"Don't talk, Vishen. Kahit ano pa man ang sasabihin mo sa akin, it will not bear any weight about my decision."
Iniiwas ng lalaki ang tingin sa akin at nagbuntunghininga. Itinuloy nito ang pagbubuhos ng alak sa kopita at ibinigay sa akin.
"I'm sorry for making you feel uncomfortable, Ms. Karina."
"Thank you." Inabot ko ang baso at diretsong tinungga. Nakatulong ang init na hatid ng alak para pigilin ang pag-iinit ng mga mata ko. Inagaw ko na ang buong bote at doon uminom. Isa, dalawang buong lagok hanggang sa mapangalahati ko na ito.
I released a sigh when I calmed down a bit.
"So we're finally in the last stage of this circus, huh." Nagbuga ako ng hangin at nginitian si Vishen habang yakap ang bote sa kandungan. "Ngayong araw ko na tatapusin ang lahat. Hindi ko na kaya, eh. Kapagod na. Pagod na akong kimkimin lang ang lahat sa loob ko. The years of suffering... I need them to end it all here, Vish. Pagod na akong maging matapang sa labas habang unti-unti akong nalulusaw sa loob. Pagod na ako sa mga alaala. Tama na siguro yung mga ginawa ko. Hindi ko man maibalik ang mga mahal ko sa buhay na nawala, at least may mga nagawa ako laban sa mga mamamatay-tao na mga Asturia." Tumungga uli ako sa bote.
"Kung pagod ka na, dapat magpahinga ka na. You've done so many things, Ms. Karina. I know I will cross the line when I say this but I think your cousins are just using you against the Asturias. Tama na. Umuwi na tayo."
Mababa ang boses ni Vishen, parang nag-aatubili pa nga ito sa mga sinasabi pero ramdam ko ang sinseridad nito.
"I know, Vishen. I'm long been aware of it but regardless of their intentions, we both have the same interests so it's fine with me."
Ngumiti ako nang matamis dito. "Gusto ko na ring umuwi pero may tatapusin pa ako. Last stop kumbaga."
Tinitigan ako ng lalaki at maingat na ngumiti.
"Zen will be so happy, Ms. Karina."
Pabirong hinampas ko ang lalaki sa braso.
"Alam kong hindi lang si Zen ang matutuwa. Now that I'm almost done here, you will have the love of your life all to yourself. Hindi ka na magpipigil kasi laya na siya sa kontrata."
Napahagikhik ako nang mamula ang pisngi at tenga nito. Tumikhim ito at hindi na nagsalita.
I laughed. "Yes, what do I do expect? Always the cultured and prim Vishen."
Tawa ko na lang ang pumuno sa buong sasakyan ng mga sumunod na segundo hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng building ng Department of Energy.
Vishen escorted me out of the car and into the entrance where a group of men in black suits bowed their heads at me. We boarded the lift to the sixth floor where a meeting with key people are taking place.
Binati ako ng isang babae pagkalabas ko ng elevator at inihatid sa labas ng opisina ng secretary. She knocked on the door twice and opened it for me. I thanked her curtly and stepped in the big room. The man I'm needing today is behind his desk with his hands clasped on the table. Seryoso ang mukha ni Alfred Benito at mukhang kanina pa ako hinihintay.
"Good afternoon, Secretary."
Tumayo ito at maaliwalas ang mukha na sinalubong ako at iminuwestrang maupo sa upuan na nasa harapan ng desk nito.
"To whom do I owe this pleasure of meeting an Alcantara, hija?" nakangiti nitong panimula.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, secretary. I know that you know why I'm here. I believe the Chairman already informed you."
Sumandal ito sa backrest ng swivel chair at mataman akong tiningnan mula sa mababait nitong mga mata, the kindest I've ever seen.
"I like you, Ms. Alcantara. Kagaya ka rin ng Chairman pagdating sa pakikipag-usap. Hindi ka nag-aaksaya ng oras."
"I don't see enough reason not to. Pare-pareho lang tayong nakikipaghabulan sa oras."
The man just stared at me and nodded. Pinindot nito ang intercom at nagsalita.
"Maris, pakihatid itong bisita natin sa conference room," utos nito.
Kumunot ang noo ko sa narinig at nagtaka.
"Is that it? Wala kang hihingin na amumang kapalit? Pera? Connection? A townhouse perhaps?"
Ngumiti lang ang lalaki at umiling.
"Hija, hindi lahat ng mga kawani ng pamahalaan ay nasusuhulan niyo. The government is not some play area for the Alcantaras and Asturias to shoot their arrows at. Alam kong wala akong alam tungkol sa mga pinag-ugatan ng mga alitan ninyo pero 'wag niyo nang mas lalong dungisan pa ang imahe namin. Marami na kaming tinanggap na putik mula sa madla."
"But you're exactly doing the same. You are giving me an advantage over an Asturia, Mr. Secretary."
"It's just an endorsement. Nakasalalay pa rin sa proposal ninyo kung mapapasainyo ba ang project. Hindi ko rin ito ginagawa para panigan ang isa sa inyo. Minsan lang humingi ng pabor sa akin ang inaanak ko kaya pinagbigyan ko siya."
My brows raised and a smile formed on the edge of my lips.
"Hindi ko na tatanungin kung sinong inaanak ang tinutukoy mo. I already have an idea."
Tumayo ako at kinamayan ang lalake.
"Thank you, Mr. Benito. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito. Call me once you need help. You have my word."
Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary nito. Muli kong tinanguan ang matanda at sumunod sa babae palabas ng pinto
"Hija," tawag nito sa akin na nakapagpahinto sa paglalakad ko. "Payo lang mula sa papalipas na na tulad ko. Magpatawad ka na. Let go of the past. Do not sacrifice your present for the people that will never come back. Live today. That is all that matters."
I just looked at the floor and never uttered a single word for a while.
"Now I understand why you are friends with the Chairman. I'll better go, sec."
Lumabas na ako sa pinto at sumunod sa naghihintay na babae. Umuukilkil pa sa pandinig ko ang mga sinabi ni Alfred Benito. Maybe it's time to amble into the path of healing and truly move on...
... after I'm done here.
We stopped outside a door on the last end of the hallway. The woman smiled at me courteously and raised her knuckles to knock on the door.
"Stop," I commanded her. "I'll take it from here. Thank you. You can go."
She looked at me for a second before nodding and walking away. Tiningnan ko naman ang pinto at huminga nang malalim.
Hinayaan ko ang sarili na mag-atubili ng ilang segundo para makapag-ipon ng sapat na hangin sa dibdib. Pinatigas ko ang mukha at pinilit ibalik ang nagbabadya na luha.
This is it. This is the end of everything. Beyond this door is the end of this phase.
Handa na ba ako sa maaring mangyari? Oo, matagal na.
Kakayanin ko ba ang lahat pagkatapos nito? Iyan ang hindi ko sigurado.
I only prepared for what I'm going to do and I didn't care about the aftermath of this. Nawala na sa isip ko ang magiging balik nito sa akin. I got too invested of the wicked plans of revenge.
Kinapa ko ang dibdib at pumikit. Unti-unti kong itinaas ang kamay at ilang beses tinanong ang sarili kung heto na ba ang panahong iyon, kung ito na ba ang katapusan ng lahat.
"What happens, happens," I mumbled. Nagbuga ako ng hininga at tuluyan nang binuksan ang pinto.
Natigil ang usapan ng mga tao sa parihabang mess at natutok sa akin ang atensiyon ng lahat. I surveyed the people in the room. Sampung katao ang nasa loob at seryosong nag-uusap. Walo sa kanila ang mga naka-suit na mataman akong sinisino sa ilalim ng kanilang mga makakapal na salamin. Huminto ang mata ko sa babaeng nasa dulo ng mesa katabi ang secretary nito. Ngumiti ako nang matamis dito.
"What a pleasant surprise to see you here, mama."
Lumarawan ang disgusto sa mukha ni Donya Teodora at tinaasan lang ako ng kilay.
"What are you doing here?" naninita nitong tanong sa akin.
Lumakad ako papunta sa isang bakanteng swivel chair, hinila ito, at umupo nang naka-krus ang mga binti. Inilagay ko ang Hermes bag sa mesa, sumandal, at inilibot ang tingin sa mga kasama.
"Well, just like all of you, I'm here for a meeting. So shall we start?"
Walang ni isang sumagot. Nagkatinginan lang ang mga tao sa mesa at napailing.
Tinampal ko ang sariling noo at humagikhik. Mas lalo namang nagkaroon ng gitla ang mga noo nila dahil sa kalituhan.
"Oops, my bad. I forgot to introduce myself." I stood up and waved my hands at them. "By the way, ladies and gentlemen, I'm Veronika Alcantara, a board of director at Alcantara Trading and Holdings. Some of you here must have known me as Karina Gastrell and yes, I am both of that person. So? Can we start now?"
"You're Ms. Alcantara?" asked the Spanish-looking man on my side.
"Si, Señor Fernando. And our companies have been in multiple partnerships before. Sayang nga lang at hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magkausap. Mabuti na lamang at kumatok ang napakagandang oportunidad na ito. We will be going to be partners again."
Inisa-isa ko ang mga gulat na mukha ng mga tao sa silid lalo na ang mama ni Cholo na sandaling natigilan. Nagkibit-balikat ako at bumalik sa pagkakaupo.
"Magsimula na tayo. I know how precious each second of your time is."
"Wala pa sina Ymir at Cholo," tutol ni Donya Teodora na bumalik uli ang naninitang tingin sa mukha. "It is improper and disrespectful to start this meeting without the principal sponsors of the project."
"Ah, I see that you have been put in the dark, mama. Matagal nang wala sa proyektong ito ang mga Asturia. You can't actually expect me, a respectable Alcantara, to be tolerating to be in the same place and breathing the same air with an Asturia. I can't stand it. In fact, our company entered in the agreement on that one condition. Ayokong makasama sa iisang proyekto ang mga mamamatay-tao na mga Asturia. Tutal, wala naman na silang pakinabang ngayon dahil sa mga nangyari, I believe it would be for the best of the project to completely exclude them, right everybody?"
Bumukas ang pinto at pumasok si Elizabeth kasunod si Cholo. Nagtama ang mga mata namin ng asawa at gumuhit sa mga ito ang maraming katanungan. Si Elizabeth naman ay agad na namutla at kumapit sa braso ni Cholo. I just smiled at him and focused my attention back to the men at the table.
"My husband and the uninvited guest is here. Siguro naman ay makakapagsimula na tayo rito," I said dismissively.
I can feel Cholo's boring eyes on me but I didn't glance back to look at him. Naupo ang dalawa sa mga bakanteng upuan, si Elizabeth ay muling kumapit sa braso ni Cholo matapos maupo sa tabi nito. Pinalagpas ko na lang ang nakita at nginisihan ang babae. I swear it'll be the last time she can do that.
"For the purpose of the newlycomers, I'll repeat what I've stated. Magiging active investor lamang ang mga Alcantara kung tuluyan na ninyong aalisin sa project na ito ang mga Asturia. If not, then say goodbye to our participation. Asahan na rin ninyo na tuluyan nang mawawala sa inyo ang proyekto. Dahil sa mga nangyari kamakailan involving Elizabeth Asturia, wala ng kredibilidad pa ang pamilya nila para makatrabaho ang gobyerno. Political allies of the Asturias are scrambling away from the clan and I don't think any of you shouldn't do the same. It's what we should do to survive, right? You get me? Am I making sense? Anyone?"
Ibinaba ko ang mga kamay sa ilalim ng mesa at pinisil ito para mabawasan kahit kaunti ang panginginig nito. It's not that I'm scared. Naghahalo lang ang pait at saya sa dibdib ko.
"Hija, you have to understand that the project has been initiated by Mr. Asturia and Mr. Gastrell, your husband. They planned this for years now. What I can suggest is to lie down for a time now before we assume the project," ani ni Inocencio Abrador, ang ikalima sa may pinakamalaking investment.
I crossed my arms and retreated to the backrest of the seat.
"Well, by that time Mr. Abrador, wala na sa inyo ang proyekto. I can easily assemble another set of willing investors to get this project because just to let you know, hindi lang ang asawa ko at si Ymir ang nagpaplano nito ng ilang taon. Ours too took decades to formulate the steps. Hindi ako parang kabute na biglang sumulpot lang. Where we are now is a product of calculated steps of concise planning. Magpasalamat nga kayo at naisipan ko pang alukin kayo nito."
"What's happening here?"
Dumagundong sa apat na sulok ng silid ang boses ni Cholo. That's the time when I look his way. His face is dark with a mix of confusion. He's still trying to grasp and make sense of what's happening.
I ignored him and continued talking as if his intense stare doesn't affect me at all, as if the dawning look on his face doesn't make my knees shake in pain.
"Don't worry, gentlemen. Hihigitan ko pa ang mga nagawa ni Ymir. I'll double the amount he had invested. Plus, Cholo will still handle this. Papalitan ko lang ang pwesto ni Ymir. Iyon lang."
"Karina, what's happening here?!" hindi na nito napigilan na sigaw.
Tiningnan ko muna ang shock na mukha ni Elizabeth bago sinalubong ang madilim at nagbabagang mga mata ng asawa.
"I'm trying to help you, husband. I don't want to see you so down so I'm stepping in to fill the gap." Binuksan ko ang bag gamit ang isang kamay at inilabas ang lukot na papel at inihagis sa mesa. "To convince you more, here's the deed of sale. Yup. They sold the land to me. Another proof that the Asturias are not that good in doing their job. I can do better. I did better."
Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Mayamaya pa ay nagsalita si Cholo nang puno ng pang-aakusa.
"You sabotaged the project. You did all of this shit so that you could satisfy you and your family's greed! And here I am too trusting, too happy with you not knowing what you're doing behind my back. I can't believe this," he said bitterly when he solved the pieces together.
Naramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa laman ng palad ko kasabay ang pagkalat ng mainit na likido sa kamay ko.
"I'm actually helping you, Cholo. I don't want you to do deals with murderers," I said and glanced at Elizabeth who looked away. She clutched her chest and breathed hard.
"That's a grave accusation, Karina. "
"It will not just be an accusation, Cholo. It will be proven final and executory once I'll escalate the cases to the court," I snapped, my voice escalating a bit higher.
"Stop, please," ang nanginginig na boses ni Elizabeth. Beads of sweat are running down from her face. She's also turning to be paler than I have ever seen her.
Umiling ako at tumawa. "No, you stop! Don't run again from what you and your family did, Elizabeth. Gusto mo pa bang isa-isahin ko sa harap ng lahat ang mga krimeng ginawa ng pamilya mo? Let's start with your brother."
Tumulo na ang mga luha nito nang tumayo ito kagat-kagat ang labi. She looked at Cholo desperately and shook her head.
"D-Don't believe her. I-It's not true. It's just an accident. Please Cholo, believe me." She clung into his arms like her life depended on him.
"Elizabeth, stop talking please. Nakakairita ka ng pakinggan. Gosh, for someone whose scandal leaked out, ikaw pa ata itong walang kahihiyan. Stop poisoning his mind with your lies. Kahit maglupasay ka pa diyan, I can't just stay silent anymore. Tapos na akong makipaglaro. Pagod na ako."
"No!" she shouted out of the blue as she kept her trembling hands in her chest, her face wet from sweat and tears. "What more do you want? Ginawa ko naman ang gusto mo! L-Lahat ginawa ko kaya please naman, tumigil ka na Karina. I'm suffering can't you see?" Napahagulhol na ito ng iyak. "Kung pagod ka na, ako rin. I'm tired too, Karina. Gusto ko namang makaranas na makatulog sa gabi nang walang bangungot k-kaya please, maawa ka, tumigil ka na."
Naging mabuway ang tayo nito. Pumalya ang paghakbang nito palayo kaya agad itong inalalayan ni Cholo at hinapit sa bewang.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa kamay ko nang mas pabaunin ko pa ang kuko rito. I'm starting to feel numb that's why I have to hurt myself to feel emotion.
Nakatungo na sumagap ako ng hangin.
"Playing victim are we, Elizabeth? Kung hindi ka nakakatulog sa gabi eh paano naman ako? Wala pa lang iyan sa katiting ng mga pinagdaanan ko ng dahil sa inyo," saad ko sa basag na tinig. Bumaling ako kay Cholo na makikita na ang pag-aalala sa mukha habang nakatingin kay Elizabeth.
"Kung alam mo lang ang totoo, Cholo. You'll not even give her that pity look because she doesn't deserve it."
"Stop it will you?!" bulyaw nito sa akin at pinangko palabas si Elizabeth. Mabilis akong tumayo at hinabol sila sa pinto at pinigilan ang kamay ni Cholo. He glared at me.
"Don't make me hurt you more, Karina. Stop this. Please don't ruin us," he muttered in between his gritting teeth.
"No, you can't possibly do something that will hurt me more than what you did to me in the past. I just wanted you to know that she deserved every second of pain that she's feeling now..." Humina ang boses ko... "every fucking second of it. Remember that when I'm gone here," my voice croaked from keeping the bottling emotions inside me.
Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanila. I moved my head towards the open door to gesture them to leave. Makikita ang paghalo ng kalituhan sa galit nito na ekspresyon pero hindi na nito iyon binigyan ng importansiya. His eyes went down to the handle of the door where my bloodied hand is resting. Lumambot ang mukha nito at dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Don't mind me. It's just a scratch," I said and smiled at him.
Nakatiim-bagang na nilagpasan niya ako at tuluyang lumabas. His eyes in a mixture of hatred and worry and his hurrying steps away from me were the last thing on my mind when I turned my back to shift my eyes to the people in the room who just evaporated in my mind earlier.
"Oh, I'm sorry gentlemen if you have witnessed that. That was ugly and too personal. Mas mabuti pa sigurong i-reschedule na lang natin ang susunod na meeting. My secretary will keep in touch with you," I said in my most professional tone.
Tumikhim ang iilan bago isa-isang nagsilabasan. Naiwan kaming dalawa ni Donya Teodora na namumutlang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang ang matanda bago naglakad pabalik sa mesa para kunin ang papel.
Hindi na ako nag-abala pang pahirin ang dugo sa kamay at basta na lang na hinablot ang bag matapos ilagay sa loob ang papeles.
"Veronika Alcantara..."
Napahinto ako sa pagtalikod nang marinig ang inusal ng matanda. Itinaas ko ang mukha rito at naghintay sa sasabihin nito.
She slowly raised her ashen face to me.
"T-That's the n-name of one of the victims of that car accident."
A series of images flashed in my head. Me and Errol on that dirt road, blood is everywhere while I'm hoping against hope that my son will miraculously breathe again. Pumatak ang luha ko sa sakit na nararamdaman.
"I'm glad you still remembered," I said in almost a whisper. "Yes, mama. Ako iyon... at kilala mo rin ba ang batang kasama ko na namatay do'n? Of course you know him. He... h-he's my son... your grandson. Alam mo rin bang kamukhang-kamukha niya si Cholo? And his eyes... His eyes look so much like yours minus the condescension and the mockery I always see everytime you look at me. My Errol's eyes were so innocent, so pure and so happy. He loves me so much. Kapag ngumingiti siya sa akin, para ko na ring nakikita na ngumingiti ka sa akin. Kaya nga kahit alam kong hindi mo ako gusto, hinihiling ko pa rin na makita ka. Kahit sa ganun man lang ay makita ko siya kahit pa sa mga mata mo na lang."
Ngumiti ako sa kawalan at inalala ang mukha ng anak ko habang nakabungisngis at pinaliliguan ako ng halik bilang paglalambing nito.
"My departed son is so lovable that I can bet he can melt your icy heart. Sayang nga lamang at hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon na makita siya."
Ilang sandaling hindi ito nagsalita. Nakayuko lang ito, ang mga kamay ay nasa paanan habang yumuyugyog ang balikat. May iilang patak na rin ng luha sa mesa.
"Don't cry. Save that for a time when you will have the face to visit him. At kapag nagkaroon ka na ng lakas, at least apologize to him. Apologize for letting his murderer go."
Mabigat ang dibdib at mga paa na tumalikod na ako.
"I-I'm sorry. I'm sorry, Karina. I-I'm sorry for everything... I'm sorry. I'm sorry. If I knew then I wouldn't have done it. I'm sorry. I'm so so sorry," ang humahagulhol na wika nito ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa. I slammed the door open and ran outside.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng silid at binaybay ang hallway nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko. Hindi ko na rin maalala kung paano ako nakarating sa sasakyan at inutusan si Vishen na umalis. Basta nakita ko na lang ang sarili sa loob nang umaandar na sasakyan, lumuluha at tumatawa na parang baliw habang inuubos ang isang bote ng alak.
Pain...
When will I stop feeling this?