Kabi-kabila ang mga kasong kinahaharap ngayon ni Alejandro kasama na din ang mga doktor na naging utak at katawan ng mga brutal na ekspiremento sa mga batang walang kamuwang-muwang. Kabi-kabila din ang mga protesta patungkol dito na humihingi ng hustisya para sa mga batang walang awang napaslang ng grupo. Maging sa ibang bansa ay naging maugong din ang mga kaganapan patungkol sa Orion.
Ang iba ay nagtirik ng kandila sa paligid ng Regal Plaza. Ipinasara ang hotel na pagmamay-ari ng mga Bernardo, maging ang mga orphanage na ipinatayo nito ay ni-raid din ng mga awtoridad. Doon ay mas marami pa silang batang nakuha na ang iilan ay may mga kapansanan na. Ayon pa sa mga ito ay hindi naman talaga sila ganoon noong una, nang ipasok sila sa laboratoryo at gawan ng kung anu-anong test ay doon na dahan-dahang kinain ng mga gamot ang kanilang katawan hanggang sa ang iba sa kanila ay maputulan ng paa o di kaya naman ay kamay dahil sa mga komplikasyon at side effects ng mga gamot na ipinapasok sa kanilang mga sistema.
Puno ng galit at panlulumo ang hinanaing ng mga batang ito na sana ay nabubuhay ng normal sa mundo kung hindi lamang sila napunta sa kamay ng Orion. Isang napakalaking dagok din ito sa gobyerno at maging sila ay nakakaharap ngayon sa batikos na galing naman sa mga karatig bansa. Ang involvement din ng ibang kawani ang siyang naglagay sa kanila sa alanganin na kahit ang presidente ay pansamantalang bumaba sa kaniyang posisyon dahil sa kapabayaan nito. Ang pamamahala sa main palace ngayon na siyang trabaho ng presidente ay pansamantalang hinahawakan ng Lolo ni Veronica bilang isang mataas na General ng bansa. Ibabalik lamang ang Presidente sa kaniyang panunungkulan kapag napatunayang wala siyang involvement sa kasong ito. Kapag naman guilty ito ay maglulunsad sila ng impeachment trial at hihirang sila ng panibagong presidente.
"Ano na ang mangyayari sa mga batang galing sa Orion Bastian? Kawawa naman sila." Naluluhang tanong ni Mira. Kasalukuyan niyang pinapanood ang balita sa telebisyon habang si Sebastian naman ay inihahanda ang gamit ng dalaga dahil lalabas na sila ng hospital.
"Nakausap ko na ang team ni Jacob, lahat ng bata ay bibigyan niya ng lunas upang mabuhay sila ng normal paggaling nila. May mga batang hindi na maaagapan, dahil naging permanente na ang naging kapansanan nila. But don't worry, we have money to support them. Kung sa paraang ito ay maibabalik natin ang kanilang tiwala sa sarili ay hindi tayo titigil sa pagsuporta sa kanila. We can build them a new home, a healthier environment where they can live their life. While they lost some part of their body, they still gave their minds. Napatunayan ito ni Jacob, iilan sa mga batang iyon ay malaki ang potential at matatalino. They just need a chance to prove themselves and we will give it to them." Anunsyo ni Sebastian. Napatulala naman si Mira dahil hindi niya akalain na nakabuo na pala ito ng plano para sa mga batang iyon. Napangiti si Mira at yumakap kay Sebastian.
"The best ka talaga Bastian, heto ako at nag-aalala pero may solusyon ka na pala." Natatawang wika ni Mira. Hinaplos naman ni Sebastian ang ulo niya bago siya kintalan ng halik sa mga labi.
"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring bilib sa iyong asawa?" Pabirong wika nito. Akmang muli niyang hahalikan ang labi nito ay siya namang pagbukas ng pinto.
"Mamaya na kayo maglambingan, umuwi na tayo at kanina pa tawag nang tawag si Vee." Bungad ni Gunther at natawa lang si Mira. Napakamot naman sa ulo si Sebastian at agad na dinampot ang kanilang bag at ibinigay sa kanilang mga bodyguards.
Pagdating sa mansyon ng mga Vonkreist ay naging emosyonal ang tagpo nang pagkikita ni Liam at Allena. Ang asawang inakala niyang matagal nang patay, ngayon ay nasa harap niya at yakap-yakap pa. Hindi na niya matandaan kung ilang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin kay Liam ang naging simula ng kanilang pag-iibigan ni Allena. Dahil sa tagpong iyon, ay minabuti muna nilang hayaan ang dalawa na sarilinin ang pagkakataong iyon upang makapag-usap sila nang mabuti. Si Allysa naman at Dylan ay doon na dumiretso sa Mansyon ni Sebastian dahil may sariling bahay naman si Dylan doon. Si Mira naman at Sebastian ay dumiretso muna sa kwarto nila sa Mansyon ng mga Vonkreist para makapagpahinga na din.
Masayang sumalubong sa kanila si Aya na noo'y nakasuot ng kulay pink na dress at meron pa itong pink na ribbon sa ulo.
"Mama, look, bigay sa akin ni Auntie Veronica. Bagay ba sa akin?" magiliw na tanong ng bata. Lumapad naman ang ngiti sa mga labi ni Mira at agad na kinalong sa kaniyang bisig si Aya at pinaulanan ito ng maliliit na haliksa pisngi.
"Oo naman, kahit anong suotin mo ay bagay sayo. Kamusta naman ang stay mo dito sa Lolo Liam mo?" Tanong ni Mira.
Ngumuso naman si Aya at yumakap sa leeg ni Mira.
"Mabait naman si Lolo Liam, pero Mama, namiss kita ng sobra. Bakit ba ang tagal mong nawala. Sabi ni Daddy may mahalagang bagay kang inasikaso." Mahabang wika ng bata. Napatingin naman si Mira kay Sebastian at napangiti.
"Oo, marami kasing ginawa ang mama. Don't worry last na iyon." Saad naman ni Mira at masayang yumakap naman si Aya sa kaniya. Kinagabihan pagbaba nila sa sala ay naabutan nilang nandoon na si Allena at Lian na magkahawak kamay. Nangislap naman ang mata ni Allena nang makita si Aya.
"Mira, ikaw ang nakakuha sa batang iyan?" Gulat na tanong ni Allena. She's been with Alejandro all this year and she knows that this little girl was no ordinary.
"Eliza." Tawag ni Allena at natigilan si Aya, nagtataka itong tumingin kay Allena na tila naguguluhan. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala nang marinig ang pangalang iyon. Animo'y isang bangungot ang pangalang iyon para sa kaniya. Namimilog ang mga mata ni Aya na animo'y may naaalala itong nakakatakot.
"Aya, what's wrong?" Tanong ni Mira, subalit nang mahawakan niyansi Aya ay pareho silang natumbaa at biglang nawalan ng malay. Nagkagulo ang mga nandoon, lalo na si Sebastian at ang mga magulang ni Mira.
Ilang minuto din ang lumipas bago muling magkamalay si Mira. Agad niyang hinanap si Aya at nakita niya itong nakahiga na sa sofa.
"Mira, are you okay? Bakit ka biglang nawalan ng malay?" Nag-aalalang tanong ni Sebastian.
"Bastian, si Aya, anak siya ni Rimo. Siya ang nawawalang anak ni Rimo." Bulalas ni Mira at napatulala naman si Sebastian. Saglit lamang iyon at agad ding nakabawi ang binata. Tumango naman si Allena habang hinahaplos ang buhok ng bata.
"Ito ang anak ni Lily na inihabilin niya sa akin bago siya mamatay. Alam niyang naging successful ang ekspiremento sa bata kaya hiniling niya sa akin na kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay itatakas ko si Eliza. Hindi ko lubos akalain na ikaw ang makakapulot sa kaniya. Napakahiwaga talaga ng mundo. Para kayong pinagtagpo-tagpo ng tadhana. Pero Mira, ang batang ito ay may magulang , maaring kunin din siya sa inyo ng kaniyang tunay na ama. Huwag mo sanang masamain iyon." Pag-aalo ni Allena dahil nakikita niya sa mukha ni Mira ang pag-aalangan nito.
"Alam ko po Mommy pero napamahal na sa akin si Aya. Hindi madali sa akin ang bitawan siya. " Malungkot na wika ni Mira. Sa maikling panahon na nakasama niya si Aya ay itinuring na niya itong tunay niyang anak. Alam niyang darating ang panahon ito ngunit hindi niya inaasahang ganito pala kahirap tanggapin. Napatingin lamang siya sa wala pa ring malay na si Aya bago napabuntong-hininga.
"I will tell Rimo about this, Mira, we have to let her go. Rimo was devastated when he learned about her daughter disappearing. Hindi naman siguro tama na ilayo natin sa kaniya ang anak niya. You have seen his memories right?" Malumanay na wika ni Sebastian. Wala nang nagawa si Mira kun'di ang tumango bilang pagsang-ayon.