"Si Poro ba yun, nak?. Bat di mo na muna pinapasok?." ani Mama na abalang magwalis ng sahig. Kakatapos lang yata nitong maligo dahil sa tuwalyang nakasabit sa buhok nya. Si Kim pa ay, nasa loob ng crib. Nakaupo. Nasa labi ang bote ng gatas na walang laman.
Tumayo na muna ako sa labas. Hinihintay ang pagtapos nya ng pagwawalis. Dahil kapag hindi ko ginawa to. Nakupo! Baka ipalo nya sa binti ko ang kamay ng walis tambo. Sasabihing, "Di ka na nga marunong maghawak ng walis tambo.. dadaanan mo pa ako.." di ko alam kung may batas na rin bang hindi humawak ng walis tapos palo agad, ganun?. Kaya mas maganda nang hintayin syang matapos kaysa lagpasan nalang basta.
"May pasok pa po sya Ma.. hinatid lang ako.." tinignan nya ako. Saka pinagpatuloy ang pagwawalis.
"Pumasok ka na.." pinanood ko pa muna sya. Nagtataka sa utos nya. Tumigil sya. Natigilan din ako. Saka nya iminuwestra ang loob. "Magsaing ka na rin.. gutom na ako.."
Sabi ng, may kasunod pa ang utos nya eh!. Kita nyo na?. Saing agad kahit di pa ako nagpapahinga?.
Sanay naman na ako sa utos nya. Ang sa akin lang. Wala man lang bang kahit minutong pahinga muna anak bago ang utos?. Si Karen nga, ni maghugas ng plato yun, di nya pinapagawa. Tas sakin, lahat nalang, ako?. Ganun ba talaga kapag middle child?. Paboritong utusan, pero di naman paborito?. Hayst!.
Di pa ba paboritong anak ang sa lagay mong yan?. You have your night life. Your freedom. Your own decisions now. Hindi pa ba sapat yun sa'yo?.
Sapat na yun para sakin. Ang pinupunto ko lang. Sana lang. Kung utusan nya ako. Sana, ganun din sina Ate at Karen. Wag lang puro ako dahil pareho lang din naman ang benebisyong binibigay nila sa amin. Pagiging pantay lang ang gusto ko. Wala ng iba.
"Hindi po ba umuwi si Ate rito para magluto?. Marami pa po kasi akong gagawin Ma.." ang dami ko pang satsat pero andito na ako sa kusina. Kasalukuyang sinasalang ang kaldero sa stove.
"Wag puro reklamo Kendra.. kita mo na ngang gutom na yung tao.. magtatanong pa?.. pakitimpla na rin kapatid mo ng gatas mamaya.. magpapahinga lang ako saglit tapos aalis para maggrocery.. tutal.. wala ka naman ngpasok diba?. ikaw na muna bahala rito.."
"Ma naman.." naglakad ako para sabihin sa kanya sa may sala na, hindi lang pahinga ang gagawin ko ngayon. Marami akong kailangang habulin at tapusin. Isama pa si Jane na abala sa Lola nya. Paano na yung group study namin?. Sinong tatapos nun?. "Deadline na sa Wednesday ang project namin. Kailangan ko yung tapusin ngayon dahil di na maasahan si Jane. Alam mo namang naospital Lola nya po diba?. Tsaka. Isa pa po. Dadalaw nga po sana ako sa kanila ngayon.."
Sa abala nya. Parang wala syang narinig mula sakin. Tinatanggal nya ang tuwalya sa basang buhok. Saka sya namaywang. Dalawang kamay pa ang nasa baywang nya. "Anong gusto mong gawin ko ngayon, kung ganun?."
Di ako nakaimik. I have thoughts on my head pero alam kong nakahanda na din ang isasagot nya sa sasabihin ko.
Ganyan yan. It's like. She knows what's running on my head kahit di pa ako magsalita.
"Ma, sinasabi ko lang po na, kulang po ang oras ko para alagaan si Kim ngayon.."
"Kulang ba o ayaw mo lang?." tumaas na ang isang kilay nya.
Lumunok ako. This is not good anymore. Anumang oras. Hindi lang pangangaral ang maririnig ko mula dito kundi sumbat pa. Mga sumbat na di ko alam kung saan galing. Na minsan. Sa labi nya mismo pa lumalabas ang pagpayag nya sa akin to have my life out. Tapos ngayon. Ang labas. Kulang pa ang ginagawa ko para sa kanya. Asan ba kasi si Papa?. I want him here as of the moment para may sumuway sa taong kaharap ko ngayon.
"Sige na.. kung ayaw mo.. umakyat ka na.. gawin mo na ang gusto mo.. puntahan mo na rin ang kaibigan mo.. tutal.. para sa'yo.. sila ang matatakbuhan mo kapag nasa kagipitan na."
"Ma, hindi naman sa ga—.." ganun.. Pinigilan nya ako. Ayaw pakinggan ang paliwanag ko.
"Ganun yun. Wag ka ng magsalita. Wala namang kwenta ang mga sinasabi mo. Hindi nyan mababago ang kagustuhan mong wag gawin ang iniuutos ko.. sige na.. gawin mo na ang project mo.."
Kinuha nya si Kim sa may crib at naglakad patungong kusina. "Sya nga pala. Yung damit pala ni Poro. Nasa higaan mo na. Nilabhan ko na yun.."
Salamat po. Sa isip ko nalang ito sinambit dahil sa inis. Napuno ng poot at inis ang isip ko dahil sa utos nya lang na di ko ginawa. Nagpaliwanag naman ako't magpapaliwanag pa, kaso ayaw nyang makinig.
Ang sakit lang sa part ko na. May boses ka nga pero hindi mo marinig. Ayaw pakinggan ng iba. Para tuloy itong walang kwenta. Tulad nga pala ng sabi nya. Walang kwenta. "At yung damit na suot mo kaninang umaga, kanya rin ba yun?." paakyat na ako ng hagdan ng ihabol nya ito sakin. Nilingon ko lang sya.
"Opo.." sa inis ko. Sa kagustuhan kong makita kung paano rin sya mainis. Umoo na ako dahil ito naman ay totoo.
"May nangyari sa inyo?." at ito na ang di ko inasahan. Nahinto sa ikatlong baitang ng hagdan ang mga paa ko. Yung inis ko. Kumulo na't umakyat hanggang saking batok.
"Wala po." di ako lumingon. Di rin ako gumalaw. Galit ako at pinipilit kong wag tuluyang malunod sa galit na meron ako. Ayokong iparamdam sa kanya ang pagpaparamdam nya ng kawalan ng respeto sakin ngayon. Di ko alam kung anong dahilan nya kung bakit nya ito ginagawa sakin ngayon. Sana lang. Sa kagustuhan nyang masagot ang sarili nyang katanungan. Hindi mawala ang nabuong respeto saming dalawa. Lalo na't magulang ko sya.
"Bakit suot mo ang damit nya?."
Pumikit ako ng mariin. Trying so hard not to let my anger run through me dahil kapag hinayaan ko itong kainin ako. Sasabog kaming dalawa ng galit. At mahahati sa dalawa ang pamilya. Papalapit pa naman ang araw ng kasal ni Karen. Ayokong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko habang buhay.
Huminga ako ng mabuti. Pinipilit ang sariling, huminahon. "Umulan po kasi nung nasa Rooftop kami. Pareho kaming nabasa.."
"Kaya damit nya ang isinuot mo?." I feel like I'm burning in hell right now. Mukhang di ko na kayang hawakan pa ang pisi ng pasensya ko rito. I'm done!.
Marahan akong humarap sa kanya. Buhat nya pa rin si Kim sa kanan nyang baywang. "Malamang po. Pumunta nga po akong bahay nya para kumain at maligo na rin para magpalit ng damit nya. Nakakahiya naman po kasi sa inyo kapag nagkasakit daw po ako.." sa mata ko sya tinignan. "May tanong pa po ba kayo Ma?. Kung meron pa. Tanungin nyo na ho ako." huminto ako. Hinintay ang itatanong nya subalit walang dumating. "Wag nyo po sanang ipapakita itong ugali nyo kay Poro dahil masyadong nakakahiya Ma. Nagmamalasakit lang yung tao. Wala syang ibang intensyon kundi yun lang.." nakipagtitigan sya sakin. Matalim ang mga mata nya. "Aakyat na po ako.. magpapalit lang.. magpahinga na rin po kayo.. ako ng bahala kay Kim.. kaya ko namang pagsabayin ang mag-aral at mag-alaga.." paalam ko saka na umakyat sa taas.
Di mawala sa isip ko ang tanong kung anong dahilan ng pagiging masungit nya ngayon. Kung iniisip nyang nagsisinungaling ako. Na may nangyari samin ni Poro dahil lang sa suot ko ang damit nya?. Pwes. Nakakadismaya sya. I'm so disappointed on her knowing that she has my full trust but her?. Wala sa akin?. Oo. I'm wild at night pero may isip pa ako. Laging nakatanim sa isip ko ang, 'iinom lang Ken, wag magpakalasing' na linya ni Papa. At di iyon basta magbabago.