アプリをダウンロード
50% COMPUTER MIA (SYSTEM SERIES #1) / Chapter 1: PROLOGUE
COMPUTER MIA (SYSTEM SERIES #1) COMPUTER MIA (SYSTEM SERIES #1) original

COMPUTER MIA (SYSTEM SERIES #1)

作者: Bia_Marie_

© WebNovel

章 1: PROLOGUE

"A-asan ako?" Takang tanong ko.

'Deym.. Bakit ba sobrang dilim? Wala akong makita.. wag mong sabihin nabulag ako?'

[Welcome Ms.Fortres!]

Nagulat naman ako bigla. Ano yung tunog na yun? Parang robot.

Lumiwanag ang paligid at may box na may screen ang tumambad sa harapan ko. Kasinglaki nito ang isang TV pero may katawan na bakal.

"Who are you? Where are you from? A-ano ka?" Nauutal kong tanong.

Baka kasi nateleport ako sa future. Ito na ba yung latest invention nila? Bakit ang liit naman? Iba kasi yung naiimagine kong gagawin ng mga scientists. Pero teka lang...

Naalala ko, papunta na kami ni kuya sa restaurant nang biglang lumindol tapos gumuho ang tulay. Nalaglag ang sasakyan at bumagsak kami sa tubig. Imposibleng mabuhay pa ako kasi di naman ako marunong lumangoy. At kahit marunong pa akong lumangoy hindi pa din ako makakaligtas sa mga pabagsak na semento ng tulay.

"Pa--patay na b--ba ako?" Ito na ba yung life after death situation? Eh... asan si San Pedro at ang manok niya?

'Luhhh... di ako nainform na mas hightech pala sa langit. Madaya ha.'

[Hindi pa, pero on the way ka na dun pero may chance ka pa naman na makabalik at muling mabuhay gaya ng dati.] Nagfaflash sa maliit na screen yung reply nitong unknown thingy nato. May boses rin naman akong naririnig. Pangrobot nga.

Na-overwhelm naman ako sa sinabi nitong pagna'deds' daw ako ay mapupunta ako sa langit. Sabi ko na nga ba mabait at inosente ako eh hehe. Pero gosh... di pa kasi ako ready... pwede pa naman sigurong i-postponed yung trip to heaven ko diba?

"Paano?" Nanlaki naman yung mata ko. Yung parang tarsier ba. Baka kasi di niya sabihin hihi.

[Dapat magawa mo ang misyon na ibibigay ko.] Mission daw? Naexcite naman ako.

"Ano 'yun?" Hula ko mag-aala James Bond ako. Di kaya yung mala-Angelina Jolie yung galawan. Tapos mga Mafia at Terrorista ang babanggain ko.

Ako ba yung tipong magiging tagapagligtas ng mundo? Feeling ko nagsa-sparkle yung mga mata ko dahil sa excitement.

Naudlot lang yun sa mga lumabas sa screen na mga salita.

Mission 1.0

~Date w/ 5 guys

'So much for my expectation... tsss. Nakakamatay talaga ang maling akala.'

"D--date? Paano kung di ko gawin?" Luhhhh ang pangit kasi... kala ko naman kung mala-aksyon na.

FPJ Ang Probinsyano. Weyt tama ba yun? Sige, Darna na lang.

[You will die and you will not have a chance to reincarnate] Napalunok ako at nagsitaasan naman yung mga buhok ko sa kilikili.

Tapos dumilim na naman ang paligid.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

>ランキングに必要な15,000ワード

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C1
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank N/A パワーランキング
Stone 0 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン

tip 段落コメント

段落コメント機能がWebに登場!任意の段落の上にマウスを移動し、アイコンをクリックしてコメントを追加します。

また、[設定]でいつでもオフ/オンにすることができます。

手に入れました