"Sweetheart, open the door..." muli niyang narinig ang pagkatok ni Gio sa pintuan ng kanyang silid.
Hindi sumagot ang dalaga. Marahas niyang pinahid ng palad ang luha sa kanyang pisngi at muling kinubabawan ng blanket ang sarili.
"Nads..." muling tawag ni Gio. "I'm coming in, okay?"
Naramdaman ni Nadine ang paglundo ng kama sa kanyang kanan, tanda na naupo roon ang binata.
"Talk to your dad first."
"I don't want to!"
Hinawi ng binata ang kumot na tumatakip sa kanyang mukha. "Listen to me, you're 16, hindi ka na sampung taon para umakto ng ganito. Talk to your dad para magkaintindihan kayo."
"Magkaintindihan?!" umupo si Nadine sa kama at niyakap ang mga binti, "walang dapat intindihin Gio! My dad is replacing my mom so soon! Bakit? Hindi ba niya kayang mabuhay ng walang babae?!"
"You're being unfair sweetheart," pinahid ng binata ng likod ng palad ang mga luha niya. "You probably won't understand this right now, but it's hard to be alone."
Suminghot si Nadine, "hindi naman siya mag-isa ah! Andito ako...ikaw..."
"Iba yoon," he sighed, "sandaling panahon na lang at magiging ganap na dalaga ka na, pagkatapos noon, mag-aasawa ka at magkakaroon ng sariling pamilya. Who would be with tito Ernesto then? Do you think your mom would like to see your dad sad and alone?"
"P-pero, kamamatay pa lang ni mommy..."
"Does it make a difference if it's two years or ten years, sweetheart? As much as it hurts all of us, alam nating lahat na hindi na babalik si tita Alice..." malumanay na paliwanag nito.
Hindi mapigilan ni Nadine ang mapahagulgol ng iyak sa narinig. He's right. Her mom is never coming back... hindi na muli pang mabubuo ang kanyang pamilya...
"Ssshh..it's okay..." puno ng simpatya ang tinig ni Gio. Kinabig siya nito sa sariling dibdib. "Let it all out and then talk to your dad..."
His body was warm and his arms seemed to assure her that she will never be alone in this life...that he will always be there for her.
"Tito's waiting for you downstairs. Go talk to him, alright?" Hinawakan nito ang kanyang baba at itinangala siya upang mag-abot ang kanilang mga paningin.
Muli siyang suminghot bago marahang tumango. Hindi niya alam kung bakit kapag si Gio na ang nagsalita ay para bang wala siyang lakas na salungatin ito.
******
6 Months Later...
"Akala ko ba sasamahan mo ako sa Maynila sa makalawa?" may hinampong akusa niya kay Gio. Nasa kantina sila ng paaralan at kasalukuyang nagmemerienda. Magbuhat nang mag-aral si Gio sa STU ay palagi silang magkasabay sa mga breaks, pwera na lamang sa mga pagkakataong hindi magkatugma ang oras nila dahil nasa kolehiyo na ito habang siya ay nasa high school, o di kaya naman ay kapag nagpipilit ang mga naging nobya nito na masolo ang binata.
"I know sweetheart, but Aubrey needed an escort to the wedding. May emergency daw 'yung talagang escort niya," Gio answered in an apologetic tone. "Babawi ako sa iyo, promise," itinaas nito ang kanang kamay tanda ng pangangako.
"So mas importante ang event ni Aubrey kesa sa ipinangako mo sa aking sasamahan mo akong pumili ng dress for my 17th birthday?" Sarkastiko ang tinig ni Nadine. It will be her 17th birthday in 2 months, at kagaya ng nakagawian ay parating nagbibigay ng magarbong party ang ama para sa kanyang kaarawan. Everything else was already in place, the theme, the caterer, the invites...except for her dress. Nangako si Gio na ipagmamaneho at sasamahan siya nito sa Maynila upang humanap ng damit.
"Hindi naman sa ganoon, Nads. May oras pa naman para lumuwas tayo. Your birthday is still 2 months away."
Inirapan niya ito. Lately ay hindi niya maiwasang mainis kay Aubrey dahil tila lagi itong nagpapansin kay Gio, and worse, Gio seems to be fond of that woman too! Hindi niya tuloy maiwasang magselos!
"Whatever!" Padabog siyang tumayo mula sa kinauupuan at hinablot ang bag niyang nakapatong sa lamesa.
"Sweetheart please..."
"Just don't talk to me muna," tinalikuran niya ito.
"Nads..." narinig niyang tawag ni Gio, lilingunin sana niya ito nang maulinigan ang tinig ng babaeng palapit.
"Hi Gio!" Masiglang tawag ng tinig. Nadine doesn't need to look to know whose voice it was. Aubrey.
"Nag snack ka na?" She heard the voice just behind her. Naikuyom niya ang mga kamay. Matalim niyang nilingon si Gio at hindi nga siya nagkamali, naroon na si Aubrey at nakadikit sa binata.
"Nads wait..." ani Gio, his face was weary, marahil ay bakas nito sa kanyang mga mukha ang matinding inis.
"Oh hi Nadine!" Si Aubrey. Matamis itong ngumiti sa kanya. Hindi niya alam kung genuine ang ngiti nito sa kanya o ngiting nang-iinis? She did not respond at sa halip ay iningusan ang dalawa. Tuluyan siyang tumalikod at iniwan ang mga ito.
Sa banyo siya nagtuloy. She closed the door behind her at isinandig ang likod roon. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Sobrang inis niya sa babaeng 'yon na pakiramdam niya ay gusto niyang sabungulin ang ulo nito! She gritted her teeth, hindi niya namalayang namasa ang kanyang mga mata. Damn those two!
Oh di magsama kayo! Nagrerebeldeng anang isip niya. Nagulat pa siya nang maramdaman ang basa sa kanyang pisngi. Inabot niya iyon ng kamay at pinahid. What the heck?! Naiiyak na siya sa inis sa dalawa! Just what's happening to her? Hindi na lang ba simpleng crush ang nararamdaman niya para sa binata? Tuluyan na bang nahulog ang batang puso niya rito?
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at inayos ang sarili bago lumabas. Nalilito siya sa nararamdaman. Yes, she's always knew that Gio was special to her, he was like her knight in shining armor. Alam rin niyang may malaking paghangang nasa kanyang damdamin magbuhat ng dumating ito sa kanyang buhay, ngunit ngayon ay tila higit pa sa isang simpleng paghanga ang naroon sa kanyang puso para sa binata, hindi niya alam kung ano ang maaaring itawag sa kanyang nararamdaman para rito. Is she just being possessive of him? Naiinis at nasasaktan siya kapag mayroong ibang babaeng pinagtutuunan ito ng pansin, habang daig pa yata niya ang lumulutang sa alapaap kapag kasama ito.
Oh my God... napahinto siya sa paglakad nang tila biglang matauhan.
Is she in love with him?
She placed her right hand on her chest and felt her heart racing. Lumunok siya. She'll be damned! She is in love with Gio! Sunod sunod ang ginawa niyang pagpuno ng hangin sa dibdib.
"Huwag ka ng magtampo sa akin, sweetheart."
Bahagyang napapitlag si Nadine nang walang ano-anong sumulpot si Gio mula sa kanyang likuran at inakbayan siya ng walang paalam. Para siyang nakuryente sa pagdaiti ng balat nito sa kanya. She briefly closed her eyes as her nose was assaulted by his delicious scent - musky and fresh with his natural male scent.
Naku Nadine! Umayos ka ha! Piping saway niya sa sarili. Ano ba naman itong nangyayari sa kanya at ngayon ay parang napapaso siya sa pagkakalapit nila ni Gio, samantalang kung makalambitin siya sa mga braso nito noon ay wagas.
Eversince she's realized she's in love with him, her perspective around him totally changed, she couldn't help feeling overly conscious whenever he's around, ang batang puso ay nangangarap na sana ay makita siya ng binata bilang isang dalaga at hindi lamang ang kababata nitong si Nadine.
Disimulado siyang umalis mula sa pagkakaakbay nito at nagpatuloy ang paglalakad. Uwian na ng hapon at nagpaalam siya sa amang mahuhuli ng pag-uwi upang tapusin ang research niya sa science.
"Hey, are you still mad at me?" Habol ni Gio sa kanyang likuran.
She didn't respond at mas lalong binilisan ang lakad patungong library.
"Nads..." inabot nito ang siko niya at marahan siyang binaltak palapit rito. Dahil sa hindi niya iyon inaasahan ay halos nawalan siya ng panimbang. Sa isang iglap ay naalalayan siya ng mga bisig ni Gio.
She silently gasped. Gio's face was near hers as he cradled her back with his arms. None of them spoke any words but their eyes locked, and for the life of her! Hindi niya magawang putulin ang pagkakatitig sa mga mata ni Gio even if her life depended on it! Tila siya nahihipnotismo ng mga matang iyon.
"G-Gio..."
Si Gio ay tila biglang natauhan at marahan siyang inalalayang patayo.
"Lampa ka pa rin," he teased.
"Hmp!" Iningusan niya ito at tinalikuran upang hindi nito makita ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Huwag ka ng magalit..."
"Sino ba may sabing galit ako?" Supladang sagot niya.
"Ok. Hindi galit pero tampo? Huwag ka ng magtampo sweetheart," his voice was tender and for some reason, may kakaibang hatid na damdamin sa kanya ngayon ang endearment na iyon na palagiang tawag nito sa kanya.
"Nope. I'm okay," she forced a smile. "Magpapasama na lang ako kay Alwin," aniya na ang tinutukoy ay ang isa sa mga kaklase ni Gio sa Business Administration na nanliligaw sa kanya.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata, "Alwin?"
She nodded, "well hindi available sina Nicole that day so I guess I have no choice. Alwin offered to go with me dati pa, but then you said you'll go with me so..." ibinitin niya ang katuloy na sinasabi at muling tinalikuran si Gio upang maglakad.
"Hold up sweetheart," mabilis na muling nahawakan ni Gio ang braso niya. "So you're telling me you are going on a date with that asshole?"
Napataas ang magkabilang kilay ni Nadine, "asshole?" She repeated in disbelief. Kailan pa nagkaroon ng galit si Gio kay Alwin? "You never said anything about him before?" Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito.
"That's because I know you're not interested in him!" Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok.
"And so what if I'm interested in him? Wala namang masama roon di ba? I'm almost 17 anyway, daddy will not be-"
"But I don't want you to like that bastard!" Angil ni Gio sa kanyang pagkabigla.
Is Gio really getting mad at her dahil iniisip nitong makikipag date siya sa iba? Does it mean na may pagtingin din sa kanya ang binata? Is he being jealous?!
"B-bakit ayaw mong ma...magustuhan ko si...si Alwin?" Pigil hiningang tanong niya. Her heart pounding wildly in her chest.
She heard Gio exhale loudly, tumingala ito na tila pinipilit hanapin ang kasagutan sa tanong niya bago pumihit paharap sa kanya. His eyes were locked into her eyes, and for a moment, hindi malaman ni Nadine kung galit ba ang nasalamin niya roon.
Say it... please say it Gio... tell me that you like me...
She gulped. Wala ni ano mang katagang lumabas sa mga labi ni Gio ngunit nanatiling nakahinang ang mga mata nito sa kanya. She opened her mouth to say something but she couldn't find the words either, her lips just remained slightly parted as she stared at his beautiful face.
Nagulat pa siya nang marinig ang mahinang pagmumura nito kasabay ng pagtatagis ng mga bagang.
"Why are you so upset about this? Nag... nagseselos ka ba?" Lakas loob na tanong niya.
Gio drew in a breath. "Iniingatan lang kita, sweetheart..."
"Then ditch Aubrey and come with me."
"Nadine naman..."
Ang pag-asa sa puso ni Nadine ay napalitan ng inis at panibugho. "If you can't ditch that Aubrey, 'wag mo rin akong pakialaman sa kung sino ang gusto kong i-date!" Hindi na niya hinintay ang sagot nito at padabog na naglakad palayo.
Damn you Gio! Damn you for making me feel this way!