アプリをダウンロード
50% I Will Conquer The Heavens / Chapter 3: Chapter 2. Pagkamulat

章 3: Chapter 2. Pagkamulat

Ika-5 buwan sa ika 5011 taon ng Azure Calendar.

"Kuya Nigel sama ako mamaya pag nangisda kayo sa lawa ha?

"Naku sa susunod na Skyler magsasanay kasi kami simula ngayon,dahil sa loob ng dalawang buwan na ang Torneo ng bawat angkan,at isa ang kuya Nigel mo sa kakatawan sa ating angkan." may pagmamalaking sagot ni Nigel ky Skyler.Magpinsan si nigel at skyler at simulat sapul pa ay ito na ang pinakamalapit dito.

Kahit kasi si Nigel ang pinaka-talentado sa mga batang henerasyon sa kanilang angkan ay mabait ito.Hindi katulad ng iba pa nilang pinsan.

"Wow!tagala kuya?"halos lumuwa ang mata ni sky sa tuwa sa narinig..

"Ang galing mo talaga kuya nigel,sana ako din balang araw maging kinatawan din ako ng angkan natin"

"Hmp!wag na kang mag ambisyon pa.kahit ano pang gawin mo wala kang Dantian kaya habambuhay ka ng basura." saad ng matabang bata na nasa likuran ni Nigel.

Naikuyum nalang ni skyler ang mga kamao nya sa narinig.Hindi niya magawang mapikon dahil totoo naman ang sinabi ng kaharap. Wala siya halos naririnig na mga masasakit na salita mula sa karamihan ng mga myembro ng kanilang angkan dahil sa ang kanyang ama ang pinuno dito.Ngunit ramdam naman ni skyler na pinagtatawanan at hinahamak siya ng mga ito dahil sa kanyang kalagayan. Lalo na ang pinsan nitong si Lei na anak ng pangalawang pinuno ng kanilang angkan.

Nang makita ni Nigel ang reaksyon ni Skyler ay sinamaan nya ng tingin ang matabang bata.

"Ulitin mo ang sinabi mo nang malaman natin kung sino ang totoong basura dito Lei,wala akong pakialam kahit anak kapa ng ikalawang pinuno." galit na sambit ni Nigel..

Namutla si Lei sa sinabi ni Nigel.Oo nga naman kahit siya pa ang anak ng ikalawang pinuno ng angkan nila ay tiyak walang gagawin ang angkan nila pag sinaktan siya ni nigel, dahil ito ay kinikilalang ang kinabukasan ng kanilang angkan dahil sa taglay na talento nito.Sa edad na 12 taong gulang ay naabot nya na ang ikalawang level ng warrior rank.Isang henyo si nigel kahit pa sa buong probinsya ay wala halos makatalo sa kanya na kaedad nya kaya ganun nalang siya alagaan ng kanilang angkan.

"Lalakas ka din sky at siguradong malalampasan mo pa si kuya magsikap ka lang sa pagsasanay." nakangiting saad nito sa nakababatang pinsan punong puno ito ng sensiridad..

Dahil sa sinabi ng itinuturing niyang kuya ay lalong umalab ang pagnanasa ni Sky na magsanay kaya pag uwi niya ng bahay..

"Ama,ina gusto ko pong magsanay para maging malakas ako tulad nyo at ni kuya nigel."

Natigil sa pagkain ang mga magulang ni skyler sa sinabi nya.Nagkatinginan ang mga ito at ngumiti.

"Talaga anak?."

"Hmm.hmmm"nakangiti ito habang pa tango tango sa mga magulang niya..

"Payagan nyo po akong magsanay Ama pakiusap po?"

Huminga nalang ng malalim si arthur sa tinuran ng anak.Ayaw nya man dahil alam nyang walang masyadong mararating ang anak niya dahil sa kalagayan nito pero sino bang magulang ang makakatanggi sa nag iisa nilang anak?

"Anak nakakapagod ang magsanay sasakit ang katawan mo.Maglaro ka na lang kasama ng iba mong pinsan at pagdating mo sa tamang edad pupunta ka sa kabisera at mag aaral ka ng pagiging doktor o kaya inhenyero." may pag aalalang saad ni Lady lianne.

"Ayoko ko pong makipaglaro sa kanila,lagi nalang nila akong tinatawag na basura at pag nag doktor ako hindi ko na masusundan ang yapak nila ama at kuya nigel." maluha luhang sagot nito sa ina.

"Pero anak-

"Alam ko po wala akong Dantian wala akong mararating kaya ayaw nyong masayang lang ang pagod ko sa pagsasanay ama,ina pero hindi ako susuko may paraan pa.".sa pagkakataong ito ay tumutulo na ang luha ni Sky.

Umiiyak siya hindi dahil malungkot siya o kaya nasasaktan siya sa mga sinasabi ng iba laban sa kanya.Napapaluha siya sa galit dahil sa musmos niyang isip ay batid niyang kagagawan ito ng mga diyos.Yun ang itinanim nya sa kanyang murang isipan.Kasalanan nila dahil hindi nila binigyan ang tulad niya ng pagkakataong lumakas tulad ng iba.

Bumuntong hininga na lang si arthur sa nakikita niyang determinasyon ng kanyang anak kung normal lang sana ang anak niya, kung nabiyayaan lamang sana ito kahit katiting na talento.

"Sige anak papayagan kitang magsanay pero makinig ka sa akin ha?may paraan para lumakas ka pero hanggang sa tuktok lang ng foundation rank ang pinaka mataas na mararating mo, dahil ang susunod na ranggo ay nangangailan na ng Qi kaya wag mo sanang pilitin pa balang araw."seryosong paliwanag ni arthur sa anak.

Nagliwanag ang mukha ni Skyler nung marinig niya ang sinabi ng ama.Masaya na siya sa ngayon kahit Foundation rank lang ang kaya niyang marating.Saka na niya iisipin kung papaano siya tatapak sa susunod na ranggo ang mahalaga nakakita siya ng pag asa.

"Halika kumain ka muna anak,bukas na natin pag usapan ang tungkol sa iyong pagsasanay."nakangiting wika ng kanyang ina.

"Naku!.ang baby ko lumalaki na talaga."dagdag pa nito habang ginugulo ang buhok ng anak.

--------

Kinabukasan sa loob ng kanilang training room..

"Ito anak isuot mo ito at wag na wag mong tatanggalin kahit ano pa ang mangyari." Saad ni arthur

"Agghh ang bigat pala nito ama."

"Hahaha ang bawat isa niyan ay may timbang na tig 5kilo para sa kamay 10kilo para sa mga paa at dahil bata kapa ay 10kilo din para sa katawan."natatawang saad ni arthur habang ikinakabit sa anak ang mga pabigat sa katawan.Sinadya nya talaga ito para mapagod si Skyler at sumuko ito.

"Sige na anak ikutin mo ang nayon natin sa loob ng isang araw sa bawat sampung ikot mo ay saka ka lang magpahinga ng 30minuto"

"Opo" agad naman tumakbo si skyler at sinimulan ang pagsasanay.Halos mawalan ito ng balanse dahil may kabigatan ang kanya suot para sa 10 taong gulang.

Makalipas ang 7 ikot ay halos mawalan na ng malay si Skyler sa pagod.Nahihilo na rin siya..

"Ha..ha.ha..tatlong ikot na lang makakapagpahinga na ako." halos labas dilang sambit nito habang halos mawalan na ito ng balanse sa paglalakad hindi na ito tumatakbo pa..

"Mahal ko hindi ba sobra naman yata ang pinapagawa mo sa anak natin?"may pag aalalang tanong nito sa asawa.

"Sinadya ko talaga yan para sukatin ang kanyang determinasyon mahal ko. Mahalagang malaman niya ngayon pa lang na hindi biro ang kanyang tatahakin kung ipipilit niya talagang maging adventurer." Sagot ni arthur sa asawa.

"Isang ikot na lang malapit na akong matapos..ha.ha.ha konti na lang".hingal na hingal na saad ni Skyler sa sarili..

"Sssampu,sa wakas makakapagpahinga na rin."

Nakasalampak na sa lupa si Skyler sa sobrang pagod.Hindi niya na halos maramdaman ang kanyang mga binti sa sobrang manhid.Naisip niya na hindi pala talaga madali maging malakas pero kayang kaya na ito hindi siya susuko..

"Anak tama na yan gabi na"

Nasa gitna ng pag iisip si Skyler ng tawagin siya ng kanyang ama,nagulat pa siya dahil hindi nya namalayan na dumidilim na pala.Pagod man at masakit ang katawan ay dahan dahang tumayo ito at naglakad papunta sa kinaroroonan ng ama.

"Halika buhatin na kita anak sumampa ka sa balikat ko tulad ng dati nung maliit kapa."nakangiting sabi ni arthur sa anak..

Masaya si arthur sa determinasyong ipinakita ni Skyler sa kanyang pagsasanay galak na galak siya kahit hindi man marating ng anak niya ang tuktok ng daigdig ay nasisiguro naman niyang magiging angat ito sa ordinaryong tao.Nagkukulitan pa sila habang pauwi.Nagkukunwari pang ibon si arthur at ikinampay ang mga kamay habang nakasakay si skyler sa balikat nito.

Nang marating nila ang kanilang tahanan ay ipaghanda ni liane ng espisyal na paligo ang anak.Inihalo niya ang mga espisyal na halamang gamot na red mettalic leaf na kayang patibayin ang katawan ng tao at ginseng na kung tawagin ay Renshen isa itong ugat na kayang pakalmahin ang serkulasyon ng dugo at irelax ang mga laman.Mainam itong gamitin pagkatapos ng pagsasanay.

Agad na nakatulog si skyler habang nakalublub siya sa maligamgam na tubig dahil na rin sa sobrang pagod.Hindi namamalayan ni skyler ang pagbabago na nangyayari sa kanyang katawan,umuusok ito at tila nasusunog dahil nagkulay pula ang kanyang balat,kumukulo rin ang tubig na kanyang kinalalagyan.At parang may kumislap sa bahagi ng kanyang katawan kung nasaan dapat nakalagay ang kanyang dantian ngunit pagkalipas ang ilang sandali ay bumalik din sa normal ang lahat..

Wala ring kamalay malay si skyler sa isang pares na mata ang kanina pa nakatingin sa kanya..

"Hahahaha kahanga-hanga ka talaga bata.kahanga-hanga."bulong ng nilalang sa kanyang sarili habang unti unti itong naglalaho.

-----

Lumipas ang mga linggo tuloy tuloy pa rin si Skyler sa pag ikot sa kanilang nayon suot ang mga pabigat sa katawan ngunit hindi tulad ng dati ay lampas triple na ang bigat na suot nito .Aabot na ito sa halos 150jin at hindi na rin siya hirap maglakad bagkus ay tumatakbo pa nga ito..

"Magandang araw po ginoong tomo" bati ni skyler sa nagtitinda ng karne nang makasalubong nya ito..

"Magandang araw din iho..naku ang sipag mo talagang magsanay kaninang umaga pa kitang nakikitang tumatakbo a?"sagot na bati naman ng matanda.

Hindi na sinagot ni skyler ang sinabi ng matanda dahil medyo nakalayo na siya..

"Subukan ko kayang pumunta sa gubat? Nakakasawa ng pa-takbo takbo nalang ako,subukan ko namang manghuli kahit mahihinang magical beast lang."sabi niya sa kanyang isip..

Pumunta nga sa gilid ng gubat si skyler,marami siyang nakasalubong ng magical beast pero mahihina lang ang mga ito at mabilis na umiiwas pag nakikita siya..

"Ano ba yan bat kayo tumatakbo?.Nasasayang lang yung pagod ko sa inyo."dismayadong saad niya..

Patuloy lang siya sa kanyang paglalakad hanggang may narinig siyang iyak ng isang pusa.Hinanap niya ang pinanggagalingan ng iyak hanggang sa makarating siya sa harap ng isang malaking puno.Nagulat siya sa nakita niya isang malaking puting ahas ang nakaambang kakainin ang maliit na pusa.Ang ahas na ito ay isang batang wind serpent na may antas na 7 level foundation rank lamang pero kung nasa tamang edad na ang ahas na ito ay aabot ito sa earth rank.

Aalis na sana si skyler dahil ayaw ng makita siya ng ahas at baka madamay pa siya.Wala siyang karanasan sa pakikipaglaban maliban sa sparring nila ng ama niya,kaya natatakot din siya.Pero nung paalis na siya ay tinitigan siya ng pusa na para itong nagmamakaawa.At dahil likas sa mga bata ang pagiging maawain ay naantig siya sa tingin nito biglang kumuha ng malaking bato si skyler at ibinato niya ito sa ahas.

Nagulat man siya dahil hindi niya inaasahan na makakaya niyang buhatin lalo na ang ibato ang napakabigat na bagay na yun ay wala na siyang oras para mag isip pa,hindi ininda ng ahas ang pagtama sa kanya ng bato at lumingon ito kay skyler at dali daling sumugod.

Bumuga ito ng puting malapot na likido patungo kay skyler pero naging alerto naman siya kaya bigla siyang tumalon para umiwas,nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahan na makakatalon siya ng ganun ka taas halos 30metro ang taas ng kanyang talon.Pero yun lang pala ang hinihintay na pagkakataon ng ahas at bumuga uli ito ng likido, sapul ang kaliwang braso nito

Bumagsak sa lupa si skyler habang namimilipit sa sakit dahil parang napaso ang kanyang braso.Habang siya ay patayo bigla namang lumitaw ang ahas sa kanyang likod at hinampas siya nito ng kanyang buntot.

"Ahhhggg"tumilapon si skyler at nabali pa ang 2 puno kung saan siya tumama.Pero imbis na mawalan ng pag asa kay natuwa at nagalak pa siya dahil sa wakas ito pala ang pakiramdam ng nakikipag laban napakasaya.Tumayo siya mula sa pagkakabagsak..

"Hoy bulate hindi pa ako patay"sigaw ni skyler sa ahas sabay tanggal ng mga pabigat niya sa katawan.

"Katay ka saken ahas ka"nakangiting sambit niya habang may tumutulong dugo sa kanyang labi..

Patakbong sumugod si skyler sa ahas at dahil sa sobrang bilis nito ay halos hindi na siya makita pa ng ahas.Ito na ang resulta ng kanyang pagsasanay,resulta ng araw araw niyang pagtakbo suot ang napakabigat na kasuotan.Biglang sinipa ni skyler ang ahas at tumalsik ito at nabali pa ang maraming puno sa tinatamaan nito.Dinampot niya ito at inihampas hampas sa lupa tsaka inihagis ng buong lakas.Tuwang tuwa si skyler sa resulta ng paghihirap niya.Sa wakas narating na niya ang foundation rank hindi nga lang siya sigurado kung anong level na siya.Pero isa lang ang sigurado hindi na siya basura ito na ang simula ng pagbabago ng kapalaran niya.

Pero hindi rin ganun kadali mapatay ang isang wind serpent matibay ang balat nito at flexible ang katawan kaya halos walang butong nabali.Pero sa halip na sumugod ay bigla nalang gumapang papalayo ang ahas.

"Hoy bulate saan ang punta mo? Naduduwag ka ba?"sigaw niya dito.Pero parang walang naririnig ang ahas at tuloy-tuloy pa rin ang paglayo nito.

"Akala mo makakatakas ka?"biglang binuhat ni skyler ang isang malapad na bato na may 5 metro ang lapad tumakbo siya patungo sa ahas at buong lakas niya itong inihampas sa ulo nito at dahil nanghihina ay hindi na nagawang umiwas pa ng wind serpent pisak ang ulo nito.

Hingal na hingal si skyler pagkatapos ng laban nila ng wind serpent hinawakan niya ang buntot nito at hinila.Balak niya itong dalhin sa nayon nila para mapakinabangan.Nang tumapat siya sa harap ng pusa tiningnan niya ito.

"Umuwi ka na,wag kang pa gala gala dito maraming kakain sayo dito."buong kainosentihan niyang pangaral sa maliit na pusa.Tuwang tuwa siya habang papauwi gusto niyang maipagmalaki sa kanyang mga magulang ang napatay nya.Kahit pagod siya at masakit ang katawan ay tiniis niya ito ng...

"Meeoww" biglang napalingun si skyler at..

"Kuting umuwi kana wag kang sasama sa akin baka hanapin ka ng mama mo"kamot ulong saad nito.Pero kahit anong taboy niya ay nakasunod pa rin ito sa kanya kaya hinayaan niya na lang ito.

Pagdating sa tarangkahan ng nayon ay nabigla ang mga tao sa nakikita nila.Isang paslit ang may hilahilang patay na puting ahas na may habang 20 metro.At ng nakita nilang si Skyler ang may hila-hilang ahas mas lalo silang nabigla pero meron din naman natuwa dahil nasaksihan nila kung gaano ito ka determinado sa kanyang pagsasanay..

"Tsk.Para ayan lang..anong nakakamangha dyan isa lang yang mahinang magical beast?"inis na sambit ng isa niyang pinsan.

"Eh kahit pitikin ko yan patay na agad yang ahas na yan eh"gatong namang ng isa pa.

------

"Pinuno..Lady Liane."sigaw ng isa sa mga katulong nila.

"Anong nangyari hilda?"natatarantang tanong naman ni liane.

"Si master Skyler po."hindi magkamayaw na tugon ng katulong dahil siya man ay natataranta sa nabalitaan niya mula sa isang taga nayon na dali daling pumunta s bahay nila.

Hindi na nagtanong pa si arthur at agad siyang tumakbo papalabas ng bahay nila.Sobra ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa hindi maganda ang nasa isip niyang nangyari sa anak nila.Habang ang kanya ding maybahay kay halos mangiyak-ngiyak na sa sobrang pag aalala.

At ng makita ni arthur kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng kanilang katulong ay halos lumundag ito sa galak.Samantala ang asawa naman nito ay patakbong sinalubong si Skyler at niyakap ito ng mahigpit..

"Anak ko ok ka lang ba?..nasaktan ka ba anak?"sunod sunod na tanong nito sa anak.

"Ok lang po ako ina."tugon ni Sklyer sa ina na halos pabulong na dahil sa sobrang pagod.

"Anak ikaw ba ang pumatay sa wind serpent na yan?"sabat naman ni arthur.

Tanging tango at ngiti nalang ang naitugon ng bata dahil sa pagod at bigla itong nawalang ng malay.Nag sisigaw na naman si liane sa sobrang takot pero kumalma naman ito ng sabihin ng asawa na kailangan lang magpahinga ng anak nila.

Habang natutulog ay mayroon na naman kakaibang nagyari sa katawan ng ni skyler.Nawala lahat ng pasa at mga sugat nito na para bang walang nangyari.Napansin din ito ni liane ng lapitan niya ang anak upang punasan ito ng katas ng halamang gamot.

"Mahal halika tingnan mo ang katawan ng anak natin."tawag ni liane sa asawa.

At ng suriin ito ni arthur ay siya man ay namangha..

"Hindi pa talaga kinalimutan ng mga diyos ang ating anak mahal ko."buong kagalakan niyang saad kay liane..

Habang manghang mangha ang mga magulang ni skyler sa kakaibang nangyayari sa kanya ay hindi nila namamalayan ang isa nilalang na nkalutang sa labas ng kanilang bahay at kanina pa nakamasid.

"Nakakatuwa..nakakatuwa talaga unti unti ng lumalabas."nakangising sambit ng nilalang..

"Malapit ng muling lumipad ang dragon patungo sa kalangitan.hahahahaha.malapit na.hahahaha" habang unti unting naglalaho..

----

Kinabukasan tanghali na nang nagising si Skyler, pagmulat ng mata niya ay napansin niyang parang ang sigla ng kanyang pakiramdam parang lumakas siyang lalo.At pagbaling niya ng kanyang paningin ay nakita niya ang pusang naka.upo sa tabi niya na para bang binabantayan siya..

"O bakit andito ka?hinahanap kana ng magulang mo kuting."

"Meooow"tanging ito lang ang isinagot ng pusa habang at dinilaan nito ang kanyang sarili..

"Nga pala ngayon ang torneo..naku baka tapos na yun"dali daling lumabas ng silid si skyler at tumakbo papunta sa pinagdadausan nito.Hindi niya na napansin ang kanyang ina sa kakamadali niya..

Rinig na rinig niya ang hiyawan ng mga manunuod mula sa kanyang kinalalagyan.Maikli lang naman ang torneo dahil apat lang na angkan ang maglalaban ang Blue dragon clan,Mystic serpent clan na nakatira sa kapatagan,ang Hong clan na malapit sa dagat at ang Poison Frog sect.Kada 2 taon ginaganap ang torneong ito.Ito ay tradisyon na pinangungunahan ng mahistrado ng probinsya ng Chu upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng 4 na paksyon na ito.Ang magkakampeon ay siyang tatanghaling mamumuno sa buong probinsya.Maliban lang sa mahistrado na nakakataas sa kanila dahil siya ang representante ng hari..

Ng makapasok nga si Skyler sa arena ay nasa huling bahagi na ito ng torneo.Ang kanilang angkan ay nakapasok sa huling bahagi at ang makakalaban nila ay ang Poison Frog cult na hindi naman talaga angkan kundi isang Sect ng mga adventurer na gumagamit ng lason..

Sa loob ng 30 taong ay ang Blue dragon clan ang na namumuno sa probinsya ng Chu at ngayong taon ay susubakan uli nilang manalo..

"Ito na ang huling laban sa torneong ito.At ang mananalo ay tatanghaling kampeon at mabibigyan ng pagkakataong mamuno sa buong Chu sa loob ng 2 taon."anunsyo ng referee na may katandaan na.

"Alam nyo na ang patakaran sa labang ito ang unang sumuko o mawalan ng malay ay talo."

Ang unang lalaban ay umakyat na sa entablado."dagdag pa nito.

"Sandali." Putol ng isang matandang lalaki sa panig ng Poison Frog sect.

"Mas maigi siguro kung ang pinakamalakas na lang sa bawat kupunan ang maglalaban para naman isang basura lang ang mawala kawawala naman ang kabilang angkan kung mauubos lang ang mga TALENTADONG basura sa angkan nila.hahahaha"

"Anong sabi mo?tayo nalang ang maglaban ng madurog ko yang pagmumukha mong matanda ka?"galit na sagot ni Lee..

"Hahahaha"halakhak lang ang isinagot ng matanda sa hamon nito.

"Tama na yan elder Daimon, Elder Lee."biglang saway ng isa sa komandante na kasama ng mahistrado.

Agad namang kumalma ang dalawa at humingi ng paumanhin.

"Sige na Nigel umakyat kana."kalmadong utos ni arthur kay nigel.

"Kuya galingan mo"

Nagulat pa si nigel at arthur.dahil biglang sumigaw sa likod nila si Skyler.Nag thumbs up na lang si Nigel at ngimiti bilang tugon niya dito.

"Gising ka na pala anak,..halika tumabi ka sa akin panuorin mong mabuti ang kuya mo."may pagmamalaki pang saad nito.

Sa panig ng Poison Frog naman ay isang matipunong bata na nasa 13 gulang ang umakyan sa entablado-Gareth ang pangalan nito.Sinasabing 10 taon pa lang ito ng makatapak sa warrior rank at bihasa itong tagapaslang kahit sa murang edad nito.

Sa kumpas ng referee ay agad sumugod si Nigel hinampas niya ang kanyang malaking palakol sa kalaban.Agad namang nakaiwas si Gareth sadyang napakaliksi nito pero hindi siya tinitigilan ni Nigel hanggang sa nakatama ito pero nasangga naman ito ng kalaban.Sa lakas ng atake ni nigel ay napaatras ng mahigit 30metro si gareth at nawasak pa nito ang sahig dahil bumaon ang mga paa nito.

"Hahaha ano yan lang ba ang kaya nyo?"pang aasar ni Lee habang nakatingin sa matanda.Pero ang kaninang madaldal ay ngayon tahimik itong nanonoud at pa ngiti ngiti lang..

"Malakas ka."sambit ni gareth habang himas himas pa ang braso nito.

"Hmp"ito lang ang reaksyon ni nigel at muli itong sumugod sa kanyang kalaban.Iwas lang ng iwas ang kalaban habang pangiti ngiti lang na para bang nang aasar pa.Inilabas ni Nigel ang kanyang aura at itinuon ito sa kanyang palakol.

"Ayan na gagamitin niya na."sambit ni arthur sa kanyang sarili..

"Sige Nigel ipakita mo sa kanila ang bunga ng ating pagsasanay."sigaw naman ni gabriel na siyang master ni nigel.

"Ano pong nangyayari kay kuya ama?"tanong ni Skyler ng makitang nagliliwanag ang katawan ni nigel.

"Panourin mong mabuti Sky anak"

Biglang tumalon ng napakataas si Nigel at...

"Yama's Wrath"

Buong lakas na inihampas ni nigel sa kalaban ang nag aapoy niyang palakol at ng tumama ito kay gareth ay nagkaroon ng isang napakalakas na pagsabog.Nagkaroon din ng malaking butas ang entablado kaya naman nagkaroon ng makapal na usok sa ibabaw nito.

"Tapos na ang laban."nakangiting bigkas ni gabriel..

"Hindi pa..tingnan mong maigi"saad naman ni arthur

Nagitla ang lahat sa nakita nila.Sa lakas ng ataking yun ang akala ng lahat na tapos na ang laban at nanalo na ang Blue dragon clan.Kahit si Skyler ay kumikislap ang mabibilog na mga mata nito dahil sa galak sa laban na nasasaksihan niya.Pero mali sila hindi pa tapos ang laban.

"Anong..papaanong nangyari?"pagkabigla ni gabriel ganun din ang ibang manunuod sa panig ng Blue dragon.Samantalang nakangiti pa rin si elder daimo.

Pagkahawi ng usok ay makikitang sinalag lang ng isang kamay ni Gareth ang ataking yun at ngayon ay nababalutan siya ng maitim na aura.

"Hihihi yun lang ba ang kaya mo,basura?"

Nang makabawi mula sa pagkabigla ay agad na tumalon palayo si nigel.Pero agad siyang sinugod ni gareth napakabilis nito hiwa dito saksak duon samantalang si nigel naman ngayon ang iwas ng iwas.Halos magkapantay lang sila sa bilis kaya sadyang nakakamangha ang laban nila.

Gumanti naman ng pag atake si Nigel bigla itong nawala at lumitaw sa likod ng ka yang kalaban sabay sipa pero isang anino lang pala ang kanyang natamaan..

"Huli ka"

Isang hiwa sa tumama sa braso ni nigel.Agad sumirit ang maraming dugo nito at agad itong namanhid at nangitim.

"Hahahaha ayan na hahaha"muling umataki si gareth at tinamaan nito ang isang paa ni nigel.At ganun din ang nangyari namanhid ito at sobra ang pagdurugo.

Hindi ordinaryong sugat ang natamo ni nigel sapagkat itoy may lason na pinapamanhid ang katawan pero pinapalakas naman ang daloy ng dugo..Habang halos mawalan na ng balanse si nigel dahil sa dami ng dugo ang nawawala sa kanya ay bigla naman siyang nakatanggap ng sipa mura kay gareth tumilapon ito at tumama sa pader ng arena at nadurog nya pa ang bahagi nuon.

"Tama na."sigaw ni arthur pero hindi siya pinapansin ng referee.

"Hahaha baka nakakalimutan nyo na ang pagsuko ng manlalaro mismo o pagkawala ng malay lamang ang paraan para matapos ang laban nila."nang uumay pang humalakhak si Daimo.

"Sandali..kaya ko pa"saad ni nigel.

Habang si Skyler naman ay hindi makagalaw sa takot na nararamdaman para sa kanyang kuya..

"Ayaw ko sanang gamitin to"nag usal ng orasyon si nigel at...

Bumigat ang hangin sa paligid at nagsigalawan ang mga maliliit na nadurog na bato..

"Titanium heavenly body."sigaw ni Nigel at naging kulay bakal ang katawan nito at parang may singaw ng mainit na hangin ang lumalabas dito.Umangat din ng 4 na level ang ranggo nito.Nakaramdam ng takot si gareth ng maramdaman nya ang biglang paglakas ng kapangyarihan nito.

"Ang isa sa kayamanan ng ating angkan ang Titanium heavenly body technique"sambit ni lee.

"Ngayon sigurado na ang panalo natin."si gabriel..

"Uunahan na kita."sigaw ni gareth habang papasugod kay nigel lumaki ang patalim nito habang nababalutan ng itim na aura.Buong lakas niyang sinaksak sa dibdib si nigel subalit hindi ito tinablan.

Gumanti naman ng isang suntok si nigel at tinamaan ang tagiliran ng kanyang kalaban tumilapon ito at sumuka ng dugo.Pero hindi pa tapos si nigel agad siyang tumakbo ng mabilis patungo kay gareth at tinuhod niya ito sa mukha.

"Ahhgggg."sigaw ni gareth sa sakit.Naglaglagan pa ang kanyang mga ngipin.Hinang hina at sobrang sakit ng kanyang mga pinsala ay napaluhod ito.

Nang makita ito ni Nigel ay nawalan na siya ng gana at humarap siya sa referee at nagwika ng....

"Tapos na..hindi na siya makakalaban pa."

Ng marinig ito ng referee at nakitang wala ng lakas pa si gareth lumaban ay...

"Ang nanalo..mula sa Blue Dragon clan."

Naghiyawan ang mga manunuod.

.Habang pababa na sana si nigel ay bigla siyang inatake ni gareth ngunit laking gulat niya ay hindi siya makagalaw ng isang sandali-hinfi siya makakaiwas

"Soul-eating Poison."hindi na nakailag pa si nigel at tumama ito sa kanyang dibdib.Nang makagalaw na ay sumiklab ang kanyang galit dahil sa patraydor na atake ni Gareth sa kanya.Hinampas niya ito ng palakol at dahil wala ng lakas pang umiwas ay tinamaan siya nito.

Nagka lasug lasug ang katawan ni gareth,ang ulo nito ay tumilapon sa harapan ni elder daimo at ang katawan naman nito ay nadurog kaya nagtalsikan ang laman loob nito at nagkalat sa ilang bahagi ng arena.May mga babae ang nahimatay sa nakita.Ang referee naman ay hindi nakagalaw agad dahil sa bilis ng pangyayari.

Nahimasmasan lamang ang lahat nung bigla nilang narinig ang sigaw ni Skyler....

"KUYA!!!.."

Nang tingnan ng lahat ang kinaroroonan ni Nigel ay nakabagsak ito at wala ng malay..

-----------------


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン