Malayo pa kami ni Crayon ay dinig na namin ang boses ng aking kaibigan sa unahan.
''Hay, naku first outing natin 'to pero late naman kayo.'' nakalabing sabi ni Kim habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Family outing lang ito pero kung makapaghanda ang babaeng ito ay tila buong barangay pa yata ang dadalo.
Napangiti ako.
Kalahating minuto lamang mula sa aming bahay ay narating na namin ang napakagandang beach ng Amanpulo. At syempre, dahil masyadong excited ang bestfriend ko kaya madaling araw pa lamang ay nakahanda na siya at mabilis na nakapag-design sa magandang cottage at rooms na aming tinutuluyan.
''Ano ka ba, Kim. Alam mo namang honeymoon stage pa ngayon ng kuya mo, diba?'' Biro ni daddy Dex. Tahimik namang napangiti si Mommy Mary Ann na parang alam na yata ang ginawa namin ni Crayon bago nakarating sa resort.
''Hmm. Siguraduhin nyo lang best ha na ninang ako. Kung hindi, nanakawin ko baby nyo.''
''Loka-loka. Oo, naman.''
Napakamot sa ulo si Crayon. ''I can imagine kung gaano ka spoiled ang magiging baby natin mine, kung yan ang ninang niya.''
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ng aking asawa.
Sobrang saya ko sa araw na ito. Trisha, I know your happy for me, too. Thank you for guiding me, kayo nina mom at dad. Saka, salamat panginoon sa taong binigay mo para sa akin. I cannot ask for more.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Crayon mula sa aking likuran. Katatapos lang namin kumain at heto kami ngayon sa isang bench nakatanaw sa sunset. Sobrang ganda ng resort na ito.
''Sana baby boy ang una nating anak, mine.'' Malambing niyang sabi.
''Bakit?''
''Para siya ang magproprotekta sa mga kapatid niya.''
''Hmm. Pwede. Pero for me gusto ko ng kambal.''
''Interesting. Kaya mo ba?''
''Oo naman. Gusto ko mini Kisha at Trisha.'' Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
Mataman akong pinagmamasdan ng aking asawa bago humalik sa aking noo.
''I love you, mine. I love you so much. Kahit ano pa magiging baby natin, welcome lahat basta ikaw kasama ko at ikaw ang mommy nila.'' Puno ng pagmamahal na aniya.
''I love you more, asawa ko.''
''Gosh! Say it again, please.'' aniya at pinaharap ako sa kanya.
''Huh?''
''Say it again.''
''Alin?'' Takang-tanong ko pa.
''That last statement. Grabe kinilig ako, alam mo ba?'' aniya at bahagyang namula ang pisngi.
Natawa ako sa aking asawa.
''Okay, po. I love you, asawa ko. I love you so much, Crayon.'' I said with full of love.
Parang hihimatayin ang aking kaharap sa narinig. Lumundag-lundag pa ito sa buhanginan.
''Ang laki mong tao taz para kang bata.'' Natatawa kong sabi.
''Ang saya ko kasi, mine. Grabe. Thank you, thank you, thank you!'' aniya at hinalikan ako sa labi.
Isang halik pero puno ng pagmamahal at pag-uunawa.
Kinabukasan ay naghanda kami para sa isang tour. Gusto kasi ni Kim na mamasyal kami sa buong resort para makahanap ng soulmate niya. Gagi talaga.
''Best, ihanda mo ang pinakasexy mong bathing suit ha?'' aniya at pilya akong kinindatan.
''Ano na naman yang binabalak mo, best?''
''Maghahanap tayo ng soulmate este ako pala!'' aniya sabay tawa ng malakas.
Napailing-iling naman si Crayon sa kusina na halatang nakikinig lamang sa amin dito sa sofa habang siya ay nagluluto ng aming hapunan.
''Speaking of soulmate, may bisita tayo mamaya, Kim baka siya na ang soulmate mo.'' si Crayon na ngumisi ng nakakaloko.
''Sino naman yan kuya?''
''Basta.'' aniya at nagpokus na sa pagluluto.
''Chesmes talaga tong si kuya, best noh?''
''Haha. Sino kaya, Kim?'' patuksong tanong ko sa kanya ngunit nagkibit-balikat lamang ang aking kaibigan.
''Sus, wala yan. Scammer yang si kuya.'' Akmang hihiga na sana siya sa sofa sa aking tabi nang may kumatok sa pintuan ng aming cottage.
Nagkatinginan kami ni Crayon sa unahan. Ngumuso naman ang aking asawa na animo naghihintay ng halik mula sa akin. Nag-flying kiss lang ako. Sinalo niya naman as if talaga na may sinasalo at kinuyumos iyon ng halik gamit ang kanyang palad. Baliw!
''Hoy! Ba't nandito ka?''
Nawala bigla ang atensyon ko sa aking asawa at napalingon ako sa pintuan kung sino ang kinakausap ni Kim.
Si Adam! Siya ang matangkad na lalaki na kasama noon ni Crayon sa pagliligtas sa amin ni Kim mula kay Valerie.
Seryoso ang mukha ng isang ito. Kabaligtaran sa malokong awra ng aking asawa. Siya kaya ang sinasabing bisita ni Crayon?
''Bawal kang pumasok.'' Napasimangot ang kaninay energetic kong katabi.
''Tsk..'' ani ni Adam at nilagpasan si Kim.
''Hi, Adam. Kumusta?'' Bati ko na lamang.
Halatang bad trip naman ang kaibigan ko na nasa kanyang likuran.
''Hello, Trish. Si, Crayon?''
''Nasa kusina.''
''Wala dito!''
Magkasabay naming sagot ni Kim. Natawa tuloy si Crayon mula sa kusina.
''Thanks, Trish.'' si Adam at saglit na ngumiti sa akin. Agad niyang nilapitan si Crayon na tawang-tawa pa rin habang nakahawak ng sandok.
Gosh! Ang cute niya ngumiti. Bagay sila ni Kim.
Paismid naman na lumapit sa akin ang aking kaibigan. ''Yabang.'' bulong niya pero narinig ko pa rin.
Napangiti ako.
Parang naiimagine ko ang dalawang ito. Sana sila nga ang para sa isa't isa.
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!