"Excuse me, ready na ang teleportation array. May isa lang akong gustong ipaalala sa inyo kapag nasa Sediorpino na tayo." Agaw pansin ni Nexus sa tahimik na si Veronica.
"Say it." Sagot naman ni Veronica na dahan-dahang tumayo mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kinatatayuan ng lalake na kung saan ay may naka-palibot na array.
Ngayon ay malinaw na sa isip niya na hindi nga normal ang kaharian ng Sediorpino. Sa buong Terra crevasse, tanging si Ravi at siya lang may alam kung paano gumawa ng array. Itinuro niya sa dragon ang pag-gawa nun nung sila palang dalawa ang nasa Terra Crevasse. Maliban sa kanilang dalawa, tanging ang mga taga-ibang firmaments na ang may alam. Especially the Devine firmaments.
"Don't use your power inside the kingdom. Para sa kaligtasan ninyong tatlo. Nabanggit ko na kanina, hindi tumatanggap ng Huluwa ang Sediorpino kingdom. Kaya kung gagamit kayo ng kapangyarihan ng Huluwa sa loob, may posibilidad na makulong kayo at baka hatulan ng kamatayan ng hari ng Palasyo." Mahabang salaysay ni Nexus.
Hindi umimik si Veronica. Tahimik lang siyang nag-iisip. Kung bawal ang mahika sa loob, maaring may lihim na dahilan na pwedeng mag-trigger sa tinatagong lihim ng kaharian. Kung gayun nga, isn't it quite interesting?
"Naintindihan ko." Sagot ni Veronica habang nililingon ang dalawa sa likuran niya na marahan namang tumango.
"Salamat." Sagot ni Nexus.
Tinawag ni Veronica ang dalawa na pumasok na sa array para makapag-teleport na sila. Isang smirk ang pinakawalan ni Ravi ng matanggap ang lihim na sinabi ni Veronica sa kanya gamit ang mind communication. Nang pumatak ang dugo ni Nexus sa array, kumislap ito kasabay ng unti-unting pag-activate at tsaka sila tuluyang nilamon ng maliwanag na mahika ng array. Sa isang kisapmata lang, nagbago ang paligid nilang apat.
Parang uminit ang crystal na nasa noo ni Veronica ng sa wakas ay tumapak ang kanyang mga paa sa kaharian ng Sediorpino. Ang paligid ay napapaligiran ng kulay itim na puno makikita lamang sa 4th firmaments. Black Trees, isang uri ng puno na humihigop ng black energy sa paligid na pinagtataguan nito. Maaring kulay asul ang dahon ng puno subalit Black Trees ang tawag dito. Kaya din nitong humigop ng mahika. Ginagamit ang Black trees para gawing pathway ng kapangyarihan ng black crystal para maging mas malakas ang sino mang gumagamit.
But there's a weakness in every thing that Nyuweku created. Ang Black Trees ay pwede ring gawing sandata laban sa gumagamit ng black crystal. Bawat black trees ay mayroong tinatawag na core na siyang humihigop ng energy sa paligid. Ang sino mang maka-kuha ng core ay may kakayahang patayin ang sino mang humahawak ng black crystal sa pamamagitan ng pag-bawi ng enerhiya na ibinigay ng core sa crystal.
"Welcome to Sediorpino. Tulad ng sinabi ko, bawal gumamit ng kapangyarihan sa kaharian. Please follow me." Wika ni Nexus.
Lihim na napa-smirk si Veronica. Ang dahilan kung bakit pinagbabawalan ang sino mang gumamit ng mahika sa Sediorpino ay dahil, maaring matuklasan ng Huluwa ang tinatagong lihim ng Black trees. Kapag nangyari yun, katapusan na ng buong Sediorpino kingdom. How sad, Veronica knew it all kahit hindi na niya gamitin pa ang kapangyarihan niya.
Napalingon siya sa may bandang kanan. Maraming mga tao ang naka-palibot sa isang sementadong square box na kung saan ay parang may mga veins na kumalat sa palibot ng sementadong flooring. At bawat veins ay may mga taong naka-upo habang naka-pikit ang mga mata. It's as if, they are charging.
"Wag nyo silang pansinin. Dito ang daan papunta sa kingdom Hall. Inaasahan na ng hari ang Pag-dating ninyo sa palasyo. Anyway, the king is my older brother." Muling sambit ni Nexus habang lumalakad at sinusundan naman nila.
"Kuya mo, I see. Then, you are a prince?" Tanong ni Veronica na kunwari ay namangha sa narinig.
"Yes." Sagot ni Nexus.
Nakapagtataka na parang walang pakialam ang mga tao sa kanila. Nasasalubong sila ng mga ito pero parang walang nakikita. Higit pa doon, napansin din ni Veronica na parang walang sariling pag-iisip ang mga tao sa buong lugar. Well maliban kay Nexus na kausap niya of course.
"Master, they look like a puppet." Ani Ravi gamit ang mind communication.
"Yeah.. Napansin ko rin yan. Just keep watching, tell Rowel to be warry of everything." Sagot niya sa dragon.
Pumasok sila sa isang malaking pintuan na kung saan naramdaman ni Veronica ang isang kakaibang kapangyarihan na bumabalot sa buong silid. Pag-tingin niya sa unahan, nakita niya ang mataas at malaking upuan sa unahan. Subalit hindi doon na focus ang kanyang buong atensyon.
"Greetings to the King and the Queen of the empire." Sambit ni Nexus.
Ang hari ay normal na lalake na kamukha nga ni Nexus. Subalit, ang babaeng nasa tabi nito na naka-upo sa malaki at mataas na upuan ay hindi as in HINDI TAGA TERRA CREVASSE!!
"Nexus, welcome back. Inaasahan ko ang pagdating mo. Who are they?" Tanong ng hari ng palasyo.
Kahit ang hari at hindi normal. Nagsasalita ito na parang manika lang na naka-upo sa tabi ng babaeng mahaba at kulay silver ang buhok, pino ang ilong, maganda ang mga mata na kulay silver din. The woman represents the Divine people from fourth firmament.
"Nakita ko sila na galing sa Drakaya Kingdom. They were forcefully pushed out from the kingdom." Sagot ni Nexus.
"Dinala mo dito ang taong galing sa Drakaya? Without interrogating them?" Tanong ng babae. The Queen.
Busy ang isip ni Veronica kung paano napadpad ang ang isang Divinian sa Terra crevasse. Ngayon, nangangati ang kanyang mga palad na alamin ang katotohanan sa likod ng mga hindi normal na nangyayari sa kanyang mundong ginawa.
"Queen Agartha, dinala ko sila dito dahil sa impormasyon na hawak nila. At tungkol naman sa interogasyon na sinasabi mo, I've done it already." Sagot ni Nexus.
Napa-flinch ang babae na naka-upo at napansin iyon ni Veronica. Bakit parang takot kay Nexus ang Reyna ng Sediorpino? No, let's rephrase that question. Anong hawak ni Nexus para katakutan ng isang Divinian? (Pronounce: De-vine-yan)
"Very good. Then please introduce yourself." Naka-ngitimg sambit ng hari na ngayon ay naka-tingin na kila Veronica.
Mabilis namang kumilos si Veronica. "I'm Veronica Manalo, Huluwa. Ang dalawang kasama ko ay katulad ko ring Huluwa. I'm grateful to meet you Your Highness." Sagot ni Veronica na nagbigay galang sa hari bagamat lihim na niyang sinusuri ang katauhan ng lalake.
"I see.. Ayun kay Moki, you have information regarding the barrier of the enemy kingdom, Drakaya?"
Lihim na Napa-flinch si Veronica. Ang hari, ay hindi ang totoong hari ng Sediorpino. This man is not human. He's being controlled by someone. And that someone is no other than... Nexus.
"Yes your Highness. Kung bibigyan mo ako ng impormasyon na katumbas ng impormasyon na hawak ko, I can assure you na ang impormasyon na hawak ko ay makakatulong upang mawasak ninyo ang barrier ng Drakaya." Sagot ni Veronica.
Kailangan niyang tumagal sa Sediorpino kingdom upang malaman ang lihim na kapangyarihan ni Nexus. Inilipat niya ang tingin sa Reyna. Ang babae ay buhay subalit.. May isang invisible na sinulid na Naka-konek sa ulo nito na ang dulo naman ay nasa daliri ni Nexus.
Malinaw na sa isip ni Veronica. Nexus is the real ruler of this kingdom. At hawak nito sa leeg ang ang isang Divinian. Ang tanong, paano nito nagawang alipinin ang isang Divinian?
"Miss Veronica, hindi magandang gawain ang gamitin mo ang Divine vision mo sa isang prinsipe ng palasyo. Are you trying to make us your enemy?" Malalim ang tinig na sambit ni Nexus na nagpa-flinch sa kanya.
Paanong nalaman ng lalake na ginagamit niya ang Divine vision niya dito? Something is really wrong.
"I'm sorry, my curiosity kills me this time." Puno ng paumanhin na sagot niya.
"Once is enough. Hindi na sana maulit." Makahulugan na sambit ni Nexus.. "I hate being watched you know." Dugtong pa ng lalaki.
Si Ravi ay lihim lang na nakikinig at nagmamasid. Alam niyang may bagay na kakaiba ang nangyayari sa buong Sediorpino. At una na roon ang lihim na kapangyarihan ni Nexus.
"I understand.." Sagot ni Veronica.
"Nexus, dalhin mo ang mga bisita sa kanilang silid. Aasahan ko ang kanilang presensiya mamaya sa hapag kainan. Tungkol naman sa impormasyon na hawak nila, wag kang mag-aalala miss Veronica. I will give you an information na katumbas ng impormasyon na hawak mo." Naka-ngiting sabi ng hari na alam ni Veronica na galing sa isip ni Nexus.
Sa madaling sabi, si Nexus din ang kausap niya kapag nag-sasalita ang hari at Reyna ng kaharian. What a psycho. Well.. Willing naman siya makipag-laro sa lalake kung yun ang gusto nito.
"Masusunod My, King." Sagot ni Nexus. Nilingon sila ng lalake. "Please follow me to your room." Anito.
Tumango lang si Veronica tsaka sumunod sa lalaki. Pero bago yun, sa isang snap ng daliri, mabilis niyang nilagyan ng body array ang katawan ng Reyna. Kung ano mang array ang inilagay niya.. Malalaman natin mamaya kapag nasa loob na sila ng kanilang kwarto.