アプリをダウンロード
83.56% The Badass Twins / Chapter 61: Chapter 60

章 61: Chapter 60

"Venomous." sambit ni Twin sa pangalan ng Vice Commander ng squad namin. Tumayo si mokong at nakahubad baro pa ito. Kitang kita ang peklat sa dibdib niya na si twin ang may gawa. Isa itong hiwa mula dibdib niya hanggang sa pangalawang abs niya.

"Bakit po, Commande------" naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang sinipa ni twin ng malakas sa dibdib niya kung saan mismo ang peklat niya. Tumalsik siya sa may isang sofa kaya napakapit siya roon habang sapo ang dibdib niya. Dumugo ito. Umubo siya ng tatlong beses bago nag-angat ng tingin kay Heaven.

"Para saan po yun?" parang batang tanong niya sa kambal ko. Iniinda niya rin ang sakit sa dibdib niya. Tuluyan na ngang may umagos na dugo mula sa peklat niya. Ouch. Napalakas nga ang sipa sa kanya ni twin.

"Tsk. Para iyon sa pagsabi mo ng baka sa isang araw ay ibang Amoŕe na ang roromansahin ni Worth."

Walang ganang usal ni twin saka niya nilapitan si Venomous at tinulungan itong umupo sa sofa.

"Commander, ito po ang Emergency kit." hinanda na agad ni Venom ang kakailanganin ng maaring mabiktima ni Twin. Isa siyang Surgeon doctor na kasamahan ni Scythe sa Hospital na pinaglilingkuran nila. Venom and Venomous are twin brother. Identical twins sila dahil magkaiba ang kulay ng mga mata nila at buhok. Venom got blonde hair and blue sapphire eyes while Venomous got natural black hair and electric blue eyes. Mas malaki rin ang katawan ni Venomous kaysa sa kambal niya. Mas matanda sila sa amin ni Twin ng apat na taon. Also, they owned many Surgeon Hospital around the world.

"Bakit ba napasugod kayo rito sa palasyo namin?" parang batang tanong sa'kin ni Scorpion. "Ah, oo nga pala, titignan niyo ba si Subject 333? Ano ngang pangalan niya in Human form?" aniya pa. Hindi ko alam kung bakit sila pa ang mga pinagkukuha ni twin bilang miyembro ng Monstrous Trio. Eh, kulang kulang ang mga ito. Mga February pinanganak ng Hailstone Prison Cell.

"How is she?" bumalik na sa dating katinuan si twin. Medyo maangas na ang dating niya at mayroon na rin siyang gana. Ginagamot niya ang sugat ni Venomous. Ngumiwi ako sa itsura ng lalaking ito, imbes na masaktan siya sa sakit, eh, pangiti ngiti lang siya at iniinggit ang mga kasamahan namin. Duhhh, feeling naman niya inaalagaan na siya ni twin.

"Under monitoring pa rin, Heaven." si Ocean ang sumagot. Binato siya ng scalpel ni twin na sinalo niya lang gamit ang bibig niya. Ang pinsan naming walang magawa sa buhay kundi ang sumali sa kung ano anong squad. Hindi na kami magulat baka sa isang araw ay siya na ang pinuno ng mga Calixtus ng World Government. Tipong isa siya sa mga leader ng ACES tapos member pa siya ng Monstrous Trio. Di ba, ayan ang trip niya sa buhay.

Minsan sa bundok naglulungga. Minsan naman sa himpapawid. At minsan sa Headquarters ng ACES at kadalasan dito sa Headquarters namin ng Monstrous Trio.

"Commander, may gusto ka pa bang pasabugin?" nanabik na tanong ni Tokyo kay Heaven. Inambangan ko siya ng suntok dahil sa sinabi niya patawa tawa itong umilag sa'kin. Palibahasa, nagmamay-ari ng mga Firearms Factory kaya ganyan na lang siya kasabik na gumawa ng kalokohan sa mga bago nilang gawang bomba. 21 years old na siya at sa edad na kinse pinamana na sa kanya ng mga magulang niya ang mga Business nila. At iyon nga ang mga Firearm Factories.

Half Filipino and Half Japanese si Tokyo. Halata naman sa pangalan niya. Though, sa bata niyang edad ay nakulong na siya sa Hailstone Prison Cell ng limang taon. Age of 9, nagawa niyang pasabugin ang isang bansa. Aniya, nabadtrip daw siya sa isang kaklase niya na may lahing Mexican kaya bilang ganti pinasabog niya ang isang lugar sa Mexico City.

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Slay na tumabi sa'kin ng upo rito sa mahabang sofa. Pinagitnaan nila ako ni Tokyo. Dormitoryo school ang Alcaźar University kaya makakalabas lang ang mga estudyante roon tuwing weekends o walang pasok. At pagkakaalam ko ay mayroon silang Night class. Humikab ito bago sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Pffftttt. Napaka-antuking bata.

"Ditching together with Rubio."

Aniyang nakapikit. Rubio? Tumingin ako kay Tokyo at nagtaas ng kilay.

"Ah, si Forest kaibigan niya yata yun sa Alcaźar University. Nandito iyon kanina kaso umalis din agad ng makita sila Ocean at Scythe. Natakot sa pagmumukha ng dalawa." natawa ako ng mahina at napa-iling. Nandito sina Scythe at Lovely. Sumabay sila kay Ocean na umalis sa Japan kanina. At inatake rin ng anxiety si Lovely kaya kailangan niyang ibalik ito Incubator Room namin dito sa Headquarters. Nandoon din sa Dana naka-confined kaya mamaya ay pupuntahan namin ang bruhang iyon. Hindi naman talaga siya dinala sa Russia dahil kaya naman siyang gamutin nila Venom.

"Umiyak ka ba, Commander?" lumipat ang tingin ko kay Silversmith nang tanungin niya ang kapatid ko. Nilapitan niya pa ito at sinapo ang dalawang pisngi saka pinagtitigan ang mata ng kapatid ko. "Umiyak ka nga. Bakit?" Dumilim bigla ang awra nito at ganon na rin ang iba. Kompleto na ulit ang mga turnilyo nila sa utak at seryosong pinagmasdan si twin. Na pinalobo ang pisngi at nakasimangot habang palipat lipat ang tingin sa siyam na kalalakihang maiitim ang awra at ano mang oras ay papatay sila ng tao. Taong dahilan kung bakit umiyak si twin.

Si Silver Smith ang masasabi kong para siyang si kuya sa paraan ng pag-aasikaso niya sa'min. Tumatayo siyang panganay sa grupo ng Monstrous Trio. Kaso minsan, nagiging isip bata rin tulad ng iba. Lahat naman sila premature. Hahahahahaha! Mga isip fetus.

Ang alam ko nagiging seryoso lang si Silversmith sa pagiging Butler niya sa Imperial Family. Hanap buhay niya iyon pero hindi alam ng pamilyang pinaglilingkuran niya ay isa rin siyang Bilyonaryo. His also from Royal family under control of Hunterose clan. Isa siyang prinsipe na tinakasan ang katungkulan sa kaharian nila. Hindi pa kasi niya totally tanggap ang ginawa niyang krimen dahilan ng pagkakulong niya sa Hailstone Prison Cell ng pitong taon.

"Dahil kay Worth Galvez yan malamang! Tangna! Saan na ang kupal na iyon at ng mapatay!"

Gigil na sambit ni Venomous. Hindi ko sila masisisi. Masyadong mahalaga sa kanila si twin para lang paiyakin ng isang tao. Si Heaven ang buhay nila at hindi nila kayang masaktan ito ni ninoman. Sila ang bukod tanging nakakaalam sa paghihirap ng kambal ko sa Hailstone Prison Cell. At sinumpa nila mismo sa harap ng mga magulang namin na aalagaan at iingatan nila si Heaven. Na mas hihigitan pa nila ang pagmamahal namin nila dad, mom, at kuya Blade sa bunso ng pamilya namin. Sila ang nagsisilbing anino at liwanag ni twin sa lahat ng bagay na ginagawa niya.

"Huwag niyong saktan si Worth. Kailangan ko siyang maka-usap ng masinsinan." saad ni twin at yumuko tinitignan ang mga kuko sa daliri. Kumikibot ang labi niya at pinipigilang umiyak. Kumuyom ang kamao ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan. Ako ang mas nasasaktan sa nararamdaman niya.

"Tangnang pag-ibig yan! Kung ganyan lang din naman ang kahinatnan ng lahat. Hindi na ako mag-aasawa! Sakit sa titi-----"

"Pakyu! Manahimik ka, After!"

Pinagbabato namin siya lahat ng unan na nasa sofa. Kahit kailan ang lalaking ito ang bastos ng bunganga!

"What? I said, masakit sa ti-tigyawat ko. Mga green minded!"

His After Alter. He have those gray orbs. Kulay abo rin ang mga mata niya. At 17 years old pa lang pero ang dami ng alam na kamanyakan. Hinahawaan pa niya ang pinsan naming si Ocean. Tss. Partner in crime sila kaya hindi na malabong hinawaan niya ito sa pagiging playboy. Kung si Ocean ay may mga pag-aaring sasakyang himpapawid habang ito naman si After ay nagpatayo ng mga Harbor para sa mga sasakyang pangkaragatan na pag-aari niya. Sa barko niya dinadala ang mga babae niya. Bawal ang mga iyon dito sa Headquarters dahil malilintikan siya kay Heaven sa oras na magdadala siya ng mga babae niya rito.

"Tangna mo ka! Wala kang tigyawat! Wag kami After! Iba na lang!" sigaw ko sa kanya habang pinagbabato pa rin siya ng mga unan. Todo ilag naman siya at sinasalo niya ang ibang unan at binabato ito pabalik sa'kin. Hanggang sa matamaan si twin kaya natigilan kaming lahat at inis itong nag-angat ng tingin sa'min. Ngumisi ito at tumayo.

"Rumbleeeeeeeeeeee!!!!"

At ayun na nga ang nangyare ng isigaw niya iyon. Kung ano anong napupulot ng iba upang ibato ito kahit kanino. Mayroong nagbato ng gintong vase sa'kin at nasalo ko naman ito. May gintong vase pa ulit na papunta sa gawi ko kaya inis kong tinignan kong sino yun. Afterrrrrr!!! Ako talaga ang trip nito palagi kapag nandito kami sa Headquarters. Alam niya kasing pikon ako sa kanya kaya lalo niya akong binabadtrip. Muntikan na akong matamaan sa mukha ng binato niya na naman ako ng gintong vase mabuti na lang ay nasalo ito ni Tokyo. Magpapasalamat na sana ako sa kanya ng.

"Tok!" Arayyyyy!!! Isa ring kupal. Binitawan niya ang vase at binagsak mismo iyon sa paa ko. Tangna! Masakit yun ah! Tumatawa itong lumayk sa'kin kaya tumingin ako ulit kay After naghahanda na naman itong batuhin ako ng gintong vase. Pakyu talaga siya. Inubos niya na ang mga nakadisplay na mga gold vase sa isang lamesa at sa'kin lahat pinagbabato iyon.

Alam niyang susugurin ko siya ng sipa kaya tinakbuhan niya ako. Ang bilis niyang tumakbo at pumanik sa ikalawang palapag ng palasyo. Nakasimangot na tiningala ko siya. Nag tongue out ito sa'kin kaya dinilaan ko rin siya. Isip fetus!

May paparating na isang bagay sa'kin kaya umilag ako at humarap sa taong mapang-ahas na batuhin ako habang nakatalikod ako. Slay. Humikab ito bago nag peace sign sa'kin. Tsk.

"Aish. Nag rumble na naman kayo." makulit na sambit ng kakarating na si Dawn. Huminto ang lahat at nilingon siya. Sabay sabay kaming ngumisi sa kanya kaya namilog ang mga mata niya saka niya kinuha ang dalawang katana niya na nakasabit sa likod niya. Bago pa siya makapaghanda, sabay sabay namin siyang pinagbabato ng kung ano ano.

At sa kanya lang namin narinig ang mga ingay ng nababasag na mga gintong vase at iba pang gamit na pinagbabato sa'min sa kanya. Ang mga unan sa sofa ay nahati sa dalawa at nagsabugan ang mga laman nitong white cotton feathers.

Tss. Ang Dawn naming mapanira ng gamit rito sa Headquarters kaya mahirap isali yan sa rambulan. Mawawasak lahat ang mga kalaban niya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C61
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン