アプリをダウンロード
25.39% I love you till the end, Mr. Buenavista / Chapter 16: SWEETEST PUNISHMENT

章 16: SWEETEST PUNISHMENT

Naiinip na napatayo si Zachary sa kaniyang pagkakaupo at nagpalakad-lakad sa living room. Kanina pa niya inaantay si Samarra ngunit hanggang ngayon hindi pa ito lumalabas sa kuwarto. Talagang inuubos ng babaing ito ang pasensiya niya. Simula kasi nang umalis ang kaniyang pamilya galit na galit ito parang kakainin na siya ng buhay sa sobrang pagkainis nito.

Napasulyap siya sa relo na suot at halos magdadalawang oras na siyang naghihintay kaya napagpasyahan na niyang pumasok sa kuwarto. Ganoon na lang ang kaniyang pagkagulat dahil mukha hindi pa lumalabas mula sa bathroom si Samarra.

"Samarra! Hurry up!" Sunod-sunod ang ginawang pagkatok ni Zachary sa pintuan. "Bilisan mo naman marami pa tayong gagawin," naiirita niyang wika. May plano pa ata si Samarra na matulog sa loob ng bathroom.

"Samarra! Open the fucking door or I will destroy it," pagbabanta niya kay Samarra.

Narinig niya ang lagatik ng seradura kaya umayos siya ng tayo sa mismong harapan ng pintuan.

"You take so long?" bungad na tanong niya kay Samarra na tila hindi niya nakitaan ng pagkagulat o kahit na anong reaksyon ito. Matamang nakatingin lang ito sa kaniya at hindi nagsasalita.

Tumaas ang kilay nito. "Excuse me, you said we need to hurry. So, you better get out of my way," ani nito at binangga pa siya at nilampasan.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at pilit na kumakalma sinundan niya ng tingin si Samarra na tila hindi makapag-decide kung ano ang susuotin nito.

"Samarra kanina ka pa d'yan," hindi na niya maitago ang pagkainis kay Samarra. Napalingon lang ito sa kaniya at sandaling natigilan hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito at umiling- iling bago binalik ang atensyon sa ginagawa.

Napipikon siyang tiningnan si Samarra kaya tinulungan na niya itong naghanap ng maisusuot pero kada kuha niya ng damit ay binabalik lang nito, nawawalan na siya ng pasensiya sa inaasta nito.

"I said. Make it, fast," gigil niyang wika kay Samarra ngunit inirapan lang siya ito at mas lalong binagalan ang kilos nito.

Kung kanina hindi niya nakikita ang paliligo nito na umabot ng dalawang oras. Pero ngayon parang sa pamimili pa lang ata ng damit aabutin na sila ng gabi sa bagal ng kilos nito.

Kinuha niya ang isang beige na maxi dress at ibinigay kay Samarra ngunit hindi nito kinuha.

"I've been waiting for you more than two hours and I can't wait more." Inis niyang hinaklit sa braso si Samarra nag-angat ito ng tingin diretso sa kaniyang mata, na tila hindi ito makitaan na pagkasindak.

"Now, kapag hindi mo pa susuotin yan. Aalis tayo na naka-bathrobe ka lang."

Matamang nakatingin ito sa kaniya kaya mas pinaseryoso niya pa ang kaniyang mukha at marahil mapansin siguro nito na hindi siya nagbibiro mabilis na hinablot ang damit.

"You're not going anywhere. Dress up here or I will dress you up?" aniya ng akmang aalis ito at tutunguhin ang bathroom.

Nanlalaki ang mata ni Samarra na tila hindi makapaniwala sa kaniyang ipinag-uutos. "Are you nuts!!" Malakas na sigaw nito.

"I'm not going to dress up here. Never in a million years." Umiling-iling pa ito sa kaniya. Napangisi siya sa narinig kay Samarra. Million years?

He shrugged. "Okay! I'm willing to dress you up."

Wala siyang pagpipilian kundi siya na ang magbihis kay Samarra. Mabilis niyang hinila ang pagkakatali ng bathrobe ni Samarra. Kaya nahantad ang katawan nito sa kaniyang harapan. Natigilan siya at napalunok dahil walang ano man na saplot si Samarra.

Tumingala sa kaniya si Samarra at namumula sa galit. Hindi niya napaghandaan ang pag-angat ng paa nito, huli na niya nahulaan ang sikmura niya ang puntirya nito. Napaigik siya ng sinipa ni Samarra ang kaniyang sikmura.

"Pervert!!" sigaw nito bago tumakbong papasok sa bathroom.

Wala sa sarili na naglalakad habang iniinda niya ang sakit sa kaniyang sikmura. Napaupo siya sa kama at hinihimas-himas ang tiyan. Parang kakapusin siya ng hininga sa ginawang pagsipa ni Samarra.

Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan, napilitan si Zachary umakto na parang walang nangyari at tumayo ng tuwid kahit ang totoo namimilipit pa rin siya sa sakit. Hindi niya puwedeng ipakita kay Samarra iniinda niya ang sakit baka pagtawanan pa siya nito.

Tiningnan niya ito ng masama. "What?" painosenteng tanong ni Samarra sa kaniya na tila walang ginawa sa kaniya.

Lumakad siya palapit kay Samarra at hinapit ito palapit sa kaniya. Pumikit ito at pigil ang hininga.

"The next time you do that. I will give you a sweetest punishment." Sinadya niyang dilaan ang tainga ni Samarra kaya kitang-kita niya na natigilan ito at paninigas ng katawan. Napangisi siya nang sunod-sunod na napalunok si Samarra at binalingan siya ng tingin kaya pinaseryoso niya ang kaniyang mukha.

Pinadaanan niya ang hintuturo sa dibdib ni Samarra na ikinasinghap nito. "Papalampasin ko ito ngayon."

Nang wala siyang narinig na pagtugon at pag-alma kay Samarra mabilis niyang pinagsiklop ang kanilang kamay at hinila na ito patungo sa private elevator.

Habang nasa elevator naaaliw siyang tiningnan si Samarra habang kilay nito nag-isang guhit at hindi maitago ang inis sa mukha nito. Alam na niya kung papaano niya mapapasunod at papatahimik si Samarra. Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti sa nangyayari.

"Love… Come closer."

Pumiksi ito ng hawakan niya ang braso nito. "What?" naiinis na tanong ni Samarra.

Ngumisi siya at hinapit ito sa baywang. "Your boobs are bigger than I thought," bulong niya.

Akmang iigkas ang palad nito sa kaniyang mukha ngunit nabitin lang sa ere na tila natauhan ito nang mapansin ang pagngisi niya.

"O, bakit hindi mo ituloy," pang-iinis niyang tanong.

Huminga ito nang malalim at bakas ang pagkainis sa mukha nito. "What do you want?" mahinang tanong ni Samarra ngunit may diin.

Nagkibit-balikat siya at walang maapuhap na sagot. Ano nga ba ang gusto niya? Mula kagabi pa siya naliligalig kay Samarra. Hindi niya maintindihan bakit hinahanap niya ang presensya nito. Gusto niya laging nagkikita ito na naiinis sa kaniya. Ngayon lang siya nakahanap ng babae na mahirap hulaan kung ano ang susunod na kilos nito. Si Samarra lang ang babae na naka-agaw ng atensyon niya at kayang baguhin ang mood na mayroon siya.

Hanggang makasakay sila ni Samarra ng sasakyan, wala silang kibuan at imikan. Hindi rin ito tumitingin sa kaniyang gawi habang siya naman panaka-nakang sinusulyapan ito. Hindi niya mawari kung ano ang saloobin ni Samarra. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa labas.

Nang makarating sila ni Samarra sa Lucille's Wedding boutique na pag-aari ng kaniyang Tita Lucille na malapit lang sa may Zafaria Mall. Agad itong bumaba at naglakad mag-isa na parang walang kasama.

Inis niyang tinakbo ang pagitan nila ni Samarra at marahas niyang hinawakan ang braso nito.

"I'm warning you Samarra. Don't be stubborn," gigil niyang bulong dito.

"Show your sweetest and innocent smile, Samarra." Inakbayan niya ito papasok sa loob ng boutique, ramdam niya ang pagsiko nito sa kaniya.

Pagpasok pa lang nila ni Zachary sa loob ng boutique sinalubong agad siya ng yakap ng isang magandang babae marahil ito na 'yong kapatid ni mommy Lorraine dahil malaki ang pagkakahawig nito.

"You must be Samarra?" nakangiting tanong nito sa kaniya.

Napakislot si Samarra nang maramdaman ang bahagyang pagpisil ni Zachary sa kaniyang tagiliran. Pilit ang ngiti niya at saka tumango sa kaniyang kaharap.

"Good morning. Po," nakangiting bati niya.

"Napakaganda mong bata. Alam mo nagulat ako sa binalita ni Ate Lorraine na itong si Zach ay ikakasal na ngayon. Akala ko si Claud-" biglang natuptop nito ang bibig at tumawa.

"Sorry, Samarra."

Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. At tumango siya tanda na naiintindihan niya ang lahat. Iginiya na siya ni Tita Lucille sa kabilang kuwarto.

"Umupo ka d'yan akong bahala sa'yo." Pinaupo siya sa harap ng isang head dresser.

"Papagandahin pa lalo kita," nagniningning ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya.

Alam niya na girlfriend ni Zach ang gustong tukuyin ng Tita nito. Parang may kumurot sa kaniyang puso nang sinulyapan niya ang reaksyon ni Zachary kanina, natigilan ito at nawala ang mga pilyong ngiti sa labi nito.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at napapagod isinandal ang katawan sa upuan. Pumikit siya nang mariin. Hinayaan niya si Tita Lucille sa gustong gawin nito sa kaniya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C16
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン