"Ang alin?" confuse kong tanong
"Sa mama mo itong piano" nakangiti nyang sagot sakin kaya nanlaki mata ko dahil walang nakakaalam na kay mama yung piano na yun kundi ako, kahit kapatid ko hindi alam yun.
"Pano mo nalaman?" tanong ko agad sa kanya, ngumiti naman ulit sya sakin saka tumayo at umupo dito sa may katabi ko, tapos hinawakan nya yung mukha ko, kaya napatingin ako sa kanya, dahan dahan nya naman ipinatong yung noo nya sa noo ko, saka sya pumikit, hindi ko naman mapigilan hindi tumingin sa kanya habang nakapikit sya, tapos napatingin ako sa labi nya, siguro gaya ng kamay nya sobrang lambot din nito, hahalikan ko na sana yung labi nya kaso bigla nyang iminulat yung mata nya, tapos dahan dahan nya inilayo mukha nya sa mukha ko sabay ngiti.
"Dahil mabait ka sakin tutulungan kita" nakangiti nyang sabi kaya napakunot ako ng noo.
"Tutulungan?" taka kong tanong
"Sa report mo tungkol sa mga sirena" nakangiti nya pang sagot sakin kaya nanlaki mata ko dahil wala pa ako nababanggit sa kanya na tungkol dun.
"Umamin ka nga? Tao ka ba???" medyo kabado ko ng tanong sa kanya.
"Tao ako" nakangiti nyang sagot ulit sakin.
"Pano mo nalaman na may report akong tungkol sa mga sirena?" confuse ko ulit na tanong, ngumiti lang sya sakin.
"Oh sige na, oo na, basta tulungan mo ako" sagot ko na lang.
Makalipas ang ilang oras, habang naglalaro ako ng celphone ko, bigla syang tumugtog gamit yung piano ni mama...
Kaya napatigil ako sa paglalaro at pinanood sya..
Napapangiti naman ako sa kanya habang pinapanood syang kumanta, yung para bang oras na marinig mo boses nya, mawawala lahat ng pasanin mo sa buhay.
Napapalakpak naman ako pag katapos nya kumanta, sa tuwing naririnig ko boses nya gumagaan pakiramdam ko.
"Hilig mo talaga kumanta ano?" tanong ko sa kanya.
Lumapit naman sya sakin at ipinatong yung noo nya ulit sa noo ko hanggang sa nandilim na lang paningin ko.
Pag kagising ko kinabukasan , nasa tabi ko si Azaria, nakangiti habang pinapanood ako. Lumipas ang ilang araw, hindi ko alam pero pag kasama ko sya sobrang gaan ng pakiramdam ko, wala syang ginagawa kundi kumanta ano mang oras, pakiramdam ko sa sarili ko pag hindi ko sya naririnig kumanta mababaliw ako, sa ilang araw naming pagsasama, nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya, ang hirap ipaliwanag pero pag nakikita ko sya sobrang sumasaya ako. Ang alam ko lang ngayon, parang hindi ko kakayanin na mapalayo sa kanya.
Habang nakaupo at nanonood ng mga alon, hinawakan ko naman yung kamay nya.
"Azaria, pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sakin"
"Pag sinabi ko ba sayo lalayuan mo ako? Matatakot ka ba sakin?" malungkot nyang tanong kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit naman kita lalayuan? Bakit naman ako matatakot sayo, kahit ano ka pa man andito lang ako, hindi ako lalayo sayo" nakangiti kong sabi sa kanya, pakiramdam ko kasi talaga hindi sya normal na tao. Iba talaga ang nasasagap ng presensya ko sa kanya.