アプリをダウンロード
91.66% Lost Soul (Puerto de Cavite Series #1) / Chapter 11: Ika-sampung Kabanata

章 11: Ika-sampung Kabanata

Tahimik kong sinusuyod ang daan papuntang Fort San Felipe habang titig na titig sa dalawang bagay na ibinigay ng Alcalde, palaisipan pa rin sa 'kin ang bagay na hawak-hawak ko.
Ang isa ay selyadong-selyado ng sobre, matibay iyon at hindi ko kayang buksan. Malinis ang likod nito at walang kasulat-sulat. Pero sa tingin ko ay may matatagpuan sa loob. Pero kahit itutok ko sa liwanag ng araw, wala pa rin aking mapapala dahil wala naman akong maaninag.
Dumako naman ang tingin ko sa papel na nakatiklop lang. Hindi kagaya ng isa, ito naman ay hindi naka-sobre. Ani Don Sergio, ito raw ang magiging "pass" ko para makausap ang heneral na sinasabi niya.
Tinangka ko pa nga 'yong basahin pero dahil nakasulat sa wikang Español, wala akong maintindihan kaya gulong-gulo ako sa pagkakataong 'to.
Dumadagundong ang buo kong sistema. Mukhang hindi ko kaya. Papasok ako sa kampo ng mga sundalo, ng mga guwardiya sibil, ng mga armadong tao. Hindi lang 'yon. Haharapin ko pa ang pinaka-heneral na humahawak sa San Felipe at sa buong Cavite para magbigay ng isang sulat. Nasisiguro kong may katandaan na ito at may kalupitan.
Hindi ko mapigilang hindi kabahan at manginig. Ayokong makaharap ang mga tulad nila kung maaari lang. Ngunit sa ngalan ni Don Sergio ay gagawin ko. Ewan ko ba at parang bigla akong naging dakilang messenger.
Napadaan ako sa isang malaking gusali. Gawa sa granitong bato ang sumunod na dalawang gusaling magka-konektado. Naroroon ang mga militar na nagbabantay.
Nakita ko ang matalim na tingin ng mga militar dito sa 'kin pero hindi ko na muna sila pinansin. Dumiretso ako sa direksyon ng Fort San Felipe ngunit hindi pa man ako nakakalapit at napatigil na ako.
Hindi ko alam kung mamamangha ako o matatakot.
Pader na pader lang iyon na pantay at isang daang pa-circular ang daan papasok o papalabas ng Fort San Felipe sa bayang 'to. Wala pa ang mala-bahay na makikita sa itaas ng daang iyon. Isa pa, may mga hanay ng kanyon sa ibabaw ng pader at may mga armadong tao rin doon. Sa magkabilang dulo naman, may dalawang nagsisitabaang pa-bilog na parang rook sa chess ang iyong makikita at may mga kanyon ring mamamataan doon.
Samantala, malawak na damuhan ang tapat ng fort. Mahangin na sa parteng ito. May iilang puno sa paligid ngunit bilang lang sa aking mga daliri. Hindi pa lalagpas doon. Ito siguro ang Plaza de Armas. Ang mismong lugar kung saan binitay ang labintatlong (13) martir. What I mean is, dito sila mabibitay pagkalipas ng sampung taon sa panahong 'to.
Sa aking kaalaman, ang labintatlong martir ay sina Maximo Inocencio, Victorino Luciano, Francisco Osorio, Luis Aguado, Hugo Perez, Luis Lallana, Antonio San Agustin, Agapito Conchu, Maximo Gregorio, Alfonso de Ocampo, Feliciano Cabuco, Eugenio Cabezas, at Severino Lapidio. Sila ang mga katipunero na nanguna sa tangkang pag-aaklas sa Fort San Felipe. Sa kasamaang palad, may isang babae ang nagsuplong sa gagawing hakbang ng mga katipunero sa mga Kastila kaya agaran silang hinuli. Sa huli, nabitay sila dito sa plaza matapos litisin sa salang pag-aaklas.
Tinatahak ko ang daan sa San Felipe. Kagaya ng mainit na pakiramdam na dala ng araw ay parang sinusunog ang kaluluwa ko. Pilit kong nilalabanan ang panginginig ng aking tuhod at malalim ang paghinga ko upang hindi kapusin ng hangin. Kailangan kong ipakita na malakas ang aking loob upang masunod ko ang bilin ng Alcalde Mayor na ako'y mag-iingat.
Pagkarating na pagkarating ko sa daan papasok ng Fort San Felipe, agad kong ipinakita ang sulat na magiging "pass" ko papasok. Hindi naman ako nabigo dahil isa sa mga guwardiya sibil ang umalalay sa 'kin papasok.
Bumungad sa 'kin ang buong kampo. Kita ko mula pa lang sa entrada ang ilang gusali na siguro'y pahingaan ng mga armadong tao. May isang chapel rin dito. Sa gitna ng kampo ay may isang punong matayog. Iginagaya ako ng isang guardia sa isang gusaling maliit lamang ang sakop na espasyo. Ngunit kagaya ng iba, may ikalawa itong palapag.
"Tila isang binibini ang naririto," isang boses ng matanda ang narinig ko. Bumungad sa 'kin ang isang naka-pang-militar na matandang lalaki. Iba ang kaniyang sumbrero kaysa sa mga guwardiya sibil. Malapit ang edad nito kay Don Sergio ngunit mas bata ng kaunti. Balbas sarado ito at may bigote pa. Ang kaniyang bibig ang nakangisi sa 'kin na ikinatakot ko ng lubos.
"Ano ang iyong sadya sa moog ng San Felipe, Binibini?" nakakasura niyang pagtatanong.
"K-kayo po ang provincial heneral?" ninenerbyos kong tanong. Sana ay siya. Sana ay siya. Gusto ko ng umalis dito!
"Hindi ako ang heneral ngunit malapit-lapit na rin ang araw na yaon," pagmamayabang niya pa sa 'kin.
Nakakaloko siya. Gusto kong magmura. Oo o hindi lang naman ang sagot, kung ano-ano pa ang sinasabi!
"Kung gano'n, nasa'n ho siya?" nawalan na ako ng galang dahil sa mga pinagsasasabi nito. Nananatili pa rin ang nakakaasar nitong ngiti. Yung tipong nakakainsulto at nakakainis.
Isang pagputok ng baril ang narinig ko sa hindi kalayuan. Napatakip pa ako ng tainga at napatianod sa gulat. Mabilis ang pagtibok ng aking dibdib dahil nerbyos.
Napatingin ako sa kabilang na direksyon ng entrada ng San Felipe. Doon ay may daan rin at may pader na sigurado kong seperator o divider lang ng fort. Doon nanggaling ang tunog.
"Kasalukuyan pa siyang may nililitis na indio kaya't hindi ka niya agarang madadaluhan. Sasamahan kita sa kaniyang opisina dahil siya rin ang aking pakay," aniya. Bumaling ito sa guwardiya sibil. "Maaari ka nang magbalik sa iyong pwesto," utos ng matanda sa kaniya.
Hindi alam ng lalaki kung susunod ba siya o hindi. Tinitigan ko ang guwardiya, hinihiling na huwag pumayag sa gusto ng matanda ngunit nabasa ko ang pagkabalisa sa kaniyang mukha. Sa huli, umalis siya ng may takot. At hindi ako tanga upang hindi malaman kung sino ang may kagagawan noon.
"Tayo'y humayo na sa loob," pag-iimbita nito sa 'kin na akala mo ay siya ang heneral. Gusto kong mapamura sa kapal ng mukha niya pero ninenerbyos naman ako sa pwede niyang gawin.
Grabe ang pakiramdam na 'to. Sila-sila lang naman nina Nay Conching, Barbara at Ate Alana ang uminom ng kapeng barako pero ba't ako ang kinakabahan ng ganito? May kakaiba pero hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa niya dahil hindi na siya inusisa ng dalawa pang guwardiya sibil papasok sa isang tanggapan na hindi naman kaniya.
Nang makapasok ako ay parang napaka-init, para akong sinasakal. Hindi gaanong bukas ang mga bintana at konting liwanag lang ang pumapasok dito.
Ang unang palapag ay parang isang normal na opisina lang katulad ng kay Don Sergio. Pagkapasok ay makikita ang sagisag ng España. May lamesa rin dito kung saan nakapatong ang ilang papeles at isang maliit na paso ng halaman. May sala set rin dito, dalawang upuang magkatapat at isang nagsisilbing kabisera. May coffee table rin, lahat ay gawa sa kahoy na pinakinis. Dark ang kulay noon at makintab. Samantala, sa kanan ay may dalawang bookshelf at bintana. Sa pinakasulok ay may isang pintuan. Sa kaliwa naman ay may lamisetang may isang mamahaling vase, landscape painting ng isang karagatan at barko na ang disenyo ay sa panahong 'to, at hagdanan paakyat.
Nawala ako sa pag-oobserba ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Pagkatapos noon ay saka ko naramdaman ang nagnanasa nitong paghawak sa balikat ko.
Nilingon ko ang matandang lalaking ngising-ngisi sa 'kin. Napahigpit ang hawak ko sa sobre dahil sa takot, gano'n na rin sa laylayan ng aking baro.
Sinubukan kong umatras kahit nabangga ko na ang isang upuan. Gusto kong sumigaw dahil siguradong rinig ako sa labas ngunit hindi ko alam kung papakinggan ba nila ako. Parang may nakabara pa sa lalamunan ko. Tumigil ako sa haligi ng hagdanan dahil hanggang doon na lang ang espasyo ko.
"Walang makikinig sa 'yo kung ika'y sisigaw, hindi ba? Sa tingin mo ba'y ililigtas nila ang isang indiang katulad mo?" pagbabanta niya sa 'kin. Kahit man ay puno ako ng takot, humugot ako ng lakas ng loob para magsalita. Ang hahawak na sana niyang kamay sa leeg ko ay naiwan sa ere.
"A-at sa tingin mo ba ay papanigan nila ang isang ilusyunadong sundalong nangangarap maging heneral?!" sigaw ko sa kaniya. "Napakataas ng lipad mo kung gano'n!" dagdag ko pang sigaw.
At kung saan ko nakuha ang lakas ko? Malamang ay sa adrenaline ko 'yon. Nagpa-panic na ako sa totoo lang. Kahit pa halo-halong tensyon ang nararamdaman ko, pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili. Wala na akong maisip na paraan. Wala akong maihahampas sa kaniya. At mahirap kung gagawan ko ng krimen ang isang tao ng hukbo lalo pa't sa loob pa ng San Felipe.
Walang matinong hustisya. Walang kwenta ang batas ng mga tao. Dahil papanigan pa ng magiging hukom sa paglilitis ang taong mapera, may kapangyarihan, at titulo kaysa sa totoong biktima sa isang krimen. Mas tinutulungan nila ang mga halimaw na nangangain kaysa sa mga kinakain at ginugupong mahihinang nilalang.
Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang pagdating ng tunay na heneral. Kung may nililitis man siya, sana ay matapos na iyon para makapunta na siyang agad. Mabait man siya o hindi, siya na lang ang makakapigil nito.
"Estupida!" galit na galit na salita niya sa 'kin at itinaas ang kaniyang kamay para masampal niya ako.
Napapikit na lang ako ng mariin at napatakip sa mukha.
Nang hindi pa tumatama ang kaniyang palad sa 'kin ay bigla akong napadilat.
Namataan ko na lang na kaya pala hindi natuloy ang pananampal sa 'kin ng matanda dahil may lalaking pumigil sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang madiskubre ko kung sino 'yon. Siya 'yon! Ang lalaki sa Plaza Soledad. Siya rin ang bisita ni Don Sergio na nangangalang Feliciano. Hindi ako pwedeng magkamali!
"¿Qué estás haciendo aquí? ¡¿Por qué estás aquí?! (What are you doing here? Why are you here?!)" hindi ko man naiintindihan ang sinabi-tinanong ng lalaki sa matanda, alam kong galit na galit siya lalo na nang ilabas nito ang kaniyang frustrations sa ikalawang tanong.
"H-heneral Feliciano!" Animo'y gulat na gulat ang matanda. Ano raw? Heneral?! Siya 'yon?!
Mahigpit na mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa pulsuhan ng matanda. Lumalabas ang mga ugat nito sa kamay, leeg, at sintido. Kulang na lang ay maputol ang mga 'yon. Para siyang sinapian ng masamang nilalang ngayon na hindi ko maidepina. Kita ko rin ang pagkuyom ng isa pa niyang kamay, handang-handa na saktan ito ngunit may pagpipigil.
Inilibot ko ang aking mata, hinanap ang dahilan kung bakit siya nakapasok. Nang tumama ang aking mata sa pintuan ay nasira niya pala ang pinto kaya pumapasok na ang liwanag. Ni hindi ko man lang iyon napansin.
"Hablaremos con su oficina en Casa del Apunton, Teniente Confrodio Salud. ¡Ahora vete! (We will talk to your office in Casa del ApuntonTeniente Confrodio Salud. Now, leave!)" buong tapang niyang saad kahit pa matanda ang kausap at saka binitawan ito. Muli, wala na naman akong naintindihan.
Kahit pa nagpupuyos sa galit ang ilusyunadong matanda sa 'kin, wala siyang nagawa dahil sa itinuran ng tunay na heneral na hindi ko na naman naintindihan.
Nang mawala na sa paningin ko ang matandang lalaki, pati na rin ang ilang guwardiyang sibil na nasa opisina rin ng Heneral ay nahimasmasan na ako pati na rin ang lalaking kaharap ko ngayon.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa pagdating niya. Napahilamos ako ng mukha bago ko hinarap ang siyang tunay na pakay ko.
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang militar na uniporme. Halatang ibang-iba 'yon sa mga normal na armadong lalaki. Pati ang sumbrero niya ay isinisigaw ang kaniyang posisyon.
Siya pala ang heneral na pinapatungkulan ni Don Sergio. Ang Kastila na bumisita sa kaniya noong nakaraang linggo. Hindi naman kasi siya ipinakilala sa 'kin noon at walang dahilan para makilala siya.
"¿Estás realmente loco por entrar no solo al Fuerte San Felipe sino a mi oficina? ¿Quién te crees que eres y por qué estás aquí? (Are you really crazy to enter not only the Fort San Felipe but my office?! Who do you think you are and why are you even here?!)" dalawang tanong na punong-puno ng frustration na hindi ko naman maintindihan ang isinigaw niya sa 'kin. Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong nagtatanong siya sa 'kin pero sa paraang wala akong ideya. Ewan ko kung bakit bigla akong nainis. Bakit parang mas galit na galit pa siya sa 'kin e ako na nga ang biktima?!
"Unang-una sa lahat, kung may sinasabi ka, 'wag mo kong ma-Espa-Español dahil hindi kita maintindihan!" gigil na gigil kong sabi. "Pangalawa, ako na nga nabiktima, ba't parang kasalanan ko pa ngayon, ha?!" dagdag ko. Wala nga talagang pake ang mga kastilang ito sa amin!
Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko namalayan na may dumausdos na likido sa aking pisngi. Sinadya kong yumuko muna para magpunas ng luha bago ko siyang muling harapin.
"Pangatlo, hindi ako mangangahas na magpunta dito kung hindi kinakailangan. Nakikita mo 'to?" pakita ko sa kaniya ng sulat. "Isa ako sa mga katiwala ng Alcalde Mayor kung naaalala mo lang naman, na naatasang ibigay ang mensaheng 'to sa 'yo. 'Yan lang ang pakay ko," matapang kong saad.
Wala akong pakielam sa ngayon dahil sa nadadala na ako ng emosyon. Tahasan kong kinuha ang kamay niya kahit pa labag 'yon sa mata ng mga matatanda at ng panahong 'to.
"Ingatan mo 'yan dahil iningatan ko 'yan. Nakita mo, lukot na nga e kaka-protekta ko, mababasa mo pa naman," sarkastiko kong saad patungkol sa sobreng hinigpitan ko sa pagkakahawak kanina. "Hindi ako nandito para sa wala lang. Ibinilin niya kasing direkta kong ibigay sa 'yo," pigil ang pagluha ko habang nagdadahilan. Binitawan ko na ang kamay niya.
"Ngayong tapos na ako, magpapaalam na ako sa 'yo," sabi ko habang tinitigang mabuti ang tsokolate niyang mata at saka yumukod bilang paggalang.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay napalingon ako sa kaniya. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa ang nasa utak ko pero hindi ko alam kung bakit ako binubulungan ng konsensya ko na ituloy 'yon lalo na't kaming dalawa pa rin ang naririto.
"Iingatan mo ang iyong posisyon, titulo, kapangyarihan, at pera. Lalo na ang buhay mo. Walang saysay ang mga mayroon ka kung pababayaan mo ang buhay mo. Kung sa mga iyon talaga umiikot ang mundo mo, wala akong pakielam." Hindi na ako naduwag sa mga sinasabi ko. "Sa laro ng mga may posisyon sa bayang 'to, puno ng pandarayang paraan para lang makatagal at umangat sila."
"Mahalaga ka sa Alcalde Mayor kaya ko 'to sinasabi. Mag-iingat po kayo, Heneral Feliciano," huling salita ko bago tuluyang lumisan sa Fort San Felipe. Hindi ko alam bakit nga ba ako nag-iwan pa ng advice sa isang Kastila. Dapat ay hindi na lang.
Sa paglalakad ay lihim na tumatakas ang aking mga luha. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Ang pamilyar na gusali kung saan ako unang nagmulat ng mata sa panahong ito.
Pumasok ako sa gusaling iyon. Iba't ibang tao ang nakikita ko. Mayroon pa sa kanilang pare-pareho ng suot pero inantabayan ng mata ko ang isang pigurang nakatatak na sa isip.
"Binibini, anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Ang boses na 'yon.
Muli na namang umusbong ang aking emosyon. Hinarap ko ang direksyon ng pamilyar na babaeng unang dumamay sa 'kin sa panahong 'to.
"B-binibining mongha," nanginginig at mangiyak-ngiyak kong sambit at agad na napayakap sa kaniya. Sa kaniyang balikat, doon umagos ang mga luha ko na para bang rumaragasang ilog.

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C11
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン