Third-person Point Of View
Sa pinakamalawak na lugar sa labyrinth, ang sagradong lugar sa lahat, ang pugad ng pinuno nito na namalalagi, ay naglakad ang Sarimanok patungo sa isang altar na galante ang disenyo na mayroon.
Mayroong malaking bolang crystal sa altar, isang Sacred Treasure na nagbibigay sa Sarimanok ng vision sa bawat sections ng labyrinth na pinamumunuan nito.
Ang malaking ibon ay nag-anyong tao sa kaniyang paglapit sa bolang crystal. Hinawakan niya ang bolang crystal. "Give me vision to Johnbhel." Sabi nito sa crystal na sumunod sa kaniyang nais. Nagliwanag ito kalaunan ay binigyan ng vision ang Sarimanok. Ipinakita nito ang lagay ni Johnbhel sa section ng labyrinth na kinaroroonan nito.
Nasilayan ng Sarimanok kung paano hiwain ng lalaking nanghimasok sa labyrinth na may balak ito na hindi maganda, ang mutant animal monkey sa dibdib na nabalibag at kaagad ding namatay.
"Poor thing!" Inis na sabi nito. Napansin din ng Sarimanok ang isa pang tao sa lugar na kasamahan ng mutant animal monkey na napatay. Sa pag-activate ng kakayahan nito at sumugod sa lalaking humiwa sa mutant animal monkey ay nakaramdam ng kakaiba ang Sarimanok. Nanindig ang mga balahibo nito nang sipain ng lalaki na nagliyab ang paa sa dibdib ang lalaki na humiwa sa mutant animal monkey. "This feeling...there's no doubt about it. 'Legendary Ace'."
*****
South Avalo Point Of View
Matapos naming lagpasan ang lava ocean na section ng labyrinth, napunta kami ni Isda sa isang tunnel na section. May taas itong 30 meters at lapad na 10 meters. Hindi madilim ang lugar, dahil mayroong mga tiles sa sahig makinang na nagsisilbing liwanag.
Patuloy kami ni Isda sa pagtakbo para mahanap ang iba dulo nito at makarating sa panibagong section ng labyrinth.
Sa haba ng aming natakbo ni Isda, bumigay ang katawan nito sa pagod kaya tumigil sa pagtakbo at sumandal sa pader. "Papa, timeout muna." Sabi nito sa akin saka naghabol ng kaniyang hininga.
"S-sige, magpahinga muna tayo." Pumayag naman ako.
Umupo ako sa mismong kinatatayuan ko at nagpahinga.
Tagaktak ang pawis ni Isda. Talagang tumakbo siya at sumabay sa akin nang hindi nagrereklamo.
"Sa tingin, mahahabol na kaya natin yung kalaban sa susunod na section?" Tanong ko kay Isda na umiling sa aking sinabi.
"Hindi ko alam papa." Sabi niya sa akin.
Lumipas ang ilang sandali, nakaramdam ako ng nakakabahala na presensya. Tumayo ako at hinanda ang aking sarile.
Si Isda ay tumayo din sa kaniyang kinaroroonan at nagpunta sa likuran ko.
(This feeling...it's coming from a human. Is this the person Isda said to me or not?) Sabi ko naman sa sarile ko.
"TSK. What is she doing here?" Rinig ko namang inis na sabi ni Isda.
I wonder what's going on with her suddenly?
Nakita ko ang isang anino na unti-unting lumapit sa aming kinaroroonan. Hindi nagtagal, nakita ko ang pigura ng isang babae.
Isang babaeng mayroong pulang buhok, pulang mata, matangos na ilong at makapal na labi. May suot siyang hikaw sa kaliwang tenga nito. Sa kaniyang kaliwang kamay, ay mayroong dagger na nakahawak. May taas ito na 5'2 feet.
"Another human!?" Inis na sabi ng babae na ito nang makita niya ako. "Isda? What the hell? You encountered him and yet you didn't kill that bastard?" Pagkausap niya kay Isda.
Napa-lingon naman ako kay Isda na sumingkit ang mata sa inis mula sa narinig. "Shut up Gemmalyn!" Masungit na sigaw nito sa babae.
"Hah? What did you say you stupid childish mutant animal?" Sigaw pabalik kay Isda ng babaeng nainis.
Kilala nila ang isat-isa.
"Papa, she's one of the Sarimanok Guardians." Sabi naman ni Isda sa akin.
"Isa? You're also a Guardian. Killed that person already. Captain Mekuro said that the enemy who he's currently facing is too strong." Paliwanag ng babae kay Isda na isa palang Sarimanok Guardian.
"I'm not a Sarimanok Guardian the moment I met papa South!" Katwiran naman ni Isda. "He promised me that he will take me out of this infinite prison!" Deklara nito.
"There's no way you can escape from here. Quit being childish and do your work, or else, I'll do it myself." Pagpupumilit ng babae kay Isda na mas lalong sumama ang itsura ng mukha.
"Hindi mo mapapatay ang papa ko!" Deklara muli ni Isda. Dumila pa siya sa babae.
"Isda. You're getting into my nerves. The enemy is not only one! Do you understand? Johnbhel reported to me earlier that the enemy he had faced was strong. He's wounded and needed backup. Abala din ako ngayon pero ikaw, you're taking your time to spent it with that man?"
"And so? Papa is fun to be with!" Sigaw ni Isda.
Nabigla ako sa aking narinig ko sa babae. Hindi lang isa ang kalaban?
"Binibini...anong ibig mong sabihin na hindi lamang isa ang kalaban?"
"There are three intruders in this labyrinth. Currently my real body is fighting it on the other section after this place. I used this clone of mine to check if it's really Isda's aura the one I'm sensing and this is what I found out. She's having a good time with someone like you, a useless gangster perhaps!"
"Don't call him useless you shorty!" Sigaw ulit ni Isda sa babae.
Napa-iling naman ang babae sa kaniyang narinig kay Isda at nagbitiw ng malalim na buntong hininga.
"Forget it. I'm just a clone anyway, I won't gonna be able to fight you if you intended to fight me." Sabi sa akin ng babae. "Why did you come in this labyrinth? I don't feel any evil from you." Tanong nito sa akin.
"Nagpunta ako dito kasama ang dalawa pang kasamahan ko. Mga gangsters kami pero hindi kami 'yung tipo ng gangster na ginagawa yung mga gawain ng mga gangsters na gumagawa ng mga krimen. We're here to stop the enemy from getting a hold of the compass piece hidden in here."
"Why do you know about the compass piece? Who the hell are you?"
"I'm someone who have a dream of equality and peace. If evil will be in possession of the compass piece that this labyrinth have, then, they will get one step closer from finding the legendary treasure of this world." Paliwanag ko.
"You have a good source of information."
It came from the boss, of course that's handful.
Umupo ang babae sa sahig. "Let's talk. Since you're still having your hard time breathing normally because of the long ran you did." Anunsyo niya. "I'm Gemmalyn Baldonado. What's your name?"
"South Avalo."
"It's good to meet you...you see, I'm great full from what I heard from you. To think that there are still people who think about equality and peace. Vlade Empire still has hope left. Mabuti na lang talaga."
"What do you mean?"
"You see. I don't know how many year it has been when I was trapped here together with my friend who also a Sarimanok Guardian. The last time I saw human was like 3 years ago or something..."
"Old hag!" Panunukso naman ni Isda bigla kay Gemmalyn na kumunot ang noo sa narinig.
"You seems to me like you're a teenager? How is that possible since you said that you're long trapped in this labyrinth?"
"Isda didn't say it to you? Anyways, it is because time is frozen in this place. Maaaring lumaki ang katawan ng mga mutant animals o puno sa lugar na ito pero hindi magi-edad ang kanilang mga katawan. They will age chronologically not biologically." She explained to me the reason for her teenager appearance.
"Ganon pala 'yon..." Reaksyon ko naman. "So taga Palkia City ka na napunta dito sa labyrinth?"
Tumango siya sa aking tanong.
"I'm a member of the 'Redhead Tribe and Normal Tribe, in short I'm half-half." She added.
Wow.
"You didn't took the appearance of Redhead Tribe." I said.
"Ah, it's because it only comes out whenever I feel like it." She said with a smile. "By the way young man, do you know a person named Rox Mchavoc? He belong to that legendary family that many people fear and admire. He's also my friend and classmate during our Asteromagus Academy days, we have the same age as I'm 18 years old when I was trapped here in this labyrinth. Siguro may anak na 'yun ngayon?"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Muntik pa akong mapanganga.
"Gemmalyn, pasensya kana pero...oo kilala ko si Rox Mchavoc...nabasa ko ang patungkol sa kaniya sa mga libro...pero ang taong iyon ay...sampung taon ng patay. Pinatay siya ng isang misteryong organisasyon na hindi pinangalanan ng Guild para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. Oo nagkaroon siya ng pamilya, pero hindi naging masaya ang pamilyang iyon dahil sa misteryong organisasyon na kanilang mortal na kaaway. Sa parehong taon na napaslang si Rox Mchavoc, napaslang din ng misteryong organisasyon ang kaniyang anak na babaeng si Mary Mchavoc na noong mga panahon na iyon ay tinuturing na pinakamalakas na Adventurer ng Guild." Paliwanag ko naman agad kay Gemmalyn na napanganga sa gulat at agad ding umagos ang luha sa kaniyang dalawang mata.
"I see...so he's dead. That idiot is dead...he probably died without knowing what really happened to me and Johnbhel...damn it...we failed our promise that we will help him rise to the top...damn it...damn it...damn it..." She said while crying.
"You said that you are 18 years old when you were trapped here right? 10 years ago, Rox Mchavoc was 62 years old. Then, you are 72 years old now Gemmalyn and you were trapped in this labyrinth for 54 long years."
"Rest in peace you idiot." She said then wipe her tears. "South Avalo, let's make a deal. Let's destroy the enemies that are lurking in this labyrinth and let me escaped with you. Now that I learned about what happened to my friend, I can't let myself stay in this place any longer. Rox Mchavoc's dream was the same with yours, he only wanted equality and peace. Kung kinakailangan na patayin natin ang Sarimanok para lang makalabas tayo sa lugar na ito, gagawin ko iyon!" She offered me a deal that I can't declined because of the sincere look in her sad eyes.
"Okay...then let's destroy first the enemy that your real body was fighting in the section after this one." Pagpayag ko.
"Salamat, South Avalo." Matapos nagpasalamat sa akin ay bigla na lamang siyang naglaho.
"That clone came back to the original body." Sabi naman ni Isda sa akin.
"Ang astig naman ng magic na mayroon siya! Cloning?" Manghang sabi ko naman.
"It's not the right time to be amazed papa. You made a deal with her right? Then we must hurry up and assist her. Finally, I can make my payback to bastard who touch my body lewdly!!" Suminghap siya matapos magsalita.
"Let's go." Sabi ko sa kaniya.
"Opo."
Nagsimula ulit kaming tumakbo ni Isda para makarating sa panibagong section na kinaroroonan ni Gemmalyn.
Sana lang ay maayos parin ang kalagayan nina Senju at boss... nakakainis, nagaalala ako bigla sa kanila para akong tanga.
Itutuloy.