アプリをダウンロード
26.02% The Badass Twins / Chapter 19: Chapter 18

章 19: Chapter 18

Third Person's POV

Today is their Outreach Program. Gaganapin ito sa isang lugar kung saan nakatira ang mga taong kapos sa buhay. Binago ni Blade ang mechanism ng program nila. Sa grupo niya hawak nila ang isang lugar para gawin ang Outreach Program. They'll do a multitasking. Feeding program for kids, Welfare program for animals, and they also concluded 'Doctor for Today Program' ibig sabihin ilan sa kanila ay mag-aalaga ng may sakit.

"Ang dami naman ng programs na ito. Sigurado ka ba kuya na magagawa niyo lahat ito?"

Tanong ni Godee. Tamad na tamad itong kumilos. Nakatihaya pa ito sa sofa habang ang mga kasama niya ay naghahanda na.

Isang linggo ang Outreach Program nila kaya kailangan nilang maghanda ng maraming personal things nila.

"Anong niyo? Kasama ka rin namin diyan. At wag kayong mag-alala may mga kasama naman tayo from other school na gagawin ang Outreach program natin. And Godee, kumilos ka na. Wag ka ng humiga higa diyan."

Wika ni Blade sa kapatid. Pinagdadasal niya na sana tumulong ang dalawa sa programa nila. Knowing them hindi pa yata naranasan ng kambal mag Outreach program masyado silang introvert. Ayaw nila sa mga tao.

"Blade, dadating na raw ang bus natin in 10 minutes."

Saad ni Jun.

"Ok, naka-ready naba lahat?"

Tanong ni Blade sa mga kasamahan. Tinignan niya isa-isa ang mga ito. May kanya kanyang maleta ang lahat maliban sa kambal.

"Nasaan na ang gamit niyo, twin?"

Tanong niya sa mga kapatid. Sabay nitong tinuro ang dalawang bag pack. Kumunot ang noo ni Blade at takang tinignan muli ang kambal.

"Isang linggo tayo doon, hindi isang araw. Bakit iyan lang ang dala niyo?"

"Nakakatamad mag-ayos ng gamit kaya kung anong napulot namin iyon ang dinala namin."

Saad ni Heaven.

"Blade, nandito na ang bus!"

Boses iyon ni Ryder mula sa labas.

"Guys, lumabas na kayo. Hintayin niyo kami sa bus."

Nagkanya kanyang labas ang mga kasama nila. Tumayo na rin ang kambal at lumapit sa kuya nila.

"Ya, wag mo na kaming alalahanin

ni twin. Kami na ang bahala sa sarili namin, 'kay?"

Wika ni Godee. "By the way, hindi kami sa bus sasakay."

"At bakit naman? Naintindihan niyo ba ang Outreach program natin? Hindi ito isang bakasyon kaya sa bus kayo sasakay hindi sa mga sasakyan niyo. Tara na, hinihintay na nila tayo sa bus."

Naunang lumabas ang kuya nila kaya sumunod sila rito. Wala naman silang magawa kaya follow the leader na lang.

"Blade, dito ka na sa tabi ko."

Mahinhing usal ni Dana. Ngumiwi ang kambal dahil rinig na naman nila ang boses nitong plastik!

"Sorry Dana, doon kami ng twins sa dulo uupo para katabi ko sila. Kailangan kong bantayan ang dalawang ito."

Saad ni Blade sabay hila sa dalawang kapatid at doon nga sila umupo sa dulo. Si Dana naman ay tinarayan ang kambal at ginantihan siya ng mga ito ng 'Fvck You sign'.

Godee's POV

Ordinary aircon bus ang kinuha ni kuya. Ang kuripot niya talaga kahit kailan. Pwede namang mag limousine kami.

"Kuya, bubuksan ko itong bintana."

Paalam ni twin pero bago pa makasagot si kuya, binuksan niya na ito. Hindi siya sanay sumakay sa may aircon na sasakyan kaya nga lahat ng collections niya ay mga bigbike lang.

"Bawal buksan yan, Heaven."

Saway ni kuya.

"Pero gusto ko ng fresh air, kuya."

"Lalabas ang aircon"

Sabay kaming ngumiwi ni twin kay kuya.

"Lalabas ang aircon o gusto mo dito ako magsuka sa loob?"

Nasapo ni kuya ang noo niya. Hindi na lang siya nagsalita kaysa makipagtalo sa bunso.

"Guys, mag-pray muna tayo bago bumyahe."

Here we go again to his creedist.

Mga ilang oras din ang byahe papunta sa lugar na iyon. Hindi yata sinabi ni kuya sa grupo niya ang lugar na pupuntahan namin. It's a Mountain Valley. Aakyat sila ng bundok, tatawid sa ilog at makakasalamuha sila ng mga mababangis na hayop na pagala gala sa kagubatan. Hinuha ko rin hindi nila inaral ang geography ng lugar na iyon.

"Hello there, hon."

Bati ko kay Ryder. Nasa unahan ko siya naka-upo. Pinatong ko ang baba ko sa sandalan ng upuan niya. Naamoy ko pa ang buhok niya. Mas mabango pa ata buhok niya kaysa sa'kin. Nilingon niya ako pero agad din siyang tumingin sa harap.

"Shut up."

Masungit niyang wika. Natawa ako saka hinawakan ang buhok niya. Ramdam kong natigilan siya.

"I want braid your hair, Beautiful Ryder."

Sabi ko. Hindi siya nagsalita kaya sinimulan ko ng tinirintas ang buhok niya.

"Godee, ano ba iyang ginagawa mo sa buhok ni Ryder? Pinagtritripan mo ba siya?"

Maya maya'y tanong ni Kuya.

"It's called braid, kuya. Look, di ba ang ganda tignan?"

"Oo, pero para sa mga babae lang ang ipit na iyan."

"Nah, pwede rin ito sa mga boys."

"Hmm, sabagay maganda tignan kay Ryder."

Gusto kong matawa sa sinabi ni kuya lalo pa't narinig kong suminghal si Ryder.

"Kuya, nahihilo ako"

Huminto ako sa pag braid ng buhok ni Ryder nang marinig ko ang mahinang boses ng twin ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi siya makakatagal sa bus na ito. Kumuha ako ng bubble gum sa bag niya.

"Here's your chewing gum, twin."

Hindi niya ito tinanggap. Umiiling siya habang nakapikit.

"Bakit ko ba nakalimutan ang tungkol dito?"

Sinisisi ni kuya ang sarili. Inakbayan niya si twin saka niya ito pinasandal sa balikat niya.

"Ayos lang ba si Heaven?"

Nag-alalang tanong ni Dk. Tumango ako sa kanya.

"No need to worry, Dk. Wala lang sa kanya yan."

Sabi ko.

"Is she ok?"

Gusto kong pag-umpogin ang dalawa na lumapit pa talaga dito sa pwesto namin. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil ngayon ko lang ata narinig ang boses ni Worth na may pag-alala munit wala pa ring emosyon ang mukha nito.

"Nahihilo lang siya."

Bagot kong sagot. Tumango si Worth pero hindi pa rin siya bumabalik sa upuan niya. Nakatitig lang siya kay Twin.

"Ya, nasusuka raw si Desdes. Puntahan mo nga."

Sabi ko kay Kuya. Dumoble ang pag-alala niya sa mukha.

"Bantayan mo si Heaven, titignan ko lang si Deisiree."

Tumayo si Kuya. Nagulat pa siya ng makita si Worth pero saglit lang dahil nagtanguan sila sa isa't isa.

"Ikaw na magbantay kay Heaven, dito na muna ako uupo sa tabi ni Gandang Ryder."

Sabi ko. Tumango si Worth. Ako naman ay lumipat sa tabi ni Ryder. Wala naman itong sinabi pero alam kong natigilan siya sa pagtabi ko sa kanya. Masungit siyang tumingin sa'kin pero ngumisi ako at kinindatan siya.

'Hahahhahaha! Yung leeg niya namumula na naman!'


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C19
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン