Anong Lugar to? Nasaan Ako? Tanong ni Aya sa sarili nang magising sa isang lugar na wala siyang Makita kundi liwanag sa paligid. Puti ang buong paligid wala siyang ibang Makita. Kanina pa siya naglalakad ngunit hindi naman niya alam kung saan ang dulo o kung gaano ka haba ang landas na iyon? Para siyang naglalakad sa isang walang hanggang daan. Panay ang tawag niya sa kanyang kuya ngunit wala namang sumasagot sa kanya.
"Anong nangyayari?" Tanong ni AYa nang biglang dumilim ang paligid. BIgla na lamang nilamon nang kadiliman ang buong paligid kahit ang sarili niya ay hindi niya Makita. Ngunit hindi na naman sa kanya bago ang kadiliman 18 taon siyang nabuhay sa kadiliman hanggang sa makilala niya si Achellion. Ang nag-iisang nilalang na may taglay na kakaibang liwanag. Kung hindi niya nakilala si Achellion marahil ang tanging nakikita niya ay ang mga nakakatakot na kaluluwa. Na madalas siyang sundan.
Patuloy na naglakad si Aya, dahil sa madilim ang paligid hindi niya alama kung saan siya pupunta o kung ano na ang dinadaanan niya. Biglang napatili si Aya nang bigla siyang mabuwal. Dahil sa kadiliman nang paligid hindi niya alam kung anong naging dahilan nag pagkapatid niya.
"Trouble girl, You trip even if there is nothing of you to trip on." Isang pamilyar na boses ang narinig ni Aya.
"Yabang!" usal niya nang makilala ang may ari nang boses. Ngunit hindi naman niya Makita sa paligid si Dranred. Wala din siyang Makita. Bigla siyang nakaramdam nang matinding kalungkutan naninikip ang dibdib niya sa katotohanang wala siyang matakbuhan ngayong natatakot siya. Dala nang matinding kalungkutan unti-unting pumatak sa lupa ang luha niya. Kasabay nang pagpatak nang luha niya ang paglitaw nang maliit na liwanag sa di kalayuan. Kasunod noon ang pagbagsak nang matingkad na balahibo sa harap ni Aya. Napaangat siya nang tingin nang bumagsak ang balahibo. Dahil doon Nakita niya ang maliit na liwanag. Tumayo si Aya mula sa pinagbagsakan niya. Nagsimula siyang maglakad habang sinusundan ang liwanag.
Habang papalapit siya sa liwanag unti-unti niyang nakikitang nagiging anyong tao na ang liwanag. Matangkad at patikas ang pangangatawan habang nakatayo sa harap niya. Ang tinding na iyon. Hindi siya maaaring magkamali isang nilalang lang ang may ganoong tikas at tindig.
"Yabang." Masayang wika ni Aya at tumakbo papalapit sa bulto. Nang makalapit siya sa liwanag. Lalong lumapad ang pagkakangit niya nang Makita si Achellion. Tama siya, iisang tao lang ang dumarating kapag natatakot siya ang kanyang Guardian na fallen angel. Kahit kailan hindi pa siya binigo nang binata. Masigla siyang lumapit sa binata.
"A-anong ginagawa mo." HIntakot na wika ni Aya nang biglang hawakan ni Achellion ang leeg niya. Ang mga mata nito ay nakakatakot. Napahawak siya sa kamay nang binata habang pinipilit na kumawala mula sa pagkakasakal nito. Anong nangyayari? Si Achellion ba ang nasa harap niya? Bakit siya nito inaatake.
"Y-yabang ano bang nangyayari saiyo. Nasasaktan ko." Daing ni Aya. Ngunit tila hindi siya naririnig nang binata. "Tama na. Ako To si Aya. Hindi mo na ba ako nakikilala." Ngunit walang sagot mula sa binata. Puno nang galit ang mga mata nito. Dahil sa nakikitang kakaibang ikinikilos ni Achellion. Bigla nalamang tumulo ang mga luha niya. Hindi siya naniniwalang gagawin sa kanya ni Achellion ito. Hindi siya sasaktan nang binata. Hindi naman ito katulad nang ibang mga fallen angel. Mabait si Achellion. He even promised to protect her. Hindi pa sumisira ang binata sa pangako nito. Kahit buhay nito ibibigay nito matupad lang ang pangako nito.
Napaubo si Aya nang bigla siyang bitiwan ni Achellion. BIglang naglaho ang imahe nang lalaki at muling nabalot nang kadiliman ang paligid. Napahikbi si Aya dahil sa nangyari. Itinatanggi nang puso niya na kayang gawin sa kanya ni Achellion ang nagawa nito. AT kung panaginip man iyon gusto na niyang magising. Kaya lang, pakiramdam niya ang tagal na niyang nakaupo sa kawalan hindi naman niya magawang umalis. Wala bang darating upang iligtas siya? Anong lugar bai tong kinalalagyan niya? Alam ba nang kuya niya kung anong nangyayari sa kanya? HInahanap kaya siya nito?
"Gusto ko nang umuwi." Wika ni Aya. Nang banggitin niya ang mga salitang iyon. BIgla siyang nagbago ang paligid niya. Isang pamilyar na lugar ang kinaroroonan niya.
"Nasa bahay ako?" Gulat na tanong ni Aya sa sarili napalingon siya sa buong paligid. Hindi nga siya nagkakamali nasa loob na siya nang silid niya. Napatingin siya sa kama niya may nakikita siyang nakahiga doon. Pasimple siyang lumapit para Makita kung sino ang nakahiga.
"Hindi!" wika ni Aya nang Makita ang sarili.
Napaatras si Aya nang Makita ang sarili na natutulog sa kanyang kama. Kung nakahiga siya. Paanong nakatayo siya sa harap nang katawan niya. Biglang natuptop ni Aya ang sariling bibig. Ano bang nangyayari sa kanya? Napatingin siya sa monitor na nagsasabi kong ano ang vitals niya. Lahat iyon normal ngunit bakit nakikita niya ang katawan niya sa kama? Napatingin siya sa kanyang kapatid na nakahiga sa sofa.
"Kuya!" wika ni Aya at lumapit sa kanyang kapatid. Sinubukan niya itong hawakan ngunit sa gulat niya tumagos lang ang kamay niya sa balikat nang kapatid. Ano na naman itong nangyayari sa kanya?
"AYA?" Gulat na wika ni Julianne nang Makita ang kaluluwa ni Aya na nasa tapat ni Eugene. Napatingin din siya sa katawan nito na nakahiga sa kama. GUlat namang napatingin si Aya sa binatang pumasok. Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa kung anong nangyayari. At ganoon din siya.
"Julianne. Anong nangyayari sa kin?" Tanong ni Aya sa binata at lumapit ditto ngunit wala din namang sagot ang binata. Maging siya ay naguguluhan. Totoo ba ang nakikita niyang humiwalay ang kaluluwa ni Aya sa katawan niya. "Natatakot ako." Wika ni Aya. Dahil sa awa ni Julianne sa dalaga, humakbang siyang palapit ditto at hinawakan ang kamay nito. Mabuti nalang at hindi naman siya mortal kaya kaya niyang huwakan ang mga kaluluwa. Alam niyang buhay si Aya, at ang dahilan kung bakit nasa labas ang kaluluwa nito ay hindi niya alam. Pero kailangan niyang tulungan ang dalaga na makabalik sa katawan nito.
"Huwag kang matakot Aya. Narito ako." Assurance ni Julianne. "Gagawa ako nang paraang upang makabalik ka sa katawan mo." Dagdag pa nang binata.
"Oh? Julianne? Kanina ka pa ba? May kausap ka ba?" GUlat na wika ni Eugene nang magmulat nang mata at Makita ang kaibigan. Nagising siya dahil narinig niya ang boses nang kaibigan.
"Tiningnan ko lang kong okay ka ditto." Wika ni Julianne at pasimpleng tumingin kay Aya.. Tumayo Si Eugene.
Hindi nito nakikita si Aya hindi gaya ni Julianne. Napansin naman ni Eugene ang mga mata ni Julianne para bang may nakikita ito sa tabi niya na hindi niya Makita.
"Oh, Bakit para kang nakakita nang multo." Wika ni Eugene sa kaibigan.
"Hindi multo. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nasa tabi mo ang kaluluwa ni Aya?" ani Julianne.
"Ano ka ba. Para namang maniniwala ako sa sanasabi mo. Baka inaantok ka pa. Matulog ka ulit." Wika ni Eugene at tinapik ang balikat ni Julianne saka ito nalampasan at lumasbas nang silid ni Aya. Alam naman niyang kakaiba si Julianne kumpara sa tulad nila. Gusto niya iyong balewalain ngunit nakikita naman niya ang kaibahan nito. Kaya lang hindi naman siya ang taong madaling maniwala sa mga ganoon bagay. Alam niyang may ganoon ding kakayahan si Aya.
Pero iniisip niyang baka dala lang iyon nang imhinasyon ni Aya. Minsan nararamdaman niyang may mga kakaiba sa paligid niya but he ignore them all, Gaya kanina. Biglang lumamig ang hangin sa paligid bago pumasok si Julianne at pakiramdam niya may humawak sa braso niya. He ignores it gaya nang dati niyang ginagawa. Siya ang tipo nang taong hindi mo mapapaniwala sa mga ganoong bagay hanggat hindi niya nakikita sa sarili niyang mga mata.
Isa pa paano siya maniniwala kay Julianne na nakikita nito ang kaluluwa ni Aya gayong alam niyang nakahiga ang kapatid niya. At hindi pa patay ang kapatid niya. Sabihin nang makitid ang utak niya ngunit ayaw niyang mag-isip nang mga ganoong bagay lalo na kung involve ang kapatid niya. Naniniwala siyang magigising pa ang kapatid niya.
Habang pababa siya nang hagdan biglang pumasok sa isip niya ang Nakita nilang nilalang noon sa bahay ni Don Fausto at ang nilalang na lumabas sa likod ni Alice noong namatay ang ina nito. Hindi ba't kakaibang nilalang din iyon?
Kung may ganoon klaseng nilalang baka totoo din ang sinabi ni Julianne. Agad siyang bumalik sa silid nang kapatid.
"Oh Saan ka pupunta?" Tanong ni Aya kay Julianne nang lumapit ito sa pinto. Huminto ang binata sa harap at nilingon ang dalaga.
"Susundan ko ang kuya mo, para ipaliwanag sa kanya ang nangyayari. Tiyak maniniwala din siyang nakikita kita." Wika ni Julianne.
"Sasama ako." Wika ni Aya at naglakad patungo sa pinto.
Ngunit nang nasa pinto na siya tila may isang di makitang harang ang nakalagay sa pinto at hindi siya makalabas.
"Oh bakit?" Tanong ni Julianne kay Aya nang Makita niyang hindi ito makalabas ang luwag-luwag naman nang pagkakabukas nangpinto at kahit naman sarado ang pinto dahil isa itong kaluluwa diba dapat tatagos lang ito sa kahit anong harang ngunit hindi si Aya.
"Hindi ako makalabas. Para bang may harang sa pinto." Wika ni Aya. Nararamdaman niya ang harang sa pinto ngunit bakit? Hindi ba kaluluwa siya.
"Anong hindi ka makalabas? Hindi ba kaluluwa ka?" takang wika nang binata.
"Hindi ko alam." Gulong-gulo na wika nang dalaga. Humakbang papalapit si Julianne sa pinto ngunit napahinto siya nang biglang narinig ang boses nang kaibigan.
"Julianne." Narinig nila si Eugene na papalapit. Nang Makita niya si Julianne napansin nito may kausap ito sa loob nang silid. Napatingin naman si Julianne sa kaibigang papalapit.
"Si Aya?" tanong ni Eugene. Napakunot ang noo ni Julianne ibig bang sabihin nito naniniwala ang kaibigan sa kanya? "Nakikita mo kamo ang kaluluwa nang kapatid ko?" Tanong nito.
"Nasa harap natin siya ngayon sa pinto nang silid." Wika ni Julianne at tumingin sa pinto. Napatingin naman doon si Eugene ngunit wala naman siyang Makita bukod sa ang loob nang silid ni Aya. Ngunit may nararamdaman siyang presensya.
"Kung narito ang kaluluwa ni Aya ibig sabihin ba noon may---" putol na wika ni Eugene ayaw niyang ituloy ang sasabihin dahil hindi niya matatanggap kung may nangyari mang masama sa kapatid niya.
"Hindi pa ako patay. Kuya!" wika ni Aya at nangilid ang luha sa mata. Ayaw niyang isipin na hindi na siya makakabalik sa kapatid niya.
"Hindi mangyayari yun Eugene. Walang mangyayaring masama sa kanya." Assurance ni Julianne. I will make sure of it. Dagdag nang isip niya. Masakit sa kanya na Makita ang dalagang nalulungkot.
"Ngunit bakit narito ang kaluluwa ni Aya?" tanong ni Eugene. Umiling lang si Julianne hindi niya alam kung anong misteryo ang bumabalot sa nagpakitang kaluluwa ni Aya.
"Julianne." Mahinang wika ni Aya nang makitang unti-unting naglalaho ang mga kamay niya. Nagimbal si Aya sa Nakita niya saka napatingin kay Julianne.
"Aya. Anong nangyayari?" Tanong ni Julianne at humakbang papalapit sa pinto. Lalo namang naguluhan si Eugene. Ano bang nangyayari sa kaluluwa nang kapatid niya?
"Julianne anong nangyayari sa kapatid ko?" nag-aalalang tanong ni Eugene.
"She's fading." Mahinang wika ni Julianne.
"Fading? Baki? May nangyayari bang masama sa kapatid?" hintakot na wika ni Eugene. Napatingin si Aya sa kuya niya. Pakiramdam niya may kakaibang pwersang humahatak sa kanya hindi niya iyon mapaglabanan. It was just too strong.
Unti-unting naglaho ang kaluluwa nang dalaga. Muling bumalik sa loob nang silid si Julianne upang tingnan kung naroon man ang kaluluwa nang dalaga. Sumunod naman si Eugene sa kaibigan.
"Bakit?" Tanong ni Eugene sa kaibigan.
"She's gone." Simpleng wika ni Julianne. Hindi na niya Makita ang kaluluwa ni Aya o maramdaman ang presensya nang dalaga.
"Anong ibig mong sabihing naglaho? May nangyari bang masama sa kapatid ko?"
"Walang nangyaring masama sa kanya. Siguro dahil hindi naman siya dapat narito kaya siya naglaho. Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sa kapatid mo." Wika ni Julianne na naka tingin sa natutulog na si Aya.
Muling lumitaw si Aya sa isang lugar na maliwanag. Bumalik siya sa isang walang hanggang kawalan. Muli siyang nakaramdam nang matinding kalungkutan. Panandalian lang niyang Nakita ang kuya niya. Naguguluhan an siya sa mga nangyayari sa kanya. Wala siyang maintindihan hindi siya patay ngunit nasa isang lugar naman siya na tila isang walang dulong kawalan. Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Aya dahil kahit sandali lang Nakita niya ang kuya niya at alam niyang nasa Mabuti itong kalagayan. Ang iniisip niya ngayon ay kung paano siya makakaalis salugar na iyon at makakabalik sa katawan niya. Kung may paraan pa ba para makabalik siya.
Palaisipan sa magkaibigang Eugene at Julianne ang mga nangyari sa kanila. Anong gustong ipahiwatig nang pagpapakita ni Aya sa kanila? May ibig sabihin ba ito? O may kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa dalaga. Kahit sa Headquarters napapansin nang mga kasamahan nila na malalim ang iniisip nang dalawang magkaibigan.
Lalo na si Arielle na isang anghel, alam niyang may kakaiba sa dalawang binata. Hindi niya magawang malapitan si Julianne upang tanungin kung anong nangyayai. Ngunit may nararamdaman siyang isang malakas na kapangyarihan nan konektado sa kung ano man ang nangyayari sa dalawag binata at kailangan niyang alamin kung ano ang bagay na iyon. Misyon niya iyon bilang isang anghel.
Isang prison break ang nangyari sa isang provincial jail. At dahil maraming mga priso ang nakatakas. Naisip nang national defense na ipadala ang dalawa sa kanilang magaling na sundalo. Si Julianne at Eugene. Kasama nang dalawa si Rick at Ben para tumulong sa kanila. SImula nang si General Mendoza ang humawak sa Phoenix. Hindi na sila kumikilos nang magkakasama, binibigyan sila nang general nang kanya kanyang kasong dapat lutasin.
Hindi gaya nang naroon pa si Dranred. Wala din naman magawa si Commision Officer Bryant sa mga desisyon nang General dahil, inalis na ito sa pwesto. Sinabi pa nang heneral na masyado na itong matanda upang hawakan pa ang Phoenix. At dahil sapagkawala nang nag-iisang anak nito tila wala na ring gana sa buhay ang matanda. Kusa itong umalis sa national defense na hindi manlang ipinaglalaban ang ranggo niya kung iisipin mas mataas ang antas nito kay General Mendoza, subalit nagparaya ang una.
"Anong sabi mong ipidadala sila sa malayong lugar?" gulat na wika ni Jenny nang isang araw dalawin siya ni Johnny sa hospital at sinabi nitong umalis sina Eugene at Julianne sa malayo dahil sa isang misyon.
"May sakit pa si Aya? Bakit naman siya tumanggap nang bagong misyon." Wika ni Jenny. INiisip niyang masyadong bang makasarili si Eugene o talagang mahalaga lang ditto ang tungkulin nito sa bayan. Alam naman nitong walang malay ang kapatid niya. Ngunit bakit kailangan nitong tumanggap nang bagong misyon. Pwede naman nitong kausapin ang tiyuhingg si General Mendoza na hindi siya lalayo sa syudad kung may mga misyon man.
Naiinis siya sa pagiging matapat nang binata sa tungkulin nito ngunit naisip niyang ano naman ang karapatan niya para mainis. Itinaboy na niya ang binata. At Sinabing kakalimutan na ito ngunit bakit heto na naman siya at ang laman nang isip ay ang binata.
"Wala namang magagawa sina Lt. Utos iyon ni General Mendoza." Wika pa ni Johnny. Bakit bigla niyang naramdaman na nag-aalala pa rin si Jenny sa binata. Akala ba niya sinabi na ni Jenny na kakalimutan na nito ang binatang tinyente at susubukan siyang mahalin. Nanliligaw parin siya kay Jenny hanggang ngayon at hindi niya alam kung kailan siya balak sagutin nang dalaga.
Sinabi naman niyang maghihintay siya. Gusto nang mama niya si Jenny at alam niyang magiging Mabuti itong asawa at manugang. Alam na ni Jenny ang intension niya para ditto. Sinabi din niya malinis ang hangarin niya. Ngunit bakit ang tagal mag desisyon nang dalaga?
Ayaw niyang mainip sa paghihintay ngunit, baka hindi na siya magkaroon nang tiwala na may pag-asa pa siya na magkaroon nang puwang sa puso ni Jenny. Hindi na nga ito nakikipagkita sa binata ngunit nakikita naman niya na mahalaga parin ang binata sa kanya.
"Malaki na si LT. Alam niya ang ginawa niya." Dagdag pa ni Johnny.
"Alam ko naman iyon. Kaya lang minsan hindi siya nag-iisp. Dahil sa pagiging work oriented at katapatan sa tungkulin niya minsan nakakalimutan niya ang pamilya niya." Wika ni Jenny.
"Hanggang ngayon pa rin ba siya parin ang laman nang puso at isip mo? Kaya ba hindi mo ako magawang sagutin?" tanong ni Johnny. BIgla namang natigilan si Jenny. Is she really that obvious. Napatingin siya sa binata. Nakalimutan niyang, nililigawan siya ni Johnny at sinabi niyang kakalimutan niya si Eugene at bibigyan ito nang pagkakataon.
"Pasensya na. Alam mo namang magkaibigan kami. Hindi mo maaalis sa akin na mag-alala." Wika pa ni Jenny. Totoo naman ang sinabi niya. Bilang kaibigan pwede naman siguro siyang mag-alala kay Eugene.
"Hindi ko naman inaalis sa iyo na hindi ka mag-alala kaya lang ako ang kasama mo ngayon. Hindi si LT. Siguro naman hindi masamang hingin ko ang buong atensyon mo kung ako ang kasama mo." wika pa nito. Napapatiim bagang siya dahil sa labis na selos. Alam naman niyang matagal nang magkaibigan sina Eugene at Jenny kaya lang hindi niya maiwasang manibugho.
"Matagal kaming magkaibigan ni Eugene. Sinabi mo sakin na hihintayin mo ako hanggang sa maging handa ako na tanggapin ka sa buhay ko. Ngayon kung pati ang karapatan kung mag-alala sa kaibigan ko at sa taong pamilya ang turing ko. Siguro nga hindi tayo bagay." Wika ni Jenny at tumayo. "I was wrong about you." Wika ni Jenny at iniwan ang binata.
"Jenny."Habol ni Johnny sa dalaga. Kaya lang hindi siya nilingon nang dalaga. Mariing napakuyom nang kamao ang binata. Bakit ba kahit wala ang tenyente nila hindi pa rin niya ito magawang palitan sa puso nang dalaga. Naiintindihan naman niyang magkaibigan sila simula pa noong una. Ngunit hindi naman maaalis sa kanya na hindi magselos. Nililigawan niya ang dalaga habang iba naman pala ang laman nang isip nito.
"Jenny sandali lang." wika ni Johnny at hinawakan nang dalaga nang maabutan ito. Huminto naman si Jenny at humarap sa binata.
"I'm sorry." Wika ni Johnny. "Nagseselos lang ako dahil matimbang sa iyo si Lt."
"Matagal kaming magkaibigan. Anong gusto mong gawin ko. Balewalain siya. Kahit naman sinabi kung kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya hindi ko sinabi na itatapon ko at kakalimutan na kaibigan ko siya. Si Eugene at Julianne ang tumulong sa akin noon. Wala ako ngayon ditto kung hindi sa kanila." Wika ni Jenny.
"I'm sorry. Dahil sa selos ko hindi na ako makapag-isip nang matino. Promise. Hindi na ulit ako magseselos at susubukan kitang intindihin." Wika nito at itinaas ang kanang kamay. Habang nakatingin si Jenny sa binata. Nakaramdaman siya nang guilt. Alam naman niyang hindi lang dahil sa kaibigan niya si Eugene kaya siya nag-aalala. May nararamdaman siya sa binata kaya hindi niya ito magawang kalimutan. GInagawa lang niyang excuse ang pagiging magkaibigan nila para magkaroon siya nang dahilan para isipin ang binata.
Hindi alam nang dalawa na anasa di kalayuan si Eugene at pinapanood sila. Ngayon ang alis nila patungo sa isang probinsya kung saan napabalita ang prison break. Nais sana niyang magpaalam kay Jenny kayalang nang Makita niya si Johnny hindi siya tumuloy.
Nakalimutan niyang sinabi ni Jenny sa kanya na pumayag na itong magpakasal sa binata. Bakit pa ba siya nag abala na puntahan ang dalaga? Para namang may pakialam ito sa kanya. Sinabi na nito dati na sana hindi na sila magkita pa. Kung guguluhin niya si Jenny ngayon. Kaya na ba niyang harapin kung ano man ang nararamdaman niya para sa dalaga? Kaya na ba niyang aminin kung ano iyon? Hanggang ngayon ni hindi nga siya sigurado kung ano nga ang nararamdaman niya sa dalaga.
"Oh? Nag kausap ba kayo ni Jenny?" Tanong Julianne na naghihintay sa labas nang hospital. Nakita niyang lumabas si Eugene. Simpleng umiling si Eugene habang papalapit sa kaibigan.
"Anong nangyari? Wala ba siya diyan sa loob?" Tanong ni Julianne.
"Hindi ako nagpakita sa kanya." Wika ni Eugene.
"Huh? Bakit naman? Akala ko ba -----" putol na wika ni Julianne
"Mas mabuting hindi na muna kami magkita." Wika nang binata.
"Hindi ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko sa kanya. Kapag nagpakita ako sa kanya guguluhin ko lang ang utak niya. Kaya mas mabuting huwag na." wika ni Eugene at sumakay sa kotse.
Hindi naman nagsalita si Julianne at sumakay din sa kotse. Tumuloy sila sa paguwi sa mansion. Sabi ni Eugene magpapaalam siya sa kanyang kapatid at ibibilin din nito kay Butler Lee na higpitan ang siguridad sa silid ni Aya. Marami nang nangyayari sa kapatid niya at kailangan nito nang dagdag na bantay.