アプリをダウンロード
88.54% One Bite To Another / Chapter 85: RAGE

章 85: RAGE

Third Person's P.O.V

"Hi? Can we talk peacefully now?" medyo mahinang bulong ni Mino sa kaniyang sarili habang basang-basa na ang kaniyang kasuotan. Nasa likod siya ni Silvestre habang nasa himpapawid na sila upang maglakbay.

Marahas na humahampas sa kaniyang buong katawan ang malakas na ulan habang mas lalong nakadaragdag sa lungkot ng paligid ang mapanglaw na kulay ng kalangitan dahil sa makakapal na maiitim na mga ulap.

Laking pasalamat ni Mino na umulan nang malakas sa kabila ng lamig na kaniyang nararamdaman dahil sa nahugasahan ng tubig ulan ang dugo sa kaniyang buong katawan.

Simula nang mangyari ang karumaldumal na pagpatay ng prinsesa kanina ay hindi na niya ito nakausap pa. Kanina pa niya pinipilit na makipag-usap kay Vreihya ngunit ni hindi ito umiimik.

Batid niyang nagdadalamhati nang husto ang binibini dahil sa sinapit ng kaniyang kaharian. The strongest family of vampires are now eliminated from this world.

Hindi maiwasan ni Mino na kabahan lalo na sa ideyang napaslang ang tiyo at ina ng prinsesa. Wala silang kahit anong ideya kung ano ang nangyari o kung ano ang kanilang sinapit.

"We can talk whenever you're ready, okay?" mapanuyo niyang saad ngunit gaya ng dati ay wala siyang nakuhang kahit isang sagot mula sa prinsesa.

Ipinikit ni Mino ang kaniyang mga mata at hinayaang maramdaman ang malamig na pagtama sa kaniya ng marahas na patak ng ulan. He can feel deep inside him that it will be the last moment where he can be at peace as they have no idea on what to expect when they get down from the clouds.

Calix is emotionally damaged right now, Vreihya is having internal turmoil, their kingdom was executed, Silvia is in control of Vreihya's body and Kypper is on Circa's care.

Mino opened his eyes as Circa flashed on his mind. Maybe the deity of the sanctuary can help them now or at least give them ideas on what doom this world is experiencing right now.

But he doesn't have any idea on where to find the deity, nasabi na kasi noon ni Calix sa kaniya na wala na ang diwata sa sangtwaryo. It is too early to execute his plan on how to get Vreihya's body as the signal from Calix is not happening kaya wala siyang ibang magagawa kundi ang hanapin muna sa ngayon ang diwata upang malinawan sila ni Vreihya sa kung ano ang nangyari.

He doubts that the Goddess of the moon will help him right now, maraming taon na ang nagdaan sa mundong ito at nang huli silang nag-usap ay humihina na ang kapangyarihan ng dyosa kaya paano pa kaya ngayon na maraming panahon na ang nagdaan.

"I wish we can talk right now Vreihya, ang hirap mangapa nang mag-isa," pahayag ni Mino ngunit batid niyang ayaw niyang madaliin ang prinsesa. Mas mabigat ang dinaramdam nito ngayon and he will give her time, he will be patient for her.

Ilang sandali pa ay lumapag si Silvestre sa ibaba ng isang bundok kung saan natatanaw na ang kabayanan ng isang kaharian na hindi naman niya alam kung ano ang tawag. He is on his own right now kaya naman kailangan na muna niyang magmasid.

Silvestre transformed into his small form and landed on Mino's left shoulder for support. Ilang sandali pa ng paglalakad ay napansin ni Mino na tila walang kabuhay-buhay ang mga puno at halaman sa paligid.

Bakas na bakas ang paghihingalo ng kabundukan na tila ba sinumpa ang mundong ito. Doon pa lamang ay batid niyang tila nawalan ng buhay ang mundong ito.

Pagdating niya sa kabayanan ay wala siyang ibang nakita kung 'di ang malulungkot na mukha ng mga nilalang na naninirahan doon. Para silang mga tinakasan ng kasiyahan, bahagya siyang yumuko nang makita niya ang mga kawal na may kaparehong kasuotan ng mga kawal na pinaslang ni Vreihya.

Tila mga preso ang mga tao sa kabayanan habang ang iba ay tila may sakit, mamamatay na o hindi naman kaya ay hindi normal ang pagiging payat ng katawan.

Walang mga batang masayang naglalaro sa labas, walang nag-uusap at tila hindi sila magkakakilala dahil sa walang tumitingin sa isa't-isa.

Tila takot ang mga ito na kumilos ng kahit ano o kaya ang magsalita dahil na din siguro sa presensya ng mga kawal.

Ramdam ni Mino ang kakaibang pagtitig sa kaniya dahil na din siguro sa kaniyang kasuotan na hindi nababagay sa mundong ito. Para siya ngayong sinasaksak ng matalim na paninitig ng mga kawal na kaniyang nadadaanan.

He felt like he is inside a big prison and he's a criminal that is ready to be executed by the guards. He is a bit surprise that they cannot smell his mortal scent, dahil na din siguro na may purong dugong bampira ang nasa sistema niya ngayon.

Ilang minuto pa ng tahimik na paglalakad ay agad siyang napatingin nang biglang may malakas na sigawan na nagmumula sa bahay na kaniyang nalampasan kanina.

Agad na tumalsik palabas sa kahoy na pintuan ang isang lalaki at agad na lumapit sa kaniya ang iilang kawal at tinutukan siya ng espada sa leeg.

Agad na lumabas sa tahanan ang isang kawal at ang isang babaeng may katandaan na. "Ina! Tulungan mo ako! Pakiusap!" umiiyak na pahayag ng binatang lalaki na nanginginig na sa takot.

"Mas gugustuhin ko pa na makita kang mamatay kaysa ang mapares ka sa isang tao!" matapang na saad ng ina ng binatilyo. Mabilis na naikuyom ni Mino ang kaniyang kamao dahil sa kaniyang narinig.

Mabilis na nagkumpulan ang mga taga-baryo sa lugar na iyon upang manood sa nangyayari. "Ina! Huwag mong gawin sa akin ito! Wala akong kasalanan!" umiiyak na pahayag ng binatilyo habang pilit niyang itinatayo ang sarili at humihingi ng tulong.

"Isang malas na bampira na naman ang natuklasang nakapares sa isang tao."

"Salamat sa dyosa dahil hindi niya ako sinumpang mapares sa isang tao."

"Mas mainam pa na mapatay na lamang siya kaysa magaya siya sa sinapit ng prinsesa."

"Nakakaawa ang mga minalas na katulad niya, bakit hinayaan ng dyosa ng buwan na magkaroon ng mga bampirang ipapares sa mga tao, isa ba itong sumpa?"

Halos mabingi si Mino sa iba't-ibang bulungan na kaniyang nairirinig. Ang kaninang tahimik na kabayanan ay napuno ng mga negatibong komento patungkol sa pagiging kapares ng isang tao.

Ngunit nangunot ang noo niya dahil sa narinig niyang sinapit ng prinsesa. Ano ang nais nilang sabihin?

"Patayin niyo na lamang siya, hindi ko kayang tawaging anak ang lalaking 'yan!" malakas na utos ng ina ng binatilyo na tila ba hindi niya dugo't laman ang nais niyang ipapatay.

"Alinsunod sa batas ni haring Zakarias, lahat ng mga bampirang matutuklasang nakapareha sa isang tao ay papaslangin!" malakas na sigaw ng punong kawal sa baryo.

Mabilis na nagningas ang mga mata ni Mino dahil sa galit nang marinig niya ang kautusang iyon. Hindi naman ata tama na patayin nila ang kanilang kauri dahil lamang nakatadhana ito sa isang tao. Ang masama pa ay tila sang-ayon ang karamihan doon.

Walang kasalanan ang mga bampirang katulad ng binatilyo dahil hindi naman sila ang pumipili ng kapalaran na iyon. Isang hangal ang haring Zakarias na tinutukoy ng mga kawal. Isang malupit na batas ang kanilang sinusunod habang tila sang-ayon lamang ang marami dito.

Tinuturing nilang isang sumpa ang maging kapareha ng isang tao! Isang kahangalan.

"Ina! Pakiusap!" nangangatal na pagmamakaawa ng binata dahil na din siguro sa takot at maging sa masakit na pagdaramdam ng binatilyo dahil sa ginagawang pagtatakwil sa kaniya ng kaniyang ina.

Mabilis na hinila patayo ang binatilyo at pinaluhod sa tuyot na lupa. Mabilis niyang sinubukan na manlaban gamit ang kaniyang lakas at bilis ngunit wala siyang laban sa mga kawal na humawak na sa kaniyang magkabilang braso.

Mabilis na itinutok ng isang kawal ang kaniyang espada sa nakayukong ulo ng binatilyo upang pugutan siya ng ulo. Akma na sanang ililigtas ni Mino ang binata ngunit mabilis siyang nabigla nang may bigla na lamang may humila sa kaniyang buhok at tinutukan siya ng punyal sa kaniyang leeg.

Mabilis na napasinghap ang mga nakakita nang makita nila nang mas maigi ang mukha ni Mino. "Sa tingin mo ba ay hindi ka namin makikilala?" madiin na saad ng punong kawal na siyang mabilis na nagtungo sa likuran ni Mino tsaka siya tinutukan ng punyal sa leeg.

"Entrante! Hindi ba siya ang mortal na pumatay kay prinsesa Vreihya!?"

"Siya nga! Siya ang lalaking walang awa na trinaydor ang prinsesa!"

"Paslangin ang taong iyan!"

"Balatan niyo siya nang buhay!"

"Patayin niyo ang taong iyan! Patayin!"

Malakas at galit na galit na suminghal kay Mino ang taga-baryo habang inilalabas nila ang kanilang mga pangil kasabay ng pagliwanag ng nasusuklam nilang mga mata. Mabilis na kinaladkad ng punong kawal si Mino at marahas siyang isinalampak sa lupa.

Wala naman maintindihan na kahit ano si Mino, hindi niya alam kung bakit siya pinagbibintangan ng kung ano-ano. Kailan niya pa pinatay si Vreihya? Ito ba ang nalalaman ng mga nilalang na naninirahan dito?

"Kasalanan mo itong lahat! Kasalanan mo kung bakit pinapatay nila ang mga katulad kong nakapares sa isang tao!" galit at malakas na singhal ng binatilyo na nasa kalagitnaan ngayon ng kamatayan.

Rinig na rinig ni Mino ang malalakas na panduduro at ang nakatakot na garalgal na ungol ng mga nakakasaksi habang pinapakita na ang kanilang matatalas na pangil na tila handa siyang sakmalin kahit anong oras.

Tila isa siya ngayong halimaw na nahuli ng mga taong nagpupuyos sa galit at handa siyang katayin at kainin nang buhay. Hindi siya nanlaban kahit pa batid niyang may kakayahan siyang makawala, batid niyang sa paraan na ito siya malilinawan sa kung bakit siya napagbintangan.

If he is the most hated person in this world, he can't just ask someone casually to tell him why dahil batid niyang papatayin lamang siya sa galit. He will just observe and go with the flow upang magkaroon siya ng ideya.

Marahas niyang naramdaman ang pag-apak ng punong kawal sa kaniyang likuran upang mas dumiin ang kaniyang pagkakasalampak sa sahig.

Si Silvestre naman ay kanina pa lumipad paalis nang mabatid niyang nasa panganib si Mino. Silvestre is traumatized with this kind of event as the mighty bird can't forget that horrible night.

"Paslangin!"

"Patayin!"

"Dapat patayin lahat ng kaniyang mga kauri!"

Galit na galit na sigaw ng mga bampirang nakakasaksi habang ang binatilyo ay marahas lamang na nakatingin kay Mino.

"Mas mainam siguro na dalhin ang hangal na ito sa mahal na hari, mas kanais-nais kung papahirapan na muna siya at unti-unting papaslangin!" madiin na saad ng punong kawal at marahas na sinabunutan si Mino upang iangat ang kaniyang ulo.

Marahas siyang tinitigan ni Mino ngunit mabilis niyang sinuntok sa pisngi si Mino na siyang nagpalabas ng dugo sa kaniyang bibig.

"Huwag kang magtapang-tapangan hangal! Sisiguraduhin na malupit ang iyong magiging kamatayan at maging ng iyong lahi!" galit na singhal ng punong kawal at muling binigyan ng malakas na suntok sa mukha si Mino na siyang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay.

Sa kabilang banda ay isang pares ng mga mata ang siyang nagniningas sa galit habang pinapanood ang nangyayaring kaguluhan sa kabayanan. Tanaw na tanaw niya ang nangyayari sa malaking sanga ng puno na kaniyang kinauupuan.

Natatakpan ng isang makapal na balabal ang kaniyang kabuuan. The black hood on his head and the white fabric that is covering his face became his way of hiding his identity.

Marahas niyang naibaon ang kaniyang matatalas na mga kuko sa katawan ng puno na kaniyang hinahawakan. His heart throb with rage upon seeing the not-so-mortal man. Nagpupuyos sa galit ang kaniyang dibdib na tila ba gusto niyang baliin ang lahat ng buto sa katawan ni Mino.

The deep and bleeding scar on his chest filled with rage and hatred is giving him the strong urge to cut every part of Mino's body into thin pieces.

The wind quickly blew harshly and that caused the villagers to panic when the harsh wind causes the dry dust to forcefully blew towards their direction. Bahagya pa silang nasugatan dahil sa tila may kasamang maliliit na patalim ang hanging malakas na tumama sa kanila.

He will make Mino pay for his unforgivable action. He will make sure that he will get the justice that he wanted and waited for years. Now that he's back, he will make him regret that he stepped once more on this world.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C85
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン