アプリをダウンロード
60% Noon Pa Sana (Lovers Series #1) [FILIPINO] / Chapter 3: CHAPTER 1

章 3: CHAPTER 1

CHAPTER 1

"Salamat... Hehehe," napapayukong sabi ko sa lalaki.

"Wala 'yun... Hmmm, by the way, I am Sanjay Ferrer." Ngumiti siya sa akin at nakikipag-abot ng kamay. Syempre inabot ko iyon.

"Eliza Dela Cruz," pagpapakilala ko rin.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging mas close kami ni Sanjay at minsan pa nga'y nakakasabay namin sya mag-recess ni Marialyn. Nakikita na niya raw ako dati pagkatapos nung nangyari na 'yung sa paglipad ng papel. Nahihiya lang daw siya lumapit sa akin.

Pero ewan ko ba kasi palagi niya akong napapangiti.

Hanggang sa nakalipas ang isang taon ay nakilala na nga siya ni Mama at Papa saka mga kapatid ko e. Ang saya lang dahil magkakaklase kami nila Marialyn at dahil din parehas kami ng mga course ngayong college dito sa San Juanito University.

"Guys, may papakilala ako sa inyo mamaya," sabi ni Marialyn pagkapasok namin dito sa classroom.

"Sino?" sabay naming tanong ni Sanjay.

"Malalaman niyo rin! Pagkatapos ng dalawang klase. Recess naman na no'n 'di ba?"

"Oo," sagot ko.

At nagsimula na nga ang klase namin sa dalawang professors namin.

--

"Sino ba 'yung ipapakilala mo sa amin Marialyn?" tanong ni Sanjay habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Atat ah! Heto na, malapit na tayo sa canteen."

"Kilala ba namin?" tanong ulit ni Sanjay.

"Hmmm..." Tumingin pa si Marialyn ya taas. "Guess it!"

Nanguna na siya sa paglalakad, nagkatinginan pa kami ni Sanjay sa isa't isa at nagkailingan pa saka sumunod na lang kay Marialyn.

Pagkapasok namin dito sa canteen ay nilapitan na naman ni Sanjay si Marialyn. Excited na excited nga si Sanjay roon.

"Ano, nasaan na?"

"Wait lang! Tara, doon tayo sa loob!" Nag-killer smile pa si Marialyn.

At ngayon pagkapasok namin dito sa loob ay napatigil siya roon sa isang mesa na nasa dulo at saka may nakaupo na isang pamilyar na lalaki roon. Nang makita kung sino 'yung lalaki ay nanlaki ang mata ko. Si Andy! Best friend ni Sanjay!

"Andy?!" natatawa at nagtatakang sabi ni Sanjay.

"Oo p're, ako 'to!"

"Boyfriend ko na nga pala siya!"

Sa sinabi ni Marialyn, kinagulat namin 'yon ni Sanjay. Nagkatinginan pa kami sa isa't isa ni Sanjay bago muli tignan sila.

"Weh?" hindi makapaniwalang sabi ni Sanjay.

"Oo nga. Ayaw maniwala p're! Ninong ka na nga eh, at saka ikaw Eliza!" Natawa kami sa sinabi ng lokong Andy na 'to. "Aray!" reklamo niya dahil sinuntok siya ni Marialyn nang mahina pero tumatawa pa rin siya.

"Ikaw talaga, Andy Ello eh!"

"Tsk, tsk! Ayaw mo no'n, may ninong at ninang na agad tayo? Marialyn Herras!"

"So kailan pa naging kayo?" tanong ni Sanjay.

"Kanina lang pagkapasok natin." sagot ni Marialyn.

At dahil dun nagulat na naman kami ni Sanjay. Hanggang matapos nga ang recess ay hindi pa rin kami makapaniwala sa dalawang 'to.

Ngayon, uwian na at magkakaharap na naman kaming apat.

"Sabay na lang kayo ni Eliza, Sanjay. Ingat kayo ah!" paalam ni Marialyn sa amin.

"Sige, kayo rin ni Andy," sagot ko at tumango na lang sila at umalis.

Nang nakalayo-layo na sila ay saka na kami naglakad ni Sanjay. Tahimik lamang kami naglalakad.

"Hatid na pala kita sa inyo," aniya dahilan para mapalingon ako sa kanya na gulat. "Gulat na gulat ka naman, Eliza! Oo, ihahatid kita." Tumatawa pa siya.

"Eh ngayon mo lang kasi ako ihahatid eh!"

At natawa siya tapos nagsimula na lang kami maglakad.

Kaso habang naglalakad na kami ay napatigil ako saka nagtaka siya kung bakit ako tumigil.

"Bakit?"

"Ah... Doon na lang pala tayo daan!" sabi ko na habang nakaturo sa kabilang kalsada.

Kaso napapatingin pa rin ako kila Rome at doon sa girlfriend niya na naglalakad papunta rito sa gawi namin. Napatingin din doon si Sanjay roon nang mapansin at tinapik niya ako sa balikat. At ito na naman lumingon na naman ako sa kanila!

"Ayos lang 'yan. Tara! Saka mas mabilis ang daan dito kaysa sa kabila. Move on ka naman na 'di ba?"

Wala na akong nagawa kung hindi maglakad.

Nang papasalubong na namin sila ay nagtatawanan pa rin sila at 'yung puso ko naman ay tila lalabas na. Sobra kasi ako kinakabahan!

Naka+move on na ako kay Romechael Fuente kaso kapag nakikita ko siya, may ilang pa rin. Nakakainis!

Nang magkalapit-lapit na kami ay tumingin si Rome sa akin at laking gulat ko naman nang bigla akong akbayan ni Sanjay sa may kanang balikat ko.

"May bato, Eliza! Hays, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo."

At doon ko narealize na may malaking bato pala sa may baba ko and that so awkward kasi nakita siguro ni Rome 'yon kahit nakalampas na sila.

Dalawang taon mahigit na pero ganito pa rin ako. Hindi ko na siya naiisip pero kapag nakikita ko, may ganoon pa rin talaga!

Pagkarating namin dito sa bahay ay nagkangitian na lang kami ni Sanjay at umalis na siya.

Papasok na sana ako sa bahay nang makita ko ang Mama ko at dalawang kapatid ko na nagtatago sa pinto.

"Ay, ano ba 'yan! Nakakagulat naman kayo!" gulat ko pang sabi sa kanilang lahat.

"Boyfriend mo na ba si Sanjay ha anak?" tanong ni Mama sa akin na kinalakihan ko ng mata.

"Hindi pa po, Ma ah! Ano po'ng sinasabi niyo?"

"Ops! Hindi pa! Huli! Ayan ha!" Nagtaka naman ako sa sinabi ng kapatid kong 'to. College na rin siya, 4th year college. Si Ate Lilian.

"Ate hindi ah!"

"Haysus!"

Inasar-asar pa nila ako hanggang sa magsawa sila. Pagkapasok nga sa bahay ay sabay-sabay na kaming kumain. Wala si Papa dahil nasa trabaho.

Kinabukasan, nagpaalam na ako kay Mama na papasok ako at tumango na lang siya sa akin at sinabihan ako ng 'ingat'.

Okay naman na ang grades ko at hindi na namin napagtatalunan iyon ni Mama dahil pursigido na rin ako sa pag-aaral. Dahil ito kay Sanjay, matalino kasi sya at naimpluwensiyahan niya yata ako! Pero hindi ko sinabing tumalino rin ako katulad niya. Second honor nga lagi 'yan eh!

Naisipan kong kuhanin ang cellphone ko para tignan kung sino nag-message.

Sanjay:

- good morning <3

- andito na ako sa kanto nyo

- arat sabay tayo!

Nag-reply ako sa kanya.

Me:

- sige

Medyo na-excite ako kaya naman nagmadali ako sa paglakad at ngayon, nandito na ako sa kanto at tanaw ko siya na nakatayo roon sa may posteng bakal na may puno sa likod at nakalingon sa gilid niya.

Su-surprise ko lang siya na nandito na 'ko!

Kaso potek kasi ang lakas ng pakiramdam niya dahil lumingon na siya sa akin at ngumiti.

"Nandito ka na pala, tara sabay na tayo!" aniya at dumikit na lang ako sa kaniya.

"Sabay naman talaga tayo!" prangkang sabi ko pa sa kanya at tumawa lang siya.

"Are you moving on na ba talaga?" biglang tanong niya at dahilan din 'yon para lingunin ko sya.

"Why did you ask?"

"Wala. Hmmm... Kahapon kasi eh, aligaga ka nang makita mo siya."

"Ah."

He pat on my back. "Okay lang 'yan, Eliza. Saka may mahahanap ka pa riyan, malay mo nasa tabi mo lang pala." Natawa pa siya sa sinabi niya.

"Nice joke?"

"Nice talaga!"

Naikwento ko na sa kanya lahat ng tungkol sa kung paano kami nag-break ni Romechael at ano 'yung mga memories namin sa loob ng five months, kaunting buwan lang iyon pero grabe! Wasak na wasak ako! Talagang minahal ko talaga siya!

Nakakainggit lang 'yung kanyang karelasyon ngayon dahil umabot sila ng taon samantalang kami ay buwan lang at naka-move on na siya ng sobra sa ginawa kong break up! Samantalang ako na nakipag-break, hindi pa rin maka-move on kapag nakikita ko siya.

Pagpasok namin dito sa room ay nadatnan namin ang pagsusulat ng mga kaklase namin, siguro hindi pa nagagawa ang mga assignments nila?

Tabi-tabi kaming apat. Ako, si Sanjay sa kanan ko, si Marialyn sa kaliwa ko at si Andy naman sa katabi ni Marialyn sa kaliwa niya.

Bago kami umupo ni Sanjay ay nagkabatian kami nila Marialyn.

"Enjoy na enjoy ang bagong magjowa ah!" sabi ko pa at nagtawanan sila.

"Gumagawa kami ng memories!" ani Andy.

"Oo tapos magbe-break kayo ganoon?" joke ko sa kanila.

Tumawa si Andy. "Hindi, 'no! Matatag kami nito kaya tatagal kami at forever kami! 'Di ba Marialyn my loves?"

"Oo naman! Enebe nakakakilig ka naman eh!"

Napairap na lang ako.

Ngayon, uian na naman at syempre sabay umuwi sina Marialyn at Andy. Naintindihan ko iyon at hindi ako nagseselos. Nakakamiss lang yung bonding bestfriends namin. Sa susunod nga yayain ko silang tatlo na mag-bonding kami!

Ako na mag-isa ngayon dahil si Sanjay ay may pupuntahan pa kaya hindi niya ako ihahatid sa bahay. Saka nahihiya na rin ako sa kanya, hindi din kami magjowa!

Naisipan kong pumunta rito sa bilihan ng juice and fries. Naalala ko na naman na kumakain kami ni Rome ng ganito at dito mismo 'yon! Napailing na lang ako sa kawalan at bumili na saka iniabot ang bayad sa nagtitinda.

Pagkaharap ko ay laking gulat ko na makita si Rome dito at nakangiti siya sa akin. Hindi ako sobrang nailang dahil noon ay nag-usap kami nito sa message at okay naman na 'yon. Kaso ako 'tong si gaga na umaasa pa rin yata sa kanya!

"Hi!" bati nya sa akin.

"Hello."

"Wala kang kasama?"

"Oo."

Natawa lang ako sa isipan ko dahil nakakausap ko siya at nakakaharap ko siya ng ganito!

"Nasaan 'yung boyfriend mo?" Nakangiti niyang tanong at natawa naman ako dahil sa tanong niya. Si Sanjay siguro tinutukoy niya!

"Boyfriend?"

"Oo, 'yung kasa-kasama mong lalaki palagi kapag nakikita kita?"

Awts.. 'Nakikita kita', ako rin eh, kapag nakikita kita kasama mo girlfriend mo tapos magka-holding hands pa kayo. Sana ako na lang siya, hays! Pero naalala ko 'yung tanong niya, akala niya yata ay boyfriend ko si Sanjay!

Napatawa ako ng bahagya tapos ininom ko 'yung juice sa straw, "Ayon? Ano ka ba, Rome! Hindi ko boyfriend 'yon! He's my bestfriend."

"Ganoon ba... Akala ko lang."

"Kala mo lang!" sabi ko pero deep inside to myself na nandito ka pa rin sa puso ko, Rome. 49% siguro? "Girlfriend mo? Hindi mo kasama?"

"Ah, naihatid ko na sa bahay nila. Saka uuwi na rin ako."

Bumili rin siya ng katulad ng sa akin plus shawarma na buy one take one tapos binigay niya sa akin ang isa. Pagkatapos noon, magkaharap kaming umupo sa isang table dito.

"So kumusta ka na pala?"

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Hmmm... Ayos lang din. Hindi na katulad nung dati," medyo mahinang sabi pa niya sa 'hindi'

"Oh, that's good!"

"And I'm happy that you're happy now too?" aniya sabay kain nung shawarma.

Natawa naman ako nang bahagya. Medyo happy lang naman! Minsan nga, naiisip pa rin kita eh!

"Hmmm... Yeah," sabi ko na lang.

"Okay, so 'yung bestfriend na sinasabi mo? Kumusta naman kayong dalawa?"

"Ayos lang din... Then we're just bestfriend lang talaga, hindi 'yan tulad ng iniisip mo!"

Natawa siya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago eh, 'no!"

"Ganun talaga! Kayo ng girlfriend mo pala, kumusta?"

"Ayos lang din naman kami ni Alexa. Hirap pala mag-legal sa babae. Five months ago bago kami natanggap nang buong-buo," kwento niya't napangiti naman ako.

Hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako? Dapat may sakit akong nararamdaman eh kaso parang wala?

"Ganun ba. Uhm, I'm happy for you."

"Ako rin, I'm happy for you with Sanjay." Napatigil ako sa pagnguya dahil sa kanyang sinabing pangalan.

"Paano mo nalaman pangalan niya?"

"Nakikita ko lang sa posts mo."

Stalker hah!

"Uh, ganoon ba."

"Uhm... Hindi ako makapaniwala na normal na lang 'yung usap natin! Saka ngayon na lang din tayo nagkausap."

"Oo nga eh, normal na nga!"

Nagtuloy na lang kami sa pag-kain dalawa hanggang sa nagkapaalamanan na kami. Na-miss ko tuloy 'yung ihatid niya ako sa bahay. Pero na-realize ko na move on na rin pala ako, akala ko lang pala ay hindi pa. Tanggap ko na din pala. Para lang akong sira na ewan eh! Saka masaya ako dahil nagkausap kami at parehas na rin kaming masaya sa buhay. Sabi pa nga niya na sana mahanap ko na rin 'yung taong para sa akin.

Pero sino kaya 'yung taong para sa akin?

Naikwento ko na rin kila Mama at naikwento ko na din kila Marialyn, Andy at pati na rin kay Sanjay tungkol sa pag-uusap namin ni Rome nung isang araw. Inasar pa nga ako ni Marialyn na baka maging marupok na naman ako at tumawa na lang ako. Saka sina ate Lilian, Mama, Papa at Johann na kapatid kong bunsong lalaki na Grade 9 ay masaya na rin para sa akin.

Pero hindi pa rin maalis sa akin na maalala ko yung memories namin at si Rome. Pero alam kong hanggang doon na lang 'yon saka tanggap ko na rin.

Kapag nagkakasalubong kami ni Rome at nung karelasyon niyang si Alexa ay nagkakabatian na kami. Then syempre nakakabati-bati na rin nila si Sanjay. Ang saya lang kasi friends na kami.

At ayon, dahil sa pagiging sobrang sweet ni Marialyn at Andy ay nag-aya ako ng gala naming apat. Walang pasok ngayon at pwede kaming magtravel-travel dito sa buong San Juanito.

"Libre mo ganoon?" pabirong sabi ni Marialyn.

"Hmmmm... May pera naman ako kaya tara, libre ko kayo sa Noodles Hanna saka libre niyo 'ko sa iba," sabi ko pa.

"Yes! Ngayon na lang ulit tayo nalibre ni Eliza!" sabi pa ni Sanjay.

"Hmmm, okay pero dapat magkatabi kami ni Marialyn sa table?" kondisyon pa ni Andy.

"Oo na, sige na!" sabi ko na lang at natawa na naman silang dalawa ni Marialyn.

Nagkatinginan pa kami ni Sanjay at tumango siya sa akin na nakangiti pagkatapos ay nagpunta na kami rito sa Noodles Hanna.

Nilibre ko sila syempre, coke and noodles! Mura lang naman 'to kaya okay lang! Saka nakakabusog din!

Kwentuhan kami about doon sa mga nangyari sa amin dati na nakakatawa at hanggang sa natapos kami kumain

Ngayon ay umikot kami sa buong Rizal's Market.

Bumili lang kami ng T-shirt at keychains saka teddy bears at binigyan pa ako ni Sanjay ng keychain na isang babaeng may hawak na heart. Syempre binigyan ko rin si Sanjay ng teddy bear na maliit at natuwa siya roon. Hindi ako papatalo syempre! May bigay rin ako kay Sanjay!

Pero ang tunay na hindi nagpapatalo ay itong sina Marialyn at Andy. Halos lampungan na ang ginagawa nila habang bumibili kami! Sana all!

Pagkatapos noon ay rito na kaming nagpunta sa Rizal's Market's Mall at nag-ikot-ikot kami. Bumili ang magjowa na ito ng ice cream at tig-isa sila. Ang kinatuwaan ko ay nilibre din nila kami ni Sanjay ng ice cream! Buti nakaramdam sila.

Hanggang sa lumipas ang ilang oras at gabi na. Naglalakad na kami pauwi.

"Thanks sa time. Ingat kayo! Next time ulit!" sabi ko sa kanilang tatlo.

"Ang saya, potek!" ani Sanjay na natatawa.

"Kaya nga p're eh! Laughtrip si Marialyn, pati mga bra at panty sinusukat eh. Nakakahiya ka talaga, Marialyn!" sabi ni Andy.

"Bwisit ka!" sigaw naman ni Marialyn kay Andy

Dahil doon, natawa kaming apat.

"Sa susunod. Kaming dalawa lang magde-date ni Marialyn!" Natatawang nagpapainggit pang sabi ni Andy.

"Sa weeksary na lang natin!"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Marialyn.

Tumawa si Sanya. "Sama naman kami riyan sa weeksary niyo! Ang daya niyo ah!"

"Wag na, kayo kung gusto niyo! Kayo mag-date ni Eliza!" sagot ni Andy kay Sanjay na may pangangasar.

"Daya!"

Nagtawanan lang sila ni Marialyn. Pagkatapos nga ng sandaling kwentuhan ay nagsiuwian na kami.

Ngayon, habang nakaupo ako sa higaan ay tinitignan ko itong keychain na bigay sa akin ni Sanjay. Isang babae na may dala-dalang heart, souvenir design at medyo malaki sya tapos nakangiti at pang-princess ang suot. Ito 'yung dakot ng kamay mo 'yung tao. Napangiti ako at parang kinikilig na ewan!

Kinabukasan ay sabay kami ni Sanjay pumasok. Minessage niya kasi ako na sabay daw kami.

"May kwento ako sa 'yo.. Hindi ko pala naikekwento sa iyo," sabi ni Sanjay kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano naman 'yon?"

"About sa ex-girlfriend ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. "May ex-girlfriend ka?" takang tanong ko.

"Oo, ngayon ko lang maikekwento sa iyo pala. Dahil sa 'yo kaya ko ito ikekwento, nakakaawa ka kasi eh dahil hindi ka pa maka-move on diyan sa Romechael Fuente na 'yan! Mas gwapo naman ako riyan eh!"

"Tsk! Sige na magkwento ka na lang diyan!"

"Alam mo ba, kami ng girlfriend ko ay sweet kami. Second year high school naging kami at lihim ang relasyon namin kaso nang malaman ng magulang namin ay pinaghiwalay kaming dalawa! Sobra ngang galit si Mommy sa akin noon eh! Ayon lang kwento ko!" kwento niya tapos natawa.

"Ay, weh? Tapos ano pa'ng nangyari?"

"Ayon nga 'yung kwento ko!"

Napakunot-noo ako. "Luh? Wala man lang 'yung nasaktan ka gano'n? Bitin ka naman magkwento!"

Napatawa pa siya ng bahagya. "Nasaktan din ako at hindi ako makapaniwala na nangyari iyon, then matagal din ako naka-move on, three months yata, eh one month lang kami mahigit nun."

"Nadodoble pala ang pag-move on. Hays, grabe naman. One month plus kayo tapos three months plus ka naka-move on."

"Oo, buti nga sa akin nadodoble lang e 'yung sayo triple, quadro, singko times!" Tumawa siya kaya hinampas ko siya sa kanyang braso.

"Grabe ka sa akin! At least, kahit ganoon, naka-move on!"

"Ayon 'yung sasabihin ko sa 'yo. Makaka-move on ka rin at matatanggap mo 'yan!"

"Iyon nga... Ang saya lang sa feeling at saka nga pala, may communication pa ba kayo nung girl?"

"Wala na at saka nasa probinsya na 'yun. Hindi na nga raw nag-aaral 'yon eh, parang nagtatrabaho."

"Ay gano—"

Naputol ang sinasabi ko dahil nagulat ako sa biglang kulog. Napadikit kaagad ako kay Sanjay dahil doon!

Nagkatinginan kaming dalawa sa mata at nagulat ako dahil parang nag-slow motion ang paligid. Ano 'tong nangyayari? Bakit parang naiilang ako kay Sanjay pero gusto ko pa rin siyang tignan?

Matagal nga kami nagkatitigan ni Sanjay at na-realize ko ngang nakayakap pala ako sa kanya nang mahigpit habang ako ay yakap niya rin na hawak-hawak ang balikat ko.

Naalala ko na naman si Rome sa kanya!

"Rome! Kumukulog!" sigaw ko at bigla akong napadikit sa kanya tapos niyakap ko siya nang mahigpit.

Kumulog na naman at dahil doon, napasigaw na naman ako.

Bigla niya namang tinakpan ang dalawang tainga ko gamit ang dalawang kamay niya at saka niyakap siya lalo nang mahigpit. Natatakot ako na baka kumulog na naman.

"Ayos lang 'yan, Eliza. Kulog lang 'yan dahil nandito ako."

Nawala 'yung naaalala ko dahil kumulog na naman at ganoon na naman ako. Mas lalo ko ngang niyakap si Sanjay nang mahigpit.

Laking gulat ko pa nang bigla niyang takpan ang tainga ko tapos nagsalita sya.

"Ayos lang 'yan, Eliza..." Nilapit niya 'yung sarili niya sa tainga ko, tinanggal niya pa ang kaniyang isang kamay sa tainga ko. "Kulog lang 'yan, Eliza dahil nandito ako."

Dahil doon, napatingin ako sa kanya at umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Nakatakip pa rin ang kanyang dalawang kamay sa tainga ko.

Ganiyang-ganiyan ang sinabi ni Rome sa akin noon... Pero iba ang epekto kay Sanjay.

-END OF CHAPTER 1-

THANK YOU SO MUCH FOR READING!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン