アプリをダウンロード
66.34% THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2-TAGALOG M2M) / Chapter 69: CHAPTER 70

章 69: CHAPTER 70

" ANG PAGHIHIGANTI! "

PREVIOUSLY....

Ibinigay na nina Magayon ang Sandatang Adjil kay Jenna.

" Kahit Di ka nagkaroon ng Gabay ng isa saaming mga diwata o binasbasan ng mga Oroskopyong nilipon ninyo. Ito ang Adjil, isa ito sa mga Sandata nang Iyong Libro. " Sabi ni Magayon sabay Abot kay Jenna.

RIGHT NOW...

Sa bahay nang mga Adonis, Ikinuwento ni Jenna ang mga nangyari.

" At ganoon nga ang nangyari..mabuti nalang ay pinakawalan sila ng sugo ni Magwayen. " Sabi ni Jenna.

" Sugo ni Magwayen..? Kung Hindi ako nagkakamali Faith ba ang ngalan nito?" Tanong ni Tyler.

" Oo sya nga.." sagot ni Jenna.

" Humanda ang sitan na yan! Kung mag dedeklara sya ng Digmaan. Pwes, Bibigyan ko sya nang Laban na Di nila makakalimutan!" Sabi ni Theo.

" Ano ang plano mo Theo?" Tanong ni Katalina.

" Bibigyan ko sila nang konting delubyo!" Sagot ni Theo at agad itong naglaho.

" Susundan ko si Kuya...!" Sabi ni Tyler at sya naman ang nag laho.

" Ang iinit nang Ulo nang magkapatid.. " Sabi ni Jake.

" Jake.. sundan mo sila baka mapahamak silang Dalawa. " Utos ni Jenna.

" Sge po... " Sagot ni Jake at agad naman syang naglaho katulad ng magkapatid.

" Jenna ?? " Sambit ng kilalang boses sa Likuran ni Jenna.

" Charlie? Ikaw ba yan ?" Sagot ni Jenna nang Lingunin nya ito.

" Naalala ko na ang Lahat... Pero nasaan si Theo at Tyler? " Sabi ni Charlie.

" Masaya ako dahil nagbalik na ang mga Alala mo? " Sabi ni Jenna Agad naman nilang niyakap si Charlie.

" Nasaan si Ian? " Tanong ni Katalina.

" Nandito ba si Ian? Saan ?" Tanong ni Charlie.

" Sandali Charlie ! Naalala mo ang mga nangyari sayo bago ka namatay?" Tanong ni Jenna.

" Sandali... Nahihilo ako.." Sabi ni Charlie.

" Halika umupo ka muna dito... Sandali at tatawagin ko lang si Ian. " Sabi ni Katalina.

Habang nakaupo si Charlie at iniinda ang masakit nyang ulo.

" Charlie.. masaya kami dahil nag balik ka saamin. Hayaan mong pagalingin kita. Susubukan ko." Sabi ni Jenna

" Sge Jenna... " Sagot ni Charlie.

Samantala sina Theo at Tyler naman ay Lumusob sa Kuta ni Sitan.

" Tingnan natin kung makakaligtas pa kayo sa Gagawin ko! " Sabi ni Theo habang nakaharap sa Kastilyo ni Sitan.

" Sandali Kuya.. mag-isip ka! " Sabi ni Tyler sabay Hawak sa Braso ng kanyang Kapatid.

" Tai, nagpunta ka lang ba upang pigilan ako? " Tanong ni Theo.

" Oo kuya..dahil Di kana nag-iisip! Nagpapadala ka sa bugso nang damdamin mo.. maaring Hindi lang si Ate Jenna ang mawalan nang kapangyarihan maaring ako o kung sino man saating samahan. Kaya kuya umuwi na tayo!" Sabi ni Tyler.

" Bitiwan moko Tai.. Hindi ako sasama sayo.. Kung Hindi mo lang din ako Tutulungan.. Mas mabuti pang Tumabi ka sa dadaanan ko." Sabi ni Theo.

Habang nag aaway ang magkapatid sa Labas ng Kastilyo. Ay Nakikita naman ito nina Sitan.

" Mahal na reyna.. susugurin naba natin Sila?" Tanong ni Nica.

" Hindi! Mukhang masisiyahan ako sa mapapanood ko ngayon." Sabi ni Sitan.

" Reyna Alice.. nakahanda na ang mga Kawal sa Hilagang bahagi ng palasyo upang sumalakay sa mga Kalaban!" Sabi ni Bea.

" Walang Sasalakay o walang pupuslit upang makisali sa palabas!" Sabi ni Sitan.

" Mahal na reyna Anong ibig mong Sabihin?" Naguguluhang sabi ni Diosca.

" Basta Manood nalang kayo..." Ngiting Sabi ni Sitan.

Balik naman kina Theo At Tyler.

" Kelangan mo munang Dumaan saakin kuya bago ka makapasok sa Kastilyo ni Sitan.." Sabi ni Tyler.

" Tyler nababaliw ka na ba talaga.. saan kaba kampi? Saamin o kay Sitan.." Galit na Sabi ni Theo

" Kuya... Alam nang diyos kung saan ako panig. " Sabi ni Tyler.

" Tumabi ka! " Galit na Sabi ni Theo.

" Kuya wag mong pairalin ang Galit mo.. Alam mo naman na ang Lugar na ito ay, Punong-puno nang Negatibong Enerhiya.." Sabi ni Tyler.

" Ngayon kung Di ka tatabi mapipilitan akong kalabanin ka!" Sabi ni Theo at agad nyang itinaas ang kanyang kamay bigla namang Lumabas ang kanyang Sandata.

" Kuya... Hindi kita lalabanan! " Sabi ni Tyler nang biglang pinakawalan ni Theo at isang napakalakas na Kidlat galing sa Espada at mumuntikan na syang Matamaan.

" Ngayon Alis dyan!" Sabi ni Theo.

" Hindi... " Sagot ni Tyler at pinaikot ikot nya ang kanyang hintuturo sa Ire. Sa ilang sandali pa ay Lumabas ang napakalakas na Ipo ipo.

" Kuya ayaw kitang Labanan.. pero kelangan kung protektahan ang Sarili ko!" Sabi ni Tyler. Habang si Theo naman ay tuluyan ng Nilukuban ng kasamaan sa kanyang katawan dahil na rin sa Negatibong Enerhiya na mas lalo pang nagpatindi sa kanyang Galit.

" Pwes... Protektahan mo ang sarili mo! Palagi ka namang umaasa saakin. " Sabi ni Theo

" Oo, umaasa ako sainyo kina Ate Jenna, Katalina at pati na sa mga Kaibigan natin. Dahil kung Wala kayo kuya Di ako magkakaroon ng Lakas. Upang Lumaban, Ni Minsan Hindi ko pinangarap ang Buhay na ito. Hindi sana nakapagtapos nako nang College. Pero Anong nangyari? Nakikipag Laban ako sa Bwesit na Kampon ng Kadiliman. " Naiiyak na Sabi ni Tyler.

" Edi kung nahihirapan ka. Tatapusin ko na ang Buhay mo!" Sabi ni Theo at ang Trident nya ay nagpalit anyo at naging Espada.

" Humanda ka dahil tatapusin ko na ang paghihirap mo.." Sabi ni Theo at agad nyang sinalakay si Tyler. Bawat tangka nyang sugatan o paslangin si Tyler ay nakakailag si Tyler sa bawat atake nya.

" Hindi kita lalabanan... " Sabi ni Tyler at patuloy padin ito sa pag ilag sa bawat atake ng kanyang kapatid.

Habang nakikita nina Sitan ang magkapatid na naglalaban ay nag aalala naman si Faith sa kanyang mga nasaksihan.

" Tingnan nyo.. Hindi na natin kelangang tumawag nang mga ilang Hukbo. Dahil sila na Mismo ang nagpapatayan. Hahaha!" Sabi ni Sitan.

" Oo nga mahal na reyna Alice. Parang gusto ko nang Popcorn.." Sabi ni bea.

" Hindi maari.. bakit nagbalik ang magkapatid dito kelangan ko silang Tulungan.." Sabi ni Faith sa kanyang Isipan.

" Ayus ka lang Faith ? " Sabi ni Diosca at Ilang sandali pa ay biglang natumba si Faith.

" Hooooooiiii tulong na tumba si Faith..." Sigaw ni Diosca at agad namang sumaklolo sina Bea at nica.

" Ipasok nyo na sa loob ng Kwarto si Faith baka nahihirapan syang kontrolin ang bago nyang kapangyarihan na kinuha nya kay Linda.." Sabi ni Sitan.

" Hinigop nya ang kapangyarihan ni Linda?" Gulat na Sabi ni Bea.

" Oo, Katulad mo Nica may kakayahan syang kumuha nang kapangyarihan ng isang Nilalang gamit ang kanyang mga kamay. " Sabi ni Sitan.

Pagkalipas ng ilang sandali ay naihiga nila si Faith sa kanyang higaan. Nang Sandaling iniwan na sya nang kanyang mga kasama ay agad nyang kinausap si Tyler.

" Kuya Tama na! " Sabi ni Tyler habang umiilag sa atake ni Theo.

" Bakit Di mo gamitin ang Sandata ni diwatang si Makiling? Wag mong Sabihin na Umaasa ka padin sa Elemento na bigay ng Oroskopyo. ?" Sabi ni Theo.

" Hindi ako gaganti sayo dahil Alam kung Wala ka sa sarili mo ngayon.." Sabi ni Tyler at ginagamit naman nya ang hangin upang Masangga namang mga atake ni Theo sakanya. Nang Biglang may isang boses ang umalingaw-ngaw sa paligid.

" Tyler... !" Sabi ng malambing na boses.

" Sino ka!" Sigaw ni Tyler.

" Si Faith ito.. wag kang magpahalata na kinakausap kita. Magpatuloy ka lang sa depensa mo kai Theo. Narito ako upang Sabihin sainyo na kelangan nyong Umalis na dito. Mas Punong-puno ng Negatibong Enerhiya ang Lugar na ito. " Salaysay ni Faith.

" Alam ko Faith pero Anong Gagawin ko? Patuloy parin akong inaatake ni Kuya?" Tanong ni Tyler habang nag-uusap sila ni Faith sa kanilang mga isipan. Habang patuloy pa din syang umiilag sa mga atake ni Theo. Nang Biglang may isang Kidlat ang Dumaan sa ilalim ng Lupa at.....

" Aaaaahhhh!!!! " Sigaw ni Tyler nang matamaan ng Kidlat.

" Faith tulungan mo ako..." Sabi ni Tyler.

" Sge ito ang Gawin mo Tyler..." Sabi ni Faith.

Dumating naman si Jake sa Kuta ni Sitan nang masaksihan nyang naglalaban ang magkapatid.

" Naloko na bakit sila ang naglalaban.." Sabi ni Jake. At nagmamadali naman itong nagtungo sa dalawa.

" Tyler Anong nangyayari ?" Sabi ni Jake nang makita nyang nakapikit ang mga mata ni Tyler habang si Theo naman ay Nakapikit din ang mga mata nito habang umaatake kay Tyler.

" Sleep Walk. ? Ay Hindi Di naman sila nag lalakad. Nag lalaban naman sila. Dapat Sleep Fighting!" Sabi ni Jake at sabay Suntok sa Lupa. Ilang sandali pa ay lumindol ng napakalakas.

At Dahil sa lindol pati ang Kastilyo ni Sitan ay naapektuhan.

" Anong nangyayari? " Tanong ni Sitan.

" Lumilindol po!" Sagot ni Diosca.

" Alam ko lumilindol.. sino ang may gawa ?" Sabi ni Sitan. At lumapit ang isang kawal kay Sitan.

" Mahal na reyna.. kasama ng magkapatid ang Kaibigan nilang si Jake..." Sabi ng kawal.

" Kung ganun.. Marami ang bisita natin ngayon.." Sabi ni Sitan.

Samantala sa Labanan ng magkapatid.. kahit Di na poprotektahan si Tyler ng mga Ipo-ipo sa bawat atake ni Theo. Tinulungan naman sya ni Jake.

" Mabuti nagising kana...Anong nangyari? Bat kayo nag aaway ni Theo?" Sabi ni Jake. habang denedepensahan nya ang mga atake ni Theo kay Tyler.

" Mahabang kwento.. maari mo bang hawakan si Kuya.. at parang Alam ko na ang gagawin!" Sabi ni Tyler at mas lumakas pa ang hangin ng mga Ipo-ipo. At ibinulong ni Tyler kay Jake ang gagawin nya.

" Sge mukhang masaya yun! " Sabi ni Jake.

Biglang nagbiyakan ang Lupa sa paligid at nagsi-usbungan ang mga malalaking Ugat sa Ilalim ng Lupa. At Kumulupot ito kay Theo.

" Mga lapastangan bitiwan nyo ko.." Sabi ni Theo, susubukan na sana nyang putulin ang mga ugat. Pero nahulog ang kanyang espada.

Habang si Tyler naman ay kausap nya padin si Faith sa kanyang Isipan..

" Sundan mo ang bawat sasabihin ko..." Sabi ni Faith.

" Handa na ako..." Sabi ni Tyler.

At nagsimula na si Faith na magbigkas ng kakaibang Salita at sinasabayan naman ito ni Tyler.

Abangan ang Karugtung...

Salamat sa pag aantay mga mahal..


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C69
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン