PROLOGUE
"You failed of my long quiz, Eliza," sabi ng Teacher ko sa English at inabot nya sa akin ang paper result of the long quiz.
5/45.
"You should better luck next time, Eliza." Tinapik nya ako sa balikat at saka umalis na.
At pagkaalis niya ay hindi ko na napigilan ang luha ko. Paano na lang sasabihin nina Mama at Papa nito? Pagkukumpara na naman ako sa mga kapatid at pinsan ko ganun?
Lagi naman silang ganyan eh!
Habang naglalakad ako sa court ay nakikita ko ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Eh paano ba naman bagsak ako at lowest ako sa pinaka-last quiz namin. Hayst!
Grade 10 pa lang ako pero ganito na nangyayari?
Wala eh.. I'm stupid! I'm dumbbell.
Napaupo na lang ako rito sa bench ng court at tinignan ulit ang result.
Shit, puro mali mali hayst!
Napatingala na lang ako at pinipigilan ang luha ko.
Pinunasan ko ng panyo ang mata ko kaso biglang nalaglag ang papel ko.
Dali-dali akong tumayo at hinabol iyon, lumilipad sya and shit! Ang lakas ng hangin tapos ang kulimlim at uulan pa yata!
Habang hinahabol ko yung papel ay biglang may sumulpot sa harap kong lalaki at pinulot niya ang papel na iyon. Pagkapulot niya ay binigay nya 'to sa akin.
"Miss oh," aniya at iniabot sa akin ang papel.
Medyo nahiya ako hindi dahil sa gwapo siya, kung hindi baka nakita nya ang score ko.
"Eliza Dela Cruz? Right? Hmmm." Pinagmasdan nya ang papel kaya agad ko itong kinuha.
Pinunasan ko pa ang luha ko at tumalikod sa kanya.
"That's okay, lady. Pwede ka pang bumawi for the next quarters and next school years! Do it!" Rinig ko pang sabi niya habang naglalakad ako palayo.
Nang nilingon ko siya ay nakatalikod na sya at naglalakad na din palayo.
Napangiti na lang ako mag-isa dito, dahil ata dun sa lalaki.
--
"Heto?! Hays nako! Puro ka kasi stalk diyan sa Ex mo!" sigaw ni Mama sa akin pagkatapos niyang makita ang results ng long quiz ko sa English.
At ngayon andito ako sa kwarto ko at nagmumukmok. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-facebook.
Tinignan ko 'yung ex ko na si Rome. Masayang masaya siya rito sa bago niya and ilang buwan na rin sila.
Umiyak na naman ako. Mahal na mahal ko pa din talaga itong ex ko eh! Nakakainis naman oh! Ikaw nakipagbreak sa kanya Eliza tapos ganyan ka? Hayst!
"I'm breaking up."
"But why? May ginawa ba akong mali?"
"Wala... Ayoko lang na maging ako pa ang dahilan sa pagkasira ng pamilya mo."
"Wala akong pake! Mahal kita at kayang-kaya naman kitang ipaglaban kay Mommy eh!"
"Huwag na."
At iniwan ko na lang siyang nag-iisa. Ayokong mahirapan siya nang dahil sa akin, susuwayin niya ang kanyang nanay. Ayoko ng ganoon. Mas mabuti pang makipaghiwalay na lang ako sa kanya dahil may tamang babae pa para sa kanya na magugustuhan ng nanay niya.
Napabangon na ako sa lakas ng tunog ng alarm na at kaagad ko naman 'tong pinatay. Napahawak ako sa puso ko dahil ito na naman ang heartache ko.
"Bakit ka naman kasi agad umalis? Hays! Hindi moko inantay kahapon!" animong nagagalit na ani Marialyn. Sabay kami ng kaibigan kong si Marialyn.
Hindi ko na lang sya sinagot at nagpout na lang ako, ngayon ay nandito na kami sa school.
"Goodluck na lang hahahaha!" Nangangasar nya pang sabi sa akin.
"Sa 'yo rin."
"Sabay tayo recess ah?"
Tumango na lang ako sa kanya at pumasok na ako sa room.
Puro discuss lang ang nangyari at mabilis naman lumipas ang recess.
Sabay kami ni Marialyn nag-recess, pero nung pagkapasok namin sa canteen ay nakita ko si Rome at nung babae na karelasyon niya ngayon na kumakain. Mas mahirap mag-move on dahil parehas pa kami ng school.
At mas nakakagulat doon ay nagkatinginan kami ni Rome pero tumingin ulit sya sa babae at nagtuloy sa pagkain at pakikipagkwentuhan.
"Ayos lang yan, beh."
"Mahal ko pa din talaga sya hays, hirap magmove on."
"Hayaan mo na kasi."
"Gusto ko syang balikan kaso mahirap na. Ano pa nga ba gagawin?"
-MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN-
"Congrats!" sabi sa akin ng Teacher ko sa English.
For the first time, 32/40 ang long quiz na na-take ko. Ang saya-saya ko lang!
Tuwang-tuwa sila Mama at sana raw ay magtuloy-tuloy na.
Ngayon, naglalakad ako rito sa road namin dahil mag-isa na ako ngayon at naghiwalay na kami ni Marialyn ng daan.
Nang biglang...
"Miss Eliza. Congrats!" Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napatitig ako sa kaniya at napagtanto kong siya 'yung lalaki na nagsabi sa akin nung nakaraan na siyang nakapulot ng lumilipad kong bagsak na quiz. At ngayon na lang kami muli nagkita.
"Nabalitaan ko kay ma'am Erza na ang taas ng score mo ngayon sa quiz, sabi ko naman sa 'yo eh!" dagdag pang sinabi niya at parang nag-slow motion ang paligid.
-END OF PROLOGUE-
THANK YOU SO MUCH FOR READING!