makakapag-aral ako ng mabuti dito at sapat na ito sa akin.
Tuwang-tuwa rin sina nanay dahil mag-aaral ulit ako kaya masaya rin ako dahil proud na proud sila sa akin.
"Mommy nakabihis ka na ba?" Napatingin ako sa pinto ko nang marinig ko si Angelo na kumakatok kaya napangiti ako
sinukbit ko na ang bag ko.
"Opo ito na po." Sabi ko sa kanya at binuksan ko na ang pinto at namangha siya ng makita ako at hinalikan ko siya sa pisngi.
Magkahawak kamay kami na bumaba at naabutan namin si Gabriel at Anthony na naghihintay sa amin sa hapag-kainan kaya napangiti ako.
"Good morning babe, you look beautiful in your uniform." Bati ni Gabriel na hinalikan ako sa noo kaya napangiti ako sa kanya at binati rin si Anthony na mangha rin na nakatitig sa akin.
Inaya ko na sila na kumain na kami dahil baka mahuli pa kami kung magbo bolahan lang kami dito.
Masaya kaming nag-agahan at nagkwentuhan, pero kami lang pala na tatlo dahil si Gabriel ay hindi naman nakikisali sa amin.
Hinayaan niya lang kami na mag-kwentuhan pero hindi naman nagsalita.
Nang matapos kami ay binigay ni tiya ang apat na baunan kaya napangiti ako at yumakap sa kanya at nagpasalamat.
"Ito baon mo para hindi ka na bumili sa canteen, at ito para sa kambal at kay Gabriel." Sabi ni tiya kaya napangiti ako lalo at tumango sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Salamat po tiya aalis na kami." Nakangiti ko na turan sa kanya napangiti na rin siya.
Binigay ko na ang baon ng kambal at kay Gabriel na napatingin sa akin.
"Baon mo para hindi ka na lumabas ng opisina mo." Sabi ko sa kanya na napangiti na lang at tumango saka na nag-drive.
Pakanta-kanta ako habang nag-da drive si Gabriel at nahatid na namin ang kambal kaya ako naman ang ihahatid niya.
Magkasalikop ang kamay namin at anh isa niya ay pinang-da drive niya at kaya kinikilig ako ng sobra.
Kakapanood ko ng mga k-drama kaya nararanasan ko na rin ngayon ito dahil hindi ako makapaniwala na may boyfriend ako ng sobrang gwapo.
"I will fetch you later okay baby." Sabi ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya at napatango.
Mayamaya lang ay nandito na kami sa university kaya kinabahan ako ng malala kaya napatingin ako kay Gabriel.
"Good luck kaya mo yan okay, masasanay ka rin mga ilang araw lang." Sabi niya kaya gumaan ang pakiramdam ko dahil pinalakas na nga niya ang loob ko ay pati ang tibok ng puso ko.
Humalik muna ako sa pisngi niya at saka na ako lumabas sa kotse niya dahil ayoko na siyang lumabas pa ng sasakyan niya.
Kumaway ako sa kanya kahit na hindi ko nakikita ang loob alam ko na nakikita niya ako mayamaya pa ay bumisina na siya at tuluyan ng umalis.
Napahinga ako ng malalim bago ako humarap sa school ko at napahawak sa dibdib ko bago ako pumasok sa loob.
May mga estudyante na sa loob at kanya-kanya naman sila ng lakad, walang namamansin parang walang pakialam.
Nilabas ko na lang ang papel na may schedule ko at hinanap ang faculty room para magpakilala sa magiging adviser ko.
Hindi naman ako nahirapan dahil mabait naman ang adviser ko at medyo matanda ito, mukha nga lang raw siyang estrikto pero mabait talaga siya.
Sinama na niya ako sa magiging unang subject ko at lalo tuloy akong kinabahan.
"Don't be nervous hija mababait ang mga magiging kaklase mo." Sabi ni ma'am kaya napatango ako.
May mga estudyante na sa loob at tamang-tama ay simula na ng klase kaya kinabahan ako lalo na at nakatingin lahat ang mga tao sa akin.
"Class may bago kayong kaklase ito si Miss Sonata Castillo." Naghiyawan ang mga lalake at pumalakpak naman ang mga babae kaya napayuko ako sa hiya.
Pinaupo na ako ng adviser namin at sa may bandang dulo ako at katabi ko ang isang babae na agad akong nginitian.
"Hello ako si Bianca nice to meet you." Pakilala niya at tinaas ang kamay kaya agad ko itong kinuha at napangiti.
Isa-isa na rin na nagpakilala ang ilan sa mga kaklase ko na babae kaya nakahinga ako ng maluwag dahil mababait naman pala ang mga kaklase ko.
Sa maghapon ay naging maayos lahat iba-iba na kami ng subject ng ilan sa mga kaklase ko at ayos lang dahil hindi naman na ako nahirapan.
Si Bianca ay halos kaklase ko sa lahat ng subject kaya may nagga-guide sa akin.
Mabait ito at madaldal anak raw siya ng parehong doktor pero gusto niya ay HRM kaya napangiti lang ako, gusto niya kasing maging magaling na chef dahil ito ang gusto niya.
Oo nga pala HRM ang kinuha ko na kurso dahil ito talaga ang gusto ko ang maging magaling na chef at pangarap ko rin talaga na magkaroon ako ng sarili kong restuarant.
Hindi naman tumutol dito si Gabriel at buong puso niya itong sinuportahan kaya masayang-masaya ang puso ko.
Pauwi na ako ay tinignan ko ang cellphone ko at nag-message na pala si Gabriel na malapit na siya kaya napangiti ako.
"Pauwi ka na ba?" Napatingin ako kay Bianca kaya napatango ako at may dumating na pulang sasakyan.
"Boyfriend ko nandito na bye kita na lang tayo bukas." Sabi niya kaya napatango ako at kumaway na lang sa kanya.
May napansin ako kay Bianca para bang napakagaslaw nitong kumilos at narinig ko kanina sa kaklase ko na babae ay plastic ito.
Binalaan ako ng isa sa kanila kaya napailing na lang ako, ito raw ang laging ginagawa nito nakikipagkaibigan sa mga bago.
Hindi ko na lang ito pinansin at ang mahalaga naman sa akin ay ang mag-aral ng mabuti yon lang.
Mayamaya pa ay dumating na si Gabriel kaya napangiti ako at agad ko nang binuksan ang pinto saka ako pumasok.
"Hello babe hows your first day?" Tanong niya agad na hinalikan ako sa labi kaya napangiti ako.
"Okay lang nag-enjoy ako." Nakangiti ko na turan sa kanya saka ko na kinabit ang seatbelt ko.
Alas-kwatro ay uwian na namin at itong si Gabriel ay gusto akong sunduin at babalik siya ng opisina niya dahil alas-sais ang uwi niya saka na kami magkasamang uuwi.
Kaya mananatili muna ako sa opisina niya kaya napangiti ako sa kanya dahil ayaw niya ako na magsolo ako na bumyahe.
Nang makarating kami sa opisina niya ay sumakay ulit kami sa pribado niyang elevator diretso na sa opisina niya.
Napaupo ako sa sofa at tinanggal agad ang sapatos ko dahil kanina pa ito sumasakit.
"Is your feet is hurt baby?" Napatingin ako kay Gabriel na umupo sa harap ko at tinignan ang paa ko.
"Masakit pero okay lang sa umpisa lang yan." Sabi ko sa kanya kaya dahan-dahan niya itong hinilot kaya napangiti ako.
Ang sweet talaga nitong boyfriend ko walang arte na nakaupo sa harap ko at hinihilot ang paa ko.
"Tama yan mahal okay na ako." Sabi ko sa kanya kaya napatingala siya sa akin at ngumiti.
Umupo na siya sa tabi ko at kinabig ako payakap sa kanya at pinakandong niya ako sa kanya at saka niya ako hinalikan.
Napayakap na lang ako sa leeg niya at tinugon ang nakakawala nang hiningang halik niya at napaungol na lang ako.